Friday, June 22, 2007

Olympics is Coming


Next year na pala ang Olympics sa Beijing, China. Pero wala akong pakialam dun, kasi may Olympics din daw sa mundo ng mga diyos at diyosa. At ganun din next year na rin. Kinukulit nga ako ng aking ina na sumali daw ako dun. Kaya naman nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap.

"Anak, sumali ka kaya sa Olympics of the gods." ang suhestiyon ng aking diyosang ina.

Syempre nagulantang na naman ako, "Huh? Merong ganun? Nagjojoke ka ba?" Gusto ko na talagang lumagapak sa katatawa.

"Di ako nagjojoke anak, meron talagang ganun." sagot niya.

Naloloka na yata ang mommy ko, una diyosa raw siya at demi-god na nga ako, tapos heto may olympics pa para sa amin. "Kung sasali ako, wala naman akong alam na sports na pwedeng salihan." ang aking tugon ko sa kanya.

"Kaya nga ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo para magstart ka na ng training mo."

Tumahimik. Nag-iisip ako. Ano ba ang alam kong sports? Ano ba hapunan mamaya? Malapit na pala ang Transformers Movie. "Ma! Wala akong alam na sports!" ang sabi ko sa kanya.

"Meron yan anak, hanapin mo sa sulok ng iyong puso." sagot niya na kumikislap-kislap pa ang kanyang mga eyes.

"Mi naman, ang deep mo naman! Jologs ha." reaksyon ko sa sinabi niya. "Siguro kung pagwapuhan lang, kaya kong higitan si Adonis sa kagwapuhan."

"Anak!? Walang ganun sa olympics! Magbasa ka nga sa Wikipedia!"

Isip pa ulit ng sports na alam ko. Shocks! Ang hot ni Anna Kournikova. "Sige ma, meron bang solitaire sa olympics?"

Nagulat na parang nakakita ng pinagkakautangang bumbay ang aking ina, "Hello? Anak, solitaire?" pagtataka niya. "Are you out of your mind?"

Siya nga yata ang wala sa katinuan, "O sige, cross-stitching na lang, turuan mo ako." Naiinis na ako sa pamimilit niya.

"Hindi rin ako marunong nun, at wala pa rin yun sa Olympics." tugon ng aking ina na sinabayan niya ng buntong-hininga. "Sumeryoso ka nga!"

"O siya, siya, seryoso na... sungka na lang lalaruin ko sa olympics, sungka na lang."

Mukhang nag-alburuto na ang aking inang diyosa "Sungka?! Eh lagi ka ngang talo sa kalaro mong si Badet sa sungka" Galit na nga yata talaga siya. "Huwag ka na lang sumali kung ayaw mo." Naglakad na papuntang kusina ang aking ina para magluto ng aming hapunan.

Naiwan ako sa aking kinauupuan at nag-iisip pa rin. Ano nga ba alam kong sports? Bakit wala kaming Wowow sa cable? Matatanggal na kaya si Wendy sa PBB? Bakit ang korni ng Rounin? Ang sarap talaga ng Cornetto. Biglang may naisip akong sports at nabulyaw ko, "Ma!"

"O bakit?" tugon niya mukhang masaya na at napuna kong umaliwalas ang kanyang mukha kahit naghihiwa pa ng sibuyas.

"Meron bang Monkey, Monkey, Annabelle sa Olympics?"

Hinampas niya sa akin ang puwet ng kaldero, kaya heto maitim na ang mukha ko.

May nasabi ba akong masama?

20 comments:

Anonymous said...

sana nagsuggest ka nga syatong...o piko! hehe

kahit sinong nanay naman maiimbyerna kung wlang alam na isports ang anak nya!

buti nga sayo! wahahaha

Anonymous said...

Hahahaha. Mukha kang pwet. Hahahahahahahaha!

p said...

eto suggestions:
-pahabaan ng sungay ng unicorn
-paunahang makahanap at makahuli sa abominable snowman
-paramihan ng mapapatay na tao sa isang iglap.

o kaya mag-orgy na lang kayo. mga anceint greek gods daw mahilig dun.

Anonymous said...

HAHAHA! aba'y magugulantang din ang iyon Ma talaga! natawa ako SOLITAIRE sa olympics! kung gayon, gusto ko na din sumali! monkey, monkey annabelle! gawsh!!! kakaibang tema ata ng OLYMPICS yan ah.

sa susunod di na puwet ng kaldero gagamitin ng nanay mo syo! ingat ka! he he

Myx said...

Kung isa ka sa mga kinahuhumalingang diyos, bka ikaw si buddha wehehe

ang korni nga ng rounin.. pwe hahaha

sana nga matanggal na si wendita

Billycoy said...

the philosophical bastard > oo nga orgy na lang! masaya pa!!! i have the hots for athena and venus... pwede na rin si medusa

mats > palagay ko nga tatadtarin na ako ng nanay ko at gagawin na akong sisig.

Anonymous said...

kagaling naman nagisip nung graphics na yun, karera na lang ng bike... hehe peace man!

Anonymous said...

Billycoy, kung inaruga ka lamang mabuti ng iyong ama, nabasa mo sana sa National Library of Wales ang librong Olympics at Olympus nga isinulat ng lolo kong si Arlo Cordova the Negative Twelve. May mga category sa Olympics of the Gods na Popoy Jump, Popoy Throw, Popoy Thrust, Popoy Sailing, at Popoy Moan.

Sisihin mo ang iyong ama.

Anonymous said...

naku! kaano ano mo nga pala si hercules?eh di magiging mortal competitor mo yun?

eway, dapat kasi agawang base na lang sinabi mong sports! mas masaya yun eh!

ay teka? di ba pinsan kita sa ina? kelan kaya ako sasabihan mama ko sumali? ah... pang-cheer leader nga pala ko... hahahha!

L.A said...

Wala Billy wala kang nasabing masama...May tama lang ang dyosa mong Mudra...

Nyahaha!!

Anonymous said...

sayang... bubuo pa naman sana ako ng grupo naming mga dyosa na magchi-cheer sa iyo.

Heniweiz... tama ang iyong inang dyosa... hanapin mo sa kaibuturan ng iyong puso... baka sa sulok nito'y marinig mo ang sumisigaw na damdaming "Chinese garter.. chinese garter.. chinese garter ang iyong salihan..."

Anonymous said...

uhm, mag cheerleading ka na lang! o kaya ice water, moro-moro.. luksong baka

Mike said...

Subukan mo kayang tumulay sa miswa, o umiwas sa patak ng ulan. Try mo lang. For a change.

Kiro said...

Ahehehe...
makipagitiman ka na lang ng puwet! siguro mananalo ka dun! Aheheheh
nga pala di ako natawa... AMP... AHAHAHHA lol...

Jigs said...

"Meron yan anak, hanapin mo sa sulok ng iyong puso." - Hahahahaha! Priceless!

I would love to see silly games featured in olympics! That would get me to watch it! Hahaha!

sephthedreamer said...

ang kulit mo alan! haha.

Anonymous said...

aba ung pic parang eksena sa red sea nung panahon ni moses hahahaha

zeus-zord said...

hmmmmm

hmmmmm

sports?

hmmmmm

yayaman ka ba dyan?

diba hmmmmm

sayaw k na lng...

ng



hmmmmm

wala akong maisip..

never mind

Billycoy said...

dotep > hindi ako marunong magbike!!! hanap nga ako ng tutor

arlo > uy ang saya-saya naman nun! teka, kamasutra yata yang sinasabi mo.

andianka > isang pitik lang ako kay hercules, pero isang saltik na utak lang naman katapat niya

chuchay > di ako marunong nun... 10,20,30,40...

mike > nasubukan ko na yan nung panahong payat pa ako

jigs > oo nga dapat meron nun, pero mas masaya sa olympics ang ganito

zeus > maraming yumayaman sa sports... tingnan mo na lang sina bill gates

zeus-zord said...

astig n mga games a