Monday, July 30, 2007

Hell is Coming

Papasa kaya yan? In your dreams!

Papasok na naman ang madugong yugto ng mga bawat mag-aaral sa panahong ito. Tiyak na mabuburo na naman ang mga mata at ang mga utak sa pag-aaral ng mga sandamakmak na mga libro at modules. Kaya naman marami na namang masusunog na mga bahay at mga students dahil magsusunog na naman sila ng kilay at magbu-burn ng midnight oil. Kaya wag kayong magugulat kung walang kilay ang maraming students ngayon.

Malapit na ang exams. Kaya't cramming at busy na naman ang lahat ng estudyante sa paggawa ng mga kodigo. May paraan pa naman para makapasa sa mga tests na ito. Hayaan niyong ibahagi ko ang ilang nalalaman para makatulong sa mga exams.

Relax
Kung nakapag-review ay dapat na mag-relax lang. Huwag papadala sa kaba at tensyon ng pagsusulit. I-relax lang ang pag-iisip dahil mas madaling papasok ang mga natutunan kapag hindi ito pine-pressure. Always take time. Huwag lang sosobrahan ang pagrerelax dahil hindi mapansing nakabuka ang bunganga at umaagos na pala ang laway at lungad sa test paper. At saka baka sa sobrang pagre-relax hindi rin mamalayang nasa mundo na ng kaligayahan at may kung anong lumabas sa pagitan ng mga hita.

Eat
Huwag magte-take ng exam kapag gutom. Once na magparamdam kasi ang sikmura ng gutom madi-distract ang atensyon ng isipan doon at mawala sa focus ng exam. Huwag ring sosobrahan ang pagkain o pagte-terno-ternohin ang fishball na sinawsaw sa chocolate fondu, habang kumakain ng strawberry champorado at ngumunguya ng doughnut na isinawsaw sa toyo dahil madidistract din naman kayo ng tawag ng jerbakuls sa oras ng exam.

Suck
Mainam ang candy habang nagtetake ng exam. Kaya naman piliin ang mga hard candies (e.g. Maxx, Halls, Storck) dahil nagco-contain ito ng glucose na tumutulong magpa-aktibo ng isipan at mas madaling mare-recall ang natutunan. Pwede ring piliin ang jawbreakers o yung malalaking bilog na candies. Huwag nga lang lulunukin dahil hindi naman ito magpapa-transform sa inyo to Darna o Zsazsa Zaturnnah.

Reward
Basta pagkatapos ng examination period ay bigyan ng regalo ang sarili. Kahit wala pang resulta ang mga tests basta ginawa naman lahat ng makakaya ay nararapat na regaluhan ang sarili. Mag-shopping, mag-foodtrip, makipag-inuman o kung anuman para makapag-unwind man lang. Be sure lang na may pera at tawagin ako, mas masayang mag-unwind kapag may nililibre.

Tandaan na mag-aral parati para hindi umasa sa bopols na katabi o sa kodigong nakasulat sa tissue paper na naipang-punas na pala sa jebs. Mas mainam naman kasi ang kinokopyahan kaysa nangongopya.

Always remember: STUDY HARD, PARTY HARDER, AND HIT ME HARD BABY!

Buti na lang tapos na ako mag-aral.

Friday, July 27, 2007

Makeover Me Bad

Marami na talaga ang naloloko ng aking hitsura. Hindi lang isa o dadalawa ang nagsasabing napakabait o mala-anghel ang aking hitsura, marami na sila. Kinakapa ko nga ang aking ulunan baka may halo na ako sa ulo at ang aking likod kung may tumutubong pakpak. Wala naman, ang alam ko meron akong buntot, hindi sa puwet kundi sa harapan.

Kahit anong subok ko lumayo sa ganung image talagang 'good boy' ang tingin ng marami sa akin. Nalaman ko pa man din na ang gusto rin pala ng mga girls ay yung may angas—hindi anghit—o yung bad boy ang dating. Kaya naman nagsasagawa na ako ng makeover plan para maging 'bad' naman ang tingin sa akin kahit papaano.

  1. Magsusuot na ako ng black leather jackets or tsaleko kahit na init na init ako sa ilalim ng araw.
  2. Kung di uubra ang black leather jackets, hapit na sando or magta-topless na lang akong naglalakad sa loob ng mall exposing ang mga buhok ko sa kili-kili at ang aking karugbol.
  3. Magpapa-semi-kalbo na rin ako tapos yung parang graffiti pa ang style ng pagkaka-semi kalbo.
  4. Magpapabutas at magsusuot na rin ng hikaw sa kung saan-saang parte ng katawan, pati na sa talampakan, palad, sa kuko, sa daliri, sa bilbil, sa siko, sa tuhod at pati sa 'helmet'.
  5. Magpapa-tattoo ako ng malaking tiger sa aking likuran na parang ganito. Hindi ko po likod yan.
  6. Hindi na gagamit ng deodorant/anti-perspirant para mas lalong lumabas ang manly angas scent.
  7. Kakain na rin ako ng mga street foods lalo na ang kwek-kwek dahil nakakatulong ang mga street foods na magbigay ng bad image.
  8. Makikisali na rin ako sa mga rambulan at mga gangwar.
  9. Aapak ako sa mga damuhang may signage ng "Keep off the grass"
  10. Magpapabagsak ako ng mga kilalang skyscrapers at mga eroplano sa iba't ibang parte ng mundo.
  11. Papanoorin buong magdamag ang MTV ni Michael Jackson na Bad hanggang mag-sink in sa aking sistema ang kanta.
  12. Panoorin ang mga movies ni Binoe.
  13. Lagi ng magdadala ng baseball bat at kadena.
  14. Babaguhin ko na rin paglalakad ko yung sway niya ay sideways from the back instead na yung normal na back and forth.
  15. Magsusuot na rin ako ng mga nagkakapalang mga bling-bling.
  16. Higit sa lahat para makumpleto ang bad boy image, pupuksain ko na lang lahat ng mga jologs, feelingeros, TH's, at mga social climbers.
Kailangan talagang gawin ko ang mga iyan para magkaroon naman ako ng konting image na maangas. Watchathink guys? Ano pa pwede kong gawin para magkaroon ako ng bad boy image?

Wednesday, July 25, 2007

Move Over Cellphones

Huwag kayong magtataka kung sa mga susunod na araw ay may nakikita kayong naglalakad sa kalsada na may hawak na landline at nakikipagtelebabad pero wala namang kable ang landline phone na hawak nila. Weird pero totoo dahil narito na ang Bayantel Span, ang landline na mobile. Nagulat nga ako ng minsang makakita ako sa may amin na naglalakad at dala-dala nga ang kanyang dambuhalang landline while making telebabad. Sa gulat ko nga parang gusto kong magpalamon sa aso naming minpin na dala-dala ko nang araw na yun.

What’s the difference of bayanSPAN versus other regular landlines?
You can it bring anywhere within a local area

Unlike regular landlines where you can only receive calls in your house bayanSPAN allows you to receive important phone calls even if you are outside your home, like while visiting the parlor or shopping at the local grocery store.

Send FREE text messages to other phones within the bayanSPAN network in Metro Manila!

May caller ID, call waiting, call forwarding at kung anu-ano pang features sa pagtawag. Wala nga lang itong camera at TFT display para makapagkodakan at mag-view ng pics. Pero bukod sa mga features na yan ay meron pang pwedeng gawin sa phone na iyon.

Entertainment
Sa mga cellphones, hindi magagamit ang games habang may kausap. Sa unit na ito meron ng pwedeng pagkaabalahan habang may kausap. Pwedeng pag-ikot-ikotin ang mga daliri sa kurdon ng telepono habang may kausap o di kaya pag-aralan ang iba't ibang klase ng knots.

Self-defense
Pwede itong ipanghambalos sa mga nagtatangkang mang-kidnap o mang-holdap. Maaaring ipangsakal ang kurdon nito sa leeg ng mga kaaway hanggang sa di na sila makahinga. Pwede rin itong ipanggapos sa mga walang awang kriminal.

Personal Hygiene
Maaaring gamiting pangkulangot or panghintutuli—kung malaki at expandable ang butas ng tenga—ang antenna nito kapag bitbit ang unit sa labas.

Marami pang pwedeng features kapag nakapag-subscribe na para dito. Wala naman akong planong magpakabit niyan at hindi ko siya pinopromote, may cellphone naman ako. Kung meron man akong gusto ngayon ay hetong telepono ng Goldvish.


Asahan kong ibibigay niyo sa akin ang worth 82,000 dollars na phone na yan.

Monday, July 23, 2007

SONB 2007: State of the Nation ni Billycoy 2007

Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari, maraming nagbago. Nagkaroon ng bahagyang pag-angat sa ating ekonomiya kaya naman ang mga may dollars dyan hindi makapagpalit dahil nga bumaba ang palitan ng dolyar. Patuloy pa ring tumataas ang ratings ng mga baduy na mga programa sa local na telebisyon.

Nitong kamakailan lamang nakatanggap ako ng eroplanong papel sa loob ng aking bahay at may nilalaman itong liham sa loob.

"Strawberry Pretzel,
Magkita tayo sa parke mamaya may mahalaga akong ibabalita sa iyo.
Love,
Bavarian Munchkin
P.S. Huwag mong kalimutang isuot yung ibinigay ko sa iyong Hello Kitty na lingerie."


Nu'ng sumunod na araw may natanggap naman akong origami ng swan sa tapat ng aking palasyo at may liham ulit sa loob nito.

"Bavarian Munchkin,
Sorry di ako nakapunta kahapon, wala kasi akong natanggap na liham mo. Pwede bang mamaya na lang.
Love,
Strawberry Pretzel
P.S. Hindi ko masusuot ang iniregalo mong Hello Kitty lingerie ngayon, namantsahan kasi ng tagos ko kahapon. Kaya naman yung Bad Badtz Maru na lang ang isusuot ko."


Kaya naman nag-iwan na lang ako ng spaceship origami at may liham sa loob din.

"Hijo/Hija,
Na-wrong send po yata kayong mga haliparot. Saka kung may plano kayong magpopoyan ay huwag niyo munang ituloy dahil kadiri yun lalo't may regla pa itong si Strawberry Pretzel.
Nagmamahal,
Ube Jam
P.S. Hindi na po uso sina Hello Kitty at Bad Badtz Maru ngayon, mas 'in' po ngayon ang Spongebob o kaya Mirmo de Pon."


Gumagrabe ang init ng ating panahon ngayon kaya naman papasimulan ko na ang bagong proyekto na mapa-centralize na ang ating bansa upang di na tayo makaranas ng sobrang init. Laganap na rin ang krimen sa ating bansa at marami ding menor de edad ang nagsasagawa nito. Ipinapanukala ko na simula sa araw na ito ay binababaan ko na ang legal age; edad 10 pataas ay pasok na sa legal age para maaari na rin silang isama sa Bilibid kasama ang may mga pigsa at mga kurikong na preso.

Papasimulan ko na rin ang manhunt operation laban sa mga jologs at mga TH (Trying Hard) para naman mabawas-bawasan na ang mga sakit sa mata sa ating mga komunidad. Isasama na rin dyan ang mga emo dahil nais na lang din naman nilang magpakamatay ay tutuluyan na lamang sila para naman mabawasan na rin ang populasyon ng ating bansa. Tinatayang bababa ng 75% ang ating populasyon kapag natuloy ang proyektong ito.

Gagawin ko na ring isang araw bawat linggo ang pasok ng mga estudyante sa eskwela mula elementarya hanggang kolehiyo. Ganun din sa mga empleyado na twice a week na lamang ang pasok nila. Nais kong maging maligaya ang sambayanan ko para naman lahat happy na.

Marami pa akong isasagawang pagbabago sa ating bansa kaya naman magtulung-tulungan tayo itatag ito. Maraming salamat po.

Iba pang SONB:
SONB 2006: State of the Nation ni Billycoy 2006

Friday, July 20, 2007

Simply Thanks

courtesy of: someecards.com

Ako'y lubusang nagagalak at umabot na sa isang taon ang aking blog. Kaya naman lubus-lubusan akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati nitong nakaraang blogiversary ko. Inilalaan ko ngayon ang post na ito sa pagpapasalamat.

Una sa lahat, pinapasalamatan ko ang Billycoy Fans Club na kahit di pa nag-e-exist ngayon ay pinapasalamatan ko na sila in advance. Kung wala sila ay wala rin ako dito at kahit nandyan naman sila ay wala rin ako dahil nagwawala ako. Nagpapasalamat ako sa mga nauuto, nagpapauto at mga nang-uuto sa blog ko. Kung walang nagpapaloko ay wala rin naman ang loko-lokong katulad ko.

Nagpapasalamat ako sa matinding sikat ng araw na nagbibigay sa akin ng Vitamin D at sumusunog sa aking balat. Ganun din sa taglay na zinc ng iba't ibang pagkain dahil tinutulungan akong magkaroon ng mahahalay na pag-iisip. Pinapasalamatan ko rin ang keyboard ng PC dahil kung wala ito hindi ako makakapagtype. Ganun din sa monitor dahil di ko mababasa ang sinusulat ko at higit sa lahat ang buong computer. Nagpapasalamat din ako sa aking mga kasuotan dahil kung wala akong suot ngayon marami na ang natakam at nang-rape sa akin. Pero kung may mangre-rape sa aking hot girl sabihin niyo lang, willing akong ma-rape!

Salamat din dahil virgin pa ako—hindi ko alam kung dapat nga ba yung pasalamatan. Nagpapasalamat din ako dahil mas lalong lumalala ang kalagayan ko, mas lalo akong gumagwapo. Pati rin dun sa mga naniniwalang ako'y wholesome, mabait na nilalang at hindi manyak, bibiyayaan kayo ng sangkaterbang kayamanan at unlimited supply ng White Rabbit from China. Sa mga di naniniwalang ako nga ay USB pa rin at sa mga patuloy pa ring tumututol, magkano ba kailangang isuhol ko sa inyo?

Syempre naman, hindi pwedeng kalimutan ang mga mambabasa, commentators, lurkers at dumadaan. Pati na rin sa mga nagwe-wet kapag nababasa. Ganun din sa ilang mga kaibigan na sumusuporta sa akin kahit hindi ko pa sila nalilibre o nati-treat man lang. Sa mga nakasama ko sa Makati Med Asylum, salamat sa inyo at napatunayan ko na rin sa marami na may silbi rin tayong mga baliw.

Pinapasalamatan ko na rin in advance ang magreregalo sa akin ng sariling domain na walang hinihinging kapalit. Nagpapasalamat na rin ako sa aking magiging sizzling hot juwawhooper kung kailan ka man dumating at titiyakin kong memorable ang ating popoy sessions... este pagsasama. Advance thanks na rin sa mga nais magregalo sa akin ng Macbook or iMac G5 at ng 2007 Ford Mustang. Pero higit kong pinapasalamatan ang magreregalo sa akin ng sex toys at porn movies.

Muli, maraming salamat sa puwet niyong may lamat.

Wednesday, July 18, 2007

Paper Post

Hindi mo nga naman akalain, pagkabilis-bilis talaga ng panahon. Nung kailan lang summer at nagpapakalunod ang marami sa mga beaches at pools, tapos ngayon bumubuhos na ang mga higanteng patak ng ulan sa ating mga bubungan at binabaha na ang ating mga kalsada. Tila kahapon lang ay nuknukan ako ng kamusmusan at ka-inosentehan tapos ngayon tila nag-uumapaw na ang aking kagwapuhan at kahalayan. Parang nung kailan lamang ay virgin ako ngunit sa kasamaang palad ay virgin pa rin ako as of writing time.

Ano ba ang punto ko dito? Tumataginting na 1 year old na ang aking blog. Kaya naman sa loob ng isang taon kong pagsusulat nais kong ibahagi ang ilang bagay tungkol sa aking blog.


  • Paper anniversary ang tawag sa 1st year anniversary.
  • Ang kauna-unahan kong post dito ay english at patungkol sa hirap ng aking pagtulog at sakit ng ulo.
  • Meron akong isang emo post. Kung anuman yun hanapin niyo na lang ang title. Sabagay lahat ng post ko naman dito ay emo.
  • At dahil nagsimula ako ng July, nawalan ako ng tsansang makasali sa Top 10 Emerging Influential Blog. Sayang!
  • Sa mga di nakakapuna Monday-Wednesday-Friday ang sked ng aking updates. May panakanakang lumiliban din ako sa mga araw na iyan.
  • Kung mapapansin since the start of 2007 laging 13 ang posts ko every month. Walang significant na reason kung bakit 13 yan.
  • Malas ang number 13 sa paniniwala ng karamihan.
  • Swerte naman ang 13 sa mga chinese.
  • Hindi ako chinese.
  • Hindi rin ako marunong magtweaks ng HTML/CSS codes kaya magtiis na lang kayo sa layout ko, pero napapalitan ko naman ang header.
  • Nasa drawing board na ang pagkakaroon ng sariling domain.
  • Ayoko ng comment page ng blogspot. Kailangan pa kasi ng pop-up or idi-direct pa sa separate comment page.
  • Meron pa lang akong 144 posts sa blog na ito.
  • 233 naman ang posts ko sa Wanthought.
  • Favorite ko ang dash, ellipsis at hyphen sa mga punctuation marks.
  • Nakapagturo ako ng ibang trivia sa mga mambabasa.
  • Nakapagturo din ako ng mga bagong bokabularyo at ilan sa mga ito: popoy, juwawhoopers at USB (Untouched Since Birth).
  • Nakapagturo din ako ng kung anu-anong kahalayan at kababuyan.
  • I'm proud to be a bad influence.
  • Nahilig din yata ako sa mga bullets na posts.
  • Mahilig talaga ang alagad ko sa mga gatherings.
  • Ikanakahiya ko ang alagad kong clone.
  • I'm still ravishing and smoking hot.
  • Kahit ilang beses kong ipinipilit na virgin ako wala namang naniniwala.
  • Ganun din sa pagsasabing di pa ako nagkaka-girlfriend.
  • Hindi po ako nangangain ng tao... nanglalapa lang.
  • Kung may tinamaan na ng adverse reaction itong aking blog malamang ay masagwa na ang hitsura ng mga mambabasa dito.
  • Marami pa akong topics sa aking ulo na di pa o di na nag-materialize dito.
  • Maraming naghahanap kay Dino Imperial at dito napupunta sa aking blog.
  • May mga naghahanap din ng "masarap sa bayag" at "pinay sexmate" at dito sila napupunta.
  • Malapit na yata itong maging pornsite.
  • Hindi ako si Bob Ong, wala pa akong nababasa sa mga katha niya.
  • Hindi ako si Berlin Manalaysay pero paborito ko ang likha niyang si Combatron.
  • Hindi ako si Cofibean, hindi ako mahilig sa kape at lalo na ang magdisplay sa mga coffeeshop.
  • Hindi ako si Gary Tarugo, wholesome po ang image ko kahit dream ko maging pornstar.
  • Hindi ako si short-stint Kantuterong Atenista, dahil wala pa nga akong napopopoy.
  • Ako si Billycoy Dacuycuy, ang hibang na makata.
  • Kahit anniversary ng blog ko ngayon ay di ako magpapainom.
Sa loob ng isang taon, marami akong natutunan sa inyo at marami rin naman akong naibahagi tungkol sa akin at ilan sa aking mga nalalaman. Patuloy pa rin akong mambubulabog sa inyo at hahawaan ng disease na tanging si Billycoy lang nakakapagpalaganap.

---------------------------------

Maki-party at makisayaw na lang sa saliw ng tugtuging ito.

Monday, July 16, 2007

Wandering the Wonders of the World

Meron ng bagong seven wonders of the world. Binase ang new 7 wonders sa botohan ng marami. Dahil meron ng bagong wonders of the world, meron din naman akong sariling version ng seven wonders. Hindi ito mga tourist destination, kundi mga talagang ka-wonder wonder talaga.

rebbet!!! rebbet!!!

1. President Bush
Bakit siya naging presidente ng USA? Nag-iisip ba siya? Karapat-dapat nga ba siya sa posisyon niya ngayon? Sinong dapat ipalit sa kanya? Si Arnold Shwarzzeneger? O si Larry Flynt?

umiiyak, kumakanta o najejebs?
2. PGMA
Bakit presidente pa rin siya? Gaano kataas ang heels na gamit niya? Effective pa kaya ang cherifer sa kanya? Bakit mahilig siyang umarte di naman siya artista? Totoo bang anak niya rin si Mahal? Si Mura?

Tao ba yan?

3. Michael Jackson
Totoo bang child molester siya? Totoo bang detachable ang ilong niya? Di ba afro-american siya, paano siya pumuti? Pumuti ba siya dahil sa sakit? O naisama lang siya sa pagkukula ng puting damit? What's with the pantalong bitin? May career pa ba siya? Lalaki ba siya? Bukod sa ilong, ano pang parte ng katawan niya ang detachable? Bakit mas maganda pa siya kay Janet Jackson?

Woohoo!!! Nice view!

4. Maria Sharapova
Bakit ang ganda niya? Bakit ang sexy niya? Bakit ang galing niya pa sa tennis? Type niya kaya ako? Makaka-date ko kaya siya? Ano ba vital statistics niya? May kamukha kaya siyang Pinay? Pangarap na lang ba o magiging katotohanan pa?

Awoooo!!!

5. Marc Anthony
Anong meron sa kanya? Bakit patay na patay ang mga latina sa kanya? Bakit na-in love sa kanya sina Dayanara Torres at Jennifer Lopez? Gwapo ba siya? Mas gwapo pa yata ako sa kanya di ba? Ano bang attractive sa bangkay?

Alin ang mas masarap? Ang whopper o si Paris?

6. Paris Hilton
Bakit ba ang swerte niya? Hotel heiress, model, actress, singer, preso at sex scandal artist, ano pa ba kulang sa career niya? Sino pa bang hihigit sa kanyang pagiging overexposed? Ganun lang pala ang sumikat? Kaya ba maraming may sex scandals ngayon? Meron na rin kaya ako?

Matakot sa karma! Magsawa kayo sa pagmumukha niya!

7. Jobert Sucaldito

Bakit kailangan niya pang mag-exist? Need I say more?

Marami pang dapat isama sa aking Seven Wonders of the World. So far sila na lang muna nilagay ko, wala yata akong maisip ngayon. Lagi na lang nagwa-wander ang isip kong nagwo-wonder. Oh Wonder Woman, asan ka na ba? Suot mo ba ang yung wonder bra?

Friday, July 13, 2007

Untold Theories

Maraming misteryong itinatago ang ating mundo at ang ating buhay. Kung kaya't nagsulputan na ang iba't ibang mga scientists at mga theorists para bigyang linaw ang mga kababalaghang ito. Kaya nga tayo nag-aaral ng iba't ibang branches of science mula elementary hanggang college para sagutin ang ilang tanong sa ating isipan. Unless gumagawa kayo ng kababalaghan sa last row ng classroom or nakikipaglaplapan sa inyong girlfriend—or other girlfriend—habang nagtuturo ang inyong teacher sa subject na ito.

Likas din akong palaaral kaya naman may mga theories din ako. Talagang kinalkal ko ang kasuluk-sulukang mundo ng aking utak malaman lang mga pwedeng sagot sa ilang katanungan.

Theory of World's Existence

Siguro marami na kayong narinig or nabasang mga theories kung paano nabuo ang earth. Nariyan na yung Big Bang at kung anu-ano pang mga cosmological theories. Iba ang theory ko sa kanila, malamang wala pang nakakarinig ng aking version. Naniniwala ako na ang ating mundo ay isang malaking kulangot lamang. Tama, ang mundo ay gawa sa kulangot.

Nagsimula ang earth sa isang mumunti at pagkaliit-liit na particle ng universe. Isang maliit, moist at malagkit na space dust lang ang pinagsimulan ng earth; isang mumunting kulangot. At dahil nga madikit ang kulangot, nag-attract pa ito ng iba pang space dust na kulangot sa ating galaxy hanggang lumaki ito ng husto at mabuo ang isang massive na kulangot. At dahil nga moist ang kulangot, nagsecrete ito ng mga fluids hanggang sa mabuo na ang mga tinatawag nating bodies of water ng mundo. Kaya nga maalat ang tubig dagat natin dahil wala naman itong pinagkaiba sa uhog o sipon. Since may moisture, dun na nagsimula ang buhay.

Kaya nga naniniwala akong isang sign na ng apocalypse kapag naging green na ang ating tubig at naging malapot na ito. Hudyat na tuluyan ng magiging tuyong kulangot na ang mundo kung nagkataon at pipitikin na lang ang earth palayo sa ating galaxy at magliliwaliw sa universe.

Theory of Evolution

Ayon sa Theory of Evolution, ang tao ay maaring nagmula sa pinakamalapit nitong kamag-anak sa mundo ng mga animal, ang mga hudas... este unggoy. Hindi ako sumasang-ayon dun. Ayon sa aking research at mga nabasa, ang tao ay nagmula sa mga palaka. Nag-evolve tayo mula sa palaka at kung paano ang transition nito from frog to humans, ayun ang hindi ko pa nari-research. Malamang ito ang tinatawag nating missing link para mabigyang lutas kung paano ba tayo naging tao.

Ang basis ko ng theory kong ito: The Frog Prince by Brothers Grimm.

Theory of the Chocolate Wheatfield

Disagree ako sa theory ni Koko Crunch na may kung anong chocolate na tumapon sa wheat field tapos poof naging chocolate breakfast cereal na. Maling-mali ang theory na yun. Ayun sa aking pananaliksik, may isang bayan na ang staple food nila ay chocolate, though may wheat field sila hindi nila pinapansin yun. Hindi pa uso ang mga toilet at CR's noon kaya naman dun sila sa wheat field nagje-jebs. Naging fertilizers tuloy ng wheat field ang kanilang mga jerbaks kaya naman ang mga wheat field nag-evolve at naging chocolate wheat field na nga sila.

Ayan ang aking mga theories. Kung sakaling mapatunayan ang mga yan malaki ang chance kong makakuha ng Nobel Prize. Pero okay na rin sa akin kahit one year supply ng koko crunch ang ibigay nila sa akin.

Tuesday, July 10, 2007

Fast Food Trip

Sino ba ang hindi gustong kumain? Mga bulimic at mga anorexic. Mahilig tayong kumain ng masasarap na food, mapa-ala carte, buffet, fine dining, fastfood o turo-turo man yan. Isa sa likas nating talento ang maging kritiko ng iba't ibang klase ng pagkain, yun ang silbi ng dila natin. Kaya naman ngayon, huhusgahan ko ang mga pagkain ng mga fast food chains. Samahan niyo ako tumikim at maglaway ng malapot at malagkit sa mga fave nating orderin sa mga food chains.

Hamburger
Let's take yung mga fastfood burger originals. Sa Jollibee, Champ ang ideal burger nila. Malaki at para sa mga champions talaga. Least sa faves ko ang Champ kasi di ko trip ang mga burger patties ng Jollibee. Hindi kasi ako kumakain ng karne ng higanteng pulang bubuyog. Ang McDonald's naman, sa kanila ang ever famous na Big Mac. Hindi ako nag-eenjoy kumain ng Big Mac kasi kaya ko itong tapusin in 5 minutes, mabuti pa ang Quarter Pounder or double cheeseburger, matagal-tagal pa. In terms sa beef patty, paborito ko ang Whopper ng Burger King at Big Classic ng Wendy's. "Grilled" kasi ang mga beef patty nila. Lalo na yung Triple Big Classic ng Wendy's pagkatapos kumain nito, pwede ng mangmasaker ng isang libong jologs at ipabitay kinabukasan. Pero syempre, the best ang burgers ng Brother's Burger. Anong parte kaya ni Big Brother ang ginagawang beef patty?
Fact: Hamburger ang mga inhabitants ng Hamburg, Germany.
My Analysis: Ang hamburger ay gawa sa giniling na laman ng mga tao sa Hamburg, Germany. Yummy!

French Fries
Laging katerno ng mga burgers ang fries. Ang Jollibee dati, lasang kamote ang kanilang french fries. Kaya hindi ko gusto ang fries nila dati, kasi hindi rin naman ako mahilig umutot. Ngayon, ang french fries nila ay maayos na ang lasa, hindi na mapapautot pagkatapos kumain nito. Ang fries naman ng McDonald's ay usually maalat, pwede ibenta ang mga bato sa kidney sa mga jewelers pagkatapos kumain ng fries nila. Sa Burger King, matabang naman, aakalain mong wala kang dila habang ngumangata nito. Gusto ko yung fries ng Wendy's kasi mahahaba at matataba ito compared sa fries ng ibang fastfood. Syempre ang fave ko ang fries ng KFC, parang mashed potato french fries siya. Mas bagay iterno sa gravy kaysa sa ketchup.
Fact: Hindi sa France nag-originate ang french fries kundi sa Belgium.
My Analysis: Mas masarap ang kili-kili ng babaeng Belgian kaysa sa babaeng French. Mabuhok kasi ang kili-kili ng French.

Spaghetti/Istapegi/Sapageti
Isa sa pinoy fave ang italian dish na ito. Ayoko sa lahat ang istapegi ng Jollibee, lasang ketchup at parang red dye lang ang sauce na ito. Gawa yata sa balat ng higanteng bubuyog. Sa Wendy's at Burger King naman, bland ang mga spag nila. So far, medyo umaayon lang ako sa spaghetti ng McDonald's, may tamang asim lang ng tomato sauce at di gawa sa ketchup. Hindi naman kasi nila expertise ang pasta dishes kaya kung pasta lang ang hanap pumunta na lang sa ibang lugar at gumala sa kawalan.
Fact: Ang pasta ay pinapaniwalaang nanggaling sa China, ngunit may mga research na lumalabas na nanggaling ito sa mga Arabs na nagpopulate sa southern Italy.
My Analysis: Para walang away, lagyan na lang ng spaghetti sauce ang ibabaw ng pansit canton.

Fried Chicken
Lahat yata ng bata paborito ang manok. Ang Fried chicken ng Mcdo minsan ay maalat. Wala kasi silang basic formula para sa kanilang mga Fried Chicken nila. Sa Wendy's and Burger King, pareho lang at bland ang lasa ng chicken nila. Syempre sa KFC, forte nila yun, pero minsan depende rin sa branch. May mga branches ng KFC na maalat ang timplada ng original recipe nila. Gusto ko pa rin ang Chickenjoy ng Jollibee. Kapareho niya ang lasa ng Popoy... este Popeye's Chicken.
Fact: Ang chicken meat ang reference point ng lahat ng meat; "Taste like chicken."
My Analysis: Hindi naman ginagawang reference point ang aming male genitalia sa ibang karne.

Verdict: Sa lahat ng mga fastfood na nabanggit ko, obvious naman kung ano ang pinakamasarap sa lahat. Tinatanong pa ba yun? Syempre ako ang pinakamasarap sa lahat.

TASTES BETTER THAN CHICKEN!

Monday, July 09, 2007

Raining Trends

Sumapit na naman ang isang season ng 'Pinas. Though, medyo mainit-init pa rin, hindi mapagkakailang tag-ulan na talaga. Kaya nga kung anu-ano na rin nauuso kapag dumadating ang panahong ito. Maraming may gusto ang panahon ng tag-ulan, marami din naman ang may ayaw nito. At dahil nagsisimula na ang panahong ito, dapat prepared na ang lahat para dito.

Ano nga ba ang mga uso sa panahon ng tag-ulan?

Hindi yan ang tinutukoy kong rain!

Yan ang uso, kapote... and nothing under it. Papatalo ba kayo sa mga bata?

  • Usung-uso ngayon ang maging wet. Bahala na kayo kung anong wet yan. Basta pag umuulan marami ang wet.
  • Bukod sa pagiging wet, in na in din sa panahong ito ang ubo at sipon. Kaya kung wala kayong ubo at sipon, out na kayo sa uso sa panahong ito. Buti na lang almost all year round ang sipon ko kaya naman lagi akong 'in'.
  • Uso na rin ang mga batang naglalanguyan sa mga mababaho at mabuburak na baha. Kaya ihanda na ang mga goggles at makisisid na rin sa brown na tubig-baha.
  • In na in din ang mga late sa kanilang mga trabaho at school dahil nasasarapan sa pagtulog.
  • Sa di maipaliwanag na dahilan sa ganitong panahon, hindi mawawala ang mga taong dumadami kapag nababasa sila.
  • Yung iba naman tinutubuan ng kaliskis at nagiging isda ang mga paa nila.
  • Magsusulputan na namang ang sopas ads ng mga fastfood chains.
  • Uso pa rin ang mga bikini, pero instead sa beach maliligo, sa gitna na lang ng kalsada sila maliligo. Hubba hubba!
  • In na rin ang pagkakaroon ng Athletes foot at iba pang mga fungal infections sa balat. Out ang flawless skin ngayon.
  • Mas mauuso ang payong dahil ang jacket, nakakainis lang dahil pagpapawisan naman ng husto kapag suot ito.
  • Mauuso ang black polka dots sa mga pantalon, shorts at lower part ng mga shirts lalo sa bandang likuran.
  • As usual, tataas at lagi na namang babaha sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area. I-ready na ang mga salbabida at mag-swimming na sa mga lugar na ito, libre pa... pati leptospirosis at dysentheria.
  • Dahil malamig at bed weather nga, uso na ulit ang putukan sa loob ng mga kwarto—may partner man o mag-isa lang. Happy New Year!!!
Masaya din ang panahon ng tag-ulan. Ibinabalik nito ang mga alaala ng ating kabataan noong tayo'y naliligo sa ulan na walang saplot na gumugulong-gulong pa sa putikan at nagmumumog pa ng tubig baha. Mga maliligayang alaala. Sa iba, sumisimbolo ito ng kalungkutan at nakikisabay sa pagtangis ng langit habang naglalaslas ng kanilang mga pulso. Pero para sa akin, isa lang ang ibig sabihin ng panahon ng tag-ulan, perfect ang panahong ito makipag-popoy... Sana nga lang may kapartner ako.

Friday, July 06, 2007

Itigil na Natin Ito

Tama na!

Ayoko na, hindi ko na kaya itong ginagawa mo sa akin. Akala ko pa man din mapagkakatiwalaan kita. Akala ko maasahan ka. Matibay ka pa man din. Ngunit ano ang silbi ng tibay mo, kung gagamitin mo lang din pala against sa akin yan. Napakaplastik at napaka-ipokrito mo. Hindi na kita aasahan pa, hindi na kita nais pang makasama kailanman.

Itinuring kitang kaibigan, itinuring kang kaibigan ng lahat. Oo tama, napaka-dependable mo talaga. Saan mang lakaran pwede kang makasama at ang laking tulong ang ibinibigay mo sa amin. Hindi naman namin kinakalimutan yun at sa halip pinapasalamatan pa kita sa mga panahong iyon. Yun nga lang, hindi namin alam na may kapalit pala ang pagtulong na iyon.

Nasaktan ako sa kaya mong gawin sa akin. Isa ka palang mischievous backstabbing bitch. Hindi ko aakalaing tatraydurin mo lang pala ako. Pagkatapos ng ating masasaya at matatamis na pinagsamahan mabibigo lang pala ako sa iyo. Bakit ka ganyan? Kung may nagawa man akong hindi maganda sa iyo, sana sinabi mo na lang ng direkta sa akin. Bakit kailangan pang manggaling sa iba ang balita?

Hindi ko matanggap na sa isang kagaya mo pa mangyayari ang mga bagay na ito. Inakala kong maayos ang lahat pero hindi pala. Hindi na dapat na humantong pa tayo sa ganito. Ayoko rin namang itapon kita basta-basta, nakakapanghinayang ang mga panahong pinagsamahan natin. Pero hindi ko na kayang ibalik pa ang pinagsamahan natin noon, masyado mo akong binigo. Pineke mo lang pala ako.

Pinaikot mo ang lahat dahil sa kabutihan mo. Yun pala gagamitin mo lang pala ang kabutihang iyon para kami'y i-manipulate mo. Ngayon natuto na ako, di na ako magpapagamit sa iyo. Since, hindi naman kita maiiwasan parati at lagi pa ring magku-krus ang mga landas natin magiging matalino na ako kung paano kita pakikisamahan. Huwag ka na lang sanang umasang mapagkakatiwalaan at manumbalik pa ang dati nating pagkakaibigan.

Ayoko na sa iyo. Ayoko na ng PLASTIC. Ayoko na sa mga PET Bottles. Nakaka-cancer ka pala.

Wednesday, July 04, 2007

Like to Hate

Lagot ka! Pinaiyak mo! Hindi na kayo bati!

Hindi lahat ng araw ay gumigising tayo na maganda ang sinag ng araw at may mga ibong umaawit sa ating paggising. Dumarating din ang mga araw na may sumpong or sa english waking up at the wrong side of the bed. Bukod sa paggising sa umaga may ilang mga bagay din ang nagpapasira ng araw natin.

Ano nga ba ang mga ayaw ni Billycoy sa mundong ibabaw? Ano ba ang mga ito na pwedeng pagsimulan ng World War 3?

Sinigang sa Miso
Ito ang pinakaayaw kong ulam sa lahat. Hindi ako mahilig sa sinabawang isda, pero ang ulam talaga ang ayaw ko. Hindi kasi ako si Sam Concepcion na mapapakanta ng "Parang may isang anghel sa aking labi, Na nakalutang sa ulap, At nangingiliti..." Ayoko na nga ng lasa nun, mukha pang jebs ang nilalagay sa ulam na ito.

Local Primetime Shows and Teleseryes
Very predictable ang mga nangyayari sa mga kwento at nakakatamad panoorin. Suyang-suya na ako sa mga ampon at amnesia. Kung kwento ko na lang ang gawin nilang teleserye baka matuwa pa ang mga audience at tumaas ang rating nila. Baka maging horror nga lang ang palabas instead na porn ang kwento ng buhay ko.

Strong Scents
Though sipunin ako, kapag clear naman ang ilong ko, hypersensitive naman ang pang-amoy niya. Ayoko yung matatapang na amoy, mapa-pabango man yan na humahalimuyak mula Pasay hanggang Pagudpud o jebs na malambot na naupuan. Kumakapit sa mga tutsang ng ilong ko ang amoy at nagti-trigger ng allergy ko. Tapos, magsisimula ng bumahing ng bumahing hanggang sa maibahing ko na lahat ng utak at laman ng ulo ko.

Luya/Ginger
Ayoko ng luya sa ulam, lalo kung aksidente ko pang makain ito. Hindi rin ako kumakain nito kasi sabi nila pampaganda ng boses ito. Maganda na kasi ang boses ko at ayaw ko na ring humigit pa sa level na iyon. Kawawa naman kasi ang iba, sa boses na lang namumuhunan. Uber good looks plus great voice tapos papagandahin ko pa lalo ang boses ko, sobra naman yata yun. Hindi naman ako bakaw, mapagbigay din ako.

Pagmumukha ni Cristy Fermin
Nabubuwiset talaga ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang tinamaan ng pagkarami-raming asteroids at kung anu-ano pang heavenly bodies. Idagdag pa ang pagiging biased niya sa mga artista at binabalita niyang walang kwentang tsismis. Kaya naman iniiwasan ko siyang mapanood sa TV at mabasa ang article niya sa tabloid. Magagawa kong tumawag sa North Korea at pasabugin ang mukha niya ng Nuclear Bomb.

Ngayon alam niyo na ang mga ayaw ko. Kung gusto niyong umiwas sa gulo at ayaw niyo ng malawakang giyera iwasan niyo ang mga iyan para sa akin dahil kung hindi, tutubuan sila ng male genitalia sa kanilang noo.

Monday, July 02, 2007

I'm not a virgin anymore... NOT!

Buong blogosphere—kung di man sambayanan—na yata ang nakaantabay ng balita tungkol sa aking virginity. Mas excited pa ang iba kaysa sa akin ang magkaroon na ako ng girlfriend. Talagang hinihintay rin kung ano magiging reaksyon ko sa pagka-abang-abang kong first time.

Ano bang meron at talagang inaabangan ng marami na ako’y magka-girlfriend at ma-devirginize? Kung sabagay, 24 na nga pala ako, gunggong talaga ako. Pero higit pa dun, ano reaksyon at pwedeng mangyari kapag nagka-juwawhoopers at nakatikim na ng first time?

a) Ide-declare na holiday ng MalacaƱang ang unang araw ng aking first time.
b) Hindi na ako i-i-stalk ni Elizabeth Hurley.
c) Pag-aagawan ang aking istorya ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.
d) Mafi-feature ang aking success story sa Fortune, Forbes, Time at Chika-chika Magazines.
e) Aantabayanan at hahanapin sa internet ang aking sex scandal.
f) Hahantingin ng mga girls, bakla at matrona ang aking girlfriend or ang unang nakatikim sa akin para kanilang poksaen at ipapapak sa ipis.
g) Papatayin ng mga kaibigan at mga readers ko si Jimboy—ni Mahal—para sa akin.
h) Maraming babae ang mag-e-emo at magtatangkang magpakamatay dahil nabigo silang matikman ako.
i) Mapupuna ng marami na ako ay blooming, my pores will become smaller and ang mga lines… parang nawala.
j) Mabibigo ang mga nagpustahan na di na ako made-devirginize or magkaka-juwawhoopers.
k) Reregaluhan ako ng trip to Amanpulo for three nights.
l) Sisigaw ang mga tao ng “Yey!”
m) Ipagdidiwang ito ng lahat at magkakaroon pa ng 1 hour fireworks display sa likod ng SM Mall of Asia.
n) Magpapanic ang marami dahil isa na itong signos ng End of the World.
o) Of course naman, di na ako virgin.
Talaga namang hinihintay na ng lahat ang malaking pangyayaring ito sa aking buhay. Anyway, di ko naman minamadali yan, darating din ng kusa saka di ko pa naman totally hinahanap. Excited lang talaga ang mga tao sa paligid ko na mangyari sa akin yun. Hintayin niyo na lang yun... in ten years of time.

Kung sakali mang maganap—or naganap na yun, hindi ko rin naman ipagkakalat yun… or maybe?

Surprise! Surprise! Na lang.

------------------------------------------

Official ko na palang binabago ang ibig sabihin ng USB simula sa araw na mabasa niyo ito. Simula ngayon ang magiging ibig sabihin na ng USB ay Untouched Since Birth, para isang term na lang ang lumang USB (Unloved Since Birth) at VSB (Virgin Since Birth).