Monday, October 30, 2006

Now Salivate!!!




Sa mga nakatira sa US malamang nakita niyo na ang ad na yan during the Superbowl Season,.Galing ng TV ad ng Burger King sa US. Siguro kung pinalabas yan dito tataas ang bumababang sales ng Burger King dito sa 'Pinas. Artistic and creative ang ad. Pero every work of art may meaning, subliminally. Kung artist ka or enthusiast ka, alam mo dapat yan. At isa nga ako sa kanila, so I have an analysis of this TV ad. Heto ang investigative analysis ko sa TV ad ng Burger King na Whopperettes:

Burger Patties. Masarap ang patties nila, juicy and grilled to perfection. As the TV ad suggest, ang patties nila ay gawa sa karne ng tao. Yup. giniling and grilled to perfection. Sarap ng Double Whopper!

Mayonnaise. Isang ingredient na nagpapalinamnam ng Whopper. Yun nga lang mataas ang calories at fat content, you know why? Gawa lang naman siya sa mga taba ng tao, or yung adipose tissue. Mmmm yummy. Extra Mayo sir?

Ketchup. Siguro di ko na kailangang pahabain pa kung saan gawa ito, kulay pa lang alam niyo na kung saan gawa ito. Dugo! Dugong nilagyan lang ng suka at asukal para lumasa at mawala ang lansa.

Cheese. Isa sa addictive content ng mga burgers, optional naman ito sa Whopper. Ang cheese gawa sa cow's milk, pero sa Burger King, hindi, gawa yan sa mammary gland ng tao!

Veggies (onions, tomatoes, lettuce). Fiber sa burger. Pampahealthy kuno. Fresh naman yan, nothing to worry about the veggies' freshness. Yung mga fertilizers lang naman ng mga gulay niyan ay gawa sa mga lamanloob ng mga tao. Hindi naman kasi pwedeng isama sa burger patty kaya, ilagay na lang sa fertilizers.

Burger Buns. Ang mga tinapay gawa yan sa wheat and plants alike. Well, ang mga taniman lang naman ng mga yan ay ginagawa ring tambakan ng mga bangkay ng kung anu-anong krimen; salvage, rape atbp. Minsan nga naaagnas na mga cadavers dyan kasi di na makita gawa ng matataas na halaman.

Yan lang naman ang sangkap ng masarap na Whopper ng Burger King. Nakakapanglaway di ba? Kakagutom. Kain na. Ako oorder na nga ako ng Double Whopper plus cheese with extra mayo!

17 comments:

Anonymous said...

ahihihi natatawa ako dun sa commercial... lalo na kapag nalalaglagan na sila magkapatong patong whahaha

nightfox said...

hehe.. how about Pancit Malabon? :P

Hasson Marque said...

nawalan ako nga ganang magburger hehehe!

Padre Salvi said...

hehe.. yumyum talaga ang burger na iyon

Anonymous said...

hahahahha,nawalan ako nag gansa burger,yung mayo taba ng tao..ick

sira ka talaga...

hahahaa

garytarugo said...

OR-GY! OR-GY! OR-GY!

ikay the dancer said...

haha,, i love your entries talga. haha lol!

Talamasca said...

Naliligaw yata ako. Youtube.com?

Anyhoo, I ain't drooling, since I'm a vegan and all. Woop dee doo!

Anonymous said...

ako rin! parehas nung kay rens. yung nagkakapatong-patong yung mga 'girls'.. i mean, yung mga palaman!

nakakagago! nasasaktan nga lang sila. wawa naman. tskkk..

siguro masarap SILA!!??

sila - i mean, yung burger. hindi yung girls.

haha.

Anonymous said...

Good concept. Bringing back the ad classics. Good ad.

And I agree... what's happening to BK? It's been a long time since I last watched their ad on TV.

To tell you honestly, I was eating while reading your analysis. I nearly threw up.

Anonymous said...

You've got a GREAT blog! Really enjoyed reading. Would love to do a link exchange. :)

http://nostalgiamanila.blogspot.com

Maraming salamat!
--Nostalgia Manila

Anonymous said...

gash.. great analysis hehe...

link ex?

panghent said...

ewwww..buti nalang at masyado kong gusto ang burgers in general, let alone ang bk.

ayos ah, halloween ang nais mo iparating pero kaya paring gawing nakatutuwa. ayos!! :D

blueengreen said...

natawa naman ako dun sa mga paninirang ginawa mo sa bk.... hahahahahah...
anyway you won't stop me from eating their burgers... hahahahaha... mas masarap naman un nang di hamak kesa sa dyolibi yum at ung sa mcdo... hahahahahaha

denib josette said...

patay tayo dyan. libel.. haha! ang tanging natatandaan ko sa BK ay ung drink all you can nila.. ewan ko ba,. marami pa rin namang kumakain sa BK glorietta. :P haha!

Anonymous said...

Almost every day in UST, nakikita ko lagi ang Burger King. I thing I've eaten there more than 5 times already, pero hindi ko talaga magustuhan ang burgers nila.

Onion rings lang ang habol ko dun.

Iba ang Burger King Phils. at Burger King US. Parang nagrerepresent ng bansa nila. May pangmayaman at may pangmahirap. Haha!

Ka Uro said...

naku, ba't ko ba nabasa-basa itong post mo na ito. tuwing kakain tuloy ako ng whopper naiisip ko kumkain ako ng tao. di bale isipin ko na lang yung mga babaeng sumasayaw sa ads.