Monday, October 09, 2006

World's End: It's Now or Never


Grabe. I have a vision last night. Malapit na raw ang end of days ng ating mundo. Iba sa inaakala nating prediction ng mga manghuhula sa quiapo at ng mga propeta ng Judaism (relihiyong itinatag ni Juday). Kahindik-hindik at kagila-gilalas.

Ganito ang mga pangyayari. Nakaupo ako sa aming sofa, medyo inaantok na ako noong mga panahong yun. Maya-maya may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko "Billycoy... Billycoy..." Medyo mahina pa nung moments na yun. Naramdaman ko na tinigasan ako. Tapos, lumakas na ang boses, YAKK, lalaki pala!? "Billycoy!!!" sabi ng mahiwagang boses. "Big Brother, ikaw ba yan?" tugon ko. "OO ako nga!" sagot niya. Tinanong ko siya, "Yes, Big Brother, ano pong papagawa niyo sa akin?" "Alam mo bang malapit na ang katapusan ng mundo niyo?" sagot niya. "Nakita mo na ba ang mga senyales? Una, ang pagkamatay ni Pope John Paul II, ang sumunod ay ang pag-amin ni Rustom Padilla at ang kinakatakut ng lahat ang huling senyales... ang pagkain ni Mang Tibur sa kanto ng Isaw!!!" Nasindak ako sa mga sinabi ni Big Brother, hindi na ako nakasagot muli. "Kunin mo ang DVD sa loob ng shoebox sa tabi mo." Kinuha ko nga yung DVD sa loob ng shoebox, nagulat ako sa nakita ko sa packaging. "Big Brother, bakit porn to? ...saka bakit M2M? Bakla ka Big Brother?" tanong ko sa kanya. Tumugon siya, "Ah... eh... wala lang akong mapaglagyan nung DVD kanina." Natawa na lang ako ng tahimik sa aking kinakaupuan. "Ah basta! Kunin mo na yung DVD sa loob niyang case at isaksak na!", utos niya. "Yuck naman Big Brother, di ako nanonood ng M2M... baka meron ka dyang Girl on girl action, pwede pa." "Iba ang laman niyan kaya isaksak mo na!" pasigaw na utos niya. "Teka Big Brother, gawa lang ako ng popcorn." ang aking tugon. "Wala ng panahon, isaksak mo na yang DVD sa player!" nanggigigil na utos ng nakakasindak na boses ni Big Brother. Nang dahil sa galit ng boses niya, ginawa ko na lang bigla. Talagang nagulat ako sa mga nakita ko sa video, talagang feel na feel ko ang mangyayari sa kinabukasan ng ating mundo lalo't naka 7.1 Dolby Surround Stereo at Sony Bravia 49" pa ang aming tahanan.

Si Mahal na ang pinakamatangkad na tao sa mundo.

Lalabas sa Playboy at Hustler Magazine si Madam Auring.

Uulan ng elepante sa iba't ibang parte ng mundo. Ito ang magiging sanhi ng pagkamatay at pagkawasak ng maraming tahanan sa ating mundo.

Ang lahat ng tubig sa mundo ay magiging uhog at i-expect mo na kapag summer o tag-init na unti-unti itong magiging malapot na green hanggang sa maging kulangot. Kitang-kita sa far-away galaxy na ang earth ay magiging isang kulangot!

At ang malufet na mangyayari, magiging presidente si Kuya Germs ng ating bansa at pag naglaon, magiging chairman pa siya ng United Nations. Pamumunuan niya ang buong mundo. At ang resulta hindi na matutulog ang mga tao sa mundo, ang mga eyebags aabot na sa sahig. At ang hindi ko kayang matanggap, magiging dreadful ang fashion, dahil ang lahat ng isusuot na damit ay katulad ng mga sinusuot ni Kuya Germs.

Hindi ko na kinaya ang mga nakita ko sa revelation na ito, kaya't pinatay ko na ang DVD. Kakarimarim ang magaganap sa ating kinabukasan, hindi ito kaya ng powers ko. Napaluha ako sa mga mangyayari. Nagulantang ako sa mga tumambad sa akin kung kaya't naitanong ko na lang, "Big Brother... kaanu-ano mo pala si Charlie dun sa Charlie's Angel?"

Wala ng sumagot sa akin. Wala na ang boses ni Big Brother. Hindi ko namalayang nilayasan na pala ako ni Big Brother ngunit may naiwang note sa shoebox:

Please pass or the world's end will be tomorrow if not now!

22 comments:

Talamasca said...

Hahaha. Can't stop laughing my ass off here. Loved that Kuya Germs part. And the disgusting parts as well (you really can't ignore barf-worthy stuff, huh?). :-)

BTW, who the hell is Mang Tibur?

Thanks for the laugh, man. :-)

Tutubing said...

Waaaaa... kaw tlga! naka drugs kaba? haha! joke! malapit nakong masiraan ng bait dito a! heheh!

cyberpunk said...

hahaha kakatakot namang mga revelations yan...ayokong uminom at maligo sa sipon!

super xienah said...

adik.
di mo yata nakita sa senyales na mapupunta ka sa mental hospital.
:)
adikk.
di mo rin nakita na ako ang magiging binibing milky waY?
:)

melai said...

hehehehe kakatawa!

Donya Quixote said...

sabi sa iyo lumayo ka na sa katol eh... naaapektuhan na brain waves mo... hurhurhur

kyels said...

I like the picture.

(:

mr_d said...

oh shet....
katapusan na yata talaga ng mundo...
si madame auring din ang post ko...
hindi ko alam kung ginamit niya ang super psychotic powers niya...
pero natatakot ako...
oh shet...

ikay the dancer said...

hahahahaha!!! oMg!!
tama si donya quixote.. tigilan ang paghithit ng katol. obvious ang nagiging produkto ng pagiging adik. :)

thanks for making me laugh dis day. i really need it. kagagaling ko lang sa madugong iyakan. hahaha! :P

garytarugo said...

na-E.S.P. kaya tayo ni madam auring? meron din akong post na tungkol sa kanya eh. my crush

blacksoul said...

hahahhaha..nakakatawa pero damn matalino ka,magaling magsulat.atsaka nakakataw without even trying.link exchange naman please holla back

JONAS DIEGO said...

Thanks for visiting my blog! :D

potpot said...

haller.. hihihi.. sakit ng tyan ko kakatawa... pamatay!! amen

big bro?? Is that you!

pam said...

bakit ganyan??? my gosh!hehehe. nagulat naman ako dun.

utakGAGO said...

akala ko naman, totoo na. amp!

pero nakapanaginip na talaga ako na end of the world kaso, ang weird. hahaha.

madam auring pala ha!! yakk, wala nang bibili ng hustler at playboy. chura. amp!!

sino kaya si mang tibur?

Littlepixie said...

nice 1 para kang c BOB ONG yung sikat na writer nang libro. astig idol!

jeniffer said...

nyaak wag naman.. marami pa ako pangarap haghaha

*redg* said...

Magkamaganak yata si Big Brother, si Charlie from Charlie's Angels, and si Banker sa Deal or No Deal. Kaya lang hindi ko pa naririnig boses ni banker. Si Kris palang yata nakakarinig. =))

Gandang post. ;)
Pwedeng link ex? :P
http://jinxedgeness.blogspot.com

Richard Diongson said...

thanks for droppin by my site.. btw, nice site!


napatawa mo ko dun ah.. hehe...

sana, di magkatotoo.. :-)

panghent said...

thank you thank you sa daan. :)

oo nga sino si mang tibur?

eyebags..waaaaaaggg!! haha! :D

nice one! :)

Krayola said...

isa lang masasabe ko.

gagew ka billycoy. :D

yeah i min it pram da botom op may hart.

ikaw din pala yung may blog ng "wanthought" ung mga one-liners and short phrases. astig. binabasa ko dati yun eh. :P

Jhed said...

As usual, another funny post from you. Even funnier from some blogger I know. Haha!

Natawa ako sa Big Brother skit. At bading si Big Brother? Omigash! Kaya pala naging ganun si Uma at napa-amin bigla si Rustom. Haha!

Oh well.

Nga pala, I answered the question you posted in my blog. Bisitahin mo na lang. Thanks! :P