Heto na naman ulit ako. Hay! Walang magawa ngayon sa opisina kaya blog na lang. Kagabi, habang naghihintay ako sa showtime ng "Devil Wears Prada" dumaan muna ako sa G4, kumain muna ako sa Wendy's ng Value Salad at uminom ng medium iced tea. Pagkatapos dumaan ako sa timezone, wala lang, nagpalipas ng oras kasi nga maaga pa, 6:20pm pa lang nun, ang showtime ng movie ay 7:05pm pa. Ayoko namang tumambay sa Starbucks, una sa lahat, di naman ako bibili ng products nila, at saka hindi ko feel yung mga crowd dun. Puro kasi mga TH at mga mountaineers na beings. Akala naman nila they look good on those layered thick textiles clothings, we are living in a tropical country kaya. So ang fashion season lang natin is summer/spring and holiday seasons. We dont need those fall/winter clothes. Layering is not also advisable in our country, kasi nga mainit, lalo ngayon na may abnormalities sa weather natin. I don't say they look bad on those clothes, it's just not suitable in our climate. And that is ugly. So daan lang ako Timezone, paburn lang ng konting calories. Dami ding cute girls dun, kaso they are too young for me. Ayoko namang lumapit sa kanila mapagkamalan pa akong stalker o kung mapapasama, tawagin pa akong pedophile.
So lakad with my good fashionista strut. Wala. Pumunta na lang ako ng G1, kasi dun ako manonood, sa G4 kasi 8:05pm, I can't go that time kasi I want to go home early din. So nagpunta na nga ako, I bought my ticket then went inside the theater. Sayang nga di ko naabutan yung mga trailers, kasi kung di sulit ang movie, at least updated ako sa mga upcoming movies.
Ang hatol ko
Maganda ang movie, nakakarelate ako bilang yuppy. Having a boss from hell... yata, from previous job, pero di naman katulad ni Miranda (Meryl Streep). Salbahe ko, syet! But anyway, bilang employee, marami akong natutunan. Nalaman ko na ang devil ay marunong palang magdamit. Saka hindi pala sila kulay pula. Siguro may zipper dun sa likod ni Miranda, tapos pag binuksan niya lalabas ang tunay niyang anyo. Sino kaya nagturo ng fashion sa mga demonyo? Ang mga anghel, may fashion sense din kaya, o kasama sila sa mga baduy? Para kasi silang mga manang sa mga suot nila, buti nilang blessed sila with beautiful faces.
Wednesday, September 06, 2006
The Fashionista Devil
Posted by Billycoy at 9/06/2006 03:31:00 PM
Labels: Basura Blogs, Rebyu-rebyuhan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment