Monday, September 03, 2007

Getting Twisted with a Question

Ok guys, kinakailangan ko ang inyong atensyon. Ipagpalagay na kayo ang doktor at mayroon kayong 2 obligasyon: (1) ang maging tapat sa inyong pasyente at (2) ang irespeto ang “privacy” ng inyong pasyente. Ang dalawang ito ay ang bumubuo sa iyong ULTIMATE responsibility sa pasyente mo: ang mapangalagaan ang kanilang KARAPATAN at KALUSUGAN (buhay). Tandaan, na sa sitwasyong ito, kayo ang doktor at hindi ang ibang tauhan sa senaryong babanggitin ko, ok?

Dalawa ang inyong pasyente: Si ABC at si XYZ. Silang dalawa ay nakatakdang magpakasal. Nagkasundo sila na magpacheck-up sa iisang doktor. At sa pagkakataon na ito, IKAW ang doktor. Nagpakuha sila ng dugo at nagpasuri (test) kung sila ay mayroong AIDS. Si ABC ay mayroong AIDS, at si XYZ naman ay wala. Ano ang inyong gagawin?

A. Sabihin kay XYZ na ang gusto niyang pakasalang si ABC ay mayroong AIDS, kahit labag ito sa kagustuhan ni ABC. Ito ay dahil sa obligasyon mo na isaalang alangan ang KALUSUGAN ni XYZ.

B. Sabihin kay ABC na mayroon siyang AIDS at ipaubaya na lamang sa kaniya ang pagsasabi kay XYZ. Isaalang alang na maaring ipagkait ni ABC ang katotohanan kay XYZ. Ito ay dahil sa obligasyon mo na irespeto ang privacy ni ABC.

C. Or, ___________________________________ (make-up your own answer).

Sa ibang salita, anong uunahan mo, the patient’s right to privacy or the patient’s right to be informed?


Iyan ang katanungan ni Isagani X noong isang linggo. Kahamon-hamon at nakakaisip talaga ang tanong, at dahil nga ninais ko ring maging doktor noon ay sasagutin ko yung tanong.

Binuno ko ang buong linggo para maisipang maigi ang mga kasagutan dyan at muntikan pa nga akong dalhin sa ospital dahil umaagos palabas ng aking ilong ang dugo at sumasama na naman dun ang mga utak ko. Kinailangan ko na naman ngang magkaroon ng brain transplant. Isinuksok nga nila yung bago kong brain through my nostrils dahil ayokong magkaroon ng surgical scars sa aking mukha.

Ang daming teorya kong naisip para sa mga katanungan ni Isagani. Kaya inisip ko muna ang mga pwedeng dahilan kung bakit nagkaroon ng AIDS si ABC.
  • Kung hindi pa contaminated si XYZ, ibig sabihin wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. Posible ba kaya yun? Kung sa akin nga walang naniniwalang USB pa ako, sa kanila pa kayang malapit ng ikasal?
  • Kung sakali mang may nangyayari na sa kanila noon at hindi naman nahawa si XYZ, maaaring nagloloko itong si ABC at may sumalisi kaya nahawaan siya.
  • May kaugnayan kaya ang pangalang ABC kaya siya nagkaroon ng AIDS?
  • Bakit ABC at XYZ ang pangalan nila? Ano ba ang naisip ng magulang nila at bakit ganung mga name ang binigay sa kanila? Tao ba talaga sila?
Heto naman ang mga posible kong gawin bilang kanilang doktor.
  • Kung sakaling totoo ang aking hunch na may third party sa kanilang relasyon, yun na lang ang sasabihin ko kay XYZ. Ganito ang usapan namin malamang:
AKO: Regular ba ang popoy sessions niyo?
XYZ: Opo doc. Bakit po?
AKO: Alam mo bang may third party sa relasyon niyo?
XYZ: Hindi po yan totoo. Paano niyo po nalaman yan?
AKO: May AIDS si ABC.

  • Kung sakaling babae si XYZ ay aagawin ko na lang siya kay ABC. Ganito naman usapan namin:
AKO: Alam mo bang may third party sa relasyon niyo ni XYZ?
ABC: Hindi po yan totoo. Paano niyo po nalaman yan? Sino kalaguyo niya?
AKO: AKO!!!


Iyan lang naman ang mga posible kong gawin kung sakaling ako ang doctor nila. Para sa akin ang gagawin ko yung letter A na sasabihin na lang kay XYZ. Kung pareho lang din silang magkakaroon ng ganung sakit ay ako rin naman mahihirapan kasi nga ako doctor nila. Mabuti sana kung sipon lang ang sakit na yun. Magkakasakit na nga lang sila ako pa ang papahirapan. Hindi kaya madali ang maging doctor—mangduktor madali pa.

Kaya naman panawagan sa lahat, always practice safe popoy with a pokpok. Hindi lahat ng sakit nalilinis sa paligo lang.

Pasado na ba akong maging doctor?

16 comments:

Anonymous said...

kmusta naman un? ang hirap mag isip.. pero baka naman kasi magagawan pa ng paraan ang sakit? kung level 1 pa lang ung AIDS nya.. at kung oo, sabihin ni ABC kay XYZ na my sakit cyang ganito..

Anonymous said...

wahahahaha! isa ka talagang henyo BC! hindi ko naisip yun a. bopols talaga ko sa science.

Anonymous said...

yun din ang iniisip ko... masyado na bang liberal ang mundo para pagisipang may third party? at para agad na mapagtanto na malamang may nangyari na sa kanila dahil ikakasal na nga? nak ng tipaklong.. nahahawa ko sa dami ng tanong mo! :P

ikay the dancer said...

hahaha.. pwede pwede!! one of the greatest min in the 21st century talga. hahaha! :) kakaloko ka talga!

bananas said...

may tinatawag ang mga doktor at mga health professionals in general na precautionary principle.

Clearly, this principle guides them to put their bias for the avoidance of the possible occurence of the disease than being confronted by the task of curing it.

Kung titingnan natin, this principle demands of the doctors to be proactive in stopping something that is gravely devastating from happening. This also demands of them to be advocates, not only of good health, but ultimately of truth.

Anonymous said...

Ah, mahirap talagang maging duktor sa ganitong mga sitwasyon.

Sang-ayon ako sa safe popoy practice. Di nadadaan sa kuskos ang malinis na popoy.

Kung ako, siguro eh sasabihin ko na lang na may AIDS siya. Pero depende sa itsura ni XYZ(babae) ang kasagutan.

Billycoy said...

david edward > ang alam ko sa ibang STD cases lang ang gamot pero sa AIDS, so far wala pa akong naririnig na cure dito. immune system kasi ng tao ang kagad target nito.

andianka > ganyan lang talaga mga green-minded, maraming iniisip.

bananas > wow, yaan mo paglaki ko gusto kong maging duktor at isasaisip ko yan. thanks.

tannix > eh paano kung si ABC yung girl at talagang nakakabighani, kayanin mo kaya ang tawag ng... libido?

Unknown said...

Siguro, ang gagawin ko ay titimbangin ko muna kung ano ang mas importante sa mga obligasyon ko bilang duktor, ang Privacy o ang Kalusugan?

At dahil bobo ako, Kalusugan ang pipiliin ko.

At next naman ay sasabihin ko sa kanilang pareho ang sitwasiyon at iiwanan ko silang problemado sa umm.. problema nila.

Myx said...

Pwede haha

ek manalaysay said...

di ba sukdulang tinanong ko pa ang mga officemates ko ukol sa usaping ito...

ayon sa kanila... tama ang right to privacy tapos it's the patient's discretion n lng kung sasabihin nya ung sakit nya dun sa partner nya... wala daw magiging kasalanan ung doktor kasi nag-diagnose lang sya...

ang sa akin naman... mag-condom n lng at iwasang mabutas ito... wala akong paki sa mga diagnoses ng doktor n iyan! magpopoyan n lng ng magpopoyan! it's their right to enjoy and pleasure each other!!! Ü

Billycoy said...

agi > paano kung wala kang weighing scale?

yatot > di ako payag dun, dapat kasama din ako.

Unknown said...

Bwahahahar. Ror! ang Husay husay!
hindi ko naisip yun.

Seryoso, muntik na akong tumambling kakatawa, babaw ko no?

Husay! (pansinin: ang babaw ng kaligayahan ni agi, nahahalatang puro jologs na blogs ang binabasa niya, ignorante. tsk tsk)

Anonymous said...

naku nga naman napakahirap naman sagutin ng ganun pero para sakin mas isasaalang-alang ko ang kalusugan kesa ang privacy - kawawa naman yung isa if ever na mahawaan na siya ng AIDS.

dorkzter said...

hahahaha. galing nmn ng analysis. hehe. ako if i were the doctor, para ndi ko n hhyaang sumakit pa ang ulo ko, irerefer ko nlng cla sa ibang doctor. hehehe

sherma said...

sa tingin ko, possible naman na walang popoy session sina ABC at XYZ kahit malapit na silang ikasal (kontrabida?! hehehe...) may third party involve nga yun... ayos! =)

Anonymous said...

Hehe, galing talaga, di ko matigil ang tawa ko, pinagtitinginan tuloy ako ng mga hilaw kong kasama, e tagalog, mahirap naman i-transalate na di nawawala ang humor. Lost in translation ba. Dapat pinoy ka para maintindihan. Galing, bilib ako sa yo, saludo. Papakita ko to sa asawa, mga anak, at mga kasamahan natin dito.