Friday, May 18, 2007

Hopelessly Addicted to You

Nag-tag sa akin si Jhed. Kung hindi niyo napapapansin hindi po talaga ako sumasagot ng mga tags. Sa friendster lang kasi ako sumasagot ng tags, yung mga survey sa bulletin board. Nakakasawa rin kasi, kadalasan umuulit tapos karamihan naman ng tanong doon pwedeng ilagay sa profile. Dahil ako'y dakila at merciful na nilalang kung kaya't napagbigyan ko siya. Saka gusto ko yung tema ng meme na ito. Langya nga lang, hinaluan pa ng math ang tag na ito, sumpain ang Math! Ang tag na ito ang kauna-unahan at kahuli-hulihang sasagutan ko. Sungit ko 'no? Interesting din naman kasing sagutan at challenging, kaya here we go.

Rules:
1. Write about how much addicted you are towards something.
2. Don’t forget to include the percentage of ‘addictedness’ towards that thing.
3. All with one condition.. the total percentage must reach 100%.
4. You MUST tag others and continue tagging but please don’t forget to explain the rules and please notify that person so that they know they had been tagged.


37.62% Music Addict
Hindi ako mabubuhay sa isang araw na walang musikang naririnig. Hindi rin ako nakakapagtrabaho ng walang music. Kahit anong genre pa yan pinapakinggan ko, mula sa malamyos na tinig ng mga ballad hanggang sa mga paos at malapot na plemang nakakapit sa mga boses ng mga rakistang heavy metal bands. Mahina nga lang ako sa lyrics. Wag lang akong paparinggan ng mga kanta ng Cueshé (Kwe-shei), Lito Camo, at mga buybands dahil ako'y magwawala, mangmamasaker at tadtarin ang mga DJ ng StarFM, Love Radio at iba pang DJ's na nagpapatugtug ng mga bakya at nakakabobong tugtugin.

26.2538% Movie Enthusiast
Mahilig talaga ako... sa movies. Kung iniisip niyong porn movies lang ang hilig ko... tama kayo... este mali kayo. Isa akong subconscious movie critic, kadalasan nga binabasa ko muna ang review or ratings ng mga critics bago ako manood ng sine. Ayaw ko kasing manghinayang sa ipangbibili ko ng ticket. Salamat sa HBO, Star Movies at mga pirated DVD's dahil napapanood ko ang mga di ko masyadong trip o yung mga gusto kong ulitin doon. Pero suggestion lang, kung alam niyong crappy, basura at walang katorya-torya ang papanoorin niyong movie, mas mabuting manood na lang kayo ng porn, wala silang pinagkaiba... yun nga lang mas nakaka-arouse ang porn.

22.329% Fashion Freak
Fashion conscious ako, pero di naman ultimately fashionista o ano. Sa paglalakad nga lang, aakalain mong may kaaway ako o ginagawa kong catwalk ang mga sidewalk, kalsada at ang mga pedestrian lane. Pati mga paghinto ko talagang laging strike-a-pose kulang na lang camera para kuhanan ako. Mga kilos ko rin picture perfect palagi, sasandal lang sa pader pwede ng ilagay sa mga poster ng Guess at Levi's.

8.168% Blogging Blogger
Hindi ba halata? Ganyan lang kasi ang buhay ng walang magawa at ng walang juwawhoopers sa buhay, ang magsulat ng walang kakwenta-kwentang mga bagay-bagay sa mga buhay-buhay. Nakakatuwa kasi ang pagsusulat, marami akong buhay na nasisira at natuturuan ng masamang impluwensiya.

5.4292% Kulangotero
Since palagi akong sinisipon, kapag pagaling naman na ito nagiging kulangot na. At syempre ang kulangot lalo kung malalaki, nakakailang ang pakiramdam sa loob ng mga nostrils. Ang pinakamadaling gawin, ay ang mga daliring sakto lamang sa butas ng ilong para matanggal ang mga nakabara at naglalakihang mga nyangot. Don't worry kung makikipagkamay kayo sa akin, lagi naman akong naghuhugas ng kamay saka di ko naman ginagawa in public... minsan lang, sa dilim.

0.2% Sexually Inclined
Maliit na bahagdan lang ang sex sa aking addiction. Una sa lahat wala naman akong kapopoy para maranasan ang bagay na ito. Isa akong banal na nilalang pero hindi naman ibig sabihin wala na ang sex sa aking isipan. Meron din naman kahit kaunti lang. Wholesome akong nilalang, pero siyempre dapat may maliit na sexual inclination din naman.

Hayan natapos rin ako sa tag ko tungkol sa mga kinaaadikan kong mga bagay-bagay. Actually marami pa akong mga kinaaadikang bagay at gawain, baka kasi sa isang taon pa matapos ang pagbabasa niyo kapag isinulat ko ang lahat ng mga iyon. Makapag-tag na nga lang ng ibang nilalang para makabawi naman saka masimulan ko na itong pagsinghot ng asukal.

Heto ang mga gagaguhin at ita-tag ko:
  1. The Singing Sensation Ron: kironobu.blogspot.com
  2. John Lloyd Clone (daw) Joe: sephthedreamer.blogspot.com
  3. Birthday Boy Today Arnel: loverboyparadigms.blogspot.com
Alamin niyo rin mga pinagkakahumalingan ng mga nilalang na yan.

-----------------------------------------------

Anyway, pwede niyo ng i-update ang mga link niyo pwede ng gamitin ang http://www.billycoy.co.nr para i-redirect sa blog kong ito... or pwede ring hindi na kasi nagagamit pa naman yung dati kong URL. Kung saan kayo masaya suportahan ko kayo.

27 comments:

sephthedreamer said...

nasa drafts na ng utak ko to billycoy, since ni~tag na rin ako ni vinci. anyway. sige.

0.2% sexually addict? baka 1 divided by 0.2% kamo. sa chat, sa personal, sa text puro ka sex sex sex. ilabas mo na ang tunay mong kulay! bwahahaha.

YNA said...

Pag in-add ko kaya yan, 100% ang labas?! Pinag-isipang mabuti ba yung mga percentage?! Naman!

1. The Singing Sensation Ron: kironobu.blogspot.com
2. John Lloyd Clone (daw) Joe: sephthedreamer.blogspot.com
3. Birthday Boy Today Arnel: loverboyparadigms.blogspot.com




Naman! Grabi. Tawa ako ng tawa dito!

Billycoy said...

sephthedreamer > wag mo akong itulad sa sinasabi mo... ang banal ko kaya. lahat ng nasabi mo dyan ikaw yata yun

yna > 100% total lahat ng percentage niyan, di pa nga sakto yan, naka-roundoff pa!

yatot said...

parang lahat dapat ng percentage e may halong sex... hindi kaya... bwahahhaha... siguro pwera lang yung pagiging kulanotero mo! hahahaha Ü

Estupidong Neil said...

Leche namang pagkakabreakdown ng percentage. Halatang pinagtuunan mo nang pansin si MS Calculator.
------------

37.62% Music Addict:

Yeah! Cueshé! Whohooo! RAAAK-ONNN!! Lagi na lang umuulan...

Xet. Nakakabobo talaga. Isama mo pa ang 6cyclemind.

----------

26.2538% Movie Enthusiast

Ako, binabasa ko muna ang ratings rin. Pero di ako deretso sa sine. Kung hindi sa bangketa, malamang ililista ko na lang sa hangin tas magrerent ako sa Video City para i-rent sa susunod na 3 buwan. ^_^

-----------
22.329% Fashion Freak

Mukha ka palang sanggano. Kaya pala wala kang kapopoy. Nyaknyaknyaknyak

-----------
8.168% Blogging Blogger

Tama. At isa na ako dun. Allah-u-akbr, Billycoy.

------------
5.4292% Kulangotero

Sabay pasok sa bibig, ano?

------------
0.2% Sexually Inclined

DEMONYO KA BILLYCOY. SAKSAKAN KA NANG SINUNGALING> ETONG SA IYO.. KAMEHAMEHA!!!!!!!

Teka, hari yun sa Hawaii ah...

karlee said...

Waw ah, may .something something ka pa XD nung nakita ko yung kina jhed whole numbers :P

tama. ang hilig mo kasing music Boys 2 men XD whooot! Cueshet yan. :P

i didnt know you were a fashion freak :P wala sa ugali mo, tito.

0.2% lng ba?!

Billycoy said...

yatot > oi di naman lahat... napaka-holesome ko kaya

neil > sa mga ganitong pagkakataon kailangan talaga ng calculator... may trigo equations pa nga yan bago lumabas ang mga percentage na yan... di ako nuknukan ng kasinungalingan, slight lang

karlee > oo fashion freak ako pero di naman malala. di niyo pa kasi naririnig ang rakista side ko.

andee said...

hi..i loved reading your blogs and i hope i could do the same thing with you.. great blog..by the w3ay i'm andeE,,davao..

witchdee said...

..hi,,bago lang ako sa blogger industry,. sana i add mo q as one of your friends in your blog..plzzzz.thnxs.. ito blog ko. www.magiwitch.blogspot.com

Billycoy said...

andee/witchdee > hi andee, i'm billycoy. thanks.

deejay said...

billicoy, sinung byang mga babae na nagpapaadd sayo? nyahaha. 0.2% sex addict. talaga lang ha! :P kulangotero? ngayon lang ako nakadinig ng ganyan. wakeke

rachel said...

kulit sa breakdown.. haha! yeah mabuhay ang mga taong laging may sipon!

Billycoy said...

deejay > kulangotero? di mo alam? kunwari ka pang di mo rin ginagawa yun

rachel > mabuhay tayo... AAAWU!

andianka said...

pagsabi pa lang ng porn, kaduda duda na ang 0.2% ng iyong sex addiction. hay naku, malamang nagkamali ka lang ata ng napaglagyang percentage... dun ata dapat sa 32.62% eto... or namix up mo lahat? hahaha! if not.. mali calculator mo!

tsk...tsk...tsk...

mangulangot ka na lang at i-dial ang number kapag ika'y nalulumbay... alam mo na kadugtong... :P

Billycoy said...

andianka > nakakaduda? 0.2% yan ng aking 2 billion units ng kaadikan.

andianka said...

waaaaaaah! MATH! ilayo nyo yan sakin... erase... erase... *nangangatog sa takot* :P

sirena said...

ayaw mo ng cueshe? tsk tsk... paborito ko kaya yun.

cute mo talaga.

REDG. said...

0.2% sexually inclined. =)) NAKS.

renz / renzy_benzy / Charlie Wonka Jr. said...

question:

Ba't nakakadiri ang pangungulangot when you take out of those dirty chunks of yours.. dibahdibah??? agree???

sherma said...

kulangotero... saan mo kaya nilalagay ang mga nakukuha mo? dinidikit sa pader? bibilugin sabagay pitik sa taong malapit? or kinakain? hahaha!

Billycoy said...

andianka > wag kang matakot sa math... dahil di hamak na mas matindi ang calculus

sirena > thanks... marami na ring nagsabi sa aking cute ako.

redg > syempre

renz > tama ka dyan, naglilinis lang din naman, ano ba masama dun?

sherma > gusto mo ba talagang malaman?

L.A said...

Hindi ako naniniwalang 0.2% lng ang yung sexual na pag-ka-addict(my ganun) hindi ako naniniwala!

Magkamatayan na!!!!! Hindi ko isusuko ang batanes! LOL!

syd0602natz said...

pwede mong pagkakitaan yang kulangot mo gaya ng ginagawa mo sa pimples mo black pearls nga lang heheh!.. peace!

Billycoy said...

l.a. > isa ka rin sa ayaw maniwala... ba't kayo ganyan?

syd0602natz > ang hirap ng pangalan mo ah, parang password... anyway, pwede kong ibenta, lalo sa mga intsik, pwedeng gawing kyamoy at champoy.

niknok said...

sa tingin ko nga may mali sa mga computations mo! hahaha pakicheck ulet yung sexual mong addiction!

Billycoy said...

niknok > tama lahat yan, yung sexual inclination nga, saktong-sakto!

Virginia said...

ayos sa figures ah, super accurate!