Ngayong panahon, ang dami ng naglalabasang mga bagong sakit. Kaya nga todo research ng mga antipatiko at siyentipiko para lang makahanap ng mga gamot para sa mga sakit na ito. Pati sakit ng hayop napapasa na rin ng tao, gaya ng mad cow disease — matagal na akong infected nito — at ng birds flu. Birds' flu rin ang sakit ng mga kalalakihang impotent. Dumapo na rin ang mga sakit na AIDS, SARS, cancers, dementia, schizophrenia, hypertension at pati mga bulsa rin nagkakasakit na. Heto nga sinisipon ako, buti na lang masarap siya, pwedeng ipangsabaw sa kanin.
Kaya naman sa pagkarami-raming sakit, ang dami rin namang causes nito. Food, environment, sex, stress at kung anu-ano pa. Lahat na lang yata ng bagay ay cancerous na rin. Ang ibang sickness ay nakakahawa na rin, pati adiksyon sa mga koreanovelas at teleserye kumakalat na. Mabuti na lang matibay ang immunity ko sa mga ganyan, maliban na lang sa mga porn at FHM.
Sa dami na ng sakit ngayon, mas mabuti na ang prevention kaysa lunas. Prevention is better than cure. Kaya habang maaga dapat gawan na ng kilos bago pa mahuli ang lahat.
- Huwag ng kumain ng kahit ano. Lahat naman na kasi ng makakain ngayon cancerous na, kahit pa ang mga organic foods.
- Magdala ng isang paso ng halaman kahit saan. Polluted na kasi ang mundo, kaya magdala na lang ng plants, para nafifilter nito ang hangin bago niyo pa ito malanghap. Mas effective ito kung magtatanim ng halaman sa nostrils niyo, para salang-sala ang hanging malalanghap.
- Uminom ng galon-galong Del Monte pineapple juice. Taglay kasi ng pineapple juice ang phytochemicals na nakakatulong magprevent ng cancers. Ganun din ang vitamin C, na tulong din sa paglaban at pagpapatibay ng immune system. Expect nga lang na magiging hari o reyna sa inyong trono kayo afterwards niyong uminom ng ganito karaming pineapple juice.
- Lumaklak ng Tomato Ketchup at Tomato Sauce. Merong lycopene ang mga tomatoes na siya ring tumutulong magprotekta laban sa cancer. Kikinis din ang kutis na katulad ng kamatis dahil meron din itong anti-oxidants. Sa mga bagong tule, walang problema dahil hindi naman kayo mangangamatis dito.
- Abstinence sa sex. Ang mga nakakahawang sakit gaya ng AIDS, Hepa, HIV at kung anu-ano pa ay napapasa sa pakikipagpopoyan. Kung nais magparami, magpaclone na lang. Effective na sa akin ang mabasa ng tubig para dumami. Hindi ko nga lang kaya mag-abstain lalo't di pa ako nakakaranas ng popoy.
- Isipin ang mukha nila Madam Auring at Michael Jackson. Mukha pa lang nila iisipin mo na talagang pahalagahan mo na ang iyong buhay.
You only have one life to spend, will you waste it on being "safe" all over your lifetime?
23 comments:
teka, bakit walang meningococcemia sa mga nabanggit na sakit? (tama ba ang spelling ko? kaya mo siguro hindi sya nilagay dahil baka magkamali ka rin ng spelling... hehehe...)
lahat ng products ng del monte ay gamitin kasi very promising sila para makaiwas ka sa sakit...
at gumamit ng safeguard! baka bigla ka na lang asarin ng conscience mo... nagkasakit ka dahil hindi ka nag-safeguard... lagot ka pa kay captain safeguard at germ-chuva... ano nga bang tawag sa kanila? hehehe...
kumusta naman... im back! nakadalaw ng muling dito! bakit hindi kasama ang sakit sa ulo at katinuan para sa mga nagkalat ang mga utak?!? muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko sa aking mahal (talagang mahal kasi mac ito) na computer dun sa birds' flu sa mga impotent! wakokokokok! naku may bird's flu na ata ako! wakekekek...
HAHAHAHAHAHA!
Sipon? Sabaw sa kanin? Shet. Ayaw ko maimagine. Ugh.
Kamusta naman ang pagdadala ng paso. Haha! Hindi ka nga makakalanghap ng polluted na hangin, e good luck naman sa mga muscles mo. LOL.
Sinusuportahan ko ang iyong advocacy lalo na pagdating dun sa pagiwas sa SEX dahil kahit kailan naman ay hindi ko pa naranasan un huhu LOL :p
btw may blog parteeh kuno ako sa blog ko magparticipate ka ha
mas tangkilikin ang DELMONTE pineapple juice! YAN mas okay! pampatamis pa! waaah!!!
naWindang ever na naman ako sa entry mo! akalain mo't ipaisip ang mga mukha nila Madam Auring at Michael Jackson - aba'y mapalad tayong lahat jan!
o sya, umpisahan mo na ang pagtanim, ngayon pa lang. pahini na rin pala ng paso!
aherma > ano nga ba ulit yun? meningo... supercalifragilisticexpialidaucious na nga lang
yatot > may birds flu ka? pano yan sa sex party, hindi masasatisfy girls sa iyo niyan
jhed > mabuti ang exercise sa katawan
micaela > di ko kaya mag-abstinence sa sex, lalo't wala akong karanasan dun, siguro after ko na lang maexperience yun
mats > wala akong paso... pwede naman sa plastic cups
ang damot! :P
sige plastic cups na lang, problema kasi dun baka pumutok yun noh, kasi kapag lumalaki ang plant di ba? waaahh. ang gugulo ko! nahawa na syo *lol
nanghanep... wag ng kumain, dika nga naman magkaka-cancer dahil patay ka na sa gutom bago pa mangyari yun. at kumusta naman ang paglaklak ng pineapple juice, tomato juice, at ketchup... nak ng teteng lunod ka nun.
diba sa misua masarap ang sipon? wahahahaha! nakakadiri ka billycoy!
sira sa ulo, yan ang pinakatalamak na sakit lalo na dito sa blog mo! :P (kikita ang mental sayo!)
Sasabihin ko sana (o isusulat, whatevs), mahirap hindi kumain ng kahit na ano. Pero nakita ko yung abstinence sa sex! Punyeta mas mahirap yan!
Okay lang magkasakit ako! Hahaha!
Dapat masubukan mo na yun para hindi puro yung alagad mo ang gumagawa ng ganun hehehe
http://micamyx.i.ph
mats > piliin mo na lang bonsai... para fashionable at bagay sa babae
andianka > ah kaya pala maalat ang misua
shari > tama ka dyan... may mga sakit ding masarap maranasan
micaela > yaan mo kapag dumating na ang female rapist ko
Napakasayang mabuhay kaya di dapat maging OC (Obsessive-Compulsive) sa lahat ng bagay para lang maprotektahan ang sarili laban sa mga illness.
You only have one life to spend, will you waste it on being "safe" all over your lifetime?
Ayos! Bigla tuloy ako nalabuan. Pero, syempre, kung masarap lahat, eh, bakit hindi gagawin?!
yna > yun nga ang daming masarap, pero ang maraming bawal... parang popoy lang.
o sige, bigyang mo na lang ako ng bonsai... HAHA!
mahirap yung abstinence sa sex ah! muahaha! kuha na lang ng malinis na ka-ano! haha!
SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX SEX
Pano ang life pag walang SEX?? Pano hindi ko kya!!! Wag yun!!! Tang-galin mo na lahat wag lang yun haha!!!
Waaaaah nice header!!! ikaw pala gumawa nung kay joe...or yung alipin mo?
You only have one life to spend, will you waste it on being "safe" all over your lifetime?
anakanang. contradicting sa post mo ha. nyahaha. being safe all over your lifetime? meron bang ganun? ahehe.
"You only have one life to spend, will you waste it on being "safe" all over your lifetime?"
----ayos! parang tinamaan ako ng konti dun ah, haha! mas madalas kasi kesa sa hindi na nagpapakasiguro ako. hehe. Ewan ko ba.
at naku, OC-OC pala ako. haha!
:)
sa tipo mong yan? Isinusulong mo ang chastity? maniwala ako sa iyo. hindi ka pa nga nakapopoy... Nuknukan ka ng sinungaling, billycoy!
Hahahaha.
Grabe, dang init ngayon. SObra na ang global warming.
'We're now facing a period of consequences'.
Shucks, ICE AGE NA! Lol.
(Watch An Inconvenient Truth.) And oh, update your links as well. I've moved "http://es2pido.uni.cc". ^_^
wow. mukhang magaganda ang mga advice mo.. gawin ko kaya? hmmm. better safe than sorry. haha.
excited na ko magtanim sa ilong ko! ayiii!
teka, teka kung lalaklak kami ng del monte pineaple juice at makikisawsaw sa ketchup nila, ganun din may ibang additives pa rin na ginagamit sa processing. magkakasakit pa rin tayo! we're doomed! o_O
mats > hindi ka matutuwa kapag malinis na ka-'anuhan' lang, masaya ang wild and dirty!
deejay > yun nga contradicting sa post ko... ewan ko ba?!
edden > ok lang maging OC, pero minsan kasi tormenting na. naks tormenting... ano ba definition nun?
neil > di ako nuknukan... slight pa lang!
cars > anong halaman itatanim mo?
sirena > oo nga pala ano... ok lang siguro, manu-neutralize naman ng lycopene at phytochemicals yun
Hindi ko kaya ang 'alang sex. Kapag nagkasakit ako may mga antibiotics naman hehe. 'Wag lang sana ako makasagap ng HIV. Mahal ang mga gamot nun :-(
wow! natuwa ako kay Tess ^
magkakasakit ka kung walang sex... uhrmmm ayos lang yun! may INJECTION naman eh! muahaha!!!
o cge! let's get it on! yeaH!!!
muahahaha!
Post a Comment