Wednesday, July 25, 2007

Move Over Cellphones

Huwag kayong magtataka kung sa mga susunod na araw ay may nakikita kayong naglalakad sa kalsada na may hawak na landline at nakikipagtelebabad pero wala namang kable ang landline phone na hawak nila. Weird pero totoo dahil narito na ang Bayantel Span, ang landline na mobile. Nagulat nga ako ng minsang makakita ako sa may amin na naglalakad at dala-dala nga ang kanyang dambuhalang landline while making telebabad. Sa gulat ko nga parang gusto kong magpalamon sa aso naming minpin na dala-dala ko nang araw na yun.

What’s the difference of bayanSPAN versus other regular landlines?
You can it bring anywhere within a local area

Unlike regular landlines where you can only receive calls in your house bayanSPAN allows you to receive important phone calls even if you are outside your home, like while visiting the parlor or shopping at the local grocery store.

Send FREE text messages to other phones within the bayanSPAN network in Metro Manila!

May caller ID, call waiting, call forwarding at kung anu-ano pang features sa pagtawag. Wala nga lang itong camera at TFT display para makapagkodakan at mag-view ng pics. Pero bukod sa mga features na yan ay meron pang pwedeng gawin sa phone na iyon.

Entertainment
Sa mga cellphones, hindi magagamit ang games habang may kausap. Sa unit na ito meron ng pwedeng pagkaabalahan habang may kausap. Pwedeng pag-ikot-ikotin ang mga daliri sa kurdon ng telepono habang may kausap o di kaya pag-aralan ang iba't ibang klase ng knots.

Self-defense
Pwede itong ipanghambalos sa mga nagtatangkang mang-kidnap o mang-holdap. Maaaring ipangsakal ang kurdon nito sa leeg ng mga kaaway hanggang sa di na sila makahinga. Pwede rin itong ipanggapos sa mga walang awang kriminal.

Personal Hygiene
Maaaring gamiting pangkulangot or panghintutuli—kung malaki at expandable ang butas ng tenga—ang antenna nito kapag bitbit ang unit sa labas.

Marami pang pwedeng features kapag nakapag-subscribe na para dito. Wala naman akong planong magpakabit niyan at hindi ko siya pinopromote, may cellphone naman ako. Kung meron man akong gusto ngayon ay hetong telepono ng Goldvish.


Asahan kong ibibigay niyo sa akin ang worth 82,000 dollars na phone na yan.

23 comments:

Paolo... said...

hahaha...gusto ko yung goldvish na phone! san ba pwedeng makabili niyan!?

Unknown said...

tamang tama, kakanakaw lang ng phone ko... hayyy, buhay nga naman... goldvish? grabe... di kaya ng sikmura ko yan pag nanakaw...

Anonymous said...

I know that wireless landline! It's here in Indo too. hahaha I just don't get it.

Anonymous said...

siguro magiging paranoid khit sinong pinoy na magkaron ng goldvish. bka mbaliw sya sa sobrang takot na mawala ang knyang ginintuang phone...

Anonymous said...

dapat medyo mabigat para pwede ding pangwork-out, alternative dumbells ba.

billycoy pwede ba kitang i-link? sige na...

ek manalaysay said...

taena yang goldvish na iyan... buong kayamanan ko na ang halaga nyan a... seriously... pero nakita ko yung mga features nya... worth naman siguro... hahahha... hindi din!

Billycoy said...

paolo... > pwede naman yatang bumili via net.

dotep > kahit ako di ko rin masisikmura, di kasi ako kumakain ng ginto

jojitah > sure sige i-link mo ko.

Lalon said...

hehe eto ata yung mga ZTE wireless phones.. well i think they bought this "small company" kasi we used to be a subscriber of this wireless landline phone service.. it's really cheap (and has a lot of features including the internet with a maximum speed of 100+kbps) but it's unreliable.. pero siguro ngayong binili na sya ng bayanTEL siguro mas okay na yung reception nya.. kasi before 3 or 4 times na hindi pa rin nagriring yung tinatawagan namin tapos madalas pang ma-disconnect.. pero it's quite an innovation talaga and sana mag-boom tong ganto. ^_^


:off-topic:

grabe kumidlat ng malakas dito at super parang nagblink yung monitor ko habang tinatayp ko to, natakot ako baka masunog to hahaha really scary!

p said...

finally someone thought it. pero, i think subscription based dapat yang ganyan.. saka dapat free yung local calls pag parehong provider?

ahh, di ko lam. pero sana nga may magdala ng landline sa gimikan.. lolz!

Billycoy said...

lalon > huwag kasing magsisinungaling para di kumidlat. :p

the philosophical bastard > parang regular rate din sa landline. pwede sa gimikan, fashionable naman kasi!

Anonymous said...

hehehe... meron si mama ng BayanSpan pero yung mukhang cellphone at hindi yung landline. nakaka-ogag naman kasi kung yung landline mismo dala mo. minsan mahirap din makahanap signal pero kung business ang paguusapan at gusto mong makamura sa local calls, okay na din.

lintek na gold vish... kamahal naman.. gintong ginto ba yan?

Anonymous said...

akala koba e P500 lang yang bayantel nayan? hehe

JP aka Elmo said...

bulky nga lang. mas mura nga yan kesa sa cellphone. pwede maging wireless dialup internet yan kng gugustuhin nila. kng merong phone output extension yung unit, kabit lng nila cable between PC modem and the unit.
parang ganun din sa landline, un nga lang eh wireless.

Anonymous said...

heya. asteg blog mo. no offense pero parehas tayo mag-isip. parehas din tayong naghahanap ng gelpreng. hehe. pers post after a long time of lurking. hehe

keep it up!

icarus_05 said...

Nakakita na ko ng ganitong fone, ung dun sa kasama namin sa bowling.. Tawa nga kami ng tawa, akala namin lokohan lang ung dala nyang Landline.. Pero nung tumawag xa dun sa kasama naming bowler na absent, napa nganga kami. Haha! Iba na talaga ang teknolohiya, nakakabangag!

Siguro pag tagal, paliit ng paliit at panipis ng panipis na din ang mga Mobile Landlines na ito.. hehe

Ona Lapitan (ricegurl) said...

hahaha!
panalo tong post nato ah!

Anonymous said...

Wow... nagkaroon tuloy ako ng idea!

Maaari itong pagkakitaan. Pupunta ako sa mga lugar na hirap ang telepono tulad ng mga kulungan, classrooms, CR sa mga mall, at kung saan-saan pa. P20/3 mins, pwedeng pwede nah!

Yung GOLDVISH phone pala...kapag nagkaroon ako nyan.. baka kapag kinidnap ako... mas gustuhin pa ng mga magulang kong ayun yung tubusin kaysa sakin :(

Mike said...

hindi ko pa nakikita yung ganung klaseng telepono, pero sakaling may namataan akong may ganun, ewan ko na lang. mura naman ang cellphone ah, why settle for something like it?

goldvish. hmmm. Nokia 8800 Sirocco Gold nalang okay pa. tsaka mas mura ng ilang milyon. like it's only less than a hundred thousand.

Jhed said...

Pambahay na lang ang Goldvish. Tapos, naka-lock pa sa safe. LOL.

--

OT: Fafa Veely, hanap mo ako Lost Season 3 na DVD. Yung buong Season 3 ha. Please. Bayaran ko sa iyo sa Aug. 1. :)

Anonymous said...

Wow...ang sarap siguro magtelebabad dyan habang naglalakad ka mula sa sala niyo hanggang sa kalsada. Kaway-kaway ka pa sa mga tumitingin sa'yo. Astig!

Billycoy said...

andianka > yes ginto yan, 18K gold!

icarus 05 > babaan na lang sana ang call rates ng cellphones!

chuchay > at malamang mas kikidnapin pa nila yung phone kaysa sa iyo

mike > mahal nga lang tawag with cellphone

jhed > sa bahay na lang ang goldvish tapos ang ilalabas yung landline!

Anonymous said...

Matagal na kaming meron ng wireless telephone na ganito kalaki. Yung sa Globe. LOL. Galing nga, eh. Kahit saan ko dalhin! Weeeeee. Pero syempre, di ko nilalabas sa kalsada, hanggang banyo lang. ;p

Ayos yung celphone na yun, ah! Sooooobrang mahal!

Anonymous said...

bwahahahaha! bayan span! amfness!!! hahahaha!