Wednesday, May 30, 2007

Somebody Text Me

Nakalimutan ko ang aking minamahal na Maritoni — aking cellphone — kahapon sa bahay. Hindi naman kasi nagparamdam na naiwan ko pala siya, hindi rin naman kasi siya marunong magcommute papunta dito sa office, kaya hayun tengga siya sa bahay. Hindi naman ako nag-aalala sa cellphone kong iyon kapag nasa bahay, safe naman iyon saka wala namang nagtetext. Tanging Globe Advisory lang ang madalas makaalala dun.

Salamat na lang din dahil kahit papaano may araw din naman akong may katextmate, bukod sa balance inquiry, para naman kahit papaano mabawasan man lang ang battery ng aking cellphone at marinig ko man lang ang mga pang-flaunt kong mga mp3 message tone. Kung wala nga lang siguro akong katextmate malamang bumalik ako sa dati na umaabot pa ng expiration ang aking 300 peso load. Ngayon nag-improve na, hanggang 1 month na lang ang aking load! Teka di yata improvement yun, gastos kaya yun.

Kung gusto niyo naman akong textmate, huwag na kayong mag-abala dahil sasayangin niyo lang load niyo. Tamad akong magtext maliban sa mga importanteng bagay gaya ng pagtext ng "Wer n u? D2 n me!" hanggang ganun lang. Kaya pati sa text, wala ng nagmamahal sa akin.

Since nasa texting na usapan at gusto mo pa namang magpasikat sa iyong bago at naggagandahang phone, tulungan ko kayo kung paano niyo gagawin yan at para magtext naman sa iyo ang mga textmates mo.

  • Mag-group message at sabihing "Ui, buhay p me, d p me deds kya txt nyo me ha! ü" May magrereply sa inyo nyan, kung wala, magdusa kayo!
  • Magtext o magforward ng quotes sa sariling number, ilang segundo lang may marereceive ng text.
  • Huwag i-off ang mga advisories para naman tumunog ang phone.
  • Mag-balance inquiry para kung may kasama at gustong ipagmayabang ang maganda at bagong mp3 message tone tutunog ito kapag nareceive na ang balance inquiry.
  • Magsubscribe sa kung anu-anong kaek-ekan ng mga providers para maya't maya may marereceive na text.
  • I-set ang alarm at i-configure sa message tone na gusto, para kunwari may nagtext.
  • Ilagay din sa pinakamaingay na setting ang phone para talagang agaw-pansin kapag may nagtext... kung meron man.
  • Huwag mumurahin ang mga nagfoforward na mga quotes at jokes. Matuwa na lang dahil kahit forwarded nakakatulong silang mabawasan ang charge ng battery ng cellphone.
  • Murahin ang isa sa phonebook, kapag nagreply, sumagot sabihin 'wrong send' lang.
  • Kung wala talagang nagtetext, gamitin na lang ang ibang features ng phone... pang-unat ng buhok, pangtaya sa tatsing at pangnood siyempre ng porn.
Siyempre maganda kung may magtetext sa inyong mga magagarang cellphone. Ano silbi ng magandang cellphone kung wala rin namang nakakaalala lang magtext o tumawag sa inyo? Ok lang naman yun, kasi meron pang mas masagwa dun. Mamahalin at maganda nga ang cellphone kaso wala namang load — or di naman postpaid. Kaya kung hindi de kolor ang mga cellphone niyo pero may laman namang malaking load inggitin niyo na ang katabi niyong may magarang telepono!

34 comments:

Anonymous said...

Teka, parang ako yun, ah. Di natunog ang CP dahil walang nagtetext. LOL

And, speaking of text nga pala, binobomba ako ng text kahapon ni X, SOBRA. Wala kasing ka-text yung babaeng yun.

At gusto niyang pasabi, miss ka na daw niya. Ikeeeeee!

Anonymous said...

you get to think of things like these? awww...why oh why???
get a girlfriend-fast.

Anonymous said...

sinasabi ko na nga ba eh... buti na lang ang aking cellphone ay isang state-of-the-art top-of-the-line one-of-a-kind rare model na nokia 3210! kahit ganun yun, sagana naman sa load! nakakatawag at nakakatext, wala nga lang camera! bakit kasi kelangan pa ng bagong cell no! but got to think of it... pogi points din kapag maganda ang cell at may camera! hahahaha

Anonymous said...

tsk.
parang pinapadinig mo yata
na ayaw mo ako katextmate.

wala ka.
bo0.

p said...

masyado lang talagang class si maritoni kaya konti lang ang friends.

Anonymous said...

desperado sa text. hahahaha! good! XD

Billycoy said...

yna > oo nga, naiwan ko naman cellphone ko kahapon

speed dater > can you give me one?

yatot > naku di rin yun, mas pogi points kung matetext at makakapagreply ka sa prospect mo

baby > ...Salamat na lang din dahil kahit papaano may araw din naman akong may katextmate...

ikaw kaya yan.

the philosophical bastard > oo susyalen si maritoni, kaya mga friends niya karamihan mga plastic

hinga > hindi naman, one week ang battery ko eh

Anonymous said...

haha kaya proud ako, kahit hidi magara ang cellphone ko, madaming nagmamahal dahil dame nagtetext!

BTW, parang nakita kta somewhere..hehe naku may clone ka yta? kamukhang kamukha mo eh

Anonymous said...

o cge ako, textmate moh! muahaha!

ako, kahit papaano, mat kaText naman at may tumatawag. haha! may nagtyatyaga...

text mo na naman ako! harhar!

Virginia said...

di ka rin mahilig magtext? same here. pero kapag unlitxt20 ako, mahilig ako mag-forward ng quotes at jokes (read: green jokes), tanong mo kay sherma hehehe!

Anonymous said...

Text hindi talaga...puro scandal laman ng cell nyan haha!!! ^^

ikay the dancer said...

hahahaha!! pero nakakalungkot naman talaga kapag natapos ang araw ng wala kang natatanggap na text from anyone. lalu na saung sum1 special. hehehe :P

ay naku, kahit hindi ka mahilig magtxt, ttxt kta. haha!

Anonymous said...

huh... pano pangunat cp sa buhok?

nakow.. tinamaan ako.. postpaid nga naputulan naman nung isang araw...nyahahaha! bobo ko... weeeeh!

Anonymous said...

nyahay! hindi rin ako mahilig magtext! buti na lang ng may Globe advisory na nagpapatunog ng cellphone ko. Minsan sandamkamak na kowts at jokes. Syempre tanggap ko lang, di na kelangang replyan.

The King said...

May mga oras na naiirita ako sa mga messages na dumadating.. Pare-pareho na lang ang mga sinesend. Tapos sunud-sunud pa! Kahit wala akong ginagawa, nakakairita pa rin, hehe..

Billycoy said...

niknok > maulan kasi, kaya madalas akong dumami ngayon

mats > wala pa akong load eh!

virginia > yikes green jokes! di ko kaya yan, minor pa ako

l.a. > uy hindi yun scandal, porn movies talaga yun

ikay > di naman ako nalulungkot, andyan naman balance inquiry saka globe advisories

andianka > pwedeng pang-unat ng buhok ang cellphone, gamitin mo lang yung radiation ng cellphone

eloiski > tama ka dyan, receive na lang ng receive tapos pag puno na inbox, delete

the king > lalo na kung korny jokes, nakakaasar lang

rachel said...

Murahin ang isa sa phonebook, kapag nagreply, sumagot sabihin 'wrong send' lang. - da best. hahahaha!

blueengreen said...
This comment has been removed by the author.
blueengreen said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

"Murahin ang isa sa phonebook, kapag nagreply, sumagot sabihin 'wrong send' lang."

Masaya yun!
Ililink kita wag ka na pumalag.

dorkzter said...

hahaha. i liked that last part. yung pangnuod ng porn hahaha. you speak the truth. :)

Anonymous said...

only if you beg, billycoy.hehehe...

ek manalaysay said...

aba teka... billycoy... napansin ko lang... obsessed ka ba sa number 13? since january... 13 lagi ang posts mo per month! just asking... baka naman gusto mong gumawa ng sequel nyan ng the number 23 ni jim carey? wakokokokok... ung sau... the number 13!

Billycoy said...

rachel > effective ba?

blueengreen > oo pang-akit nga yun sa holdaper... at effective lahat yan

gean > hindi na ko papalag

dorkzter > uy di ko ginagawa yun, pramis! sa bahay lang

speed dater > now i beg... basta pasado sa requirements.

yatot > 3x a week kasi posts ko... so withing one month, 13 tuloy parati!

Talamasca said...

Magtext o magforward ng quotes sa sariling number, ilang segundo lang may marereceive ng text.

Brilliantly swell! LOL!

Huwag mumurahin ang mga nagfoforward na mga quotes at jokes. Matuwa na lang dahil kahit forwarded nakakatulong silang mabawasan ang charge ng battery ng cellphone.

Actually, ginawa ko na yan and ginagawa ko pa rin so many times. I'm on a crusade, remember?? Annoying little runts, these people. Their forwarded crap make me shirty most of the time. Pfft.

Mike said...

ang hirap i-compare eh, pero tingin ko mas magastos kapag postpaid. postpaid ako dati eh, kaya lang pinaputol rin kasi nag-eexceed 'yung monthly bill, hehe.. minsan hindi nagagamit pero kelangan pa rin bayaran 'yung PXXXX na monthly bill so magastos. for me, ha. ewan ko lang sa iba.

Anonymous said...

namiss ko tuloy bigla ung phone ko, la ksi akong phone dito eh! hmpf. :P

Jhed said...

Weeeeee! Tamad din ako mag-text.. kasi, tamad din ako magpa-load. Kaya yun, text lang ng text ang mga manliligaw ko. Haha! Joke.

Pero kung may load ako, talagang text kung text. Pero normalyy, isang tao lang ang tinetext ko. Yiheeee! :P

JP aka Elmo said...

Subscribe to Piolo Pascual and Sam Milby's Ktext, just text WPIOLO or SAM to 2366. Lol! Tingnan lang ntin kung di ka araw-arawin ng text messages. haha.

i am nobe. said...

hehehe! :)

Anonymous said...

ako? bwhahahah minsan lang magtext. pinakaayaw ko katext si aling nati. NATIgil na ang iyong unlimited. foota minura ko un minsan eh

Anonymous said...

Linchak... wala pa akong salapi! Huhuhuhu..

Billycoy said...

talamasca > hatest ko rin yung mga chain messages, ok pa sa akin quotes... damn spammers! please forward this reply or you will receive bad luck in 10 days

mike > oo magastos din postpaid marami akong kakilala na umaabot sa credit limit, kaya hayun sinusumpa nila kapag dumating ang billing

deejay > maraming murang phone dyan sa japan! bilhan mo nga ako... pero dapat yung open line ah!

elmo > bakit naman si pyulu pa, pwede namang si julens at juday!

nobe > nyaherr!

heneroso > buti minsan lang ako mag-unli, i'm rich kasi!

neil > anong wala?! ipadeposit mo na yang napanalunan mo oi!

Anonymous said...

daya naman! sige na!
muahaha!