Nakalimutan ko ang aking minamahal na Maritoni — aking cellphone — kahapon sa bahay. Hindi naman kasi nagparamdam na naiwan ko pala siya, hindi rin naman kasi siya marunong magcommute papunta dito sa office, kaya hayun tengga siya sa bahay. Hindi naman ako nag-aalala sa cellphone kong iyon kapag nasa bahay, safe naman iyon saka wala namang nagtetext. Tanging Globe Advisory lang ang madalas makaalala dun.
Salamat na lang din dahil kahit papaano may araw din naman akong may katextmate, bukod sa balance inquiry, para naman kahit papaano mabawasan man lang ang battery ng aking cellphone at marinig ko man lang ang mga pang-flaunt kong mga mp3 message tone. Kung wala nga lang siguro akong katextmate malamang bumalik ako sa dati na umaabot pa ng expiration ang aking 300 peso load. Ngayon nag-improve na, hanggang 1 month na lang ang aking load! Teka di yata improvement yun, gastos kaya yun.
Kung gusto niyo naman akong textmate, huwag na kayong mag-abala dahil sasayangin niyo lang load niyo. Tamad akong magtext maliban sa mga importanteng bagay gaya ng pagtext ng "Wer n u? D2 n me!" hanggang ganun lang. Kaya pati sa text, wala ng nagmamahal sa akin.
Since nasa texting na usapan at gusto mo pa namang magpasikat sa iyong bago at naggagandahang phone, tulungan ko kayo kung paano niyo gagawin yan at para magtext naman sa iyo ang mga textmates mo.
- Mag-group message at sabihing "Ui, buhay p me, d p me deds kya txt nyo me ha! ü" May magrereply sa inyo nyan, kung wala, magdusa kayo!
- Magtext o magforward ng quotes sa sariling number, ilang segundo lang may marereceive ng text.
- Huwag i-off ang mga advisories para naman tumunog ang phone.
- Mag-balance inquiry para kung may kasama at gustong ipagmayabang ang maganda at bagong mp3 message tone tutunog ito kapag nareceive na ang balance inquiry.
- Magsubscribe sa kung anu-anong kaek-ekan ng mga providers para maya't maya may marereceive na text.
- I-set ang alarm at i-configure sa message tone na gusto, para kunwari may nagtext.
- Ilagay din sa pinakamaingay na setting ang phone para talagang agaw-pansin kapag may nagtext... kung meron man.
- Huwag mumurahin ang mga nagfoforward na mga quotes at jokes. Matuwa na lang dahil kahit forwarded nakakatulong silang mabawasan ang charge ng battery ng cellphone.
- Murahin ang isa sa phonebook, kapag nagreply, sumagot sabihin 'wrong send' lang.
- Kung wala talagang nagtetext, gamitin na lang ang ibang features ng phone... pang-unat ng buhok, pangtaya sa tatsing at pangnood siyempre ng porn.