Thursday, September 21, 2006

Misteryo sa Kuwento ng Pag-ibig

Palagay ko alam ko na ang pakiramdam ng pag-ibig. Ngayon ko lang naranasan ang mga ganitong bagay sa buhay ko. Bumibilis na pintig ng aking puso. Sa tuwing kausap ko siya, parang hindi ako mapakali at tila nagbabago ang ugali ko. Ngunit naguguluhan, nahuhulog na ba ang loob ko? Totoo na kaya ito? Pag-ibig na kaya ito?

Nagsimula ang mga ganitong pakiramdam ilang araw pa lamang mula ngayon. Tatawagan ko sana ang kaibigan ko ng may ibang sumagot. Nagulat ako, kasi akala ko na-wrong number ako, kasi hindi pamilyar ang boses niya sa akin. Hindi yun mula sa tahanan ng kaibigan ko. Sino kaya ito? Ngunit habang pinakikinggan ko ang kanyang boses, tila bumagal ang oras ko. Ninanamnam ko ang bawat segundong naririnig ko ang kanyang malamyos at nakakabighaning tinig. Tila musika sa aking mga tainga ang kanyang tinig. Bumibilis na rin ang pintig ng aking puso. Maya't maya ibinaba niya rin ang kanyang telepono. Ano kaya ang naramdaman ko sa mga sandaling yun? Ilang oras ang lumipas, sinubukan ko ulit tawagan ang aking kaibigan, ngunit laking gulat ko yung nakausap kong babae ang nakasagot, sinigurado ko naman ang bawat pindot ko sa mga numero. Muli, bumagal ang aking oras at tila nawala sa mundong kinagagalawan. Maaari bang mangyari ito? Pag-ibig na kaya ito? Maaari ba akong umibig sa isang nilalang na kahit minsan ay hindi ko pa naaaninag? Maaari ba akong magmahal na sa boses at sa kauna-unahan ko lang nakilala?

Ilang araw ko ring naranasang ang mga ganitong bagay; tatawag sa kaibigan at iba ang makakasagot. Maigsing panahon lamang kaming nag-uusap, ngunit sa tuwing mag-uusap kami parang humahaba ito, parang may nabubuong kuneksyon sa aming dalawa sa mga sandaling yun. Naisip ko, baka nga soulmate ko siya. Posible nga kaya? Nag-iibigan na kaya kami sa iilang waglit ng panahon? Mga tanong na di ko kayang masagot.

Ngunit dumating ang araw na ito. Ang araw na aalamin ko na dapat ang kanyang pangalan at tanungin kung maaari ba kaming magkita. Ngunit sa kabiguan ko, wala na siya. Nung tatawagan ko ang kaibigan ko, hindi na ang babaeng aking iniibig ang sumagot. Ang kaibigan ko na ang sumagot ng telepono. Hinanap ko sa aking kaibigan ang babaeng laging sumasagot sa kanyang telepono. Sinabi ng kaibigan ko na wala naman siyang kasamang babae sa kanyang condo unit at alam ko naman daw na mag-isa siyang naninirahan doon. Oo nga, tama nga siya, wala ngang babaeng nakatira dun sa kanila. Dahil kahit nga ang mga girlfriend niya hindi niya dinadala doon at kahit sinuman sa kanyang mga kaibigang babae. At ganun din wala rin siyang kapatid na babae. Hindi ko malaman ang gagawin ko ng nalaman ko yun. Parang mahihibang na ako. Sino ba ang mistoryosang nilalang na ito? Minumulto na yata ako.

Napakasaklap ng ganitong pangyayari. Malalaman ko na rin sana ang sarap ng pag-ibig, ngunit isa akong bigo. Kahit man lamang pangalan niya ay hindi ko man lamang naitanong. Kung alam ko lamang na ganito, sa simula pa lang dapat ay tinanong ko na. Hindi ko man lang din nalaman ko ano ang hitsura ng aking iniibig. Wala na siya, wala na ang aking iniibig. Tanging natitira na lamang ang mga alaala ng mga munti naming pag-uusap at ang kanyang laging sinasabi sa akin:
Sorry, the phone line is busy now. Please try your call again later.

7 comments:

Donya Quixote said...

funny... akala ko talaga minumulto ka. tweeeng yun lang pala! hehehe... good luck sa love life mo na yan. :P

& said...

NAAASAR AKO SAYO! hahahah naloko mo ko dun ha. akala ko naman umibig ka na. hayoop. operator lang pala yun!!

=)) nice post. blooper! http://vindication.wordpress.com

Anonymous said...

hay, nakow. isang maling akala.

anyway, pwede mo naman ulit siya makausap ulit, eh. lam mo na kung pano...

salamat nga pala sa comment.

Anonymous said...

AMFOTA!

Hahaha! Grabe dude. Akala ko talaga seryoso na, tapos biglang...

Haaaaay. Iba ka talaga. Haha!

garytarugo said...

i love your blog.

Mary De Leon said...

you got me there!!! feel na feel ko pa naman.. hehe.. nice post!

Anonymous said...

wahaha... lakas ng tama mo... akala ko totohanan na...