Siguro maraming nagtataka kung paano ako mag-isip. Panahon na siguro para ipaalam ko sa inyo ang sikreto sa napakahenyo kong utak. Alam kong wala namang nagtatanong o nag-iisip nun, pero bakit ba? Eh sa gusto kong i-share ang mga sikreto ko kaya walang pakialamanan.
Mental Exercises
Stretching. Nilalapag ko muna sa lamesa ang utak ko at binabanat-banat para ma-stretch. Warm up niya yun kasi maghapon na naman siyang kikilos para sa akin.
Massage. Normal na kapag nag-iisip yung nilalagay sa sintido ang ating hintuturo, pero merong mas effective dun. Kapag nag-iisip ako, nilalagay ko sa loob ng ilong ko yung index finger ko, mas malapit kasi sa utak yun at mamamasahe mo pa. Mahaba kasi ang fingers ko kaya naaabot yung utak ko. Pwede naman kayong gumamit ng tungkod o kaya payong para maabot ang brain niyo kung sakaling maigsi ang fingers niyo.
Swimming. Malaking tulong ang swimming, nakakarelaks ng isipan. Nagtake pa nga ako ng swimming lessons sa Malabanan para lang maging bihasa ako dito. Kung gusto niyo ring magtake ng free swimming lessons, please contact the nearest Malabanan in your place.
Relaxation. Kapag sleeping time na, kailangang magpahinga ang utak. Kaya ang ginagawa ko, tinatanggal ko muna siya sa aking ulo at nilalagay sa isang bowl para makapagrest na rin siya. Nagpapatugtug din ako ng mga classical at trance music para makatulog siya kaagad. Hindi ko siya kinakantahan baka kasi sumabog, ang hirap kayang magpulot at maghanap ng mga piraso ng utak.
Nutrition
Glucose. Simple sugar. Nakukuha sa kahit anong sweets, kagaya ko. Nakakapagpatalas din ng memorya kaya nga mainam ang hard kendi (hindi hed kandi!) habang nag-eexam. Daily intake ko ang asukal, pero di ko siya kinakain, hinihithit ko siya, mas matindi ang tama. Mas mura kumpara sa shabu, pareho lang din naman silang puti.
Iodine. Mayaman seafoods nito. Kailangan para makaiwas sa goiter. Pwede ring makuha sa iodized salt. Magpapak ng iodized salt para makonsumo ang iodine nito. Alternatibo ko, kapag wala ng asukal. Maaari ding hithitin, mas mura din kumpara sa shabu at kagaya ng asukal, pareho ring puti, mas pino nga lang ito.
Zinc. Ang mga pagkaing mayaman sa zinc ay kinikilalang aphrodisiac o ang dahilan sa pagiging malibog. Masagana ang zinc sa gatas at oysters. Madalas akong kumain ng oysters at uminom ng gatas, kung kaya't nagiging malibog ako.
Omega fatty acids. Mainam na nutrition para sa ating mga puso at ganun din sa utak. Mayaman ang fishes, gaya ng mackerel, salmon at sardines at ganun din ang itlog (hindi po betlog). Maraming mantika na labelled na "rich in omega-3/6/9" kaya laklakin na lang ito. Laklakin din ang Omega Pain Killer, lufet din ng epekto.
So hayan, nai-share ko na ang ilan sa mga secrets para magkaroon ng brilyanteng utak. Kung gusto niyong subukan, wala na akong pakialam dun, basta namamahagi lang ako ng ilang piraso ng aking utak. Para sa mga di nakakaalam, ang bituka ko ang nag-iisip para sa akin hindi ang utak ko.
Siya nga pala, nagbebenta rin ako ng mga piraso ng utak ko, baka gusto niyo lang bumili. Sariwang-sariwa at murang-mura pa. Delivery rates do apply.
Friday, October 20, 2006
Spilling My Beans
Posted by Billycoy at 10/20/2006 09:39:00 AM
Labels: Now You Know
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Wooo! siguro nakatira ka nanaman ng Omega pain killer ano? anlakas ng tama mo!
subukan ko minsan humithit ng asin sa ilong... kyalang natatakot ako baka mabilaukan ako...
cool blog =)
Siya nga pala, nagbebenta rin ako ng mga piraso ng utak ko, baka gusto niyo lang bumili. Sariwang-sariwa at murang-mura pa. Delivery rates do apply.
bibili ako! available ba yan sa Venta5? 555-2525. :P
hahaha...kuya tunay ba yun??haha..turuan mu akong mag-alis ng utak sa lalagyan!hehe...
ayos ang post mo fare!kakatuwang basahin...prove it nga na inaalis mu utak mo!haha..picture nga jan?!haha
heheh grabeh pala tama ng asin at asukal sa utak ano?
Hmmm... Ang sarap sigurong humithit ng asukal... :P
hmmmp..dabest pa rin ang shabu.ay sori.
pero kung wala kang pera mas maganda kung katol o kaya magsunog ka na lang nang tsinelas at xempre kumain kA PArin ng oyster dahil mayaman ito sainc hehhe
Good selection of brain builders. :D
And to for a good brain exercise, I'm tagging you. :D
http://jrocas.com.ph/20-questions-20-answers/
malabanan?
d ba sa septic tank un? (^_^)
I hope your blog readers won't take this entry literally. Haha.
You're such a funny retard. :-)
Linalagay mo ba sa bowl na may tubig yung utak mo? Effective yun lalo na kung pickle juice yung gagamitin mo. hahahah
Anyway, dumadaan lang. Nice entries. ;)
Gusto kong bumili...pero, mga sekreto ba talaga yon?
kaya ako, minsan ko lang ginagamit yung utak ko, ang hirap kasi niya imaintain eh.. haha
nice one!
salamat sa tip, dami kong natutunan dito, mukhang kulang ako sa masahe sa ilong at sa ilang binamina na nabanggit mo, hehe. cool!
abah!.,axt!g uh!.,
galing nMn!.,
ehe.,ktwa!.,LoLz!.,
,._\m/.,
Post a Comment