Masamang balita, ang Pilipinas ay nakakaranas ng El Niño. Hindi pa sure kung aabot pa sa March ang reservoir ng Angat Dam. Kaya pala ganito kainit kahit December at halos magpapasko na. Pakiramdam ko nga summer pa rin parang gusto kong pumunta ng Boracay. Kaya kung sinuman ang may ginintuang puso na magdadala sa akin sa Boracay ikaloob niyo na... pero mas gugustuhin ko kung sa Amanpulo, Php 300,000 plus pocket money per person lang naman ang kailangan dun.
Sabi ng Maynilad, kailangan daw nating magtipid ng tubig. Bilang Pilipino at para makatulong sa ikabubuti ng bansa marapat nating sundin ang ganitong pagtitipid:
- Bawasan ang pag-inom ng tubig, instead of 8 glasses a day, kahit 2 na lang.
- Huwag ng maligo sa mga susunod na araw at darating na ilan pang buwan.
- Huwag ng magluto ng mga may sabaw, magtiis na lang sa mga prito
- Huwag na ring magflush ng toilet sa tuwing gagamit ng banyo
- Tipirin ang pagpapawis at huwag ng umiyak upang hindi na madehydrate
- Huwag na ring magdilig ng halaman
- Iwasan na rin ang paglinis ng kung anuman gamit ng mga basang basahan
- Mainam na ang isang beses kumain para maiwasan ang pagdumi
- Upang wala ng hugasin, lahat ng gagamitin ay mga disposable na
Ang Good News, kapag nangyari ito, makakasama na naman ang Pilipinas sa Guinness World of Records dahil kikilalanin ang ating bansa na World's Stinkiest Country. Anyway, masaya naman tayo kapag natatala tayo dito, di ba?
Paparating na pala ang bagyong si Reming, baka heto na ang huli niyong paligo kaya samantalahin na bago pa tuluyang manalasa ang El Niño Phenomenon sa atin.