Sa panahon ngayon, marami na ang tumataba. Kasi nga naman mas madaling magpataba kaysa magpapayat. Pero kahit madaling magpataba, meron pa ring mga tao na kahit anong kain o lapa sa pagkain ayaw tumaba. Kung sa babae ok lang yun, marami ngang naiinggit sa mga ganung klaseng katawan, pero kung sa lalaki naman na ubod ng payat pero ang pagkain ay bandehado at sako-sako na, nakakailang.
Noon, tumitimbang lamang ako ng 125-130 lbs, pero ngayon 152-155 lbs na ako. Tama lang para sa height kong 5'9" ang aking BMI (Body Mass Index). Marami nga ang nagulat noong lumaki — kaysa tumaba — akong ganito kasi lalong lumitaw ang aking makamandag na kaguwapuhan at sex appeal. Kaya nga mas yummy ako ngayon kaysa noon na bulalo lang ang kaya kong i-offer.
Ano ba ang sikreto kung paano ako lumaki ng ganito?
- Alamin kung anong body type. Hindi naman kasi lahat blessed na magkaroon ng magandang genetics. May tatlong body type: Ectomorphic (o yung mga buto't balat lumilipad), Mesomorphic (yung may tamang pangangatawan) at ang Endomorphic (ang mga juba). Tatlo lang yan, pero pwede namang combination din.
- Kapag nalaman ng ectomorph at hardgainer sa paglaki ng katawan, magset na ng realistic goals (e.g. ilang pounds madadagdag bawat buwan, ilang babae/lalake ang quota sa isang gabi).
- Baguhin ang diet, instead na 3 meal, gawing 6 adequate meals a day — most suggested ng nutritionist sa kahit anong body types — dahil minomoderate nito ang iyong mabilis na metabolismo. Isama mo na rin ang mga plato, kubyertos at baso sa iyong pagkain.
- Dagdagan ang protein intake per day. Mayaman ang karne nito gaya ng beef, pork, chicken at pati mga fishes nito. Kung nag-iinarte at vegetarian/vegan kuno, mayaman sa protein ang soya products like tofu at taho. Maaari ding isama ang karne ng tao dahil mayaman din ito sa protein.
- Huwag masyadong gumalaw at magpapawis dahil bawat pawis na iyan katumbas ang ilang calories sa katawan. Maging batugan at inutil para di na masyadong kumilos o kaya ilagay ang sarili sa freezer para mapreserve lahat ng calories sa katawan.
- Magbomba ng hangin sa katawan para lumaki-laki naman ang hitsura.
- Uminom ng gatas at least twice a day, basta ang isa bago matulog. Piliin ang skim milk para walang milk fat na makokonsumo. Nagtataglay din kasi ito ng milk proteins na nakakapagpabagal ng metabolismo sa pagtulog at ganun din sa masarap na pagtulog. Gatas ng baka ang tinutukoy ko dito at hindi ang gatas na nilalabas ng inyong kapartner sa tuwing magkatabi kayo sa kama at pareho ding nagpapasarap ng tulog.
- Kung nais talagang bumigat ang timbang, kumain na lamang ng weight plates. Tiyak na mabilis na pagbigat ng inyong timbang kapag ginawa niyo ito. Isama na rin ang pagkain ng mga bakal, martilyo, bowling ball at ng kung anu-ano pang mabigat.
Kaya ngayong medyo lumaki na ako, lumabas na rin ang aking Habs (Hangin + Abs). Meron na rin akong mga cuts; pwedeng pang adobo, pork chop, steak at giniling.
20 comments:
kelangan in-denial ako dito! bwehehehe... good for you at nag-gain ka ng weight! at least tama lang ang bmi mo sa height mo! period! wala ng kasunod! bwehehhee
tangina. mas yummy. pero bakit wala pang gf? yun ang tanong.
Waw!
Salamat sa mga tips. Nagulat nga ako ng kinompute ko ang aking BMI. Aba, nasa normal weight na pala ako. Yey!
Pero desidido pa rin ako magpalaki ng katawan. 6 meals a day?! Kamusta naman ang budget. Haha! Heavy meals ba yun?
yamyrdua>
thanks 4 d info! NOw im imagining f gaano k nga ka-yummy....yummy nga b talga....!ask nga ni septhedreamer...bkit nga b wla(can i ask it 2)!!??
Haha. Tama! Mas madali ngang mgpataba kesa magpapayat! At dian aku nahihirapan ngayun! Tsk!
Haha! Oo nag.lipat na aku! Mansion na ngayun. =P
Wow, parang professional nutritionist lang, ah!
Walanju! Papayat! Papayat! Kelangan ko nun!
Lumakas nga ang sex appeal pero wa epek. Wa pa ren napupuy ang bebe ng mama ng googoo. Hahaha.
========
1. Ectomorphic pala ako. Hahahaha.
-------------
3. 6 meals a day na rin ako. Pero pansin ko, tiyan lang ang nagkakabilbil sa akin. :-)
-------------
4. Brrr. Isama mo pa ang amoy Chlorox. Nyak nyak nyak nyak nyak!
--------------
5. Tinry ko na rin yan. Kaya ngayon, wala kaming ref. Totoo. Siyang tunay!
---------------
7. It's super effective! (Pokemon Yellow)
tumataba na raw ako... pero ok naman daw yung katawan ko ngayon kasi dati, buto't-balat ako... yung pag inom ng gatas... ewan ko ba pero parang kape... hindi ako nakakatulog! hahaha...
5'9 ka pala, ah... kaya pala 5'6 ang hanap mo... hehehe...
ako, chubby..pero kinompute ko ung BMI ko, nasa normal range.,.hehe (thanks sa nutrition class, alam ko na magcompute ng BMI hehe)
kaso di pa ako satisfied sa katawan ko, antaba ko talaga hahaha....oh well that's life, haaaay...
ayan ok naman pla ikaw eh, asan na gf mo??haha ala parin?
Isa ba ako sa mga pinatatamaan nitong entry na'to? hehe. Nagpapabigat na nga ako ngayon at medyo successful last time I checked 90 ngayon malapit nang mag 100. ginagamit kong technique yung pagiging sugapa sa pagkain.
Ang alam ko may percentage talaga ng protein carbs at fat. pinakamarami yung sa carbs at konti lang sa protein. Pang bodybuilder na kasi yun haha. karne muna ang focus ko ngayon, tyaka ko na iii-sculpt yung karne pag meron na ako hehe
Haha! Nice entry. Buti ka pa nagbloom. haha!^_^
hmm napaka-informative nito haha.. (^^,)
yatot > sundin mo na lang mga payo ko, effective yan ayon sa mga experts
sephthedreamer > syempre kapag yummy ako, dapat yummy din hahanapin ko di ba? kaso wala pa eh
jhed > 6 adequate meals, yung tama lang not necessary na mabusog sa bawat meals na yun
yamyrdua > mataas kasi standards ko kaya wala pang dumadating
phia > bata ka pa naman, pero siguro kailangan kontrol lang sa pagkain at lalo na sa pagboboypren
yna > inom ka na lang ng tubig baha, epektib pampapayat
neil > ok lang na wala pang mapopoy, kasi kung puro popoy na ako baka mangayayat na ako
sherma > baka naman kasi najejebs ka after uminom ng gatas, ilabas mo muna bago ka matulog
yeye > meron talagang ganun kahit tama ang BMI iba pa rin ang sizes nila... teka, bakit gf pa rin mga tanong niyo?
darwin > di rin maganda maging sugapa sa pagkain kung concentrated in few meals a day, suggested i-divide mo sa 6x a day para maregulate din insulin level mo... wow consultant na ako.
monai > wala akong ibu-bloom, lalaki ako, wala akong flower
lalon > oo nga eh, nalilito na nga ako, dapat yata consultant na lang ako.
hanep! heheh
hi billycoy,
nice blog. nakakalurkey. haha
yamyrdua>
ganon...wow...dat's good 4 u!!!
wel, gudluck nlang!
Good luck to your journey to good health!
ahahaha! kumusta naman ang kumain ng bakal at kung ano ano pa... isama mo na sako ng semento ang mga batong galing sa mt. mayon na mala bulldozer ang laki at madaming... hey wait a minute! ako pinapatamaan mo ah! bat ako tawa ng tawa? nakow!!!!!
hahaha! honestly, mahirap magpataba. hmph! sobrang bilis nga ba metabolism ko? siguro to the nth power noh?! di mahabol... nagbabatug-batugan naman ako... grr... ayos lang... :P
hehe. wala ka bang diet tips? Yun kelangan ko eh. :)
ex links naman po. TY!
rachel > hanep is kuto ng manok
myles > infect ka na rin!!!
febeth > should i pack my things and get ready for my journey?
andianka > effective ang tips ko, pramis!
fionixe > meron na akong produktong pampapayat... check mo sa archive mo, effective ang tubig baha.
Post a Comment