Bago na ang panahon ngayon kaya naman lahat na lang ay nag-e-evolve na. Dati ang kahayupan at mga living things lang ang mga nag-a-undergo ng evolution pero ngayon pati mga soap dramas naapektuhan na rin.
Originally, ang demographics ng mga soap dramas ay ang mga female audiences na usually ay mga housewives. Noon kasi ang mga radio dramas ay sponsored ng mga soap manufacturers kaya naman nakilala nga itong mga soap opera. Habang tumagal ang panahon ay nabago na rin ang styles ng mga soap operas, kung noon ay tuwing siesta time lang ang mga ito ngayon ay namamayagpag na rin ito sa primetime block. Kaya nga humina na ang viewers ng PBA dahil dumami na rin ang mga ander de saya at nag-out.
Lumawak na rin kasi ang varieties ng mga soap dramas kaya naging broad din ang target market nito. Mga teenagers nga ay may angkop na ring mga soap dramas na rin para sa kanila at palagay ko nga pati mga toddlers at pre-schoolers ay gagawan na rin, baka yung Dora at Blues Clues ang unang gawan.
Ano nga ba mga evolutions ng mga Pinoy soap opera ngayon?
Sampalan
Kung noon ang sampalan sa mga soap operas ay nagiging cause lang ng iyakan pero ngayon ay iba na. Ang mga tinatamaan ngayon ng mga sampal ay tumitilapon na at humahambalos na sila sa pader.
Patayan
Mas maraming characters ang mga bagong soaps kaya mas maraming pwedeng patayin. Lalo yung mga sa first episodes lalabas dahil matataas ang mga talent fee nila at mga 'premyado'.
Airing
Noon ay umaabot ng ilang taon at halos isang dekada ang mga telenovela na gaya ng Mara Clara na umabot ng 7 years sa TV. Ngayon kapag na-realize na ng audiences na walang kwenta pala ang sinusubaybayan nila, mamadaliin na ng producers na tapusin ang palabas at papalitan ng mas basurang telenovela kahit isang buwan palang itong ineere.
Tauhan
Dati ang mga characters lang ay ang mga malditang bruhang laiterang kontrabando... este kontrabida at isang nakakaawang batang api na anak ng mayaman pala. Ngayon, pati ang isang karimarimarim, kasukla-suklam, kalait-lait at pagkapangit-pangit na alien ay nagiging bida na rin.
Actors
Mas marami ngayon ang puro pa-cute lang ang ginagawa sa mga teleserye at konti lang talaga ang marunong umarte. Kung nandun nga lang ako sa set nila ay i-che-chainsaw ko na lang sila at matira yung mga mas deserving na mabigyan ng magandang role. May matira pa nga kaya sa kanila?
Script
Kung noon ang mga script ay very stereotype at basura, ngayon ay ganun pa rin. Wala pa rin pinagbago ang mga kwento ng mga soaps, mga basura pa din. Bagay lang talaga silang maging soap, kasi laging sinasabon sa lait at sa istorya.
Off limits na talaga ako sa local TV kapag primetime na. Ayoko kasing ma-pollute ng drama at kabobohan ang utak. Minsan nga mas mabuti pang manood ng advertisements may kabuluhan pa. Kakanta na lang at sasayaw ako ng shigi-shigi-wa-wakere-ooma baka ma-enjoy ko pa. Napupunta pa ako sa Time Space Warp pagkatapos ng sing and dance number na iyon.
Hindi ko pino-promote ang Zaido, mas gusto ko pa rin ang original na Shaider kasi andun si Annie Putingpanty.
13 comments:
naaalala ko pa yung original shaider.
pinapanood ko dati yun. pati na rin yung maskman, fiveman, bioman, jetman at mask rider black. pati pala yung power rangers.
ang angas kasi eh.
Zaido could have been better, but still I don't think the show will be getting the same success as what Shaider had. Nothing's better than the original "pulis pangkalawakan".
Primetime TV nowadays bore the hell out of me. I just wish a sentai rerun like Laser Squadron Maskman. I want to see Pink Mask again!
ang balita ko nag porno daw si annie. parang training lang yata niya yung pagpapakita ng panty sa shaider...
bluehawk!
basta.. mukhang tae si kokey.
uy... fan din ako ni annie dati. ganda ganda ng mga damit nyang maiikli. ahahah! sexy. idol! LOL.
nagustuhan ko ang shaider dahil kapangalan nya kapatid ko. ROFL!
(ang mga may gusto ng palabas na ito, di nagkakalayo sa edad, bwahahahha!)
aba! at may entry ka na din tungkol sa mga soap opera thingie ha? hehehehe...
minsan nga nakakatamad na ding manood ng mga local shows dahil sobrang pangit na! lalo na yung bago ng GMA ngaun, ung zaido.. kadire... may entry ako tungkol dyan... just click on my name link! hehehhe (promote)
Haha hindi ka naman masyado galit sa telenovelas noh? :P
Honga bakit hindi na inaabot ng 48 years and mga soaps ngayon unlike before?
Basta isa lang ang talagang tinutukan kong soap before and 'yun yung Marimar syempre bata pa kasi ako 'nun (haha excuse). Kahit naman ang US hindi rin ligtas sa crappy soaps. Ex. "The Bold and the Beautiful".
Ako lang ata ang hindi nakakapansin sa putingpanty ni Annie sa Shaider noon hahaha. :)
james > angas sila kapag bata ka pa
dan hellbound > may rumors na ire-remake naman daw ang maskman ng abs-cbn
mr_d > soft porn lang naman yata kaya suot niya pa rin yung puting panty niya
Thank heavens for cable TV! Nung panandalian kaming nawalan ng cable, aba, nag-stream na lang ako ng videos. Tsk. Kaysa naman mapanood ko nanaman ang mga nakakabwiset na mukha ng mga local stars ngayon na wala nang ginawa kundi magpa-cute. Tsk.
hahahaha! dumaan ;P
Ang alam ko, e dilaw ang panty ni Annie! Hehe!
san ba makikita yung video ni annie? hahahaha interesado eh no? for educational purposes lang hahahaha.
shaider cutterrrrrr!
paepal ako. :D
agree ako diyan. original shaider pa din. si marimar naman ang arte magshalita, parang ang pekeng pakinggan.
yun lang. wala din naman akong choice kundi manood dahil wala talaga akong choice. nyahahaha!!!
ang alam ko naman, si annie softporn muna bago shaider. yun ung sabi sa akin.
hindi ba pink o yellow ang suot ni annie noong mga panahon na yun. :D
Post a Comment