Nanggaling ako ng glorye nitong Lunes para manood ng Shrek The Third. On the way sa glorye, dumaan muna ako ng Landmark since doon naman ang route ko. Nakita ko sa Landmark na nakadisplay na muli ang mga uniforms at mga gamit pang-eskwela. Nostalgia! Nostlagia! Nagwawater effect na naman ang paligid at dinadala ako sa nakaraan. Ngunit pinigilan ko ang water effect na ito dahil manonood pa nga ako ng Shrek The Third sa G4.
Malapit na namang matapos ang buwan ng Mayo. Karamihan dyan inaayos na ang requirements at nag-eenroll na rin sa mga napili nilang mga schools at universities. Kung nakapag-enroll naman na, nagbibilihan na yan ng mga mapuputing polo, nagkikintabang mga leather shoes at payabangan na sa mga malulufet nilang mga pencil case. Ang mga nakapagtapos naman na ay malamang naghahanap pa rin ng mga trabahong mapapasukan hanggang sa ngayon. At yung mga batugan naman dyan, naghihintay na lang ng grasya sa iaabot ng mga magulang at inaabangan ang tawag ng barkada para malibre siya sa swimming.
Since mas marami ang magsisipasukan sa mga bago nilang schools at mga mag-a-apply sa mga trabahong nais kaysa sa mga inutil na tumutulo ang kanilang mga laway sa mga unan, bigyang tuon natin ang mahalagang bagay sa mga incoming Freshmeat... este Freshmen at mga aplikante, ang First Impression.
Malaking bagay ang first impression, judgmental kasi ang karamihan ng tao. Kaya naman dapat kahit papaano madaya natin ang impresyong ito sa umpisa pa lang. At kung may recall ang first impression na ito, mas mabuti dahil mas makikilala kayo sa ginawang ito.
- Syempre, dress to impress. Hindi naman necessary trendsetter, basta mahalaga maayos lang ang suot niyo. Pero kung talagang nais makaagaw pansin, magsuot kayo ng christmas tree, costume ni Jollibee o gayahin ang fashion statement ni Kuya Germs at Tessa Prieto-Valdez.
- Less is more. Contrary sa una kong suggestion ito. Hindi naman kailangang agaw pansin ang suot, pwedeng minimalist lang. Pero kung may recall, wag na lang magsuot ng kahit ano. Magpakita kayo sa interbyu at first day of school ng hubo't hubad, magandang first impression yan. Maaalala kayo ng sobra-sobra.
- Bigating tagline. Kapag ipapakilala ang sarili, tandaang maganda ring merong bigating tagline na bibitawan. Aalalahanin kayo palagi sa bibitawan niyong salita. Gayahin niyo itong sinabi ko noong first subject sa first day noong first year ng college ko:
"Hi I'm Billycoy Dacuycuy and I'm still available."
- Scent attracts. Malakas ang epekto ng ating amoy sa pagtawag ng pansin. Pwede pa itong ma-enhance through the use of perfumes. Hindi naman kailangang magpabango para ma-enhance ito, huwag lang maligo ng isang linggo hanggang pasukan, tiyak na tatatak ang amoy sa mga makakasalamuha sa unang araw.
- Be confident and trust yourself. Confidence ang nagpapalakas ng appeal ng tao. Walang kwenta ang assets kung hindi naman bilib sa sarili. Isantabi ang hiya lalo't kung wala namang ginagawang masama at nakakasakit. Kaya't laklakin ang Lactacyd Confidence upang tumaas ang inyong self-esteem.
Kayo? Ano ba first impression niyo sa akin? As of blogging and not in person. Kasi kung in person alam ko namang sasabihin niyo lang na ubergwapo ako!
23 comments:
Thanks sa mga advice BD! :D What ticks me off is that people try to impress pero it's in the wrong way talaga, nagiging jologs na tuloy!
Well first impression sayo, funny of course! Haha, entertaining posts, kaso sometimes I get nosebleed. -_- haha.
First impression ko sa'yo? Kung sa pisikal na kaanyuan - bilang blogger - 'kala ko dati ano ka eh...long haired na maitim na nanlilimahid na kamukha ng taong grasa dito sa amin na laging sinisipa ang hangin. Tsaka kamukha nung taga PBB na naka-dread locks ang buhok, 'yung Bisaya. First impression lang naman 'yan.
Ako dati tagline ko nung HS: "I'm Mike. I don't know you, and we will not become friends." Akalain mong dumami kaibigan ko.
hi musta na! namis ko ang blog mo, at sige na nga, ikaw na din! ayos ang tips mo! susundin ko yan lahat, lalo na yung huli!
wakokokokokok... ayaw kong gumamit o uminom ng lactacyd! wahahahhaa... ang first impression nila sa akin nung college ako ay hindi daw ako ma-reach kasi sobrang yaman ko daw halos bilin ko na ang unibersidad namin... pero hindi ko naman ginawa... ay teka, sau ba, kala ko sa akin eh... wakokokokokokok!
juice > nakakainis nga yung sumosobra na... you can use tampons to block that nosebleed anyway!
mike > budoy?! past-life ko nga yata yun
virginia > yeee, namiss niya ako!
yatot > well, i can buy a planet and turn it to school... tuition is free of charge!
amp ka buti at napigilan mo yung water effect syndrome mo hahaha...
ayos na bigating tagline ah (nu ba yan ayos na bigatin pa..tsk)
naku naman billycoy, makalumang tagline! hahaha!
nasabi ko na first impression ko sayo.. anyway, uulitin ko... nabasa ko pa lang yung profile mo eh naisip ko ng sira talaga ulo mo. pareho kasi kayo ng topak ng kapatid ko pagnagsusulat kaya alam kong babalik-balikan ko blog na 'to.
shockS! siguradong ang laki na ng ulo mo! :P
Teka... tagline ko rin yan ah! Hahahahaha! Pero walang klasmeyt na pumapansin. Well, I least cared. Hindi rin naman sila worth pansinin. Hahaha!
---
Basta, naalala ko ang first impression sa akin ng mga blockmates ko: Mukha daw akong professor. At nakiayon ang mga security guards. Nakakapang-init ng ulo.
irish.yeye > ganun talaga sa bigatin, ayus na ayos
andianka > wow thanks... actually ganun nga nangyari sa akin, lumalaki ang ulo ko at saka nasisira.
neil > buti di ako napagkakamalang professor nun... napagkakamalan lang akong mayaman, disente at matino.
kuyaaaa.. kktawa k tlga.. hahahha!!! di ko nga mtandaan kung pno ako npad2 d2 sa blog mo eh.... tpos un.. nkbasa ako ng 1 mong entry.. tpos naaliw ako.. tnuloy2 ko na... =p ayown.. hehe...
ayos sa tips ah... yun mga fave kong posts mo ee.. pg tips.. hhahah! =p
I dismiss first impressions. They're not really important to me because I hate judging people without knowing them (except politicians, they're all the same hehe). Maybe it's because of my misadventures pagdating sa mga tao, alam mo na. Gets mo na siguro yun. ;)
Blogging...Makulit and, uh, makulit. Tsaka makulit. :)
In person? Ubergwapo? Uhm. Bahala ka, blog mo naman ito eh.
Hi! My name is Jhed. I'm interesting!
--
O, okay ba sa tagline? LOL.
ang una kong naicp when I first read ur blog eh isa kang tahimik na tao na nasa loob and kulo!
At ang naimagine kong itsura mo non eh, mataba, at may bigote, maitim at pandak. SWEAR! Kaso medjo nagkamali yta ako...hehe
nagpunta k pla sa blogparteeh non pero di kta nkita, or cguro d kta napancin kc nga iba ang iniicp kong itchura mo! hahaha
chel > gusto mo aliwin pa kita? kaso di ako marunong gumiling.
shari > makulit x3? yes! hindi nasama ang pagiging mahalay! weee!
jhed > di pa striking... ganito dapat: Hi! I'm (your name). I'm a sexual being.
niknok > slightly tahimik din ako, pero hindi nasa loob ang kulo ko... lagi rin kasi akong pinapakuluan
dapat di mo sinabi yung tagline na yun kasi parang naging curse na sya... you're still available hanggang ngayon... =)
first impression? tahimik... syet! may sira yata yung keyboard! kung anu-anong naita-type... hahaha! makulit at parang hindi marunong mag-seryoso sa buhay... pero seryoso ako dun sa tahimik, na sa blog ka lang makulit...
dapat ba itong mag-last? ;p
Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing kala ko yung blogger galing sa mental ward dahil ubeer kakaiba ang mga post haha!
Nasabi ko na sayo diba nung SEB, yung nabasa ko yung sa G4 something na mga jologs haha yun 1st impression: adeek yung blogger?
Haha!!!
In person? No comment no comment,,,,ubergwapo? uber ingay kamo haha!
sherma > oo nga, curse na nga yata yun. tahimik?! makulit ulit... wala pang nagsabing mahalay ako sa first impression! weee!
LA > di ka nagkamali, adeek nga ako... lalo sa mga mahalay na usapin saka sa paghithit ng asin... wala kasing asukal ngayon.
billycoy dacuycuy. haha. first impression? kalog. and since hindi pa tayo sa ngayon nagkikita, ang palagay kong hitsura mo, base sa boses mo sa confe, malaki ang tyan na semi-kal. haha peace billy!
giling?! ngaak! hahahah! =p
d ko p pla nssbe kng ano plgay kong itsura mo.. hmm.. ecp ko nerdish ka... me salamin.. kayumanggi kulay.. tpos flat ang hairstyle mo...
dumaan! :D
i so can relate.. na-iisip na nga ako ng tag line sakaling isama un sa getting-to-know-you first day class.. hay ano kaya kung "Wag kang lilingon, may kulangot ang pisngi mo!?" o kaya "Eh ano kung kayo ay punong yakal, narra, apitong at ako nama'y saging lang. May puso nman ako!"
>corny noh.. ndi ko tga mreach level ng humor mo eh. hahah
>>san tagboard mo?
>marlon www.zyloric.blogspot.com
first impression ko?!
hmmm *isip*
uber sa L sa katawan!!!
muahaha!
mukhang, approachable at sweet!
hehe!
Post a Comment