Monday, May 14, 2007

Gold Finger

Nakikita niyo po ang ngayon ang larawan ng isang mahalagang pangyayari sa ating bansa. Iyan ang imahe ng aking daliri. Hindi po yan kulangot dahil kulay blue po yan at hindi po kulay green o mabrown-brown ang nakikita niyo dyan o daliring pinang-finger sa kung saang lugar o kung saang man na iniisip niyo. Iyan po ang aking kuko na may indelible ink.

Mahalagang araw po sa ating bayan ang naganap na ito, ang pambansang eleksyon. Eyspeysyal nga rin ang araw na ito, dahil bukod sa walang pasok ay double-pay pa ang mga may pasok sa araw na ito, lalo na ang mga nasa call center. Eyspeysyal din ako sa araw na ito dahil ang pinatak na indelible ink sa akin ay nagkukulay gold. Ang galing dahil hindi ako nagmukhang botante, parang nanggaling lang ako sa parlor at nagpapatak lang ng gold na kyuteks sa aking daliri. Katunayan lang talaga na eyspeysyal akong tao, isa akong special child!

Dismayado pa rin naman ako sa naganap na botohan dahil laganap pa rin ang dayaan. Hindi po yung dayaan na vote-buying, dagdag-bawas o ballot switching ang tinutukoy kong dayaan, heto po ang dayaan na ginagawa po natin noon pa man.

  • Garapalan ang paggamit ng kodigo dahil kapuna-puna ito dahil gamit pa nila ay ang mga naglalakihang yellow pad sa kanilang kodigo.
  • Sa kabila ng mga long folders na nakaharang, may nagkokopyahan pa rin.
  • Ang iba, isinisigaw pa ng malakas ang kanilang mga sagot.
  • Ang iba nagbibigay pa ng bundok-bundok na kodigo sa labas ng mga presinto at hindi man lang pinapansin ng mga bantay.
  • Kahit lantaran ang dayaan hindi ito binibigyang pansin ng mga officers.
  • Hindi namimigay ng pagkain ang mga officers at bantay sa presinto. Ang dadaya nila, hindi pa man din nakakakain ang karamihan sa mga botante. Kahit tikim hindi man lang binigay sa amin.

Sa mga naganap na dayaan na ito, nawalan na ako ng tiwala sa eleksyon. At higit pa akong nawalan ng tiwala dahil hindi man lang isinama ang dakilang diyos na si Juday. Mabuti pa si Victor Wood nakasali sa mga kandidato, pero kung mananalo siya, malapit na talaga ang end of the world… or end of the universe na!

Sayang ako pa man din ang magiging master of the universe.

17 comments:

Anonymous said...

Ako, may alam na vote buying! Sa totoo lang, ang dami talagang garapal sa Pilipinas. Tama ka!

At ang ganda ng dating ng indelible ink sa kuko mo ah... Parang patay lang na kuko! Muahaha! JOKE!

Sino ba mga binoto mo?

Anonymous said...

daliri mo yan? bat parang may hepa? gold? parang isinuksok kung saan nyahaha! tuwa naman ako sa dayaang naganap. biro mo, talamak na gayahan at sandamakmak na kodigo din nakita ko dito saamin. pero talo ka! may mga lamang papel na may mukha at pwedeng ipambili sa tindahan ni aling nena! ang galing! :P

MISYEL said...

ganda naman ng daliri mo, pero teka lang tao ka ba talaga billycoy? bakit parang kaka-iba? nyehehe :p

di ako nakaboto, hmm sino-sino kaya luluklok sa trono?

Anonymous said...

May nangyari naman sa amin, GRABE, tahasang nagsisigawan sa loob ng presinto!

BIAZON! BIAZON!
RESNEDI!

Syet, nasita ng watcher. At si watcher, nasita ng PRC official. Kamusta naman sila?!

No read, no write yung voter. Hay.

Jhed said...

Kung ganyan magiging itsura ng daliri ko pag bumoto.. parang ayaw ko na. Haha! So gross.

Bakit puti ang kuko mo, nagpa-manicure ka ba?!

sherma said...

kakaiba ang kulay ng indelible ink mo, ah... sa precinct ka ba talaga pumunta o sa parlon? =)

yung akin, di pa nabubura! yung naglagay kasi sa akin, parang first time maglagay ng indelible ink! kinulayan yung buong daliri ko!!!

p said...

iba na itsura ng cutex ngayon.

Billycoy said...

mats > ganyan ang in kahapon, the patay-na-kuko look

andianka > sana may ganyang kodigo rin akong natanggap... tatlong mukha ba?

michelle > hindi ako tao, isa lang akong simpleng nilalang lang

yna > nakow, talaga namang talamak na sa bansa natin ang dayaan

jhed > yan ang daliri ng virgin, malinis pa!

sherma > sana sinabi mo baka pwedeng lahat na ng daliri mo ang nilagyan, para balanseng tingnan

Billycoy said...

the philosophical bastard > oo iba na nga hitsura ng kyuteks ngayon, tuwing botohan lang siya nauuso... hindi pa marunong ang mga manicurista!

Anonymous said...

kung yan ang IN, lagyan na natin ng patay-na-kuko glimpse ang nalalabi mo pang mga kuko!
HEHE

Anonymous said...

Gold ba yun? Ba't parang puti yung nakikita ko? Baka naman iba yang 'indelible ink' mo? hehehe

Anonymous said...

ang garaaaaaaaaa ano yan>?

Anonymous said...

utakgago yan ha. hindi lang utak. haha party list yan eh

Unknown said...

ang gugulo ng mga balita sa tv.. mukang palenkera tuloy mga pinoy...

hell-lalan talaga!

Kiro said...

di ako bumoboto... >___< and yea dayaan sa botohan ay di na mapaghihiwalay... hay naku...

Billycoy said...

mats > suggest ko na rin yun sa kanila, kaso mahal daw ang indelible ink

darwin > gold yun, hala ka, color blind ka na hijo

utakgago > daliri yan... daliri, wag marumi isip mo

dotep > parang palengke talaga... meron pa ngang nagbebenta ng isda at mga manok sa prisinto namin

kiro > eh paano ka makakaboto, nasa canada ka kaya... kick kita dyan eh... kapag nakarating ako sa canada.

Myx said...

diba dapat talaga NO CHEATING? hay.. i know na aware din yang mga tagabantay dyan kunwari lang hindi. Sayang hindi ako nakaboto waaaahhh

btw, sa fhm ka na lang bumoto angel locsin vs katrina halili ang labanan hahaha