Wednesday, June 27, 2007

Hyped!

May mga bagay o sitwasyon na nakakapagpa-hyper sa atin. Heto yung mga bagay na nagpapabago ng ating mood ng biglaan. At sa sobrang biglaan, parang nakalunok ng kendi ni Darna at tila nagkakaroon ng superpowers or ADHD. Hindi mo tuloy malaman kung sa sobrang kaligayahan, excitement, nagugutom, naka-drugs, nababaliw o simpleng libog lang ang umatake sa kanya.

Ganun din ako, inaatake nitong hyper moodswings. Nakakatuwa pero minsan nakakainis rin. Beyond limits na kasi kapag umabot sa ganitong level. Ilang bagay lang naman kasi ang nagpapahyper sa akin.

Topic: Sex. Sex-deprived akong tao kaya naman obviously interested ako sa mga topics ng kahalayan at kalibugan, green man o direct. Nabubuhay ang dugo at kaisipan ko kapag heto na ang usapan, actually kahit sino naman nagigising sa kahalayan. Mabagsakan sana ng planetang Jupiter ang tatangging di sila nabubuhayan sa topic na ito.

Chocolates. Isa akong chocoholic, lalo na kung yung dark chocolates, favorite ko yun. After kong kumain ng chocolates, nagiging hyper talaga ako. Gawa siguro sa taglay nitong
Phenethylamine na nagrerelease ng endorphins kaya siguro nagiging maligalig ako. At dahil nga sa kemikal na ito, pakiramdam ko in love na rin ako. Kaya nga chocolates na lang ang gagawin kong juwawhoopers. Hindi rin pala, hindi ko ito mapopopoy.

Booze. Game ako sa mga inuman at talaga namang iba ang epekto nito sa akin kapag unti-unti ng lumalangoy ang aking utak sa dagat ng alcohol. Yun nga lang hindi sa lahat ng pagkakataon ay in-the-zone ako sa inuman. Maswerte na kapag talagang trip kong uminom at magpakalunod sa karagatan ng Strong Ice, Red Horse, Colt 45 at Jack Daniels. Asahan niyo higit pa sa pag-upo sa gitna ng kalsada ang kaya kong gawin.

Coffee and Egg for Breakfast. Hindi ko alam kung ano meron sa itlog at kape at nagiging maligalig din ako afterwards kong kumain at uminom nito. Naobserbahan ko yun nu'ng nagkakape pa ako. Though, matagal na akong nagstop pagsamahin ang kumbinasyon parang lifetime na yata ang epekto nito sa aking oozing sexy body.

Picture ni LA Lopez. Ewan ko ba, pero everytime na naaalala or nakikita ko si LA Lopez, parang gusto kong mag-amok at mangmasaker ng mga jologs at mga TH sa paligid. Baka magawa ko pang mag-assassinate kapag nakakita ako ng picture, malala pa kung billboard ni LA Lopez.

Ilan pa lang yan sa mga bagay na nagpapahype sa akin. Normal na sa akin ang maging baliw, pero kung ayaw niyong palalain ang sintomas nito iwasan lamang ang mga iyan. Pero kung gusto talagang makita, maghanda-handa na sa sangkaterbang kahihiyan!

Monday, June 25, 2007

Pop the Pimple of the Pimp


Siguro lahat naman yata ng tao dumaan na sa trahedya ng puberty at teenage life. At ang pangyayaring ito ay umaabot hanggang sa pagtanda natin. Don't worry, no biggie naman ito—big deal lang naman sa mga overzealous vain people. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang mga pimpols, tigidigs, zits at kung ano pa ang gusto mong tawag diyan. Gaya ng isang bata diyan na dumaan sa dilemma ng tighiyawat.

Kaya naman heto ulit ang inyong consultant upang magkaroon ng solusyon sa isang malalang problema ng sambayanan. Ang korupsyon... este ang pimples. Hayaan niyong ibahagi ko ang ilan sa nalalaman ko para maibsan ang kalungkutang dulot ng zits.

  • Keep your face clean. Dapat iwasang hawakan ang mukha ng kamay hangga't maaari lalo na kung kakatapos lang jumebs at di man lang naghugas ng kamay pagkatapos magpawpaw.
  • Scrub the face at least twice a week. Marami na ang facial scrubs sa market, kaya naman madali na lang ang paggamit nito. Kapag walang epekto ang mga facial scrubs, gumamit na ng steel wool at iskoba pang scrub ng face.
  • Eat healthy. Though, hindi pa proven ang effect ng pagkain sa cause ng pimples, pero yung tungkol sa chocolates and peanuts na cause ng zits ay half-truth. Yung iba kasing nagkakaroon ng pimples sa pagkain ng chocolates and peanuts ay dulot lamang ng allergic reactions. Lumaklak na lang ng Domex o kaya Mr.Muscle para malinis ang inyong bituka.
  • Don't experiment with brands and products. Ang balat ay hindi lab rat para pag-eksperimentuhan. Kung hiyang na sa isang product or brand, stick na dun. Kaya kung sanay na sa Zonrox na ginagamit sa mukha, yun na lang ang gamitin.
  • Put an ointment instead of popping. Huwag i-prick ang zits, lalong kakalat ang microbes nito sa ibang part ng mukha. Gumamit na lang ng PanOxyl or any ointments or soaps with Zinc Oxide. Mainam din ang Katialis sa pimples, yun nga lang once every three days lang gamit nito dahil masyadong matapang. Supsupin na lang ang laman ng mga ointments para mas mabilis at tumagal ang epekto nito.
  • Hide and conceal. Mainam ang Chin Chun Su or Renow-D to lighten ang blemishes na dulot ng pimples. Kung malalim ang uka na gawa ng zits, gumamit na lang ng masilya at semento para takpan ito, pahiran na lang ng pinturang kakulay ng balat. Kung malala ang uka sa balat, gumamit na ng aspalto para matakpan ito.
  • Get hydrated. Ang skin ang huling nakaka-absorb ng tubig sa ating katawan. Usually, less than 10 percent lang ang ng tubig ang natatanggap nito sa ating iniinom. Kaya naman inumin niyo na lahat ng tubig na laman ng inyong balde.
  • Sex is best program. Ang pakikipagpopoy ay nagdudulot ng afterglow. Kaya kung gustong umaliwalas ang mukha regular na makipagpopoy, lalo na kung umaga. Hindi ko lang alam kung effective ang body fluids panghilamos, wala pang scientific proof dito.
Alagaan ng mabuti ang balat dahil wala naman siguro ang gusto ng sandamakmak na uka, peklat at tighiyawat sa mukha. Unless, nagpeprepare na para sa halloween, mainam na panakot yan, lalo't yung madugo-dugo at mananana-nana pa.

Friday, June 22, 2007

Olympics is Coming


Next year na pala ang Olympics sa Beijing, China. Pero wala akong pakialam dun, kasi may Olympics din daw sa mundo ng mga diyos at diyosa. At ganun din next year na rin. Kinukulit nga ako ng aking ina na sumali daw ako dun. Kaya naman nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap.

"Anak, sumali ka kaya sa Olympics of the gods." ang suhestiyon ng aking diyosang ina.

Syempre nagulantang na naman ako, "Huh? Merong ganun? Nagjojoke ka ba?" Gusto ko na talagang lumagapak sa katatawa.

"Di ako nagjojoke anak, meron talagang ganun." sagot niya.

Naloloka na yata ang mommy ko, una diyosa raw siya at demi-god na nga ako, tapos heto may olympics pa para sa amin. "Kung sasali ako, wala naman akong alam na sports na pwedeng salihan." ang aking tugon ko sa kanya.

"Kaya nga ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo para magstart ka na ng training mo."

Tumahimik. Nag-iisip ako. Ano ba ang alam kong sports? Ano ba hapunan mamaya? Malapit na pala ang Transformers Movie. "Ma! Wala akong alam na sports!" ang sabi ko sa kanya.

"Meron yan anak, hanapin mo sa sulok ng iyong puso." sagot niya na kumikislap-kislap pa ang kanyang mga eyes.

"Mi naman, ang deep mo naman! Jologs ha." reaksyon ko sa sinabi niya. "Siguro kung pagwapuhan lang, kaya kong higitan si Adonis sa kagwapuhan."

"Anak!? Walang ganun sa olympics! Magbasa ka nga sa Wikipedia!"

Isip pa ulit ng sports na alam ko. Shocks! Ang hot ni Anna Kournikova. "Sige ma, meron bang solitaire sa olympics?"

Nagulat na parang nakakita ng pinagkakautangang bumbay ang aking ina, "Hello? Anak, solitaire?" pagtataka niya. "Are you out of your mind?"

Siya nga yata ang wala sa katinuan, "O sige, cross-stitching na lang, turuan mo ako." Naiinis na ako sa pamimilit niya.

"Hindi rin ako marunong nun, at wala pa rin yun sa Olympics." tugon ng aking ina na sinabayan niya ng buntong-hininga. "Sumeryoso ka nga!"

"O siya, siya, seryoso na... sungka na lang lalaruin ko sa olympics, sungka na lang."

Mukhang nag-alburuto na ang aking inang diyosa "Sungka?! Eh lagi ka ngang talo sa kalaro mong si Badet sa sungka" Galit na nga yata talaga siya. "Huwag ka na lang sumali kung ayaw mo." Naglakad na papuntang kusina ang aking ina para magluto ng aming hapunan.

Naiwan ako sa aking kinauupuan at nag-iisip pa rin. Ano nga ba alam kong sports? Bakit wala kaming Wowow sa cable? Matatanggal na kaya si Wendy sa PBB? Bakit ang korni ng Rounin? Ang sarap talaga ng Cornetto. Biglang may naisip akong sports at nabulyaw ko, "Ma!"

"O bakit?" tugon niya mukhang masaya na at napuna kong umaliwalas ang kanyang mukha kahit naghihiwa pa ng sibuyas.

"Meron bang Monkey, Monkey, Annabelle sa Olympics?"

Hinampas niya sa akin ang puwet ng kaldero, kaya heto maitim na ang mukha ko.

May nasabi ba akong masama?

Wednesday, June 20, 2007

Possessed by an English Spirit

What the heck is going on here? Why am I in this body? But well, this body is donning uber handsome looks. But hell, I'm damn more friggin' ravishing than this guy's body. What am I doing here anyway, and I'm writing in his blog? I can't even remember why am I here right now. I just drank a concoction of bleach, house cleaner and dishwashing liquid and walla! Here I am in this body.

So, what's this doofus up to? He is just writing senseless craps all over his blog. Since I am here, let's put a little sense in this. He sure has a lot of ideas though, but nonetheless, they are all empty. He never did write in english here, did he? Let's put the "universal language" here, shall we?

You maybe wondering who in the world am I pestering the blog you are reading right now. I am not him, nor I am him. He (the author) has been transported into a world of chaos where sex and delirium collides. That's what he likes in the first place anyway. I do wish I can join him there with all her sado-masochistic dream girlfriends yet I'm here in his body replacing his part as an artist and blogging here. Come back here you fool, I deserve to be in that place and live merrily in that haven of playboy girls! Geesh! Why do I have to be stuck in your body?

Oh well! This body is not bad at all. I have just possessed a demigod, how cool is that? I can even stick my lips on walls. I can conquer the world with all these powers I have right now, or maybe the whole galaxy. I will not allow him to be back here. I control this enormous powers and dashing good-looks so why should I return this to him. Sorry guys, he can't return. He will not be back!

Jeepers! What's this I'm hearing? Someone is calling my name. Someone is invoking my name. I can feel my soul detaching from the body I am in. What's happening again? I can hear incantations of people I barely know. I can't leave this body... I can't... I'm a demigod... I won't... I...

--------------------------

Aray ko. Ano ba itong nangyari sa akin? Parang nakatulog yata ako. Hala!? Ano ba itong naisulat ko? Ako ba naglagay niyan? Regal shockers! Umatake na naman pala siya. Pasensya na po, minsan kasi sinasapian ako. Mabuti na lang nakabalik kagad ako. Teka!? Ano ba talaga nangyari? Bakit may kaong ako sa undies ko? Kaya ayokong umaatake siya sa akin. Paano ako magpapalit, nasa office ako!?

Monday, June 18, 2007

Unlimited Curse

Talaga namang patok ang texting sa ating mga Pinoy. Lalo na sa ating mga kabataan. Kaya nga pinababa nila ng pinababa ang mga presyo ng mga loads ngayon dahil naging target market nila ang mga students na may limited na budget para sa kanilang load. Noon kasi, 250 hanggang 300 pesos lang ang load, tapos nagkaroon ng 100 then bumaba pa ulit ng 30 pesos. Ngayon, parang Boy Bawang na lang na patingi-tingi ang mga load... less ang amoy ng bawang.

Ipinakilala sumunod ng telecom companies ang unlimited calls at texting. At kinagat nga ito ng marami, lalong-lalo na ang mga teenagers at mga students at nabusog naman sila. And as usual, mas lumala ang pagiging text capital of the world ang bansa natin ngayon. Bukod sa pagiging text capital natin, marami pang naging epekto ang unlimited texting sa atin.

Ang Sumpa ng Unlimited Texting
  • Nagkakaroon na ng biceps ang mga hinlalaki ng mga texters.
  • Hindi na problema ang spelling, kasi binubuo na ng mga texters ang kanilang mga message.
  • Umaabot na sa 3-pages ang mga text ngayon, sa susunod magbabasa na ng blog or novel sa cellphone through SMS.
  • Madalas magforward ng mga korning jokes at quotes, kahit pa yata motto ng mga street sweepers ay finoforward na rin.
  • Mauuso na ang thumbs spa at thumbs scrub sa mga parlor sa mga susunod na araw dahil sa kalyo sa mga hinlalaki.
  • Lalaganap ang mga walang kakwenta-kwentang mga kaganapan sa buhay ni Ederlyn at ChonaMae.
  • Sakit na ang tanong na "Globe ka?" or "Smart ka?" or "Sun ka?". Excuse me, TAO po ako.
  • Sakit na rin ang mga ganitong banat "Bakit di mo ako tinetext?" "Smart/Globe ka kasi! Naka-unlimited ako"
  • Dahil limited lang sa same telecom ang unlimited texting, kapuna-punang isang or karamihan sa isang telecom lang ang nasa phonebook.
  • Ang simpleng "Good Morning/Afternoon/Evening/Night!" ay finoforward na.
  • Sumasama na ang balat sa cellphone dahil sa matagal nitong pagkakadikit sa palad ng mga texter.
  • Magpapakamatay na dahil sa isang minuto lang mahiwalay sa kanya ang cellphone.
  • Mas pipiliing hindi makita ang juwawhoopers dahil mas magagamit ang unlimited texting kapag di sila nagkikita.
  • Kahit na mawala ang bahay nila, ang mahalaga nakakapagtext pa rin siya.
  • Nagtetext pa rin kahit kaharap na lang ang kausap niya.
  • Pinipiling sa text na lang mag-usap kaysa sa bunganga.
  • Hindi mapakali kapag malapit ng matapos ang unlimited texting at konti pa lang natetext.
  • Tuwang-tuwa sa sexchat kahit ang usapan lang nila ay "Oooh!" "Ahhh" "Sarap!"
  • Ikinamamatay nila ang pagkakasagasa sa mga pedicab at bisikleta.
Matindi ang sumpa ng unlimited texting. Marami na ring nahu-hook dito. Kahit nga mga postpaid subscribers ay gumagamit din nito.

Teka, isang oras na lang pala ang nalalabi sa aking unlimited texting, hanap nga ako ng makaka-sexchat.

Friday, June 15, 2007

Large Screens, Large Scenes, Large Things


Isa sa paborito kong gawain ang manood ng sine. Hindi naman ako totally movie buff, pero gusto ko talaga ang manood sa sinehan. Yung dilim at nakakapanigas na lamig sa loob ng sinehan, yung mga dumadagundong sounds na umiikot pa sa paligid at saka yung mga silhouette ng mga sexy na dumadaan sa harap ng aking upuan. Syempre, kapag manonood sa magandang sinehan dapat samahan din ito ng magandang palabas... sana nga lang may porn.

Ilan na rin ang mga sinehang napasok ko, pero ang mga theaters ngayon, talaga namang dekalidad na. Carpeted na ang sahig, malambot na ang mga upuan, located na lagi sa mga malls at ang pinaka-favorite ko, yung butas na lagayan ng soft drinks sa arm rest. Yung ibang sinehan pa ngayon, gaya ng sa Gateway, may La-Z-Boy seats pa tapos heto pa ang naglakihang sinehan ng SM Mall of Asia na kailangang pang magsuot ng geeky eyeglasses para lang makapanood na mala-katotohanang IMAX nila. Hindi naman lahat ng sinehan ngayon ay kasing sosyal ng Glorietta — dating QUAD, Mall of Asia, PowerPlant Mall sa Rockwell, Gateway at sa electronic billboard ng Quiapo.

Kung hindi alam kung napapabilang ba sa susyaling sinehan ang napasukan, madali lang naman itong malaman.

  • Ang mga sosyal na sinehan ngayon carpeted na ang mga sahig at may bright blue linings pa malapit sa upuan. Hindi ito sosyal kung dumidikit na sa sahig ang inyong paa sa lagkit gawa ng mga natapong softdrinks at kung anu-ano pa.
  • Kung nadulas at may nahawakang kaong sa sahig, definitely, hindi yan sosyal na sinehan.
  • Mabaho at malansang amoy ang sasalubong sa pagpasok niyo ng moviehouse.
  • Mainit sa loob at nag-iinit ang mga manonood.
  • Hindi ito sosyal kung kasabay manood ay mga bading at mga weirdong kalalakihan.
  • Hindi lalagpas ng 100 pesos ang bayad ng ticket.
  • Back-to-back na pelikula ang pinapanood.
  • Surround sounds ng mga umuungol na manonood ang maririnig.
  • Lahat ng cubicle sa banyo ay naka-lock.
  • Ang mga pelikula ay di alam kung saan o kailan ipinalabas.
  • May mga kumukurot sa puwetan at mangangati sa kinauupuan.
  • Hindi lang ang pelikula ang pwedeng panoorin sa loob ng sinehan. May mga napapanood din sa harap, likod at sa mga tabing mga palabas at eksena.
  • Nawawala ang ulo ng kasama nila pero mapapansing ito pala ay nakayuko pero gumagalaw ng taas-baba.
  • Gamit na gamit ang KKK (Kataas-taasan Kadilim-diliman Kasuluk-sulukan) part ng sinehan.
  • May nagreraid na pulis habang nanonood ng titillating scene ng pelikula.
Madali lang naman malaman kung hindi bigating sinehan ang napasukan. Kung hanap naman talaga ay thrill at adventure habang nanonood, dun na lang sa hindi sosyal na cinemas. Pwede pang maging daan sa kasikatan kasi lalabas iyon sa mga tabloids.

Wednesday, June 13, 2007

Close Encounter with the Third Kind

Nakaharap ako sa PC at gumagawa ng project ko. Dahil naka-on ang aking speaker at online radio sumambulat sa akin ang isang awitin. Ang "Dancing Queen" ng Abba. Habang ako'y umiindak, heto na naman, nagwawater effect ang paligid.

Nagpunta kami noong college sa Luneta upang magpractice ng isa sa aming projects. Maayos pa ang panahon nun, hindi pa nakakapaso ang init ng araw dahil di pa laganap ang global warming noon. Wala rin dun yung mga magjuwawhoopers na naglalaplapan at kung anu-anong ginagawang milagro sa damuhan dahil may araw pa naman nu'ng pumunta kami noon. Sayang nga at wala akong mga nasaksihang mga ganung pangyayari.

Habang naghahanap kami ng spot, harutan at laro muna kami habang naglalakad. Maraming mga tubebeng nagliliparan sa paligid. May nahuli pa nga aming kaibigan na isang tubebe. Nahuli niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilaang pakpak nito kaya naman narinig namin ang isang malakas na "Krakk!" Nag-split ang tubebe sa gitna na akala mo'y hati ng buhok sa gitna ni Kachupoy. Kawawang tubebe, nag-ala Mystica ang kanyang katawan.

Nakahanap rin kami ng mapupuwestuhan, kaya naman nagkumpulan na kami upang pag-usapan ang project namin. At dahil nga masisipag kaming students, naisipan nilang maglaro na lang ng volleyball sa ilalim ng arawan ng luneta. Samantalang ako, hindi na sumali, kasi ayokong pagpawisan ng mga panahon na iyon. 2:30 ng hapon yata yun. Kaya hayun, sulok moment muna ako sa munting puno sa spot namin para di masyadong maarawan at para magbantay ng gamit.

Maya-maya habang hibang na hibang ang kasamahan sa paglalaro may isang mamang nakapolo ang naglalakad-lakad. Pinupuntahan niya yung mga bagong tanim na puno na nababakuran ng kawayan. Ang weird ng mamang ito kasi kinakausap niya pa ang mga munting puno. Hinahaplos-haplos niya pa ang mga dahon at mga sanga ng mga halaman. Aakalain mong isa siyang diwatang bading ng Luneta. Palipat-lipat siya ng halaman hanggang papalapit sa aming kinaroroonan.

Hayun na nga at lumapit na siya. Pumunta siya sa puno na kinalalagyan ng aming mga gamit. Tapos dumungaw na siya sa gitna ng naka-split na malalaking sanga ng puno. At hayun, kumerengkeng na at di na mapakali. Tumingin siya sa akin na nagniningning ang mga mata, itinuro ang kanyang pumipilantik na daliri sa akin at nagsalita "Oy Pohgi oh! Pohggi!!!"

Paulit-ulit niyang sinabi yun. At siyempre sa takot ko napalayo ako ng kaunti sa puno. Hindi naman kasi ako pwedeng lumayo ng husto kasi nandun pa rin ang mga gamit namin. Ang mga kaibigan ko naman nandun lang at tuloy sa paglalaro at pinagtatawanan ako. Gusto ko na sanang pag-isahin ang naka-split na sanga ng mga puno para maipit ang ulo niya sa gitna at mapisak ang kanyang bungo at utak. Hindi ko na lang ginawa kasi hindi pa sapat ang aking kakayahan para doon.

Ilang saglit lang at naisipan na ring lumayas ng diwatang bading ng Luneta. Hindi naman na siya bumalik pa. Yun na rin ang huling pasyal ko sa Luneta.

Tumingin ako sa paligid dahil may naramdaman akong basa. Nagwawater effect na naman. Tumigil na pala ang "Dancing Queen" sa radyo at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ibabaw ng lamesa, nakapose at nag-aakmang mag-striptease na.

Sunday, June 10, 2007

Scandals on Ice and in Videoke


Madaling araw na namang nakauwi ang alagad ko kanina. Gumala na naman sa MoA at nu'ng kinagabihan sa Malate at nagvideoke doon. Tinawagan kasi ako ni Henry Sy at may mga nagkakalat at nambubulabog daw doon sa MoA, lalo na doon sa Yellow Cab. Nagreport ang aking kanang kamay sa mga naganap na meetup sa MoA at heto ang kanyang mga natuklasan.
  • Napatunayan ni Kevin ang kanyang impluwensya sa mga kabataang bloggers ngunit nabigo sa kanya dahil wala siyang dalang pasalubong. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ng mga imbitado sa meetup na yun.
  • Si Shari ang mentor ng Mean Girls na sina Yna, Karla at Cars.
  • Si Heneroso ay 100% certified bakal boy, dahil hindi lang sa mga railings ng mall siya tumatambay. Napatunayan niyang bakal boy din siya sa Ice Skating Rink dahil halos di siya makalayo doon o ng alalay ng kahit sino.
  • Dinaig pa ni Heneroso ang mga youngsters dahil sa aga ng kanyang curfew.
  • Lactose intolerant pala si Chabs kaya naman maghahanap na lang ng pizza with soya cheese sa susunod na meetup, kung meron man.
  • Hindi talaga magkapatid sina Jeff and Benj.
  • Nabigo ring maging financier si Neil.
  • Ubod ng tahimik si Kim kaya sasagutin ko na ipa-transplant sa kanya ang dila ni Paolo Bediones para dumaldal naman na siya.
  • Hindi pala nakapag-abot ng ambag si Cars.
  • Bula pala at hindi confetti ang mistulang snow sa Ice skating rink.
  • Nakisama sina Jed, Jhed, Jeff at Vinch kay Rens para maging member ng bakal boys. Sa ice skating rink pala ang audition ng mga bakal boys.
  • As usual good boy pa rin si Aaron, pinanindigan ang pagiging Best Boy Blog sa Candy Mag, baka kasi masira imahe niya kapag gumawa siya ng kabulastugan.
  • Ayaw ni Jeff ang Sola iced tea kaya binasag niya na lang ito sa Yellow Cab.
  • Si Jhed at LA pala sina Sasha at Tintin, sila na ang bagong Super Twins.
  • Si Joe ang mortal na kalaban ng Super Twins tandem sa Videoke, lagi silang tie sa score na 99.
  • Mabait naman si Benj sa personal, hindi pala siya cannibal.
  • Hindi lang si Irvin ang pinakamaliit sa mga bloggers, yehey!
  • Nadapa ang aking alagad sa rink at nagalusan, pero as usual, gwapo pa rin.
Yan ang mga naganap sa meetup kahapon. At dahil nga sa nagalusan at nagwaldas ang aking clone ay pinarusahan ko ulit siya. Inilagay ko na siya sa aking torture chamber kung saan manonood siya ng mga pelikula ni Mark Lapid for 24 hours.

Para sa mas marami pang scandals sa kaganapang ito, pumunta dito Bloggers Scandal on Ice.

Friday, June 08, 2007

Secrets Worth Knowing

May nalaman akong katotohonan nitong nagdaang araw. Ang buong 24 years ko palang pamamalagi sa earth ay isang malaking kasinungalingan. Hindi pala totoo ang lahat ng nalalaman ko.

Ang Ama

Iba pala ang aking tunay na ama. Hindi ko biological dad ang kasama namin sa aming pamamahay. Napag-alaman ko na ang tunay kong dad ay nakatira sa malayong lugar, sa ibang bansa at kinikilala ng marami. Ngunit kahit tanyag, mayaman at dugong bughaw siya ay di ko pa rin siya kikilalaning tunay na ama, sapagkat itinakwil na niya ako 24 taon na ang nakakaraan. Ang aking tunay na ama ay ang nag-iisang Prince Charles of Wales. Oo, ang anak ni Queen Elizabeth at ang ama nila Prince Harry at Prince William. Isa akong dugong bughaw, kaya pala blue ang kulay ng dugo ko kapag nasusugatan.

Ang Ina

At hindi lang iyon, ang aking ina... ang aking ina ay isa palang diyosang nagkatawang tao. Siya si Mhudragga Vaishta, ang goddess of cosmetics. Ngunit sa mundo ng tao, nagpakilala siya bilang si Maybelline Revlon. Nagpunta at nagkatawang tao upang ipalaganap ang pagpapaganda at vanity sa lahat ng nilalang sa mundo.

Ang Kuwento

Nagtrabaho bilang isang dakilang lavandera ang aking ina noon sa Buckingham Palace. Since, kararating lang ng aking ina noon sa mundo, marami pa siyang bagay na di nauunawaan. In other words, inosente at mangmang pa siya sa ilang bagay. Sapagkat goddess nga ang aking ina, taglay niya ang kahali-halinang ganda at alindog. Marami ang naaakit niya sa loob ng Buckingham Palace at isa na nga doon ay si Prince Charles of Wales.

Hindi kinaya ng Prince ang alindog ng aking diyosang ina, kaya naman nag-give in na ito sa kanya. Kaya naman may nangyari sa kanilang isang gabi at naghari na ang worldliness sa kanilang mga utak. Lumipas ang ilang linggo, sa di inaasahang pagkakataon, nagbunga pala ang kanilang kalibugan... este pagmamahalan. Hindi ito matanggap ng Prince, dahil wala namang noble blood ang aking ina — lihim lang din ang kanyang pagkadiyosa sapagkat nagkatawang tao nga siya. Nag-offer ng malaking pera ang prinsipe ngunit dahil sadyang ma-pride ang aking ina, hindi niya ito tinanggap at ninais na lamang niyang lumaya sa bansang Britanya.

Kaya naman napadpad siya dito sa Pinas. Nakilala niya ang aking kinikilalang ama dito at ipinaliwanag ang kanyang sitwasyon maliban lamang siyempre sa pagkadiyosa niya. Tinanggap niya ang aking ina, kasama ako na nasa sinapupunan pa. Sa kanya rin natutunang kumain ng balot at doon ako ipinaglihi ng aking ina. Minahal ng aking diyosang ina ang isang tagalupang si Ginoong Dacuycuy.

The Son

Lumipas ang siyam na buwan at ako nga ay ipinanganak through C-section. Ibinigay na ang pangalang Billycoy sa akin at bininyagan sa simbahan ng tao. Pinainom ako ng gatas na S23 at pinag-aral sa isang katolikong paaralan sa Maynila.

Sa loob ng 24 taon na iyon, di ko nalaman ang sikretong ito. Wala rin kaming natanggap na tulong mula sa aking biological dad, at kung meron man, hindi yun tatanggapin ng aking ina. Hindi ko rin nais siyang makilala at hindi ko rin naman siya kikilalaning ama. Kahit ibigay sa akin ang titulong Prince Billycoy of Wales ay di ko rin tatanggapin. Kahit pa sabihing ako ang mamumuno ng Britanya ay ayoko rin. Why rule Britain if I can rule the world. Isa pala akong demi-god.

Tama na. Ayoko na itong pag-usapan pa. Hindi ko na ito kaya. Naiiyak na ako.

Wednesday, June 06, 2007

Ayokong Mangyari Pa

Isang pangyayari ang hindi ko makakalimutan kahapon. Ito'y tunay na nakakagulat at ikinabahala ko ng husto. Hindi na ako papayag na mangyari ito ulit dahil hindi ako papayag na mawalay siya sa akin.

Isang lagapak ang narinig ko at gumising sa aking isipan kahapon. Kitang-kita ko ang kanyang pagbagsak niya mula sa kanyang mataas na kinalalagyan. Hindi ko na naabutan at nailigtas sa pagkakalaglag niya. Tumama na ang kanyang batok at nawalan na ng ulirat.

Dali-dali akong nagpunta sa kanya dahil na rin sa pag-aalala at pagkataranta. Gusto kong lumuha ngunit alam kong walang magagawa ang luha sa kanya. Ang kailangan niya ay lunas. Kung kaya't nilapatan ko siya ng pangunang lunas. Ngunit tila ang lunas na iyon ay walang magagawa. "Ano pa ba ang gagawin ko?" Hindi sapat ang lunas, ano pa ba ang dapat kong gawin?

Binuhat ko siya sa aking kamay at nagmadaling tumakbo palabas sa kwartong pinangyarihan. Naghanap ako ng malapit na pagamutan, ngunit ang mga doktor na nila mismo ang tumanggi sa amin. Hindi raw sapat ang kanilang kakayahan at ang kanilang kagamitan sa ganung kalagayan. Natataranta na ako. Nararamdaman ko na ang aking pawis na tumutulo mula sa aking noo. Maya't maya pa ay nararamdaman ko na rin ang pawis sa aking likod at sa buong katawan. Hindi lang ito pawis, kinakabahan na rin ako.

Dagli akong lumabas sa pagamutan kasama ang biktima ng masaklap na tadhana sa aking mga kamay. Binilisan ko at naalalang may malapit nga rin palang isa pang pagamutan, at mas marami ding manggagamot sa lugar na iyon kaya naman natitiyak akong matutulungan nila ang mahal ko. Ngunit mas lalo akong kinabahan ng mga oras na iyon, hindi na yata siya humihinga. Kailangan ko pang magmadali.

Dumating na ako sa sumunod na pagamutan, kaya nilang lunasan ang mahal ko. Tinanong nila ako sa pangyayari at isinagot ko naman ang katotohanan. "Ano po ba ang problema? Kaya po bang gamutin?" ang tanong ko sa alalay ng manggagamot. Ngunit may isa pa akong iniisip, hindi sapat ang aking panustos upang mapagamot siya. Ano ba ang aking gagawin? Hindi ko muna inisip ang pangangailangan ko sa bayarin. Kailangang malunasan siya, ang natatangi kong mahal.

Sinipat-sipat ng manggagamot ang kanyang kalagayan. Tinanong niya ulit ako kung ano nangyari, sinagot ko ulit siya. Kailangan daw alamin ng mabuti ang kanyang sitwasyon. Kung sakaling hindi sapat ang mga unang lunas, dapat lapatan na siya ng operasyon. Itinarak sa kanya ang ilang kable sa kanyang ulo upang alamin kung ano ang problema at malaman na rin ang solusyon. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagising na siya. Buhay na buhay at walang problema. Isa itong malaking himala! Sa kagalakan ko, hinalikan ko ang kanyang noo. Sinambit ko na lang "Hindi na dapat ito mangyari pa!"

Masaya na ako ngayon. Buhay na ang aking Maritoni Gonzawa. Ayos na ang aking cellphone!

Monday, June 04, 2007

Stand Out Scents

Sa dinami-dami ng klase ng pabango hanggang ngayon ay wala pa rin talaga yung talagang nais niyo. Yung amoy na talagang aangat sa iba at talagang hahangaan. At dahil karamihan ngayon ng pabango ay pinapangalan na rin o pinagawa ng artista gaya nila Paris Hilton, J.Lo, Kris Aquino at pati sa cartoon character na si Brutus... ay Brute pala yun. Kaya naman we introduce our very new product.

Ang Paouis Ne range of fragrances ang magpapaangat sa inyong pagkatao. Dermatologically tested, scientifically proven and MTRCB approved ang aming pabango. Hindi ito katulad ng Eau de cologne, toilette at parfum, dahil ang Paouis Ne ay natatanging klase ng pabango. Ang Paouis Ne ay extracted from essential oils and sweat of famous hollywood and local celebrities. Kaya naman ilang patak lang ng Paouis Ne fragrance ay mag-aamoy artista na kayo.

Sino pa nga ba ang nag-iisang icon at tunay nga namang hinahangaang showbiz personality internationally sa kalalakihan? Syempre, ang nag-iisa at ang natatanging Brad Pitt. Kaya naman kung gustong manghalina ng mga Jennifer Aniston, Angelina Jolie o kahit mga babaeng barker sa Cubao, heto na ang gamitin niyo. Paouis Ne Brad Pitt. Great Abs not included.

Kung merong Brad Pitt, meron din namang nag-iisang esposa at ang kinikilala ring Ambassador of goodwill na si Angelina Jolie. Sino ba namang babae ang hindi gusto makapag-seduce sa isang Brad Pitt ng kanyang buhay? At hindi lang Brad Pitt ang mahahatak niyo, pati na rin ang pag-aampon ng mga bata sa iba't ibang nasyon. Gustong mang-akit? Gamitin ang Paouis Ne Angelina Jolie. Luscious Lips not included.

At siyempre, meron ding dapat local at unisex na fragrance. Kaya naman we introduce our proudly local in our range of fragrances, heto ang Paouis Ne Sam Milby.

Currently, gumagawa pa kami ng iba pang fragrances from hollywood and from the local scene, kaya you'll expect na lalawak pa ang range of fragrances ng Paouis Ne. Kaya naman kung gusto niyo mag-amoy showbiz, gamitin ang Paouis Ne fragrances.

Friday, June 01, 2007

Sizzling Hots

Request ang post na ito ni Mica. Suggested niya local lang, since Taurean at stubborn ako, why go local if I can go international. Kaya may ilang foreign akong napili dito.

Mukhang nagsisimula na ang tag-ulan, malapit na rin ang pasukan. Bagamat pumapatak na ang ulan sa mga bubungan ng mga bahay, bumabaha na sa ilang lugar ng kamaynilaan at bumabara na rin ang sandamukal na basura sa mga kanal ay pumapatak pa rin ang mga pawis sa ating mga maasim na kili-kili sa init. Heto na at ipapakilala ko na sa inyo ang magpapainit sa inyong mga katawan at magpapainit ng inyong mga ulo, ang aking Top 10 Sizzling Hot Dream Girlfriends!

Nicole Hernandez
Sikat na commercial model sa ating bansa nakilala bilang Karla Grasa. Mala-anghel ang mukha kaya naman uber crush ko rin siya. Dream date ko with her ay sa isang mamahaling restaurant sa isang five-star hotel. Siyempre, siya ang sagot dun kasi mayaman naman sila.

Rhian Ramos
Una kong nakita sa McDo commercial at talaga namang nabighani ako sa kanya. Nalaman ko pang may koleksyon siya ng mga furry handcuffs kaya naman mas lalo akong na-curious sa kanya. Ang dream date ko sa kanya ay sa isang McDo branch. Ito ay dahil makakalibre kami dun since model siya ng McDo, tapos papapakin niya ang McJelly trio na binuhos all over my body.



Naima Mora
Nanalo siya sa America's Next Top Model cycle 4. Uber crush kong ramp model. Kaya naman ang dream date ko sa kanya ay kahit saan, basta ang katawan ko ang gagawin niyang catwalk. Masaya akong apak-apakan ng kanyang matutulis na stilleto.


KC Concepcion
Anak ng ating megastar na si Sharon Cuneta. Halos lahat naman yata ng kalalakihan crush siya, kaya syempre, sabay na rin ako sa bandwagon. Dream girlfriend ko talaga siya lalo na nu'ng nagbloom na siya sa pagdadalaga. Dream date? Sa France or Italy, ipagsha-shopping niya ako ng mga kilalang designer clothes. Ganun lang, wholesome dapat, ganun ako kapag love ko ang tao.

Bianca King
Isa na rin sa may magagandang mukha sa mga young star sa local showbiz. Nakilala bilang Aviona sa Mulawin. Kaya naman gusto ko siyang maka-date sa studio at naka-harness kami sa ere... wearing only that harness!






Toni Gonzaga
Crush ko na since nung Eat Bulaga days niya pa. Multi-talented, witty and snappy pa. Natutuwa kasi ako sa mga extroverted females. Kaya naman ang date namin sa bahay ni kuya, dun sa ilalim ng kama, at magkukuwentuhan at magdadaldalan forever.


Maria Ozawa
Tera Patrick is yesterday, Maria Ozawa is today. Gets niyo? Sikat na pornstar si Maria Ozawa these days na may maganda at maamong mukha. Dream date? Hindi ko na lang idedetalye, hahayaan ko na lang kayo mag-isip.


Asia Agcaoilli
I also like woman who are sexually-oriented. Kaya naman kasama siya sa list, though alam kong lalamunin lang niya ako in terms of sexual knowledge. Ang date namin sa isang classroom na kami lang tao, tapos nakapusod ang buhok niya and wearing an eyeglass... only that eyeglass!

Elisha Cuthbert
Lumabas sa movie na Girl Next Door. At talaga namang sexy at nakakatakam. Ang date sa isang bar, tapos lalasingin at lalagyan niya ng drugs ang aking iniinom, pagkagising ko nasa damuhan na lang ako at laspag na. Ni-rape niya ako!

Ms. Piggy
Ang Marilyn Munroe sa mga muppets. Cute and bubbly kaya crush ko rin. Date namin ay sa tapat ng bonfire, tapos tutuhugin ko siya ng kawayan at papasakan ng mansanas sa bibig saka lulutuin sa bonfire. Yumm! Lechon Baboy. Kaso naalala ko di nga pala ako nakain ng tela!


Ngayon alam niyo na ang aking Top 10 Sizzling Hots. Parang hindi nga lang dream date yata ang mga nasabi ko. Sa pagkadami-dami ng mga girls nahirapan din akong mag-isip. Sana lang makadate ko ang isa sa kanila... or sabay-sabay na lang sila!