Ang kape na yata ang pinakamahiwagang inumin na nagawa ng tao sunod sa beer or kung ano pang liquors. Bukod yata sa nakakapagpagising ito—ngunit meron ding sa iba ito ay nakakapagpatulog—ay meron pa itong nagagawa sa tao. Ang coffee ay drugs din na tumatawag ng kung sinu-sinong espiritu na sumasapi sa umiinom nito.
Patok na rin ang mga coffee shops ngayon sa kung saan-saan. Naiinis na nga ako dahil sa kadalasang mga nakikita ko sa mga coffee shops lalo na sa sikat na Starbucks ay dun pa nagsusulputan ang mga TH (Trying Hard). Hindi ko alam kung anong klaseng magic or alchemy ang ginagawa ng mga barista sa mga frap at hot cups ng mga nilalang na ito.
Tuwing nagha-hangout kasi kami ng mga friendsters ko sa nasabing coffee shop, napupuna kong may kakaibang nangyayari sa ibang tambay dun. Sa pag-inom nila ng kanilang frap or kahit yung baso ng tubig lang ng Starbucks ay may biglang lumalabas na usok sa paligid nila na sinasamahan pa ng disco lights kulang na lang ay sumigaw sila ng Darna, Captain Barbell at Shaider. Paghawi ng mga lights at usok ay nagbagong anyo na ang mga TH na ito, pero mga sugpo at hipon ang mga mukha nila. Nagbago lang ang kanilang pananalita. Regal Shockers! Biglaang naging spokening-dollars-with-twangs-and-nasal na sila. Lintek! Gusto kong hugutin ang kanilang dila at gawing dental floss sa mga ngipin nila.
Acceptable pa sana kung normal at maayos ang usapan nila, kaso halatang hindi. Obvious na mga kakarimarim na mga TH sila. Nakalunok yata ng megaphone at ipinangangalandakan pa nila ang kanilang mga english na usapan. They are obviously thinking longer than with a casual conversation. Kasi kung normal na pag-uusap lang, spontaneous yun at bastusan na ang usapan—or ganun lang talaga kami mag-usap ng mga barkada ko, bastusan. Sa susunod nga magdadala na ako ng AK-47 para ratratin yung mga TH na mga tumatambay sa mga coffee shops.
Paano ba malalaman ang mga TH's at mga social climbers sa mga coffee shops?
- Umoorder ng kanin or may dalang kanin at isinasabaw ang kape nila doon.
- May dalang sachet ng kape at humihingi or naglalagay na lang ng hot water sa mga munting baso.
- Hindi alam kung paano bigkasin ang macchiato.
- Puro service water lang ang nasa lamesa nila.
- Nakabuhol na ang mga dila nila sa ngipin.
- Nagbabasa ng tagalog romance novel sa loob ng coffee shop.
- Nagdidikdik ng coffee beans at hinihithit.
21 comments:
buti na lang tipid akong magsalita kapag nasa starbucks! hahaha..
makiyato ba tamang pag pronounce nun? with a lil bit of slang sa dila? hahaha
hahaha natawa talaga ko dun sa di kayang i-pronounce yung macchiato!
hehehe mga lintek na mga bakla at maaarteng mga babae ang mga laging nag eenglishan ek-ek sa starbucks. lalo na yung mga taga people support at etel. hehehehe. peace kung meron man taga ps at etel dito.
one time nga kahit sa bus nag eenglishan eh. iningglish ba naman pati yung kundoktok. gusto kong sungalngalin ang lalamunan nya nung mga bulto bulto tickets na hawak nung kundoktor.
dapat may technology ang starbucks na automatic detection ng mga TH. using sophisticated algorithms, once nagpaka TH sila sa loob, mag tritrigger ang alarm at ang sofa/silya na inuupunan nila ay instantly mag eeject paitaas at mapipisa sila sa ceiling.
~rob
*kundoktor
Uber cheap people. That's why I don't go to Starbucks for my dose of caffeine. Mas masarap pang magkape sa umaga kasama ang mga processed na karne ng baboy kesa sa mga TH na 'yun.
halos lahat naman yata ng nagkakape sa starbucks nakaranas na ng ganon. badtrip talaga. nasa pilipinas naman sila, tama?
yung sa pagtulog ko, ganun na talaga ako matulog eversince, 14 hours a day. sobrang luxury. hahaha!!!
hindi ko pinangarap maging taartits repapips. eew.
Hindi alam kung paano bigkasin ang macchiato.
Kilala ko 'to! whaahaha! XD
Mag collide na kau ni cofibean :P
Madalas kong makita sa starbucks ay yung mga nursing students ng fatima XD
david.edward > wag na lagyan ng twang nakakainis lang
doubting thomas > ayoko nun, mabilisang pagkamatay lang, gusto ko pinapahirapan sila
icarus_05 > may kilala kang ganun? sino nga kaya yun?
no wonder noong umuwi ako ng pinas hindi ako pumasok ng starbucks kasi baka mabatokan ko lang yung mga tao na nandoon.
ang arte talaga ng ibang tao sa atin dyan sa pinas. feeling nila porke marunong sila magenglish may class na sila. if i know marami sa kanila can't afford to buy starbucks. (i'm not trying to be mean). ano ba ang masama kung nagtatagalog?
on the other hand, i love studying inside starbucks. kasi at least dito wala naman mga SC and if you can't afford to buy one, you don't have to. venti nonfat green tea latte is the best!
bili na lng ako ng dalawang box ng nescafe sachet kesa pumunta pa at makarinig ng mga TH na iyan... mga feeling... oi hindi ba nila alam na cheap n ngaun ang starbs... kasi andun na sila...! hahhahaha... i rather go to seattle's, gloria jeans, or dunkin donuts just to have my coffee! hahahha
paguwi ko, pupunta ko sa starbucks at mago-order ako ng caramel mashiato!
Hindi ako mahilig sa coffee kaya siguro hindi pa ako nagkakapag-try sa Starbucks. Sayang naman kasi ang pera ko, no. Tsaka kung ganyan din pala ang maaabutan ko, conyolism, wag na lang talaga...
going to starbucks is like a status symbol.pag galing ka starbucks,mayaman ka at may class!bullshit!let's see if they'll say the same thing now that starbucks raised its prices by 9cents.masarap pa rin sa caribou.masarap din ang kape sa dunkin donuts ha!
Gusto kong maging amerikano kaya tumatambay ako sa starbox
sabi ko na dapat hindi ako nagpupunta sa mga ganoong pasosyal na lugar e. nagmumukha talaga akong dugyot to the nth power.
anonymous > dapat tumuloy ka at pinagbabatukan mo sila, baka dun sila matauhan
jaja > i think the price itself sa starbucks is already enough na, di naman na nila kailangang mag-usap or maging konyo pa.
mr_d > kailangan mo yata ng lifetime supply ng kape ng starbucks para tuluyan ka ng maging kano
xienahgirl > palagay ko nga mas mukha pang dugyot ang mga TH at mga SC's dun kaysa sa iyo. ano naman panama nila sa iyong ganda?
HOY MARUNONG AKONG MAGBIGKAS NG MAH-KEE-YAH-TOH NO! Feeling mo naman!
[Defensive? Tinamaan ako eh. Lol.]
utakgago > hindi na ako ang may sabi niyan ha. LOL.
Ah, mahal talaga ang mga nauusong kape ngayon. Hindi naman talaga ako mahilig magkape.
At sa kabutihang-palad eh mga magagandang dilag talaga ang nakikita ko at mga mukhang sopistikadong tao ang nakikita ko sa mga ganitong establisimento.
Ako lang ata ang TH, hehe. Madalas naman walang tao ang napupuntahan kong kapehan at minsan naman on the go ang kape. Di na ako nakikileech ng internet dahil wala naman akong laptop.
ahahaha this made me laugh xD nagising mama ko sa halakhak ko wahahaha!
last time i went to Starbucks was more than a year ago, tahimik pa dun. frap and croissant lang in-order ko eh (tipid budget). went there to experience the ambiance lang. puro TH na nga ba tambay sa SB ngayon? omg ._.
haha! ayun lang may umamin...3x pa lang ata ako nagpunta ng starbucks pero di rin nakayanan ng powers ko ang mga konyotic na nasa loob. isa pa hindi naman ako mahilig uminom ng kape.
Post a Comment