Marami talagang nagaganap sa lahat ng inuman. Heto yung mga pangyayaring talagang tatatak sa mga isipan at kapag naalala ang mga kaganapang iyon, tatawanan talaga. Pero walang silbi ito kung kayo ang lasing at kayo ang pinagtatawanan. Kaya nga sa lahat ng inuman, mas mabuting moderate pa rin para naman maging witness sa kabalbalan ng mga kainuman.
It's not flying... It's falling with style.
Birthday ng pinsan ko noon sa Parañaque. Talaga namang high tide ang mga panahon na iyon ng alak, at siyempre since lahat ng mga tao dun ay hayok sa alak, nagpakalunod din ako. Noong nasa Booze Level 2 na ako, akyat-baba na ako para pumunta parati sa CR — nasa rooftop ang inuman, nasa 3rd floor naman ang CR. Yung hagdan pa man din pababa tiles tapos wala pang railings noon. So nung bumaba, as expected, nadulas na nga ako at nalaglag ako patagilid. Naging anghel ako na naputulan ng pakpak at inilaglag ng langit sa lupa. Mabuti na lamang nandun ang pinsan ko sa 3rd floor kaya nasalo niya ako. Kung nagkataon, magagaya ako sa mga aktor ng telenobelang hindi maalala ang nakaraan. Pagkatapos nun ayos lang ang damit, ang tayo at bumalik sa taas para makipag-inuman ulit. Parang walang nangyari. Mabuti yung pinsan ko lang ang nakakita, yun nga lang pagbalik ko naman sa taas ako na pala ang topic nila.
The rebel unraveled
Doon pa rin sa bahay ng pinsan ko sa Parañaque. Wala namang liparang naganap kahit wala pa ring railings ang stairs. Bumaha na naman ng alcohol at umulan ng pulutan. Since ako walang pakialam noon sa dami ng iniinom ko, talaga namang nagpakalango ako ng husto. Kapag di ko nadadatnan ang tagay ko talaga namang dinodoble ko pa. Ang sarap ng red horse sa akin ng mga oras na iyon, ang lakas talaga ng tama ng ihi ng pulang kabayo. Hanggang sa umabot na ako sa Booze Level 4, blockout na ako, wala na talaga akong maalala ng mga oras na iyon. Pero ang narerecall ko lang, I'm speaking english that time. Naging aktibista ako sa mga saglit na iyon, kulang na lang placard, pumunta ako sa harap ng Malacañang para magwelga mag-isa doon at mga firetrucks na magbubuga ng tubig sa aking yummy na katawan. Tapos, maya-maya umiiyak na rin ako at kung anu-ano na mga pinagsasabi ko. Grabe talaga, ayaw ko na talagang maalala yun, buti na nga lang wala akong maalala dun.
Puke Pocket... it's not the sex toy!
Noong college days ko, sandamakmak na inuman. Bakal ang mga sikmura sa tindi ng tama ng alak. Patayan nga palagi ang inuman, at walang pakialam kung makatulog pa sa gitna ng kalsada dahil sa grabeng kalasingan. Isang karanasan ng college friend ko, grabeng inuman, talagang bangenge na ang lahat. Siya naman, nasusuka na, walang plastik o anuman sa paligid na pwedeng pagsukahan. Naka-uniform pa naman sila noon kaya sa bulsa ng polo niya siya sumuka. Pagkatapos niyang sumuka dun, na-realize niya sigurong polo pala iyon, kaya hinampas ng kanyang naglalakihang kamay ang pocket ng polo niya kaya naman mas lalong kumalat ang suka sa kanyang damit. Yummy!
Where's the chicken?!
Birthday ng isa pa naming college friend. Dumating yung kabarkada — yung sumuka — galing Canada para sorpresahin kaming lahat sa birthday na yun. At siyempre marami pa ring alak pati pagkaing handa. Since hindi na kami college ng panahon na ito, hindi na ganun kalakas ang pag-inom. Moderate lang ang kalasingan, kung sa aking Booze Level hanggang 3 lang. Marami rin handa ang celebrant nun, kung anu-ano pa. Masaya din namang natapos ang lahat. Pero nung pauwi na pala etong friend namin from Canada sa kanilang tahanan sa Laguna, nu'ng magbabayad na siya ng pamasahe sa jeep, may nakapa siya sa kanyang bulsa. Pera? Hindi. Susi? Hindi rin. Jebs ng kalabaw? Eww. Eh ano? Drumstick ng Fried Chicken! Para hindi masyadong mapahiya, kinain niya na lang yung katakam-takam na fried chicken, at palagay ko nainggit pa an ang mga pasahero ng jeep sa kanya. Pagkatapos, nu'ng magyoyosi naman siya, meron na namang nakita sa loob ng cigarette box. May lumpiang shanghai! Since ok pa naman at mukhang sumptuous pa, kinain niya na lang ulit.
Masaya talaga ang mga inuman, pero mas masaya kung naaalala niyo ang lahat ng mga nangyayari. Kung magpapakabangenge naman kayo sa tawag ng alak, bahala na kayo. Ano man ang mangyari sa inyo kapag nablockout kayo, nandito naman kami para tumawa sa inyo.
Basta tandaan: Uminom lang palagi ng may tama!
Ginawan pala ako ni Mica ng isang featurette sa kanyang blog. Labis akong natuwa dahil ilang beses niya ring nabanggit na ako'y Uber Gwapo at ang aking pasaway na alagad. Siya na ang nagpatunay nito. Kaya't ako'y lubos nagpapasalamat sa ginawa niyang ito. At para kahit papaano makabawi man lang kahit konti basahin niyo:
29 comments:
Wow! Ang saya talaga pag inumang ganito, wag nga lang ikaw ang pinagkakatuwaan! Anyway, shet, natawa talaga ako dun sa sumuka sa bulsa at doon sa may naliligaw na pagkain kung saan-saan. Kamusta naman yun at kinain niya pa?!
Hay, iba talaga ang tama pag lasheng.
wla. d ka pumunta, inuman nung sabado!
yna > mukhang nasarapan naman siya sa mga pagkain niya.
adbertaysers > oo nga eh, tagal ko ng hinahanap patayan natin... next time na lang, baka next year.
Nasuka narin ako minsan, hindi naman talaga ako dapat masusuka kung hindi kami palipatlipat e nakasasakyan pa naman, tuwing bababa sumusuka ako. hayzz
hahaha! kadire yung sumuka sa bulsa! talagang eeewww.... hehehe... haaayy... buti na lang never pa akong nalasing... may tama, oo, pero lasing... hndi... favorite ko kayang tirahin din ang red horse! hahaha! ung inuming beer ito ha! tsaka colt 45! pero wala tlg, hindi ako nalalasing... kasi moderate drinker lang ako! ngork ngork ngork... :@)
teka... talaga bng hindi ko na makita ang tagboard mo? o sadyang nagtatago lang ito sa akin... wakokokokokook... regarding dun sa ikaw na naman ang aking example... wahehehehe... wala lang... nagkataon lang! Ü
eeewww.. bka nman nahulog na sa sahig ung mga nkita niang pgkain sa ktawan nia..
bka me nan3p pla s knya at nilagay dun....
naliligaw ba ako at wala ang tag board mo?
aus lang ako. wala lang ako internet connection. saklap.. wah.. babawi ako sau...
adik! hahaha.. gudluck pagtanda.. hehehe
darwin > alibi lang yan... walang masamang sumuka kapag lasing, kahit ako sumusuka rin
yatot > tinanggal ko na talaga ang tagboard, para naman malaman ko kung sino ba talaga mga nagbabasa ng posts ko... moderate? ano ba ang moderate sa lasing?
chel > hindi naman nahulog, siya talaga naglagay nun, noong kainan pa lang nilagay niya na yun
kahla > yap, wala na akong tagboard... para mapilitang magbasa at magcomment
david edward > di ako adik... manginginom lang... paminsan-minsan
Okay. Natuto akong uminom nung ako'y 14 pa lamang.
What's the worse thing that could happen once I entered college? Ako pa mandin yung tipong hayok na hayok sa Granma!!!
t_t creepy.
utakgago > ok lang yan, una ko namang nadiskubre ang alcohol at the age 9, rhumcola pa nga nasubukan ko, susyalen. but that's another story.
ako nung highschool, umiinom ako ng beer every new year lang (humingi talaga ko sa parents ko nun), come 4th year highschool nabinyagan ako ng emperador. at di naglaon napasok sa eng'g at naging sunog baga na. madami nga talagang kalokohang nagagawa pag lasing... kung ililista, dami ko din maalala. hahaha! at dko lang gets, eh kung bakit ganun kabobo yung sumuka sa bulsa? ha? ah eh... diba bumabalda sa cloth ang sabaw sabaw nun? come to think of it! YUCK!!!!! ewwww.. ewww... at yung canadian friend mo, pasimple lang yun pero gusto talaga nya magbaon. nyahahhaha! :D
Weeeeeeeeee!
Kamusta naman yung puke pocket?! Eeewww-ness to the highest level! Heehee.
Hahahaha. Hayop. Ang tindi. Kung nangyari man sa akin ang mga nabanggit mo, malamang hindi ko matandaan. Pero gaya nga ng sinabi ko, matino ako kapag nalalasing. Nagkokoreano't nag-e-English lang nang ubod nang daldal.
Pero kadiri yung fried chicken sa bulsa. Hahahaha! Ulgrhk.
ayan mdali na i-pronounce name ko.. nkkatuwa naman mga blog mo nkktanggal ng lumbay charot!.. hay kakamiz din college days lalo sa baguio naku sarap uminom dun lamig! lalo pag may pulutan na aso arf arf awwoooo!!
andianka > ganun ang side epeks ng alak, mapapasuka ka sa bulsa at magnenenok pa ng pagkain... ang masama lang pareho niyang magawa yun... Eww.
jhed > try mo rin, masaya yun lalo sa puting polo!
neil > matino?! sabagay mukhang di ka nga matino kapag di sheng-sheng... napapakanta ng 'sinaktan mo ang puso ko' sa videoke. nyaherr
aliyah > waw from baguio... thanks. pahinging pasalubong ha, basta wag lang yung pulutang aso
Ei Billycoycoy thanks at nagustuhan ninyo ni alagad ang aking feature :p
OT- May isuggest sana ako na post. What if gawa ka ng Top 10 Filipina Celebrities na gusto mo maging.. ahemm.. mga potential sadist gf? hehe sana pagbigyan ang aking request :D
Sayang! Kala ko mala-telenovela na yung pag ka hulog mo sa hagdan kala ko makaka-kita na ako ng actiong patayan nun haha!
Na-iimagine ko kung ganun ka parin tumawa bakit lasing ka, ano kayang tone yun haha! :)
micaela > nice suggestion, gawin ko rin yan, queue ko muna sa topics ko yan!
L.A. > as usual kahit ano man ang tawa ko nun, hamak na gwapo pa rin naman ako!
mukhang nawala po yata ang iyong tagboard.
haha maraming beses narin akong naging tampulan ng tawanan dahil sa kasugapaan ko sa alak, kaya ngayon hinay hinay nalang dahil talagang masaya panoodin mga ganyang eksena!!!! hehehe
di ako umiinom kasi nung nag-try ako, siguro, 2 glasses of red horse yun, wala na... imagine, super ayoko kay sheryn regis, kinanta ko yung song nya na maraming conjunctions... ano nga bang title nun?
then after nun, nung nakantsyawan ako, emperador, 3 shots, lagnat ang inabot ko the next day... kaya ngayon, pag may inuman ang barkada, taga-kain lang ako ng pulutan... hahaha!
yung number one, naalala ko si gagay... yung nahulog sya sa hagdan pero tumayo sya na parang walang nangyari? =)
tara > di lang po siya nawala... naglaho pa.
niknok > oo mas masaya talagang panoorin ang ganung eksena... pero ok na rin pala ang magpakalango ngayon, uso na kasi ang mga camera cellphone at may video pa!
sherma > old school ka! gagay! si gelli de belen. nyaherr
wala na tagboard??? hehe.. nahirapan ako maghanap wla e kya dito nlng... ahmm..ang bad nmn ng poster mo sa beer.. nyahahha.. pro tama naman ng unti yun hihihi..
naisipan ko nga magbeer minsan e kaso di gumana! tsk ..nxt tym nlng cguro hahaa...joke
lalaine > yap, wala na talaga tagboard. basta nasa legal age at kung occasions lang naman uminom, it's not bad. pero kung parating iinom, it's not bad... yun nga lang beer belly and kawawa ang atay.
ahhh.. okaaay.. hahah! kla ko nmaaan.. at least germfree un.. =p
nak ng! nawala ang cooment ko dito!
shucks!
anyway, inuman na lang! muahaha!
Post a Comment