Kung di niyo natatanong kasi wala namang nagtatanong, pamilya kami ng mga sabik sa alak. Nananalaytay na yata sa bloodstream namin ang alcohol. Isinama na yata sa genes ng aming pamilya ang 70% isopropyl alcohol. Ang lakas nilang uminom lalo na sa father's side ko, mapalalaki man o babae, Red Horse pa ang paborito. Ang lolo ko nga 70 years old na noon, nakikipag-inuman pa sa labas kasama ng mga barkada niya.
Namana ko rin yata ang genes na yun. It runs in the blood talaga. Medyo mataas din kasi tolerance ko sa alak, serbesa at gatas. Lalo na noong later days ko sa college, madalas kaming mag-"patayan" noon sa inuman. Patayan ang tawag namin sa inuman na aabutin ng umaga na di pa rin tumitigil sa pag-inom, survival of the fittest.
Nang dahil sa sandamakmak na inuman na ring napuntahan ko, na-obserbahan ko rin ang aking tolerance level sa alcohol. Kaya nga heto at meron na akong analysis sa aking mga alcohol tolerance levels.
Billycoy Alcohol Levels:
Level 1: Maayos pa ako nito pero may konting hint na sa akin ang alak. Inaantok o kaya medyo masakit ang ulo. Ang San Mig Light hanggang ganitong level lang sa akin. Mababa kasi ang maltose content kaya hindi ako nagkakaroon ng sugar rush. Walang kwentang inuman kapag ganitong level lang ang inabot ko.
Level 2: Nagsisimula na ang katimangan ni Billycoy. Normal lang na madaldal ako pero kapag level 2 na ng alcohol sa akin, i-multiply mo pa sa tatlo o apat ang aking kadaldalan at kakulitan. Nagiging caucasian na rin ang aking morenong balat. Umeepekto na ang sugar rush sa aking bloodstream. Palakad-lakad na rin ako sa paligid para makaiwas sa mga susunod na rounds. Pangmodel ang lakad ko sa ganitong level.
Level 3: Sheng-sheng na pero maayos pa ring maglakad. Hindi na umaamin kung lasing na at hangga't maaari gusto pang uminom. May mga trip na, pwedeng nagwawala na sa pagsasayaw, palagiang gutom at gusto na lang kumain, nagsasalita ng english, nabubuyo na rin sa pagyoyosi kahit ayaw talaga, at pwede na ring utuing kumain ng bubog. Maayos at pangmodel pa ring ang paglalakad. Sa ganitong level na ako kadalasang humihinto sa pag-inom dahil di ko na gusto ang lasa ng mga inumin. Rare akong lumagpas sa ganitong level.
Level 4: Wala na. Patay na. Blockout at wala na akong maalala sa ganitong level. Lumalabas ang subconscious aktibista at pa-english english pa. Emo badass na si Billycoy sa ganitong level. At dahil nga vulnerable na sa ganitong kalagayan, maaari na akong gahasain basta't wag lang akong hahalikan ng torrid sa lips dahil baka masukahan ko lang ang bibig ng hahalik. Kahit pa i-gangrape ako ng mga kababaihan hindi ko na siguro maaalala yun. Isang beses pa lang nangyari sa akin ito saka wag na kayong magtanong kung anong nangyari sa akin dito dahil di ko rin maalala. Malamang na-devirginize na ako ng di ko alam.
Ilang bote rin ang pagitan bago humantong sa bawat levels. Sa mga nagdaang inumang napuntahan ko, hanggang level 2 lang ako kadalasan. Wala pang nagpaabot muli sa Level 3. Sabagay, di na rin kasi ako umiinom ng marami ngayon, health conscious na rin kasi ako. Ayaw ko rin kasing tubuan ako ng pakwang beer belly sa tyan. Saka ayaw kong umabot sa level 4 baka kasi madevirginize ako ng di ko maalala, syempre mas mabuti kung may maalala ako kapag naganap yun, kahit ma-rape pa ako. Ngayon siguro ang mga natatakam sa akin dyan, alam niyo na kung paano ako mare-rape.
Basta tandaan lang, sabi nga sa Red Horse:
UMINOM LANG NG MAY TAMA.
20 comments:
Nung nasa Drew's tayo, anong level yun? Kung gagamitin ang alcohol level mo sa iba nating mga kasama nun, saan sila? Level 7.59?
mike > sa drew's? level 1.5 lang ako. sila, parang level 3 na kagad sila ng levels ko sa ilang baso pa lang yun ha... pero kung nadagdagan pa ang dosage baka level 5 na sila at malamang nakababad na sila sa kanilang sariling suka.
My take:
Level 1: May naaalala pa ako sa mga panahong ito. Madaldal na kaagad. Mahilig mag-sorry kahit walang kasalanan. Napapasayaw sa Average Joe at Boom Tarat Tarat. Articulate pa ang pagtatagalog. Straight pa ang paglalakad. At straight pa ang sexuality.
Level 2: Wala na akong maalala. Sabi ng classmates ko, English na ko nang English. Minsan Mandarin, minsan Korean. Ubod ako nang daldal. Napakakulit. Nagsosorry dahil 'talkative'. Sabi nila, ang lagi ko daw tinatanong ay "Am I being talkative?". And if they answered 'yes', I just say 'sorry'. If not, "I'll be more talkative." Medyo nag-iisip bata na raw.
Level 3: Mas tahimik daw ako dito, pero kumakanta. Hindi daw ako makaintindi ng Tagalog. English lang at Korean. You're right. Nagko-Korean na ako dito. Nagma-Mandarin na rin daw ako pag hindi sila sumasagot ng Korean at kinakanta lahat ng songs ng F4 and Jay Chou (taiwanese rapper). May konting French (kaka-take ko lang kasi ng French 1 na may advance classes sa 4 and 5). Nagbabading-badingan dahil kinakanta ko daw ang "Always" ni Bon Jovi tapos susunurin ng "Modernong Charing" ni BlackJack. Dito, pinagtritripan na daw nila ako dahil di ako deretso maglakad.
Malikot. Makulit daw at namimindot. Di ko alam kung ano daw pinipindot ko. Ayaw nilang sabihin.
Di ko alam ang Level 4 dahil never pa akong sumobra sa pag-inom. 3 shots lang, lasing na ako.
neil > ang hina pa ng tolerance mo... bilis mo palang tamaan. practice muna!
yamyrdua>
hahaha...now bka matuloy n ung headline n "BILLYCOY...DI N VIRGIN ...sa wakas!!!!" bwahaha!!!!
Yikes. May anonymous.
Shocks. Wala akong lebel-lebel, pano, madali akong tamaan. Tatlong shot pa nga lang ng gin pomelo nun, bagsak na ko. Pero may excuse, kasi wala pa akong kinakain nun.
Natawa ako dun sa comment ni Neil, ah. Ang haaaabaaaaa!
yamyrdua > tagal ko na ring pinapangarap yan
yna > ok lang yun, bata ka pa naman at wala ka pa sa legal age. saka mo na itodo ang pagiging lashengga mo kapag legal ka ng uminom... kahit pa alcohol pa tunggain mo wala na kaming pakialam
ah.. ngayon alam ko na LOL
yung mga kapamilya at kapuso ko mga tanggero at tanggera ewan ko ba naman kung bakit ako may alergy dyan grrrr...
wahahaha! hmm... depende sa dosage ng minimum number of bottles mo pero pareho effect ng levels natin. ang pagkakaiba lang, sakto pagtama ng alak, madaldal na ko... at lahat ng advice ko maganda. debate to the max pag nasa level 2. level 3-4 iniiwasan kong maabot, dahil jan na nagsisimula ang drama. weeeeh! ilayo nyo ko sa alak. nyahahahha!
huh.. if i know dika na virgin ngayon. na-rape ka na siguro. ang masama lang nun eh kung puro lalaki kasama mo. harharhar!
waa. naiinggit tuloy ako. sa buong buhay ko here on earth, isang bote pa lang ng san mig light ang naiinom ko. wakeke. haha.
micaela > magtiyaga ka na lang sa softdrinks at juice
andianka > hindi yan totoo! virgin pa ako! virgin pa akooo!!!! Yata?
deejay > kawawa ka naman... try mo naman wilkins next time!
sabi nga ng lola wag daw muna akong uminom ng serbesa wekeke
hay.. siguro depende ng talaga sa dosage yun.. madami din akong nainom noon eh..
btw panalo ka pala sa prruuuumo ng aking blog hehe gagawa ako ng minifeature about ur blog sa aking blog.. daan ka naman dun haha ingat sa virginty mo baka pagkainteresan ng kalalakihan at kababaihan at ng mga enkantao wehehehe
http://micamyx.i.ph
waw sabaw! eheheh kaya pala anlaki ng tiyan mo eh!
SHENG SHENG! Hahahaha! Kaya pala nagmomodel ka sa Dencio's ha!
micaela > wag kang maniwala, may health benefits din ang alak kahit papaano
heneroso > utut! habs yun!
sephthedreamer > normal na paglalakad ko yun
nyahahaha.. nice! comment kanaman din aside sa pagtambling, giling mo sa cbox ko.. tnks!
habs.. hangin abs? ahaha.
paano ka kaya malasheng? anu kaya itsura? ahihi
E nung nasa Dencio's anong rurok ng alcohol level ang narating mo nun? Hehe. Pero muka ka namang matino nun. Madaldal nga lang.
Ilang bote bago mag-level 4? LOL.
renz > yaan mo renz, comment din ako pag may time
darwin > level 2 lang yun, wala na nga ang tama pagdating ng umaga
jhed > naku wag... may plano kang reypin ako? wagg!
Post a Comment