Tuesday, July 10, 2007

Fast Food Trip

Sino ba ang hindi gustong kumain? Mga bulimic at mga anorexic. Mahilig tayong kumain ng masasarap na food, mapa-ala carte, buffet, fine dining, fastfood o turo-turo man yan. Isa sa likas nating talento ang maging kritiko ng iba't ibang klase ng pagkain, yun ang silbi ng dila natin. Kaya naman ngayon, huhusgahan ko ang mga pagkain ng mga fast food chains. Samahan niyo ako tumikim at maglaway ng malapot at malagkit sa mga fave nating orderin sa mga food chains.

Hamburger
Let's take yung mga fastfood burger originals. Sa Jollibee, Champ ang ideal burger nila. Malaki at para sa mga champions talaga. Least sa faves ko ang Champ kasi di ko trip ang mga burger patties ng Jollibee. Hindi kasi ako kumakain ng karne ng higanteng pulang bubuyog. Ang McDonald's naman, sa kanila ang ever famous na Big Mac. Hindi ako nag-eenjoy kumain ng Big Mac kasi kaya ko itong tapusin in 5 minutes, mabuti pa ang Quarter Pounder or double cheeseburger, matagal-tagal pa. In terms sa beef patty, paborito ko ang Whopper ng Burger King at Big Classic ng Wendy's. "Grilled" kasi ang mga beef patty nila. Lalo na yung Triple Big Classic ng Wendy's pagkatapos kumain nito, pwede ng mangmasaker ng isang libong jologs at ipabitay kinabukasan. Pero syempre, the best ang burgers ng Brother's Burger. Anong parte kaya ni Big Brother ang ginagawang beef patty?
Fact: Hamburger ang mga inhabitants ng Hamburg, Germany.
My Analysis: Ang hamburger ay gawa sa giniling na laman ng mga tao sa Hamburg, Germany. Yummy!

French Fries
Laging katerno ng mga burgers ang fries. Ang Jollibee dati, lasang kamote ang kanilang french fries. Kaya hindi ko gusto ang fries nila dati, kasi hindi rin naman ako mahilig umutot. Ngayon, ang french fries nila ay maayos na ang lasa, hindi na mapapautot pagkatapos kumain nito. Ang fries naman ng McDonald's ay usually maalat, pwede ibenta ang mga bato sa kidney sa mga jewelers pagkatapos kumain ng fries nila. Sa Burger King, matabang naman, aakalain mong wala kang dila habang ngumangata nito. Gusto ko yung fries ng Wendy's kasi mahahaba at matataba ito compared sa fries ng ibang fastfood. Syempre ang fave ko ang fries ng KFC, parang mashed potato french fries siya. Mas bagay iterno sa gravy kaysa sa ketchup.
Fact: Hindi sa France nag-originate ang french fries kundi sa Belgium.
My Analysis: Mas masarap ang kili-kili ng babaeng Belgian kaysa sa babaeng French. Mabuhok kasi ang kili-kili ng French.

Spaghetti/Istapegi/Sapageti
Isa sa pinoy fave ang italian dish na ito. Ayoko sa lahat ang istapegi ng Jollibee, lasang ketchup at parang red dye lang ang sauce na ito. Gawa yata sa balat ng higanteng bubuyog. Sa Wendy's at Burger King naman, bland ang mga spag nila. So far, medyo umaayon lang ako sa spaghetti ng McDonald's, may tamang asim lang ng tomato sauce at di gawa sa ketchup. Hindi naman kasi nila expertise ang pasta dishes kaya kung pasta lang ang hanap pumunta na lang sa ibang lugar at gumala sa kawalan.
Fact: Ang pasta ay pinapaniwalaang nanggaling sa China, ngunit may mga research na lumalabas na nanggaling ito sa mga Arabs na nagpopulate sa southern Italy.
My Analysis: Para walang away, lagyan na lang ng spaghetti sauce ang ibabaw ng pansit canton.

Fried Chicken
Lahat yata ng bata paborito ang manok. Ang Fried chicken ng Mcdo minsan ay maalat. Wala kasi silang basic formula para sa kanilang mga Fried Chicken nila. Sa Wendy's and Burger King, pareho lang at bland ang lasa ng chicken nila. Syempre sa KFC, forte nila yun, pero minsan depende rin sa branch. May mga branches ng KFC na maalat ang timplada ng original recipe nila. Gusto ko pa rin ang Chickenjoy ng Jollibee. Kapareho niya ang lasa ng Popoy... este Popeye's Chicken.
Fact: Ang chicken meat ang reference point ng lahat ng meat; "Taste like chicken."
My Analysis: Hindi naman ginagawang reference point ang aming male genitalia sa ibang karne.

Verdict: Sa lahat ng mga fastfood na nabanggit ko, obvious naman kung ano ang pinakamasarap sa lahat. Tinatanong pa ba yun? Syempre ako ang pinakamasarap sa lahat.

TASTES BETTER THAN CHICKEN!

23 comments:

Lalon said...

mauna na ako.. =)

.. well ako? hehe di ako mahilig sa fries and burger.. and when it comes to chicken preferred ko yung sa "Piadina" (and sa jobbee din kasi malaki, tapos lasang MSG haha) and sa spaghetti naman i like them the "Chef D'Angelo's" way.

"Hindi naman ginagawang reference point ang aming male genitalia sa ibang karne."

.. teka ano 'to? (^^,|

Anna said...

nagutom naman ako bigla. wala pa naman akong budget pang-kain ngayon.. hmmm... ililibre mo ba ako billicoy?

marco inc. said...

alan, sino ba mahilig umutot? :))

ok, si atan isa..

langya you taste better than chicken? magbbodhi na lang ako. nakakasira ng pagkamuwang. syet pano na lang ako magcchicken fillet (budget food) sa macdo. makapag buffalo wings na nga lng sa fridays

Myx said...

gusto ko ang fries at cheeseburger ng mcdo. ewan ko b pero hindi ako mhilig sa friend chicken kahit nung bata ako.

L.A said...

I don't eat Ispageti...or I really like it at all.

Depende pag nasa mood ako...haha pero chicken and fries...kaso gusto yung american size para LARRRGGE haha..anyway...kala ko dati gawa sa bulate ang pasta hahaha kaya siguro hindi ako masyadong kumankain nun..

L.A said...

*or I really don't like it at all.

Dos Ocampo said...

Yuck! Cholesterol and Long-Chain-Fatty-Acids! Yaki!

hehe!

Pero masarap fries ng wendy's!

ek manalaysay said...

bakit walang tropical hut dito! hahhaha.. yung chicken nila kapag umoorder kami nung college ang tawag namin dun ay dinosaur leg dahil talaga namang malaki na mura pa! burger, i dnt eat big mac kasi masakit sa ulo! burger mcdo lang at yumburger masaya na ako... pero gusto ko din yung sa burger king!

spaghetti naman, mas masarap pa akong magluto ng spaghetti sa mga nabanggit... bwahahhaha...

fries... hmmm... kamote fries ng max's mas masarap! lols

ano ba iyan, umaga pa lang nagutom tuloy ako!

Billycoy said...

lalon > totoo naman di ba?

sirena > isda ang trip ko ngayon, okay lang ba sa iyo?

marco, inc. > nang-inggit ka pa di ka naman manlilibre!

yatot > good nga yun para tumaba-taba ka naman!

niknok said...

matagal na kong di nakakakain ng istapeggi...makakain nga mamaya..buti nalang napaalala mu!

Anonymous said...

KAKAGUTOM!!! WAAAHH!!!

hindi na ako kumakain ng chicken sa labas ngayon e... para kasing may peke sa lasa ng chicken.

spag ang the best! kahit pasta ng anong food chain patok sa akin.

fries? ayos lang...

burger... hmmm.. classic chicken burger lang ng kfc ang trip ko.

share ko lang. :D

mangan kakabsat! :D

Anonymous said...

nagdaan! =)

Mike said...

mahal ang Big Mac sa France, as in. nasa 8-10 euros na yata ngayon kasi dati 7 lang. pota. magkano yun dito.

at hindi masarap ang FF ng Kenny Rogers. nakakadiri. para kang kumain ng styrofoam. sa chicken, sobrang ok. dun nga lang ako nakakakain ng totoong roasted chicken.

Italianni's is the best. *bow*

"Hindi naman ginagawang reference point ang aming male genitalia sa ibang karne." - hmmm..

p said...

so bakit pa natin tinatawag na french fries kung galing naman pala sa belgium? siguro kasi galing naman talaga sa English ang belgian waffles...

Anonymous said...

nyahay... nagutom ako...

ang gusto ko: fries at cheezeburger ng mcdo (dahil lang sa pickles)... chicken ng jabee the best parin dahil sa yummy licious juicy licious crunchy balat. hahahaha!

pagdating sa spatetti? ahhh... mom's cooking still is the best! nothing beats my mom's spatetti! weeeeeeh!

sinabi ko bang nakakagutom? waaaah!

Anonymous said...

OMG, I'm getting hungry!

Would you believe I haven't eaten a burger in almost a WHOLE YEAR? Well, I turned into a vegetarian... and now I'm what I call a flexitarian (mostly veggie with occasional meat 4-5 times in a month).

Oh, now I want a burger! Tomorrow!

Yeah, I prefer Burger King meat patties... has a nicer real meat texture than the other burger joints.

I try to stay away from "all-you-can-eat" buffets, though. I prefer "quality" rather than "quantity stuff your face" habit.

Billycoy said...

mike > nakakain ka na pala ng styrofoam?!

the philosophical bastard > parang blackboard na kulay green lang naman yan

fuityoaty > i think i'm a flexitarian too... i eat humans with occasional veggies.

Anonymous said...

talagang mas masarap ikaw? hahaha...


un un eh :P

JoLoGs QuEeN said...

huwaw fastfood eklavu.

natry mo na ba ung burger sa hungry hippo? panalo un sa lahat ng mga burgers na natikman ko.

fries? yuffness sa KFC masarap ung fries tapos libre pa ung gravy bwahaha

spaghetti? Kung gusto ko ng maasim na spag dapat sa italiannis ka kumain kudos dun!. Ayoko ng spag ng jologsbee para kasing tamis-anghang banana catsup.

xempre chicken joy forever na ito d ba? sino ba ang hindi batang chicken joy?, pero ung chicken ng Max masarap din ^_^

frosty ang masarap sa wendy's ^_^

thejoketh™ said...

may buhay pa bang popoy's sa pinas?? hindi ko mahanap e..

~^_^~

Billycoy said...

yeye > oo masarap ako!

jologs queen > saan ba yung hungry hippo? gawa ba sa hippopotamus ang patty nila?

the joketh > meron pa yata, di ko lang sure, konti lang kasi sila eh—popeye's yun ah... pero marami pa ring nagpopopoyan, dumadami pa rin tayong pinoy eh.

The King said...

Sa burger, Burger King ako.
Sa fries, Syempre McDo.
Sa chicken, KFC.
Sa ice cream, yung ice cream itself, McDo. Pero sa toppins, yung Caramel Pastillas ng Jollibee ngayon, hehe.

Jhed said...

OMG!! Brother's Burger ang the best!!!!

Sa Jollibee, gusto ko fries nila.. tsaka yung Cheesy Mushroom Burger nila.

Sa McDo, yung Cheeseburger McDo. I hate their fries. Saggy.

Burger King. Ugh. Onion rings lang peyborit ko dun.

Wendy's. OMG! Spaghetti and burgers nila ang talagang fave ko. Bacon Cheeseburger Melt. Yum.

KFC. Mashed potato and original chicken. Sarap.