Wednesday, July 04, 2007
Like to Hate
Hindi lahat ng araw ay gumigising tayo na maganda ang sinag ng araw at may mga ibong umaawit sa ating paggising. Dumarating din ang mga araw na may sumpong or sa english waking up at the wrong side of the bed. Bukod sa paggising sa umaga may ilang mga bagay din ang nagpapasira ng araw natin.
Ano nga ba ang mga ayaw ni Billycoy sa mundong ibabaw? Ano ba ang mga ito na pwedeng pagsimulan ng World War 3?
Sinigang sa Miso
Ito ang pinakaayaw kong ulam sa lahat. Hindi ako mahilig sa sinabawang isda, pero ang ulam talaga ang ayaw ko. Hindi kasi ako si Sam Concepcion na mapapakanta ng "Parang may isang anghel sa aking labi, Na nakalutang sa ulap, At nangingiliti..." Ayoko na nga ng lasa nun, mukha pang jebs ang nilalagay sa ulam na ito.
Local Primetime Shows and Teleseryes
Very predictable ang mga nangyayari sa mga kwento at nakakatamad panoorin. Suyang-suya na ako sa mga ampon at amnesia. Kung kwento ko na lang ang gawin nilang teleserye baka matuwa pa ang mga audience at tumaas ang rating nila. Baka maging horror nga lang ang palabas instead na porn ang kwento ng buhay ko.
Strong Scents
Though sipunin ako, kapag clear naman ang ilong ko, hypersensitive naman ang pang-amoy niya. Ayoko yung matatapang na amoy, mapa-pabango man yan na humahalimuyak mula Pasay hanggang Pagudpud o jebs na malambot na naupuan. Kumakapit sa mga tutsang ng ilong ko ang amoy at nagti-trigger ng allergy ko. Tapos, magsisimula ng bumahing ng bumahing hanggang sa maibahing ko na lahat ng utak at laman ng ulo ko.
Luya/Ginger
Ayoko ng luya sa ulam, lalo kung aksidente ko pang makain ito. Hindi rin ako kumakain nito kasi sabi nila pampaganda ng boses ito. Maganda na kasi ang boses ko at ayaw ko na ring humigit pa sa level na iyon. Kawawa naman kasi ang iba, sa boses na lang namumuhunan. Uber good looks plus great voice tapos papagandahin ko pa lalo ang boses ko, sobra naman yata yun. Hindi naman ako bakaw, mapagbigay din ako.
Pagmumukha ni Cristy Fermin
Nabubuwiset talaga ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang tinamaan ng pagkarami-raming asteroids at kung anu-ano pang heavenly bodies. Idagdag pa ang pagiging biased niya sa mga artista at binabalita niyang walang kwentang tsismis. Kaya naman iniiwasan ko siyang mapanood sa TV at mabasa ang article niya sa tabloid. Magagawa kong tumawag sa North Korea at pasabugin ang mukha niya ng Nuclear Bomb.
Ngayon alam niyo na ang mga ayaw ko. Kung gusto niyong umiwas sa gulo at ayaw niyo ng malawakang giyera iwasan niyo ang mga iyan para sa akin dahil kung hindi, tutubuan sila ng male genitalia sa kanilang noo.
Posted by Billycoy at 7/04/2007 10:29:00 AM
Labels: Basura Blogs, Now You Know
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
hah! first to comment.
:)) ayoko din ng sinigang na miso. gusto ko sinigang na baboooyyy <3
ingat ka kay cristy fermin, ma-showbiz ka =))
ingat tito billy ;)
ano ang sinigang sa miso?
at, oo, kahit anong connected sa philippine entertainment industry ay nakakabadtrip. pero masarap ang luya sa tinola. :)
in contrary, maraming ibon dito sa america, at malalaki sila. kaya buwisit na buwisit ako sa kanilang mga huni pag umaga. lalo pag nagsesex. missionary position pala sila magsex. ahehe.
Agree ako sa lahat except sa sinigang na miso. Masarap naman yun ha. Tapos healthy pa.
So Ilocano ka nga? Hmmmmm...kung maliit nga talaga ang mundo, baka may kakilala akong relative mo. Kung Dacuycuy talaga ang apelyido mo. hahaha
P.S. Buhay pa si Sandara. Nasa ABC ata...basta minor network.
Mahilig ako sa sinigang sa miso
Mahilig din ako sa sinabawang gulay
Cristy Fermin!! di ko rin matiis un..
waaaaaah! di daw cya bakaw.... hoy! wala ka ni isang hint ng ka-humble-lan noh?! nyahhahhahaha!
masarap naman ang sinigang ah?
@philosophical bastard: LOL! (at birds having sex in missionary position!)
marco > naku kaibigan nga talaga kita!
karlee > oo nga, baka malaglag ako sa mga craters niya
the philosophical bastard > wow missionary lang? wala bang helicopter?
bonaks > yap maliit nga ang mundo, malapit na nga itong mapuno eh
andianka > basta ayoko nung may miso, eww sa akin
1. Nasarapan ako sa sinigang sa miso. Ewan ko. Basta masarap siya kahit isang beses pa lang akong nakakain.
2. Hay. Encantadia at Kung Mawawala ka (yung political melodrama) ang nagustuhan ko sa primetime. Teka, idagdag mo pa yung Sana Maulit Muli. Basta. Naadik ako dun. Yung iba, uh...
3. Basta ayoko ng mabaho. Nung umuwi ako from MoA, pagbaba ko ng Baclaran, shit. Human shit. Suka ako ng laway.
4. Ang ayaw ko namang makain ay yung native onion. Ang tapang kasi ng lasa. Tas yung garlic na hindi tostado? Naluluha ako pag nakagat ko. Pero hindi ko sinusuka. Nakakawalan lang ng gana. Gusto ko naman yung luya lalo na pag nginunguya or sinasalabat.
5. Linchak. Tao ba yan? Kurikong ata yan na tinubuan ng arms and legs. Yung torso niya, malaking patatas lang ata.
* sinigang sa miso? well pareho tayo ayoko sa may sabaw na fish.. mas prefer ko yung prito lang.. :)
* Local Primetime Shows and Teleseryes.. haay iritable din ako sa mga yan.. lalo na yung Wowowee (na globally-televised) grabe it's like we're showing the entire planet how stupid Pinoys are.. kakalungkot.. about naman dun sa mga Teleseryes.. kaya lalong dumadami mga "katulong" haha (no offense sa mga maids.. expression lang po. :)
* yuck luya..
* who loves strong scents di ba?
"Nabubuwiset talaga ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang tinamaan ng pagkarami-raming asteroids at kung anu-ano pang heavenly bodies."
* .. hala ano yan? medyo napasaringan ata ako ah hehe.. basta ang auko kay Cristy Fermin eh yung mga makababalaghang litanya niya ng "tagalog quotable quotes". naku baka isa-libro nya pa yun a la Melanie Marquez.. nyay! dooms day na to!
"Kung gusto niyong umiwas sa gulo at ayaw niyo ng malawakang giyera iwasan niyo ang mga iyan para sa akin dahil kung hindi, tutubuan sila ng male genitalia sa kanilang noo."
* ..hahahaha nabulyawan ako dito dahil sa pagtawa ko ng malakas.. :)
buti na lang libreng matawa sa blog mo.. ^_^
* nyay di nga pala kasali Wowowee sa primetime bida pero i don't watch that.. mas nahihiya pa ako para dun sa mga taong overly-expressive dun. :(
nyuahaha abnormal na bata ka talga sabagay ayoko din sa pagmumukha ni cristy fermin mukhang ungas eh
pano kung ang maging juwawhoopers mo eh gusto lahat ng yan, at uber hot sya like maria ozawa. pano na yan?
ok naman po ang luya, sa tinola nga lang.
ilokano ka daw sabi ni bonaks? wala lang.
naimbag nga aldaw kabsat! :D
neil > kumakain ka ba? bakit laway lang ang isinusuka mo parati?
lalon > isa yan sa epekto ng adverse reaction ng blog na ito
sephthedreamer > ok lang basta wag lang siyang kamukha ni cristy fermin
tere > anyametten?
ang pangit naman ng first comment mo billy. haha. sinayang ang opportunity. hmm..pasensya na nagaun lang ulet nakapagcomment. lecheng internet connection to! anyways. ayaw ko rin ng sinigang sa miso. kadiri talaga. sobra. ung luya din ayaw ko. haha. local shows, mapili ako eh. haha. tsaka di na ako nakakapanood ng TV. amp. cristy fermin! kadiri. lalo na ang mapula niyang lipstick at kulot na buhok mula ng mag-appear sya philippine TV! haay...
oh my gawd. like, what is "sinigeng sa misohh? that is sseeeeww weird. so weird, i couldn't imagine what kind of thing it is. gosh.
pota, may hangover pa'ko sa pagdaan ko sa areneo. baka may nagbabasang taga-areneo...
oy, masarap naman yung SSM. anong meron at ayaw mo??
I hate ginger, too... with a passion. I can only tolerate in small amounts in my food. A guaranteed way of pissing me off is putting lots of ginger in my food.
Honestly hindi ko alam yung sinigang sa miso kung ano ba yun. :(
aaronjames > ok lang yung first commenter ko, friends naman kami nun
mike > ewan ko ba, ayaw ko talaga ng sinigang sa miso
allergic din ako sa strong scents lalu na yung mga car freshener..nakakasuka!! at kay cristy fermin din! nkakainis yung ngiti nya! ang sarap batuhin!
ilokano ka nga!!!!
saan ang probinsiya ninyo? :D
ayoko din ng isdang may sabaw, feeling ko kasi lalong lumalansa.
uy sama kami next time na may get-together ha hahaha!
Post a Comment