Monday, August 13, 2007

Turning Black


Ano ba itong nangyayari sa akin ngayong araw na ito? Gumising akong ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kahit wala namang nakapatong na mabigat sa aking katawan. Iba talaga ang pakiramdam ko hindi ko ito maunawaan.

Pagmulat ko ng aking mata iba na ang pakiramdam ko. Pagtingin ko sa sarili ko nagulat na lang ako at may makapal na black eyeliner sa aking mga mata. Tapos humaba ang aking bangs, one sided at halos natatakpan na ang aking mata. Naging jetblack na rin ang buhok ko at very damp and sleek. Oh my gulay damahayhay! Nagiging emo na ako.

Sa mga oras na ito nagugustuhan kong makinig ng mga kanta ng My Chemical Romance, Dashboard Confessional, Green Day at 30 Seconds to Mars. Hindi ko naman sila mga paboritong mga banda pero napapakanta ako ng mga tugtugin nila. Ayoko ng ganitong mga kanta, nade-depress ako lalo at nagkakaroon ng mga madidilim na ulap sa aking paligid. Ganun pala ang emo, napapakanta ako ng "Wake Me Up when September Ends" at ng "Macarena".

Nag-iiba na rin ang mga paningin ko sa lahat ng matatalas na objects gaya ng mga kutsilyo, blades, cutter at sa plastic knife ng mga fastfood chain. Parang tinatawag nila ang aking pangalan at pinipilit nila akong hiwain ko ang aking mga pulso. Ganun din sa mga lubid, abaca, straw, sinulid at sa dental floss. Kanina ngang nagfo-floss ako, gusto kong ipulupot yun sa leeg at isabit para magbigti na ako. Buti na lang may malaking tinga akong nakasingit sa ngipin kaya ipinangtanggal ko na lang yung dental floss.

Ayoko ang maging emo... hindi siya fashionable. Very limited ang colors na pwedeng piliin kapag emo. Sana naman paggising ko wala na itong eyeliner sa aking mata at bumalik na sa tamang haba ang aking buhok. At please ayoko ng kumanta ng Macarena, napapasayaw kasi ako!

Mag-ingat sa Emotrambiosis... sakit na nakakahawa ito sa pamamagitan ng pag-inom ng uhog at luha ng may sakit na ito.

18 comments:

yatot said...

ei im back! turning emo ka pala huh?

mahirap ngang maging emo kasi meron kang fashion sense na dapat sundin! the hair, the clothes, the bracelets, lahat!

pero at least... isipin mo na lng... magiging idol ka na ng mga emos kung magkakaganoon! (^_^) V

jojitah said...

si billycoy emo?!

ruff nurse-du-jour said...

hi billycoy. its me again! care to exlinks? ive added u up by the way. hope you wouldnt mind. =)

Arlo said...

Naku. Baka Symbiote yan. Kontrolin mo ang iyong sarili. Baka maging Black Janitor Fish Man ka nyan. LOL.

I linked you up nga pala Tol. I hope you don't mind. :)

Jhed said...

OMG! Nasan na si Billycoy?! Hindi ikaw yan, HINDEEEEEEE! LOL! Smile na Alan ha? :P

dorkzter said...

ows? di ko sanay maging emo c b'coy.. relax ka lang kuya, be happy hehehe

Billycoy said...

yatot > oo nga pwede pa akong mamuno ng mass suicide!

arlo > di ba black naman talaga ang janitor fish?

jhed > andito po ako. present! PRESENT!!!

Rice Gurl said...

try singing the lines: I'm not a perfect person... by Hoobastank. emo na emo rin yun. Just let it all out. Go emo!

niknok said...

tsk tsk...may malaking tendency ka tlagang maging emo dahil sa pagging USB/VSB mo...kaya mag-ingat ka! nakakahawa tlga ang pagka-emo! hehe

Micaela said...

Ako din nagpapaka-emo kung minsan kahit ayaw ko.. kasi parang bigla na lang naiisip ko na wala akong my one and only love haha oh well rare catch ang mga tulad natin so cheer up!!

Bakit si Adolf Rizal ang nasa picture? haha wala lang :D

Billycoy said...

rice gurl > parang sinabi mo na ring maglaslas na ako.

niknok > oo nga yung mga taong walang kapopoy mas mahina ang immune system

micaela > wala lang din trip ko lang.

Arlo said...

Black talaga ang janitor fish? Anak ng tinapa, sabi ko na nga ba kay Nimfa eh huwag s'yang sa palengke bibili ng isda! Kinakaliskisan kasi dun! Kaya pala mukhang pipitsuging tagalinis lang ang janitor fish ko sa aquarium! Black pala talaga s'ya! Nakputsang chimay 'yon. I'll spank her. I'll definitely spank her.

Mike said...

kanta na lang ni Kim Chiu imbes na Macarena. kaya lang, parang mas suicidal yata yung mga kanta niya.

limang orders ng jerbaxx lang yan.

tere said...

annyametten... emo!

ok lang siguro maging rakista kesa maging emo... over kasi ang emo, i think. walang choice of color sa damit, outfit, ad infinitum. kahit kuko mukhang patay palagi.

pero on the other side, para kang highschool people. hmmm... pampabata...

hindi rin. :D

pa-link rin. :D

agyammannak kabsat ta ada ti kastoy nga mabasbasak nu awan iti maaramid ko. :D

sana tama yung spelling. :D

andianka said...

akala ko pa naman na-rape ka na paggising mo.. di mo lang alam: serial rapist yun tumira syo... tinatatakan ng emo look after rapin. hahhahaha!

kumusta naman maglaslas gamit ang plastic knife ng fast food?

at aba... hindi magiging epidemic ang emo na sakit kung paginom ng uhog at luha ang means... ewwww...

mass suicide. tama yan. bawas population. hahahahhaha!

*ako yata biglang naging emo? NOOOOO!!!!!!!*

Anonymous said...

emo-schmoe-eskimoe

shinji said...

kinginang picture yan!

Billycoy said...

mike > nakalimang jebs na ako ngayong araw na ito pero wala pa rin

andianka > sana nga na-rape na nga ako!