Monday, October 02, 2006

Not Another Board Exam Controversy

Let's get over my love stories and my rants being singles. Newscoop muna sa nasagap kong balita nung kailan.

Maraming bakla ang sumugod sa opisina ng CiBAC (Commission in Bakla Accreditation and Certification) dahil sa kontrobersyang naganap sa Gay Board Exam. Nagkaroon daw ng leakage at dayaan sa nasabing board exam kung kaya't sila ay napasugod. Ang fabulosong Gay Board Exam ay ang magpapatunay sa mga bakla kung sila nga ay tunay na bakla o hindi. May mga ilang personalidad daw ang nagbayad upang bumagsak sila sa Gay Board Exam, opo, bumagsak at hindi para pumasa. Ang dalawa sa mga kabilang daw sa mga sikat na celebrities na ito ay itago na lang natin sa mga pangalang Pyulu Pascual at Erik Santos. Malaki raw ang ibinayad nila sa mga opisyales ng CiBAC upang bumagsak.

Pagkatapos may mga nakapagpuslit pa ng mga exam papers. At ayun sa mga nasagap naming mga impormasyon ay ganito ang mga nilalaman sa nasabing exam:

1. Kung ikaw ay may chorva, ikaw ay may:
a. Kimberly
b. Chuchunes
c. Cheneling
d. Chuva

2. Ang chorva ay ginagamit sa kimberly. Ang chuchu ay sa cheneling:
a. Ang unang chuva ay trulalu, ang pangalawa ay syongak
b. Ang unang chuva ay syongak, ang pangalawa ay trulalu
c. Ang parehong chuva ay trulalu
d. Ang parehong chuva ay syongak

3. Ang chuchu ay isang:
a. aso
b. chuva
c. tren
d. biatch

Kaya pala ang kapitbahay namin kahapon ay umiiyak at nagwawala sa kanilang tahanan. Pinakinggan ko ang kanilang usapan ng kanilang ina. Ngumangawang dumating ang bakla "Inaaay, hindi ako baklaaa! Huwaah!" Sumagot ang ina, "Bakit anak? Paano mo nalaman yan?"
"Hindi ako nakapasa sa Gay Board Exam! Huwaah!" sagot ng hindi pumasang bakla. "Ganun ba anak? Ok lang yun, next year may exam pa naman, baka dun pumasa ka na. Malay mo next year bakla ka na."

Haaay, kaawa-awang nilalang.


11 comments:

Donya Quixote said...

hahahahaha!

Gener said...

WAW! ikaw ba pasado o bagsak?

garytarugo said...

hahaha! panalo yung test!

yna said...

tawa ako ng tawa!

bananas said...

Beset! Di ako nakalimtan kong nakasimangot pala ako...natawa ako bigla.

Gusto kong sagutin ang last question. Obvious naman yon eh.

Tren eh. Lagi namang kinakanta yon. Ang di ko lang alam at ngayon ko lang nalaman na kanta pala ng mg bakla yon chuchu tren.

Sabagay.

utakgago said...

ERIK SANTOS AND PIOLO PASCUAL, my foot!

at nakakagulat isipin na may gay board exam na pala. hahahaha.

btw, i hate gay words. yang mga chenelyn chorva chuvacheness ek-ek trulalu at kung anu-ano pa yan! nakakagago kasi, di mo alam kung tatawa ka ba or what.

haha. anyway, let's leave it to CiBAC. hahahah nice post! made me laugh, once again!!

http://vindication.wordpress.com

Super xienaH said...

kapederasyon!
ang dami na nating mga miyembro.
nakisama ka pa.
chorvazious.
:)

jeniffer said...

meron bang pangpataba? kasi payatot ako eh..

bigvinz08 said...

Pucha kuya.. lupet ng mga blogs mo.. pwede mahiram ang iba dito? pero lalagay ko naman na galing sa iyo.. enge lang ng copyright.. bwahahaha

mr_d said...

hahahaha ngayon ko lang nabasa ito! panalo!

ps.
paano ginagamit ang chorva sa kimberly?

Billycoy said...

bigvinz08 > thanks sa mga papuri, i wont strongly suggest to do that, pero if you'll give my link, i'll be more thankful and will highly appreciate that.

mr_d> di ko rin alam kung paano gamitin yung chorva sa kimberly, hayaan mo ask ko yung kapitbahay naming bakla... kaso bagsak nga pala siya.