Papasok na naman ang madugong yugto ng mga bawat mag-aaral sa panahong ito. Tiyak na mabuburo na naman ang mga mata at ang mga utak sa pag-aaral ng mga sandamakmak na mga libro at modules. Kaya naman marami na namang masusunog na mga bahay at mga students dahil magsusunog na naman sila ng kilay at magbu-burn ng midnight oil. Kaya wag kayong magugulat kung walang kilay ang maraming students ngayon.
Malapit na ang exams. Kaya't cramming at busy na naman ang lahat ng estudyante sa paggawa ng mga kodigo. May paraan pa naman para makapasa sa mga tests na ito. Hayaan niyong ibahagi ko ang ilang nalalaman para makatulong sa mga exams.
Relax
Kung nakapag-review ay dapat na mag-relax lang. Huwag papadala sa kaba at tensyon ng pagsusulit. I-relax lang ang pag-iisip dahil mas madaling papasok ang mga natutunan kapag hindi ito pine-pressure. Always take time. Huwag lang sosobrahan ang pagrerelax dahil hindi mapansing nakabuka ang bunganga at umaagos na pala ang laway at lungad sa test paper. At saka baka sa sobrang pagre-relax hindi rin mamalayang nasa mundo na ng kaligayahan at may kung anong lumabas sa pagitan ng mga hita.
Eat
Huwag magte-take ng exam kapag gutom. Once na magparamdam kasi ang sikmura ng gutom madi-distract ang atensyon ng isipan doon at mawala sa focus ng exam. Huwag ring sosobrahan ang pagkain o pagte-terno-ternohin ang fishball na sinawsaw sa chocolate fondu, habang kumakain ng strawberry champorado at ngumunguya ng doughnut na isinawsaw sa toyo dahil madidistract din naman kayo ng tawag ng jerbakuls sa oras ng exam.
Suck
Mainam ang candy habang nagtetake ng exam. Kaya naman piliin ang mga hard candies (e.g. Maxx, Halls, Storck) dahil nagco-contain ito ng glucose na tumutulong magpa-aktibo ng isipan at mas madaling mare-recall ang natutunan. Pwede ring piliin ang jawbreakers o yung malalaking bilog na candies. Huwag nga lang lulunukin dahil hindi naman ito magpapa-transform sa inyo to Darna o Zsazsa Zaturnnah.
Reward
Basta pagkatapos ng examination period ay bigyan ng regalo ang sarili. Kahit wala pang resulta ang mga tests basta ginawa naman lahat ng makakaya ay nararapat na regaluhan ang sarili. Mag-shopping, mag-foodtrip, makipag-inuman o kung anuman para makapag-unwind man lang. Be sure lang na may pera at tawagin ako, mas masayang mag-unwind kapag may nililibre.
Tandaan na mag-aral parati para hindi umasa sa bopols na katabi o sa kodigong nakasulat sa tissue paper na naipang-punas na pala sa jebs. Mas mainam naman kasi ang kinokopyahan kaysa nangongopya.
Always remember: STUDY HARD, PARTY HARDER, AND HIT ME HARD BABY!
Buti na lang tapos na ako mag-aral.
Monday, July 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
Una ako!
Ako naman maggraduate na this october. Hay.. parang mamimiss ko ata ang buhay estudyante pero ayokong bumagsak para lang magstay haha :0
I wanna party harder and.. ayun haha
pinaka type ko yung reward portion. pwede bang puro reward na lang? hehehe...
tsk! diko na mai-apply yan. my school days were long over.
haha laking pasalamat ko tapos na ko jan...sarap tuloy inggitin ng mga estudyante!
pero noon, binibigyan ko din ng reward ang sarili ko after an exam---hindi dahil success ang pagreview ko kundi dahil success and pangongopya ko! at tama lahat ng nakopya ko! haha
love love love your blog!!! nakaka-addict =)
Oh yeah, totoo yung sa candy thing. Our Anatomy professor confirmed that, kaya naman lagi akong may stock ng candy sa bag. Heehee!
Study hard, party harder! Haha! My philosophy in life! LOL!
weeeeeeh! sali ko sa nililibre... yung mga studyante jan.. sama ko sa party harder! yahooo!
teka... hit you harder billycoy? ano ba yun, magpapabugbog ka?
kung yung green naman tinutukoy mo, eh... kahit lalaki okay lang?
nyahahahhahahha~ *high*
maraming maraming salamat sa mga payo mo, malaking tulong to sa mga tulad kong bum. :)
wahahahaha.. natumpak mo ang nararamdaman ko ngayon billycoy!.. sinabi ko sa mga magulang ko na "pagod na ako mag-aral.." wahaha. knowing na 5 year course ako.. pakshet talga. ayun.. pinapalayas na ako ng magulang ko. lols... kaya sabi ko.. "joke lng un. " hahaha. :)) napapagod na talga ako mag-aral... wahahahahahaha! as in!!!
oo. kailangan ang reward. pagkatapos ng exam.. gimik agad!
Ako'y pang sampu! Wahaa.
Nako naman, alam naman nating lahat na mas masarap mag-aral. Biruin mo, hindi ka na nga studious pero may baon ka pa. May pang-inom ka pa! HAHAHA.
Bad.
Kayang-kayang ipasa basta nakikinig ka sa prof. Ewan ko ah, pero yun lang talaga ang ginagawa ko para pumasa. Makinig sa prof. Tapos mga ten minutes of review bago mag-quiz.
:D Saya. Haha!
Pwera lang sa Math. Hindi talaga ako nakikinig sa prof ko dun eh. :p Hehe.
And about the 'suck' part, sinabi rin saken yan ng paborito kong Zoology prof. :) Kaya nung mag-long exam na ko sa Zoo - aba! Naka-TOBLERONE AKO!
Yabangis!
At wag ka! Pumasa ako! HAHAHAA. Galing galing...
Nga pala, palit ka na ng header. :P La lang. Triiip.
jojitah > ok lang na puro reward basta kasama ako lagi dun!
ruff nurse-du-jour > masama yan! tingnan mo pa ibang adverse reaction sa sidebar ko
andianka > bahala ka na lang mag-isip... pwera lang dun sa lalaki thingie!
ikay > tapusin mo na kasi pag-aaral para mapagod ka naman sa trabaho
utakgago > kailangan talaga toblerone pa, hard candy na lang kasi mas matagal sa bunganga. kaya ka tumataba lalo nyan eh, sobra-sobra sa sugar di pa namimigay!
buti na lang at tapos na akong mag-aral... so hindi ko na ito nararanasan... pero come to think of it... parang gusto ko ulit itong maranasan... gusto kong bumalik ng university! waaahh... kaso walang pera!
tama. pag nangangamote na ako, ngumunguya lang ako ng kendi tas maaalam ko na uli ung sagot hehehehe
I so needed this post! Salamat Villycoy ha :p
*hits you hard*
salamat rin at graduate na ako :D
walang katapusang exams at pagre-review..nakakabaog yan mga kids..dapat talaga may inuman sessions after ng exams..mas masaya kwentuhan kapag nakaraos ka na sa nakakaburyong na araw
ako, ewan ko ung kelan ako matatapos sa pag-aaral. mock board sa linggo, kaya naman tamang-tamang-tama ang post na ito sa akin. :D
salamat kuya billycoy!!! ahahaha!!!
I think papasa yang student na yan. Judging from the photo, she's, uh, well, done with her exam, I guess. She's just dozing off, is all.
If there's one thing I've learned in school, it's to become an academic dork! Karir na kung karir! Academic dorks rule!!! LAWL!!!
haha buti tapos na rin ako mag aral. sabi nila nakakamiss daw amging estudyante pero ako hindi ko siya nami-miss, at least for now.
~^_^~
oo naman napakasarp talagang mag-aral... kapag hindi ka na nag-aaral he he he. sarap lang kasi dami ka friends at saka meron ka ginagawa lage ha ha.
billycoy add mo naman ako sa blogroll mo:
prinsipe dilan
http://www.dilan.co.nr
tnx ha! na-add na nga pala kita sakin he he!
wow! ngaun ko lang nalaman ung sa candy ah! masubukan nga :P
Alam ko lang kasi, kumain ng chocolate bago mag test.. haha! XD
Inspiration would be a really big help ^_^
yea ahehehe ang pag suck ay pamatay gutom na ren... ika nga nila 2 birds in one stone... nyahahaha
Post a Comment