Wednesday, June 06, 2007

Ayokong Mangyari Pa

Isang pangyayari ang hindi ko makakalimutan kahapon. Ito'y tunay na nakakagulat at ikinabahala ko ng husto. Hindi na ako papayag na mangyari ito ulit dahil hindi ako papayag na mawalay siya sa akin.

Isang lagapak ang narinig ko at gumising sa aking isipan kahapon. Kitang-kita ko ang kanyang pagbagsak niya mula sa kanyang mataas na kinalalagyan. Hindi ko na naabutan at nailigtas sa pagkakalaglag niya. Tumama na ang kanyang batok at nawalan na ng ulirat.

Dali-dali akong nagpunta sa kanya dahil na rin sa pag-aalala at pagkataranta. Gusto kong lumuha ngunit alam kong walang magagawa ang luha sa kanya. Ang kailangan niya ay lunas. Kung kaya't nilapatan ko siya ng pangunang lunas. Ngunit tila ang lunas na iyon ay walang magagawa. "Ano pa ba ang gagawin ko?" Hindi sapat ang lunas, ano pa ba ang dapat kong gawin?

Binuhat ko siya sa aking kamay at nagmadaling tumakbo palabas sa kwartong pinangyarihan. Naghanap ako ng malapit na pagamutan, ngunit ang mga doktor na nila mismo ang tumanggi sa amin. Hindi raw sapat ang kanilang kakayahan at ang kanilang kagamitan sa ganung kalagayan. Natataranta na ako. Nararamdaman ko na ang aking pawis na tumutulo mula sa aking noo. Maya't maya pa ay nararamdaman ko na rin ang pawis sa aking likod at sa buong katawan. Hindi lang ito pawis, kinakabahan na rin ako.

Dagli akong lumabas sa pagamutan kasama ang biktima ng masaklap na tadhana sa aking mga kamay. Binilisan ko at naalalang may malapit nga rin palang isa pang pagamutan, at mas marami ding manggagamot sa lugar na iyon kaya naman natitiyak akong matutulungan nila ang mahal ko. Ngunit mas lalo akong kinabahan ng mga oras na iyon, hindi na yata siya humihinga. Kailangan ko pang magmadali.

Dumating na ako sa sumunod na pagamutan, kaya nilang lunasan ang mahal ko. Tinanong nila ako sa pangyayari at isinagot ko naman ang katotohanan. "Ano po ba ang problema? Kaya po bang gamutin?" ang tanong ko sa alalay ng manggagamot. Ngunit may isa pa akong iniisip, hindi sapat ang aking panustos upang mapagamot siya. Ano ba ang aking gagawin? Hindi ko muna inisip ang pangangailangan ko sa bayarin. Kailangang malunasan siya, ang natatangi kong mahal.

Sinipat-sipat ng manggagamot ang kanyang kalagayan. Tinanong niya ulit ako kung ano nangyari, sinagot ko ulit siya. Kailangan daw alamin ng mabuti ang kanyang sitwasyon. Kung sakaling hindi sapat ang mga unang lunas, dapat lapatan na siya ng operasyon. Itinarak sa kanya ang ilang kable sa kanyang ulo upang alamin kung ano ang problema at malaman na rin ang solusyon. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagising na siya. Buhay na buhay at walang problema. Isa itong malaking himala! Sa kagalakan ko, hinalikan ko ang kanyang noo. Sinambit ko na lang "Hindi na dapat ito mangyari pa!"

Masaya na ako ngayon. Buhay na ang aking Maritoni Gonzawa. Ayos na ang aking cellphone!

21 comments:

bulitas said...

tsk tsk. ingatan kasi ang phone. haha

ek manalaysay said...

ako din sira ang aking state-of-the-art one-of-a-kind top-of-the-line nokia 3210 cellphone ko... iniwan ko muna sya sa bahay... na-"biyak" kasi ang kanyang precious... ang bagay na nagbibigay-buhay sa kanya sa bawat pagpindot ko! huhuhu...

Anonymous said...

Kaya ka pala na-depress. Tsk. Pero buhay pa naman, eh.

Maria Ozawa + Toni Gonzaga = MARITONI GONZAWA. Nice equation.

niknok said...

sabi ko na nga ba eh!!! mabuti naman at buhy pa c maritoni...eh anu kaya gagawin mo kung sakaling natuluyan na sya? hehe

Billycoy said...

bulitas > iniingatan ko naman eh

yatot > huwat? may biyak si precious?

yna > oo kaya ako nadepress, mabuti at buhay siya

niknok > huwag!!! mahal ang bagong maayos at magandang cellphone!

Anonymous said...

(AT LAST NAKAKACOMMENT NA AKO!!!)

pota! akala ko kung sino. iyong celpon mo palang pinakamamahal.

nu kaya matawag ko sa aking celpon? grade5 pa ako nito. at buhay pa rin. to think na magcocollege na ako sa pasukan. haha.

ingatan mo na sa susunod!

Mike said...

nakita mo na cellphone ko diba? ang laki. sa sobrang labo ng mga mata ko hindi ko nakita sa kwarto ko, nakahimlay sa carpet. naapakan ko lang naman. ayun, medyo cracked ang screen ng casing tapos may crack din ang hinge. at 425 ang grado ng mata ko. how ironic.

ilan na lang buhay ni maritoni?

JP aka Elmo said...

ah, hindi pa time pra magpalit ng bagong maritoni. mapalad ka't binigyan ka uli ng isa pang pagkkataon upang makasama pa nang matagal ang iyong pinakamamahal na celphone. ahehe.

Billycoy said...

baylon > pwede mo yang tawaging eterna... since mukhang eternal na sa iyo yan

mike > hindi ko nga alam eh... delicate masyado si maritoni

elmo > hindi pa nga dapat... wala pa akong pambili!

MISYEL said...

hehehe, cellphone pala asus! ingatan kasi eh para di mawala o maghingalo...

Anonymous said...

WTF?! SYETERS!! akala ko tao! si MARITONI GONZAWA pala! ang iyong cellphone! gawsh!!

iisa lang ibig sabihin niyan,, iText mo na daw ako (dahil kung hindi -- matutuluyan na siya!)! muahaha!

Anonymous said...

nkow lintek sa drama! di ba 'to senyales na ika'y dapat ng magpalit ng asawa? este gonzawa? nak ng tipaklong cellphone nga pala! waaaah! pati ang tono ng iyong pananalita ay mukhang nakuha ko na...

erase!! erase!!!!

Anonymous said...

Buti di namatay yung selpon mo.
Naalala ko dati yung 3210 ko, initsa ng kapatid ko sa 2nd floor ng bahay namin. Ayun, nabalatan.

Billycoy said...

mats > hinostage drama mo pa ang aking maritoni!!!

andianka > tila pati ikaw ay nag-alala sa aking sinisinta

gean > uy pero matibay 3210!!!

icarus_05 said...

Buti nga sayo eh, naligtas pa.. Ung aking sinisinta ay naglayas at di na natagpuan pa :'( musta na kaya un? XD

Anonymous said...

wahahaha... 1st two paragraphs pa lang alam ko nang si maritoni ung tinutukoy mo...
buti naman naayos mo na. pwede mo na uli yang ipang-tatsing.... wahahahahaha

Billycoy said...

icarus > iba na ang sinta nun ngayon

edgar > yes, panalo na naman ako sa tatsing

Anonymous said...

kala ko kung ano na..haha, welcome back to the world maritoni.

Anonymous said...

Ang pinapairal kasi... kaTang.

Buti naman at muling ibinalik ng bathalumang Alpha Phi Tsupapi ang iyong mumunting talapindutan. Isa ka ngang diyos, Billycoy. Diyos.

Kopongnilagyannglabatibasapwet.

Jhed said...

Sus. Para namang may pinaggagamitan ang cellphone mo. E, hindi ka nga nagtetext e! Haha!

Ay uu nga pala, ginagamit mo nga pala ang yung vibrating effect kapag ikaw ay.....

HAHA!

Ay oo nga pala, magaling na rin si Lupin ko! LOL

Billycoy said...

neil > hindi pa naman... demi god lang

jhed > hindi ko ginagawa yun!!! baka ikaw lang!!! hindi nakakaenjoy sa cellphone kasi mahina ang vibration nun. ok pa ang massager!