Tama na!
Ayoko na, hindi ko na kaya itong ginagawa mo sa akin. Akala ko pa man din mapagkakatiwalaan kita. Akala ko maasahan ka. Matibay ka pa man din. Ngunit ano ang silbi ng tibay mo, kung gagamitin mo lang din pala against sa akin yan. Napakaplastik at napaka-ipokrito mo. Hindi na kita aasahan pa, hindi na kita nais pang makasama kailanman.
Itinuring kitang kaibigan, itinuring kang kaibigan ng lahat. Oo tama, napaka-dependable mo talaga. Saan mang lakaran pwede kang makasama at ang laking tulong ang ibinibigay mo sa amin. Hindi naman namin kinakalimutan yun at sa halip pinapasalamatan pa kita sa mga panahong iyon. Yun nga lang, hindi namin alam na may kapalit pala ang pagtulong na iyon.
Nasaktan ako sa kaya mong gawin sa akin. Isa ka palang mischievous backstabbing bitch. Hindi ko aakalaing tatraydurin mo lang pala ako. Pagkatapos ng ating masasaya at matatamis na pinagsamahan mabibigo lang pala ako sa iyo. Bakit ka ganyan? Kung may nagawa man akong hindi maganda sa iyo, sana sinabi mo na lang ng direkta sa akin. Bakit kailangan pang manggaling sa iba ang balita?
Hindi ko matanggap na sa isang kagaya mo pa mangyayari ang mga bagay na ito. Inakala kong maayos ang lahat pero hindi pala. Hindi na dapat na humantong pa tayo sa ganito. Ayoko rin namang itapon kita basta-basta, nakakapanghinayang ang mga panahong pinagsamahan natin. Pero hindi ko na kayang ibalik pa ang pinagsamahan natin noon, masyado mo akong binigo. Pineke mo lang pala ako.
Pinaikot mo ang lahat dahil sa kabutihan mo. Yun pala gagamitin mo lang pala ang kabutihang iyon para kami'y i-manipulate mo. Ngayon natuto na ako, di na ako magpapagamit sa iyo. Since, hindi naman kita maiiwasan parati at lagi pa ring magku-krus ang mga landas natin magiging matalino na ako kung paano kita pakikisamahan. Huwag ka na lang sanang umasang mapagkakatiwalaan at manumbalik pa ang dati nating pagkakaibigan.
Ayoko na sa iyo. Ayoko na ng PLASTIC. Ayoko na sa mga PET Bottles. Nakaka-cancer ka pala.
Friday, July 06, 2007
Itigil na Natin Ito
Posted by Billycoy at 7/06/2007 10:20:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
28 comments:
teka PET ba yung ginagamit sa C2 and other bottled sodas? kasi yung recycle logo andun eh.. i heard nga masama daw yun kapag ginagamit ng paulit ullit na may certain thickness yung allowed sa manufacturing nun lalo na sa mineral water bottles, hmmm i drink C2 everyday, i need to research on this further..
lagot ka...
hehehehe...
magbaso na lng kasi. wag plastic ah.
infernez, i learned something fromt his post. hanep ka talaga combatron
sige. tagalugin natin ang 'manipulate'...
...hmm...
ang s alam ko virgin plastic pagka clear plastic... er ewan..
san mo pa ba ginagamit ang PET bottles at ganyan katindi ang iyong galit?
hala
pag diskitahan daw ba ang mga pet bottles
wakekeke
ganun? anu nga ba yun? hehe
marco inc. > manipula ba? ang sagwa... pulang mani... iba naiisip ko!
the philosophical bastard > nakakakanser daw kasi kapag paulit-ulit na ginagamit ang mga PET bottles... anyway, di naman ako mahilig uminom sa mga PET bottles, umaarte lang.
we recently featured PET bottles dito sa science mag namin... and I found out na talagang nakakanser ito... bukod pa yata sa mga lead content nito na nade-deteriorate everytime nilalagyan ng laman! pero ito ang gamit namin sa bahay... nakakainis...!
teka ano ang pet bottles???
are all plastic bottles PET bottles? Woah, bigla tuloy akong napaisip!
so ano na dapat kong gamitin? eh paboreyt ko yung nestea iced tea ice na nasa PET, tska coke light na nasa PET, tska C2 lemon na nasa PET. pano na? ayoko ng naka-can, kahit ken apord naman ng wallet ko. pudpod kasi kuko ko kaya hindi ko mabuksan ang can..
yosi + use of PET = ______? tama ba?
Yeah, cancerous sila kung paulit-ulit mo itong ginamit. Oh and yeah, cancerous din ang cellphones.
So, galit ka na rin kay Maritoni mo? LOL
Ang alam ko, hindi naman sa masamang uminom ng drinks na nasa bottle na ganito. Wag na lang gamitin yung bottle ulit, e.g. lagyan ng tubig at itambak sa ref. Ganun.
ui coycoy adik ka talag nu?! andame mong alam akala ko naman kung cno nang damuho ang kaaway mo! sabagay kahit ako magagalit dyan sa pesteng PET BOTTLE na yan.. aba aba cancer pla ang dulot..
dba lately lang may nagsabi na hindi naman totoong nakakacancer ang PET bottles... tagal na kasing umiikot yang email na yan. pero sa umagang kay ganda ba yun? sabi ang sakit na makukuha mo eh yung germs kapag yung tubig or bote eh nainitan na at nainuman mo na bago sinara.
basta parang ganun! ay ewan...
kaya nga baso na lang...
sobra pa talaga yung drama...
PLASTIC. hehe..
yatot > o yan ng si yatot ang nagsabi, nagwowork sa science mags yan
franco > may link naman na yung pet bottles, check mo na lang
jigs > mostly yata
mike > nakow, hithitin mo na lang mga PET bottles mas malakas tama
jhed > hindi naman, labs ko pa rin si maritoni, pinag-ipunan ko yun... wala akong paki kahit cancerous pa siya
yung recycle sign po sa mga polyethelene terephthalate (PET) bottles may number. yung number na yun, yun ung number na kung saan e hanggang doon lang ang pwedeng paggamit mo sa kanya.
most PET bottles ata have the number 1 inside the recycle logo. it means, once mo lang siya gagamitin.
yun ung alam ko.
share lang. :D
peace.
billycoy..ang galing mo namang mag blog..i link mo na naman ako..aplzz www.kesh.blogspot.com..salamt
www.kesshy.blogspot.com yan pala..hehe
"yung recycle sign po sa mga polyethelene terephthalate (PET) bottles may number. yung number na yun, yun ung number na kung saan e hanggang doon lang ang pwedeng paggamit mo sa kanya.
most PET bottles ata have the number 1 inside the recycle logo. it means, once mo lang siya gagamitin.
yun ung alam ko.
share lang. :D
peace.
OH MY GOSH!
nag-freak out ako.. grabe may mga times na paulit-ulit kong nagagamit yung C2 bottles specially nung callboi este callcenter agent ako.. nirerefill ko sya ng water like 3-4 times a shift. nyay!
number count nung C2 bottle is "1" and i'm currently holding one right now pero syempre hindi water hawak nya..
ganyan pala ang PET bottles! ayoko na rin sa kanya! haha.
mhmm. ang lam ko, diba usually may number sa ilalim ng bote.. un daw yung number of uses. haha. ewann! sabi lang sa kin dati un. :D
dati, super hilig kong mag-ulit-ulit ng PET bottles pero nung nalaman ko yun, pinapaulit-ulit ko pa rin sya pero hanggang dalawang beses lang...
akalain mong educational yun post mo... hehehe... napansin ko, hindi na pop-up itong comment box mo...
Hi BILLICOY! Musta na?
Hehe! Im Back! nye...
Anyway, sabi nila repeated use of PET bottles can cause cancer hindi yung single use lang. So, pag ito'y ginagamit bilang isang water flask for a long time, doon lalabas ang mga toxins ng plastic!
Ok?
bye!
Hi BILLICOY! Musta na?
Hehe! Im Back! nye...
Anyway, sabi nila repeated use of PET bottles can cause cancer hindi yung single use lang. So, pag ito'y ginagamit bilang isang water flask for a long time, doon lalabas ang mga toxins ng plastic!
Ok?
bye!
P.S. Uy, taga advertising ka pala, ganda ng graphic design ng logo! Pwede ba magpaturo? Isa rin kasi akong trying hard to be a graphic artist at gustong makapasok sa mundo ng advertising balang araw. hehe...
hi there! mmm, whatta!!!
xlink, pls check my blog, www.eleyches.blogspot.com Ü
dos ocampo > hindi pa naman malaking industriya ang kasalukuyang work ko... pero under pa rin siya ng advertising.
matagal na yan. Natutuna ko pa yan sa Family Consumer Science: Nutrition class ko. Kaya nga dapat glass bottle yung gamitin mo o kaya yung aluminun, then you need to wash it every time you put new water or stuff on it
Post a Comment