Monday, August 27, 2007

Hero's New Task

Na-miss ko na ang aking best friend na nagtatrabaho ngayon sa JLA na si Em-em aka Metroman. Kaya naman nagalak ako nung nitong kamakailan ay nakatanggap akong muli ng e-mail mula sa kanya. As usual, reklamo na naman ang sulat niya sa akin.

My best friend Billycoy,

Hi there again! Sorry di kita na-email for a long time now. Kamusta there? I'm having migraines here kasi. Since walang task and the other JLA members are making hakot my jobs nalipat tuloy ako sa different department. They are so kainis na talaga, I can rip them off to atoms talaga. Grabe! Transfer me ba naman sa HR department coz' JLA is recruiting for new superheroes. Like hello?! Kahit ako lang and without the JLA team I can save the world kaya.

So there nga, napunta na ako sa aking new designation. Syempre being in HR, I need to make turo the superheroes wannabes and newbies. We went to a room to orient these wannabes na nga. My gawd!? They are so maingay, I can feel my eardrums shatter into molecules na nga. These newbies have super ingay and daldal powers siguro. Like they are in palengke, duh!? They were shouting "Hey! Are you a housemaid as well?" Duh!? I can't believe we are making maids to superheroes now. Suggest ko nga sa management na we make na lang a reality TV show JLA's Next SuperChimi-u-u.

And the stench was so hell. Their pabangos ba naman ay Axe and imitations of famous brands. You know naman may super smelling powers di ba? I can distinguish kaya the fakes from the origs. Kaya there, their stench make sapaw my original High Energy by Dior. Even with my uber powers, di ko kaya ang amoy, I almost suffocate na nga eh. Buti na lang tinapos ko kagad ang orientation or else baka nag-disappear ang lungs ko.

Tapos, kanina ba naman, may fat lady na make lapit to me. She was asking for help kasi nakaka-receive daw siya ng death threats and hate mails. Pero she made puri my pabango and she's wearing Jo Malone for her perfume daw. I told her na lang "And so if you're wearing Jo Malone?! You look like Sly Stallone naman!" Then, she make gulong away from my office. The beeyotch!

Kakainis talaga di ba? Hay naku, let's forget it na nga lang. Bad trip lang ako lalo.

Anyway, ikamusta mo na lang ako kay Mang Tibur. I heard approve na ang visa niya dito sa US. Sana we'll meet here.

Til' next e-mail na lang ulit best friend.

Ciao.


Your best friend,
MM

Grabe naman. Kawawa naman best friend ko, inaapi talaga ng JLA. Pero sure naman akong kakayanin niya ang lahat ng kinakaharap niya ngayon. Wish him luck.

Other Em-em stories:
One Strange Family
When Heroes Battle
Hero of the Metro

16 comments:

Anonymous said...

ano-ano ba ang powers ni em-em?

TanniX said...

Ang demigod pala eh sikat ang mga kaibigan. From JLA pa.

Mahirap pala talagang maging HR. Pano pa kaya kung sa JLA!

Anonymous said...

taglish kung taglish ah...

Anonymous said...

ang mga blog nyo, puro walang kakwenta-kwenta...

Anonymous said...

talagang may "amoy axe" version din 'to?

hehe ano 'to, coincidental? :P

Anonymous said...

grabe, andami kong naclick para lang magets yung story. t-t lol.

with LALON - honga eh. Naamoy ko na may "Axe-version" rin itong post na ito. ;p

bananas said...

kasama ba sa powers ni mm ang maging slimming pill?

Billycoy said...

jojitah > check mo na lang sa link

kingdaddyrich > pasensya na, konyotic ang best friend ko

anonymous > matagal ko na rin yang alam, nakalagay naman yan sa sidebar ko kaya di mo na ako kailangang i-inform pa. thanks.

lalon > hindi ko nga alam kay em-em, nagkataon yatang sabay sa isyu ni malu.

bananas > ang alam ko nagiging tsaa lang si MM

niknok said...

bakla ba si MM/?

bananas said...

anong klaseng tsaa si mm--naka-bag o liquid na, the likes na nabibili sa bote?

mmmmmmmm?
mmmmmmmm!

btw, niknok, ano naman ang signficance ng pagiging bakla (o hindi) ni mm dito?

Anonymous said...

ahahaha! tsk. tsk. tsk... akala ko makikirelative na rin si best friend mo kay malu.. kasi kami sa conference kahapon puro adopted family na eh.

san ka nga pala't di ka nakijoin sa gulo namin kahapon!? naman!

Anonymous said...

bossing billycoy!!!

salamat sa pagdaan sa page ko! :D

Anonymous said...

di ko akalaing may magpopost ng ganitong blog about that fragrant-fat-lady ... very unique ang presentation.

the way you process things in your mind is unique.

and this is a compliment.

Billycoy said...

niknok > ang alam ko metrosexual lang siya, side effects ng pagtira niya siguro sa states

bananas > fresh na tsaa, yung kaka-dry pa lang na damo

andianka > wag din kayong sasakay ng economy class ha

caranijuan > thank you, pyramid kasi ang hugis ng utak ko eh.

Anonymous said...

pati mga nagcocomment, wala ring kakwentakwenta ang mga comments, sayang lang ang bandwith...

Billycoy said...

anonymous > thank you. isa ka rin sa mga nag-comment, welcome to the gang!