Friday, May 04, 2007

Nothing New in News

“Never awake me when you have good news to announce, because with good news nothing presses; but when you have bad news, arouse me immediately, for then there is not an instant to be lost.”
Napoleon Bonaparte

Hindi na rin ako madalas nanonood ng news ngayon sa TV man o sa radyo. Puro masasamang balita at halos paulit-ulit na lang ang mga pinapakita nila. Patayan, kurakotan, bangayan, politikahan at puro kahihiyan na lang. Kailan pa ba nakasagap ng magandang balita? Lahat naman yata ng balita ay bad news. Kahit di naman ako nanonood, updated pa rin naman ako, lalo na sa mga palabas sa sine.

Sa mga news, mas gusto nating makabalita yung mga nais nating mangyari para sa atin at sa ating bayan. Kadalasan nga lang contradicting sa mga nais natin ang mga nagaganap. Kaya hayan puro protesta at pagtuligsa sa mga hindi natin gusto na ginagawa nila.

Headlines: Sa mga balita, dapat mauna ang mga headlines, kaya nga sila ulo ng mga balita. Laman ng mga headlines ang isang napakagrabeng balita, mapa-politika man yan o lalaking nasagasaan ng trak sa C5 at kumalat ang kanyang mga laman at utak sa kalsada. Kaya naman dapat powerful at talagang controversial ang inyong ulo... ng mga balita.

Good News: Madalas sa mga news program ang magkaroon ng ganitong segment. Ang kaso tuwing nakakapanood ako ng ganitong balita, lagi na lang mga solian ng pera ang nakikita ko. Mga tangang pasahero na nag-iiwan ng limpak na limpak na salapi sa mga taxi tapos hetong bait-baitang driver pupunta sa TV/Radio station para magsoli ng pera. Lagi na lang ganun. No biggie yun, ang tunay na good news ganito:

Showbiz/Chikka Minute: Big deal sa mga showbiz news ngayon ang magpakita ng balat. Magpakita nga lang yata ng balikat nagpapaseksi na. Kahit nga hindi naman kaseksihan tinatawag na nilang "pasexy". Ganun na ba kahayok sa laman ang pinoy? Ano naman kung magsuot ng two-piece ang pa-tweetums wholesome image kabanal-banalang birhen kunong artista, o di kaya magpakita ng utong ang kalalakihan? No big deal din, big deal ang pagpapasexy kung ganito:

Sports News: Noon basketball lang ang tinatangkilik na sports ng Pinoy. Ngayon medyo lumawak na ang horizon natin sa iba't ibang klaseng sports. Nadagdagan na rin kaalaman natin sa soccer, frisbee, boxing, badminton, chess, scrabbles at sungka. Medyo nawala sa eksena ang PBA pero heto lumalakas na naman. Pero bukod kina James Yap at kina Caguioa na nagpalakas muli sa pangalan ng PBA, may iba pang balita na magpapalakas muli dito.

Sex News: Walang ganito sa mga balita, at malamang wala talagang maglalagay nito. Pero bakit ba? Gusto ko ang ganitong klase ng mga balita. Nasa makabagong panahon na ngayon at kailangang madagdagan naman na ang categories ng balita. Pero kabigla-bigla at kaabang-abang ito kung ganito ang balita:

Kung ganyan lang siguro ang mga balita, siguro matutuwa pa tayo — pwera dun kay Cristy Fermin. Hindi naman natin hawak ang paggalaw ng mundo kaya iba tuloy ang mga nangyayari. Salamat na lang din sa mga news na ito, nalalaman natin ang mga kaganapan sa ating paligid. Kung walang balita sa TV, radyo o dyaryo, andyan naman ang tsismis, mabilis ding kumalat!

29 comments:

YNA said...

Syet! Ahaha. Tawa ako ng tawa dun, ah!

Pero, ayos yung mga binigay mong alternative, ha. Kung yun siguro ang magiging headline ng news kahit isang araw lang (I mean, lahat ng yun), magiging masaya siguro ang Pilipinas.

Si Billycoy, hindi na virgin, SA WAKAS!

Lol

atomicgirl said...

wahaha! panalo ka billycoy sa mga headline! promise. tinalo mo pa ang mga "eksklusibo moment" ni boy abunda sa the buzz...

although i'm wishing na totoo yung una at pangalawa mong headline:
Gov't officials, minasaker. Walang natira sa gobyerno
at yung
PGMA isinauli ang pera ng bayan

go! magsulat ka na for these canned tv programs!

sephthedreamer said...

anong klaseng balita yan billycoy?

at yung last headline? tsss. matagal na yan eh!

Neil said...

Gov't Officials
Minasaker
Walang Natira sa Gobyerno
--------
Siguro sa Araw ng Paghuhukom na iyon. Sasalain ang mga masasama't tiwali. Kaya walang natira.

Ay hindi... si Flavier siguro, matitira. ^_^

============
Asa ka pa. Lalo pa't nagkasakit si Tsubaboy. Kailangan nilang mabawi ang nagastos. Parang pirma-pirma lang yan ng blankong dokumento (ayos ba, tsubaboy at tsunano? ^_^)
============

Lord. Magiging Hipon yan, billycoy. Hipon. hahahaaha.
============
Hmm... nainis ako dito. ^_^
============

Billycoy
Hindi na Virgin
Sa Wakas

...
...asa.

sherma said...

hmmmm... actually, kung umabot ako dun sa Q & A portion mo for your centennial post, ang itatanong ko sana is "kelan mo mawawala ang virginity mo?" sayang, yun yung mga time na super busy ako... haay...

kung ganyan ang balita, hindi na dapat pinapaniwalaan... lalo na kung tulad nung last one! hahaha... pero kung desperado ka na, malalakad ako sa Baclaran ng paluhod at ipagdadasal ko ang ultimate dream mo... hehehe... =)

Billycoy said...

yna > magiging masaya ka ba kung makita mo si cristy fermin sa isang sexy mags or porn flicks? bakit ko ba kasi naisulat yun, tsk.

atomicgirl > magtatayo na lang ako ng sariling TV station!

sephthedreamer > forecast yan, 15 years from now

neil > matutupad ang mga yan, ihiling mo lang kay pichay. saka di yun hipon, sugpo yun, sugpoo!

sherma > be optimistic nga di ba? malay mo 1000 years from now mangyari yan... yung huli, ilang hours from now!

U.T.O.Y said...

panalo to:

BILLYCOY HINDI NA VIRGIN...SA WAKAS...

pero mukhang bilasa na rin tong news na to...

Jhed said...

Panalo ang headlines mo, pare!

Naiinis lang ako sa mga headlines na tipong exaggerated masyado. Shock journalism yata iyon. Kaya hindi rin ako mahilig magbasa ng tabloids, masyadong one-sided ang mga balita.

Uy, alam ko yang C5 incident na yan ha. Nakita ko pics niyan. Ick. Yun ang totoong blasted brains! Haha!

Wait, totoo ba yung huling balita?! LOL. Teka, hindi naman tayo magkasama kagabi ha! HAHAHAHAHAHAHAHA! Joke lang. :P

yatot said...

yeba! pinakamaganda ung huling headline sa lahat! tapos series pa ang frontpage exposure mo, mas maganda yun! wakokokok! tapos national news... tinalo nito ang james yap-kris aquino-hope centeno issue! grabeeeee... magiging laman ito ng news 24/7 sa loob ng mahabang panahon at talaga namang pag-uusapan ng madla dahil sa wakas hindi na virgin si billycoy! wakokokok

Billycoy said...

jhed > what ifs situations lang yun... kaya virgin pa ako... at jhed sa iyo?! no comment!

yatot > ilang century na pag-uusapan ang balitang yun... i will be a legend by then

Billycoy said...

utoy > bilasa ba? kala ko nakakabasa

andianka said...

wala bang BILLYCOY, nagpaseksi? wahhahaha! pagkatapos mawalan ng virginity... minasaker ang mga gov't officials, at hinoldap si PGMA para mabalik ang pera ng bayan.

oh diba? puro ikaw yun.... imaginin ko na lang si combatron na itsura. asteeeg!!!!

heneroso said...

waw sabaw!

Billycoy said...

andianka > actually pwede yun, kaso kung magpapaseksi ako, karumal-dumal na krimen na kagad yun

heneroso > anong sabaw, nilaga o sinigang?

mats said...

ayos yun! BILLYCOY DI NA VIRGIN!(sa wakas ng lagim!) pakshet! mabalasik na headline yun? KELAN nga ba! dapat pangalanan mo din ang babaeng makakaVirgin sayo...
MUAHAHAHA!

wala na akong pakialam kay PGMA! HAHAHA!

Darwin said...

Naku, kaabang-abang nga yang news na yan lalo na yung sex news. Dapat may patunay din yung journalist nyan pag binalita nya. Video?!? (ano to scandal?) hehe

Shari said...

Billycoy, di na virgin?

Dude, coming from a Journalism major...THAT'S SO OLD NEWS!!! Hahaha!

Anonymous said...

yamyrdua>
great headlines, huh!?!
BILLYCOY...HINDI NA VIRGIN...SA WAKAS!!! (Hindi nga bah!?!)

kahla said...

pwede ba billycoy sex scandal with jollibee? haha

peace ;)

Virginia said...

panalo yung una at pangalawang headline!

pero pinaka-panalo yung huli, lalo na kung mangyayari!

super xienah said...

anak ng...
ikaw daddy?
di na virgin?
nagabala ka pa talaga
iheadline.

tiyak ko
hindi ako magugulat
pagnangyari yun.
tayong dalawa kasi
una nakaalam nun e
haha.

Billycoy said...

mats > di naman pwede yun kung di naman celebrity ang naka-devirginized sa akin, paano na lang yung ibang natatakam sa aking katawan? patayin pa nila ang nakauna sa akin.

darwin > karimarimarim yun!!!

shari > old news na yun sa iba, pero sa akin hindi pa, nyaherr!

yamyrdua > sad to say, virgin pa ako

kahla > lalaki si jollibee! eew!!!

virginia > mangyayari din yun... in due time

xienah > unless i-date rape drug mo ako

mats said...

eh kung si PGMA na lang kaya makaVirgin syo?! sheters!!!

mas angat yun! muahaha!

deejay said...

merong mga dyaryo na may sex news. naalala ko ung klasmeyt ko nung gr.6 kami. nagdala sya ng sari saring dyaryo: Bomba, Toro and the like! haha. :P cristy fermin nag paseksi? katapusan na ng mundo un! ahaha

cars said...

hindi na rin ako nanunood ng news dahil nga kadalasan BAD news. nakakasawa. nakakarindi. :))

aba! kung ganyan lang ang mga headlines, siguradong laging sold out ang mga dyaryo! :P

Anonymous said...

yamyrdua>
i go with Mat said... (Oh, bka gus2 mo nlng maging virgin 4 d rest of ur life...!!!!bwahahaha!!!!)

Billycoy said...

mats > wag naman si GMA... que horror... kunsabagay yayaman naman ako

cars > dapat talaga ganyan na lang parati ang headline... magpapainom ako parati kapag ganyan headline

yamyrdua > wag naman, isusumpa kita kapag nangyari yan

Anonymous said...

yamyrdua>
Kasumpa-sumpa b,hahaha!!! (takot mo lng noh!!!)Db nga sabi mo, mtaas standard mo...pwede nb c PGMA!?! ...(hindi nga!?)

lateralus said...

The body type classification is not accepted by most (if not all) fields of medicine.