Monday, August 06, 2007

Becoming Celebrity

Remember my name
(Fame)
I'm gonna live forever

I'm gonna learn how to fly
(High)

lyrics from Fame
by Irene Cara


Kapag nanonood ako sa TV at nakikita ang lifestyle ng mga celebrities—local man o hollywood—ay talaga namang naglalawa ang laway ko at nilulunod ang mga tao sa kabahayan. Nakakainggit talaga ang fortune nila na inaasam-asam rin ng marami. Talaga namang nakakatakam ang mga mararangyang bahay, kotse, wardrobe, career, sexlife at... sexlife.

Masarap siguro ang feeling ng mga celebrities. Nagagawa ang mga gusto at halos lahat yata ng fortune nasa sa kanila na. Ano nga ba ang benefits ng pagiging famous?

Maraming pera
Syempre naman kapag sikat sandamakmak ang opportunities. Maraming mga projects, exposures at kung anu-ano pa. Umuulan at minamarinade na yata ang mga pagkain nila sa pera, pati pangligo ay pera na rin ang lumalabas sa mga showerheads nila. Hayan ang mga endorsements sa kung anu-anong produkto, shampoo, multivitamins, telecoms, gadgets, softdrinks, facial creams, at iba pa. And who knows baka meron na ring mag-endorse ng panghintutule later on.

Nawawala ang privacy
Laging nagkakaroon ng media frenzy sa mga taartits. Sila ang pinagkakabuhayan ng mga paparazzi at ng mga tsismoso't tsismosa. Lahat na lang yata sa buhay nila ay pinakikialaman, pati buhay ng pamilya at buhay ng kapitbahay nila. Pati nga yata mga hadhad, eksema at kurikong ng mga celebrities ay alam ng media.

Merong VIP treatment
Hetong mga sikat na ito talagang eyspeysyal ang laging ipinapakita sa kanila. Binibigyan sila ng discounts, accomodations at kung anu-ano pang freebies. Si Paris nga napagbigyan pang palabasin sa kulungan kahit special din ang kulungan na nilaan sa kanya. Kapag may nadala sa inyo sa mental hospital, banggitin niyo lang pangalan ko at bibigyan kayo ng VIP treatment ng mga ka-ward ko doon. Sana lang buhay kayong makalabas.

Nagiging brand ang name
Isang sambit lang sa pangalang sikat talaga namang kilala kagad. Banggitin lang ang isang sikat na pangalan mapi-picture kagad sa isipan yung hitsura nila. Ngayon pa nga isinasama na sa brands ng pabango at damit, parang sina Paris Hilton, P.Diddy (Sean Combs) at J.Lo. Kaya naman ako kung gusto kong gawing brand ang pangalan ko, ipapalagay ko ito sa brand ng suppository. Para kung ipapasak niyo ito sa puwet niyo ay ako ang maaalala niyo.

Maraming maganda sa pagiging sikat na celebrity. Ako? Hindi ko na kailangang maging celebrity.

I'M ALREADY BIGGER THAN THAT!

16 comments:

Anonymous said...

I'M ALREADY BIGGER THAN THAT!

Yun naman ang tamang statement! LOL.

Myx said...

Naku, gusto pa rin kita makita sa PBBCE2 :D

Blogistarrr ka na pero you know, we can't get enough of you haha :D

Jhed said...

Whatever.

Bigger than that? Bigger than my ass siguro. :)) Joke lang. :P

Wala ako ma-comment.

nelo said...

bigger? hehe! yan naman ang lakas ng fighting spirit!
mas masarap pa rin yung tago...iwas intriga.

Anonymous said...

napakanta naman ako sa fame na yan, paborito ko sa videoke.

naman! diba nga starstruck ka?

Anonymous said...

LAKAASS!!!!! ^_^

Anonymous said...

Ganun? (one eyebrow raised exaggeratedly)

Hahahah! Megalomaniacal ka na Alan Peter Cayetano! Bwahahah!

Ooops, sorry wrong name. I thought I was speaking to your name sake. Anyways, what's the difference ba? Hahahahahah!

yarnhoj said...

bigger?on what? hehehe

halatang last line ng post mo yung binasa...hekhekhek....

talking about celebrities...ahh...hmmm...ugh...heeeee....
wawskijhu....celebrities....

Anonymous said...

THAT"S THE SPIRIT!

Billycoy said...

to all > hindi yun fighting spirit... pakapalan lang ng mukha!

neil > the difference? hamak naman na mas gwapo ako dun

Anonymous said...

nyay!

sa dinami dami ng papangalanan suppository pa. ewwwww... buti na lang madalas lang gamitin sa bata yan. hahhahhha!

kulit!

bigger than that! yeah right...

d kaya lalo kami kawawain sa mental pag mention name mo? i mean imagine... friend(?) namin yung pinaka torek sa mundo... nyahahhahaha!

Lalon said...

hmmm being a celeb sure is a nice thing, if.. you can handle being wrapped-up with complications after complications... it sure sounds a lot like "challenge".

me? i don't wanna have a complicated life but hell i want to have a celeb-like lifestyle even if just for a day! :)

Anonymous said...

Earthling named Billycoy,

Although it is true that I have minimal experience of earthly lifestyle, literature has provided me with many insightful theories. One being from another earthling of the past named Socrates who claims that excellence is not achieved through money or fame but vice versa. Indeed, in such virtues, they lack. In simplicity itself lies the complex web of life, do you not agree?

Also, what does one mean when earthling Billycoy is bigger? Please explain.

dorkzter said...

hahaha what's even bigger than that bçoy :)

Anonymous said...

Billycoy is a LEGEND, not a celebrity. 'nuff said. :))

Anonymous said...

Hah, I hate the 3rd one the most. VIP treatment. Bullcrap.