Sinalubong ko nung Huwebes si Milenyo. May dala pa nga akong placard na nakalagay "Welcome Milenyo to the Philippines" ang sa pinsan ko naman "I *heart* you Milenyo!" Dala namin ang mga placard na yan sa bubong ng aming bahay. Inabangan namin siya kasi narinig namin na dadaan nga raw siya dito sa Metro Manila. At yun dumaan nga siya.
Dumaan si Milenyo, disaster ang nangyari. Parang dinaan ng bagyo ang Metro Manila... maraming di nakapanood sa ending ng Majika, hindi pinalabas ang laro ni Ogie Diaz sa game show ni Kris Aquino, hindi rin napanood ang Bituing Walang Ningning at maraming di nakapagtaya ng lotto nang maganap ang hagupit ni Milenyo. Pero mabuti at dumating itong si Milenyo, ang dami niyang benefits.
Waterbed. Maraming nakaranas ng waterbed nung dumaan si Milenyo. Dahil nagblackout, mainit kaya hayun pinagpawisan ang marami sa kanilang mga kama and walla! may waterbed na kayo.
Physical Fitness. Blackout, walang kuryente ang mga waterpumps, diretso ngayon tayo sa mga poso. Igib dito, igib doon, buhat dito buhat doon. Mabuti sa triceps o yung mga naglalaylayang taba sa mga braso para ma-tone. Ang pagbubuhat naman ng balde, good for the thighs, butts and lower back. pati rin ang pagpapaypay, mainam sa forearms.
Burned Calories. Nag-iigib man o hindi sure na nagburn kayo ng calories. Mistulang sauna ang inyong pagtulog sa gabi. At for sure di rin kayo nakakain ng maayos those days.
Relaxation. Sa wakas nakapagpahinga ang mga fingers sa kakatext at kakatype sa PC. Walang signal at walang kuryenteng pangpower sa mga computer. Wala ring mga pasok sa school at wala ring access sa outside world. Bumalik sa primitibo ang karamihan.
Easy Money Opportunities. Ilabas na ang mga lagareng bakal at pumunta sa labas. I-ready na rin ang mga kariton at mga sidecars. Maraming billboards ang bumagsak at mga yerong nilipad, pwedeng ikalakal sa mga junkshop. Kung hardcore kayo, pwede ring kunin ang mga kable ng kuryente ng madalian, kasi nga patay ang mga ito. KALAKAL NA!
Maraming benefits ang bagyo, kaya kung gugustuhin niyo pa, wait lang may kasunod na si Milenyo. Ilalabas ko na nga ang illustration board at pentel pen ng masimulang ko naman na ang placard ko para sa bagyong si Neneng. Ano kaya ang isusulat ko naman?
Tuesday, October 03, 2006
Kudos to Milenyo
--------------------------------------------------------
Kaya nga pala ako ng blog para i-promote ko na iboto ako sa blog ni talksmart Nominated kasi ang walang kwenta kong blog sa Blog of the Week para sa week 24. Para tumaas din ang exposure ko, baka sakaling madiscover ako nila Tita Annabelle at Inay Lolit.
Posted by Billycoy at 10/03/2006 10:30:00 AM
Labels: Now You Know
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
andami ngang benefits.
aba. yun pala yun. kaya pala. anyway, maraming salamat sa palaging pagnominate.h
witty post! kakaaliw! funny and TRUE! pahiram ng pic ni combatron, ganda eh! sorry for the copyright!
since i have fun on my every visit, i'll vote yah. :>
ahihihihihih so funny naman ito. kuya turuan mo pa kami gay lingo ahihihihi
haha!! nakakaaliw naman ang benefits ni milenyo! :D
uhmmn sa tingin mo easy money ang maglagari ng bakal at magkalkal ng mga kalat na dinulot ng milenyo? hindi ba nakakapagod yun?
kulet ng post mo
pero okey lang pinagaan mo ang paghihirap na naranasan ng maraming tao dahil sa bagyong milenyo
Nubang meron sa beta at ayaw papasukin ang tutubi? hehe! asko rin welcome mo bilis, gusto ko color green ung color nung illustration board ha? heheh!
Post a Comment