Maraming misteryong itinatago ang ating mundo at ang ating buhay. Kung kaya't nagsulputan na ang iba't ibang mga scientists at mga theorists para bigyang linaw ang mga kababalaghang ito. Kaya nga tayo nag-aaral ng iba't ibang branches of science mula elementary hanggang college para sagutin ang ilang tanong sa ating isipan. Unless gumagawa kayo ng kababalaghan sa last row ng classroom or nakikipaglaplapan sa inyong girlfriend—or other girlfriend—habang nagtuturo ang inyong teacher sa subject na ito.
Likas din akong palaaral kaya naman may mga theories din ako. Talagang kinalkal ko ang kasuluk-sulukang mundo ng aking utak malaman lang mga pwedeng sagot sa ilang katanungan.
Nagsimula ang earth sa isang mumunti at pagkaliit-liit na particle ng universe. Isang maliit, moist at malagkit na space dust lang ang pinagsimulan ng earth; isang mumunting kulangot. At dahil nga madikit ang kulangot, nag-attract pa ito ng iba pang space dust na kulangot sa ating galaxy hanggang lumaki ito ng husto at mabuo ang isang massive na kulangot. At dahil nga moist ang kulangot, nagsecrete ito ng mga fluids hanggang sa mabuo na ang mga tinatawag nating bodies of water ng mundo. Kaya nga maalat ang tubig dagat natin dahil wala naman itong pinagkaiba sa uhog o sipon. Since may moisture, dun na nagsimula ang buhay.
Kaya nga naniniwala akong isang sign na ng apocalypse kapag naging green na ang ating tubig at naging malapot na ito. Hudyat na tuluyan ng magiging tuyong kulangot na ang mundo kung nagkataon at pipitikin na lang ang earth palayo sa ating galaxy at magliliwaliw sa universe.
Ayon sa Theory of Evolution, ang tao ay maaring nagmula sa pinakamalapit nitong kamag-anak sa mundo ng mga animal, ang mga hudas... este unggoy. Hindi ako sumasang-ayon dun. Ayon sa aking research at mga nabasa, ang tao ay nagmula sa mga palaka. Nag-evolve tayo mula sa palaka at kung paano ang transition nito from frog to humans, ayun ang hindi ko pa nari-research. Malamang ito ang tinatawag nating missing link para mabigyang lutas kung paano ba tayo naging tao.
Ang basis ko ng theory kong ito: The Frog Prince by Brothers Grimm.
Disagree ako sa theory ni Koko Crunch na may kung anong chocolate na tumapon sa wheat field tapos poof naging chocolate breakfast cereal na. Maling-mali ang theory na yun. Ayun sa aking pananaliksik, may isang bayan na ang staple food nila ay chocolate, though may wheat field sila hindi nila pinapansin yun. Hindi pa uso ang mga toilet at CR's noon kaya naman dun sila sa wheat field nagje-jebs. Naging fertilizers tuloy ng wheat field ang kanilang mga jerbaks kaya naman ang mga wheat field nag-evolve at naging chocolate wheat field na nga sila.
Ayan ang aking mga theories. Kung sakaling mapatunayan ang mga yan malaki ang chance kong makakuha ng Nobel Prize. Pero okay na rin sa akin kahit one year supply ng koko crunch ang ibigay nila sa akin.
26 comments:
tingin mo tlga galing ang tao sa palakang kokak? heheh!
aba! una ako! ang pangit namang isipin kung ang mundo ay nagmula sa isang particle na tinatawag na kulangot! bwahahhaha... sabagay ang mga puno at kulangot ay parehong green! may point ka doon!
ang alam ko, ang pinagmulan ng tao ay hindi palaka kundi sa malapot na substance na nagmumula sa isang tao! ay ano ba iyan? hahaha
isa pa iyang koko krunch na iyan! teka, parang ayoko ng kumain ng koko krunch!
argh, may naunang nagpindot ng publish your comment! kala ko ako yung una!
share ko lang it's actually a wrong notion that human evolved from apes or monkeys (the theory of evolution didn't say that).. humans and monkeys are descendants of an earlier primate.. try nyo search sa wikipedia.
mali pala na yung tinuturo sa school na nagmula tayo sa unggoy.
nga pala billycoy anong tawag mo sa teorya mo? hehe "kokak theory"? :P
tamang-tama ka talaga, iyan ang saktong topic namin sa SOSC1. niaha.
eew. koko crunch. hindi talaga ako kumakain nun, pero gusto ko yung version nun ng milo, yung bilog bilog. basta un. :D
share ko lang :D
napakaraming theories hay...
suggest ako ulit haha gawa ka nga yung different theories kung paano nabuo ang mga bata :p
btw, you're tagged! check my blog
tikey > palagay ko, marami kasi ang nangkokokak sa mga juwawhoopers nila eh.
yatot > di ka nga una, naunahan ka ni ate tikey
baylon > kung may report kayo, gawin mo ang theories ko.
micaela > sa multiply ko na lang gagawin ang meme ;)
parang transformers lang yan eh...
transform ng transform hanggang sa maabot nila yung pinakamataas na antas...
hahaha. Nakakatuwa naman po ang iyong kwento. Napagisip tuloy ako kung saan talaga galing ang mga tao! haha.
sa tingin mo ba masyadong naging sexually productive ang mga tao dun sa theory on chocolate wheat field? kasi diba chocolate is an aphrodisiac.
pero jebs pala yung chocolates.
hindi ko lubos matanggap, nakakadiring talaga isipin na kulangot ang kasalukuyan nating tinutungtungan! dambuhalang kulangot??????? ewwwww...
haha! at kumusta naman ang seryoso ng pinagkunan mo ng kokak theory mo ah... frog prince. tsk...tindi ng encyclopedia mo...
waaaaah! talagang kasama ang koko crunch?~ ni hindi ko na nga nakikita commercial nyan! (o baka hindi lang kasi ko nanonood ng tv?)
theory, theory, churi? -mahal
ahhahahahahha!
Ang theory mo sa chocolate wheat field is just so disturbing in so many ways. Napapimagine tuloy ako nang di oras! Eeeew!
waw. gustong gusto ko ang teorya mo na may koko kruch! ibang level! mga dakila pala silang liar haha!
i love kulangot! masarap LOL!
eeewww! hahaaha! fave ko pa man din dati ang kokokwanch... :P
ah basta ako hindi ako unggoy.. kayo na lang.
Whatta coincidence. Lesson namin yan sa Asian History. :)) Actually, nagdedebate kami about Theory of Evolution and the Creation Theory.
:P Para walang away, yung Wheatfield Theory na lang diba?! =))
Lol natawa ako dun sa Hamburger post mo. Hahaa kadiri...
huwaaat?! kami din lesson namin yan sa a. p *okaaay, todo sharing ako* ngayon ko lang nalamang KOKO CRUNCH pala name non. sure ka bang KOKO CRUNCH yun?
mike > palagay ko rin nagkaroon din sila ng baby boom doon.
jigs > disturbing ba yung chocolate wheat field, kung ikaw kaya farmer doon?
LA > tama, mas masarap pa sa gulay
the philosophical bastard > palaka na lang!
anonymous > theory pa naman yun, pero pag napatunayan eh di masaya!
@billy
sige payag na ko :p
hey. i did enjoy that entry. sayang basahin. thanks thanks for making me smile ^^,
parang ang sarap i-bring up yung theory mo sa anthropology professor namin na 85 years old na. hindi kaya atakihin yun sa puso pag sinabi ko yung mga theory mo? hahaha.
tanong lang, kung galing ang mundo sa kulangot, san galing yung kulangot kung san tayo nagmula eh diba mga tao ang nakakapagproduce ng kulangot? wala lang.. akala ko kasi galing tayo sa stardust. kaya lang, san galing yung stardust? ay. wag na nga lang. haha.
buti pa yung sa koko crunch. wala na akong maitatanong pa. hahaha. buti na lang honey stars at froot loops yung mga kinakain kong cereal. weee. hahaha.
kumusta naman yung frog prince? =)
hehe.. koko crunch. koko crunch. hehe..
now i know kung bakit maalat ang dagat.
pausiu > nagsimula talaga lahat sa kulangot, hindi alam ng marami na ang space dusts are actually kulangot.
jed > kaya enjoy mo ang pagswimming sa beach
panalo yung theory of world's existence. may basis ang mga claims!
hi, u have a nice blog. sali kayo sa http://blogger.forumer.com or http://www.pinoyblogger.cjb.net pareho lang yan. community forum ng mga bloggers, you can promote ur site there! u must register :)
Post a Comment