Friday, September 07, 2007

Apple Bites

Grabe na itong crisis na pinagdadaanan ng buhay ko. Kung sapat lang ang lakas ng aking demigod powers ay gugunawin ko na ang mundo ngayon. Pero dahil currently tine-train ko pa lang ang mga yun ay di ko pa magagawa ang bagay na yun. Gusto ko ng magwala at ihambalos ang fridge sa kanino mang makita ko sa daan.

Eh sino ba namang tao ang hindi maggalaiti sa galit, may new releases na naman ang Apple. Hindi ito yung Washington or yung Fuji na nabibili sa mga groceries at palengke. Yung Apple na pinamumunuan ni Steve Jobs. Nitong kamakailan lang ay nilabas na niya sa market ang pinakahihintay ng maraming phenomenal na iPhone. Unfortunately, sa ibang bansa pa ito naka-release. Darating ang iPhone sa Asia sa first quarter ng 2008 kaya naman ngayon huwag ng kumain ng lunch at itabi na ang mga allowances para sa susunod na taon. Huwag na ring mamasahe, gumising na lang ng maaga at maglakad na lang papasok sa school o opisina kahit pa nakatira sa Ilocos na pumapasok ng Maynila at balikan pa.

Tapos nitong nakaraang araw lang, lumabas na ang new sets of iPod! Syetness talaga! Lalo na yung iPod Touch na kamukha ng iPhone less the calling at camera features lang. Touch screen na rin at meron ding WiFi. Imagine makakapag-bloghop ako sa mga coffee shops na mayroong libreng WiFi habang lumalagok ng tap water ng Starbucks or Seattle's Best. Higit sa lahat mapapakinggan ko na ang mga favorite kong music ng The Killers, Franz Ferdinand atbp. Higit sa lahat, makakapanood na rin ako ng porn kahit saan.


Naging mura na rin ang mga Macbooks at Macs sa atin simula ng maging Intel na rin ang mga processors nila. Kung noon ay nagkakahalaga ito ng tumataginting na 150K sa Macbook lang ay ngayon bumaba na ito sa kalahati ng presyo, 70K+ pesos na lang ito ngayon. Naglalaway na nga ako sa lahat ng Macs at Apple products sa lahat ng Apple Center. Dinidilaan ko na nga lahat ng windows ng mga Apple Center dahil natatakam na nga ako sa kanila.



Kaya ngayon ay todo kayod at kiskis ako sa aking business lalo't mahina ang sholbam economy. Kung dati'y isa lang akong dakilang bugaw sa boogie wonderland, pati ako mapapasabak na rin sa pagsho-sholbam para magkaroon ng extra income. Palagay ko mataas pa naman ang rate ko lalo't katakam-takam ako at virgin pa. Parang alak lang yan, mas lalong matagal sa storage mas nagiging mahal. Ganun din sa sholbam industry, mas matagal ng virgin mas mahal ang presyo... yata.

Kaya ngayon sisimulan ko ng i-bid ang sarili kong katawan. Kung dati ay binebenta ko ito ng por kilo, ngayon ay buo na. Kailangang ko ng isubasta ang aking katawan para makabili na ako ng mga gusto kong Apple products.


Start na ng bidding, starting ako sa price na 50,000 pesos. The highest bidder wins me for a night.

*sholbam (n.) manwhore, callboy, male prostitute. Credits to the Adbertaysers for this term.

24 comments:

vinch said...

haha sana macbook na lang binili ko nagmura na nga kasi sila :-| tpos ang mura na rin nung mga bagong ipod.

goodluck sa mga bidders na nagnanasa sa katawan mo! haha

icarus_05 said...

Shet, I really need to buy an iPod! Ang hirap magbiyahe kapag walang pinapakinggan..

Mukhang kailangan ko na ring mag sholbam. Sama mo naman ako jan!

Anonymous said...

MacBooks. iPods. Nakakatakam! Kailangan ko nang bumili para hindi nako hiram ng hiram. Wahaha.

Question: Open sa lahat ang bidding? Kahit bakla?!

Billycoy said...

icarus_05 > basta make sure na mataas pa rin presyo mo

dan hellbound > oo kasama na sila, kailangang kumapit na sa patalim

aaronjames said...

nagbaba na rin ng presyo ang iphone. huhu. 200 USD na lang siya. huhu. kaya lang 2008 pa ang release sa phils dahil AT&T pa lang open. huhu. pero asa naman na mabili yun ng 200USD kapag nasa phils na. plus 150% yan sigurado. huhu

Kai Santorino said...

I WANT A MAC!!!
Yeah it's much easier and better to do home movies with one. 70K is still quite pricey compared with my humble vista laptop.

but soon... soon.... we'll have 'em

ek manalaysay said...

adik na din sa macbook! i want a macbook very desperately... teka... hindi ba ang topic dito ay yung pagbebenta mo ng katawan...? lalalalala

macbook, macbook, macbook!

Anonymous said...

God, I also wanted a Macbook. I've always wanted a white one. Or the black. Anything. I just wanted it to be a Macbook. Or a Sony Vaio. :)

Anonymous said...

Grabe talaga...ang dami biglang nagbebenta ng katawan ngayon hehehe.

Although, I think mas mataas ang presyo mo kasi virgin ka pa hehe.

Anonymous said...

Yeahhhh. Hopefully I'll get my MacBook as soon as Leopard comes out, but that's still a big hopefully. As for the iPod, grabeh noh? I just one to have one for all occasions!! Baaahh :( Apple sucks because it rocks.

I'll bid soon :P haha.

dorkzter said...

wahahaha!!!!!!!!!!!!!!
gusto ko din nung mga un.. sigh.. wish ko lang mkapagsave ako ng pera. lintek kasi. di ako mkpagtabi, dime gastos sa school. hehehe. di bale pagnagkawork nlng....... nax.
benta din kaya ko ng katawan para makabili nung macbook. whahaha. di nalang wawa ka nmn, magkkron kp ng competitor. hehehehe. [as if may papatol sakin noh :)]

sherma said...
This comment has been removed by the author.
sherma said...

wala pa nga akong kahit anong version ng Apple, ngayon, may bagong labas na naman... haay...

P50,000... ang mahal naman ng starting price mo! hahaha! good luck na lang...

dosflame said...

Mahal, pabili ka nalang sa kamaganak mo sa states ng APPLE mo... hehe...

Anonymous said...

sige i'll bid $1,500.


ano? sino pa ang mas mataas?

ikay the dancer said...

hahaha. buti na lng may Macbook na ko. wahehehe!!!

wah.. hindi na ako bibili ng kahit ano. ilalaan ko na lang ang pera ko sa pag bid sayo. ano na pinaka highest bid? 100k. plus Macbook. hahaha. loko!

toothpick said...

maganda nga daw ang macbook ayon sa mga nababasa ko. mabuhay ka! at muli akong nabuhay dahil walang magawa sa buhay.

bananas said...

ANG MAHAL AT NAKA CAPS LOCK ITO, NOT TO METION ANG TATLONG EXCLAMATION POINTS NA ITO !!!

Anonymous said...

at talagang may silhouette pa ng mancandy? :P

ayos nakita ko ulet alagad mo kanina.. umiindak-indak pa hehe

Virginia said...

gusto ko din ng ipod at ng macbook eh, pero dahil dukha ako, in my dreams! may bagong labas sila na desktop halos kasing price lang ng macbook na 70K, 17 inches yata yung lcd... gusto ko din yun!

uyyy sino sino kaya ang magbibid kay gwapong billycoy...!?

TanniX said...

Maganda nga ng iPod products sa ngayon. Kaylangan ko na talaga ng trabaho.

Mukhang sa tingin ko dapat eh kumpetensyahin na din kita sa larangang ito.

Tignan natin kung mas mabigat ang freshness sa experience, hehe.

Billycoy said...

aaron james > transportation, tax at saka patong ng mga gahaman sa gobyerno kasi

prudence > kaya nagbibigay muna ako ng aking price quote sa aking mga clients, baka magulat sila.

juice > ngayon na!

dorkzter > don't worry di naman ako competitive, kasi alam ko namang walang ibang sholbam ang makakadaig sa akin.

sherma > bid ka na rin! pag-ipunan mo baka ikaw rin magsisi

dosflame > ay oo nga no? kasi ang lagi kong pinapabili sa kanila dun mga babae

anonymous > seryoso ba yan? i'm yours na!

ikay > sige ba! going once, going twice, i'm yours na!

bananas > PANSIN KO NGA NAKA-CAPSLOCK YAN AT MAY TATLONG EXCLAMATION POINTS PARANG ITO!!!

lalon > naku pag pasensyahan mo na alagad ko, nagturok kasi yun ng katas ng bayabas

virginia > ayaw mo bang mag-bid sa akin?

tannix > kaso novice pa ako sa larangan ng pagshosholbam... well, iba nga lang kasi ang experience sa wala pang experience, mas exciting!

Anonymous said...

sabi sa iyo, mas mahal ka pag my experience.. hahaha.. performance level kasi...waaahahahhaha

Anonymous said...

ur mine na??.. willing kang iwla yang virginity mo for apple products?

i am actually serious, except ang layo mo lang.... hahahha