Monday, July 09, 2007

Raining Trends

Sumapit na naman ang isang season ng 'Pinas. Though, medyo mainit-init pa rin, hindi mapagkakailang tag-ulan na talaga. Kaya nga kung anu-ano na rin nauuso kapag dumadating ang panahong ito. Maraming may gusto ang panahon ng tag-ulan, marami din naman ang may ayaw nito. At dahil nagsisimula na ang panahong ito, dapat prepared na ang lahat para dito.

Ano nga ba ang mga uso sa panahon ng tag-ulan?

Hindi yan ang tinutukoy kong rain!

Yan ang uso, kapote... and nothing under it. Papatalo ba kayo sa mga bata?

  • Usung-uso ngayon ang maging wet. Bahala na kayo kung anong wet yan. Basta pag umuulan marami ang wet.
  • Bukod sa pagiging wet, in na in din sa panahong ito ang ubo at sipon. Kaya kung wala kayong ubo at sipon, out na kayo sa uso sa panahong ito. Buti na lang almost all year round ang sipon ko kaya naman lagi akong 'in'.
  • Uso na rin ang mga batang naglalanguyan sa mga mababaho at mabuburak na baha. Kaya ihanda na ang mga goggles at makisisid na rin sa brown na tubig-baha.
  • In na in din ang mga late sa kanilang mga trabaho at school dahil nasasarapan sa pagtulog.
  • Sa di maipaliwanag na dahilan sa ganitong panahon, hindi mawawala ang mga taong dumadami kapag nababasa sila.
  • Yung iba naman tinutubuan ng kaliskis at nagiging isda ang mga paa nila.
  • Magsusulputan na namang ang sopas ads ng mga fastfood chains.
  • Uso pa rin ang mga bikini, pero instead sa beach maliligo, sa gitna na lang ng kalsada sila maliligo. Hubba hubba!
  • In na rin ang pagkakaroon ng Athletes foot at iba pang mga fungal infections sa balat. Out ang flawless skin ngayon.
  • Mas mauuso ang payong dahil ang jacket, nakakainis lang dahil pagpapawisan naman ng husto kapag suot ito.
  • Mauuso ang black polka dots sa mga pantalon, shorts at lower part ng mga shirts lalo sa bandang likuran.
  • As usual, tataas at lagi na namang babaha sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area. I-ready na ang mga salbabida at mag-swimming na sa mga lugar na ito, libre pa... pati leptospirosis at dysentheria.
  • Dahil malamig at bed weather nga, uso na ulit ang putukan sa loob ng mga kwarto—may partner man o mag-isa lang. Happy New Year!!!
Masaya din ang panahon ng tag-ulan. Ibinabalik nito ang mga alaala ng ating kabataan noong tayo'y naliligo sa ulan na walang saplot na gumugulong-gulong pa sa putikan at nagmumumog pa ng tubig baha. Mga maliligayang alaala. Sa iba, sumisimbolo ito ng kalungkutan at nakikisabay sa pagtangis ng langit habang naglalaslas ng kanilang mga pulso. Pero para sa akin, isa lang ang ibig sabihin ng panahon ng tag-ulan, perfect ang panahong ito makipag-popoy... Sana nga lang may kapartner ako.

24 comments:

Myx said...

Ako una! :p

Ako gusto ko kapag tag-ulan. Ang kinakainisan ko lang mabaho lahat ng damit ko dahil hindi nasisikatan ng araw :(

btw, anong putukan yan? di ko magetz haha :p

p said...

ang sarap ma-late pag umuulan.

mai said...

haha! anong makipag-popoy? :P

masarap matulog pag tag-ulan tapos nakatutok sa iyo ang electric fan pero babalutin mo naman ang sarili mo ng kumot (o ako lang natutuwa sa ganun?)

masarap ang may kayakap pag malamig... pero sa ngayon, makukuntento na lang muna ako sa unan at jacket hehe.

blog hop!

Ona Lapitan (ricegurl) said...

rainy days = popoy days.

JoLoGs QuEeN said...

taragis na yan nahyper daw ako nakita ko si rain.


iba pala ang topic d2 bwakanabitchus ^_^ bwahahaha.

Mike said...

kahit umuulan, naka-aircon ako. gusto ko kasi naninigas ang ano ko eh...katawan ko sa sobrang lamig. gago ako eh.

hapi yu yir!

sherma said...

akala ko, fanatic ka ni rain... hahaha... in fairness, kilala nya...

ang maganda sa tag-ulan, romantic ang dating... marami na akong nakikitang magsing-irog na share sa payong or sa jacket... ang sweet...

pero kainis... ayoko pa namang nababasa ang payong ko... ngayon, kelangan na syang mabasa... nakakaawa naman ang payong ko, baka magkasakit... =)

Billycoy said...

micaela > sus, pa-inosente pa!

the philosophical bastard > yap masarap ma-late, masakit ang deductions

mai > naku ikaw na lang ang di nakakaalam ng popoy

mike > ako rin gusto ko ring manigas yung ano ko... gago tayo eh.

Karla said...

hahah! USO din ang tea 8->

keep warm tito billy =))

Jhed said...

Ang sarap ng may kayakap kapag umuulan! Weee!

Talamasca said...

Rain, rain, fuck off!!!

Pardon my French. ;-p

Rain, rain, go away!
Come again another day!

*sings gleefully then exits, err, gracefully* ;-p

Anonymous said...

Tag ulan na pala? diko man lang napansin ang tag araw.. bwhhehhe!

bulitas said...

nku. sana ay mahugasan ng ulana ng posibleng quarterlifecrisisna darating! haha!

JP aka Elmo said...

oo nga malamig na ngayon at tag-ulan na rin sa wakas. kaya rin pala dumidikit sa akin ang mga alaga kong pussy...este... pussycat. Nilalamig din cla khit makapal ang fur nila at kelangan din nila ng makukuhanang body heat. ehehe.

Anonymous said...

HAHA.

ang lalandi ng bata! =)) shet.

one thing i love with raining - yung tipong may makikisilong sa payong mo. or vice versa. it's just a fuckin' mushy moment for me.

then agaiiiiiiiin. single at super virgin ka pa rin so... mag-rain coat ka na lang. :))

Jigs said...

If this is what it takes to be in during rainy days, mas gusto ko nang hindi sumunod sa uso. I don't like the rain! Specially pag may lakad.

Billycoy said...

jhed > may kayakap ka na naman?!

tikey > yap start na ng tag-ulan dito, kaya heto, medyo dumadami na ako.

elmo > siguro ka bang cat lang yan? anyway, pareho lang siguro ang feeling yun, mabalbon din kasi.

utakgago > eh kung bading makisilong?

jigs > sure ka? ayaw mo rin yung putukan sa mga kwarto?

Nutty Boy said...

popoy = rainy days?

this is the first time I encountered such word LOL

pwede ba makipag-"kriiik-kriik" HEHEHE...

(palink nga pala billycoy, salamas)

sephthedreamer said...

regarding the kamanava area, i heard there's a(n) (ongoing) flood control project - a proposed ring dike around the whole area para di na sila bahain.

ulan, baha, flood. now that im taking Hydrology iba na tingin ko pag umuulan - laging flood, floodways, roughness coefficients. thesis mode na to.

Anonymous said...

*sings* Tuwing umuulan at kapiling ka.......... asan yun?

wahaha! pagnakakakita ko ng nakakapote, naiimagine ko para silang nakabalot sa malaking condom! wahahahaha! laswa... kaya ayoko makiuso.

infairness, para sa katulad kong panggabi ang work, masarap na matulog pag umaga at hapon. di na mainit! kaso, kakatamad naman lumabas for work. asus!

L.A said...

I hate the rain + congested nose...YM ko last time sa YM haha...

But i love the other rain...ahhh full house haha!!!

magaling na ako!!

Billycoy said...

nutty boy > marami pang words kang matutunan dito

andianka > kapote = giant condom... baka kapote ang gamit ng mga higante pati transformers

larry h salen said...

hahaha! kapag umuulan, lumalalabas ang mga inner kagaguhan ng mga peepz.

lalo na yung makipag popoy. hehehe.

hey there billycoy! larry here, pls check my blog www.eleyches.blogspot.com
xlink? just hit me back Ü

niknok said...

da best ang rainy season!!!