Thursday, September 07, 2006

Star Komplex

Photobucket - Video and Image Hosting
Heto na naman ang panahon ng Starstruck. Nagsulputan na rin ang iba't ibang talent-based reality shows. Patagisan na naman ng mga talents ng mga gustong maging star. Halos lahat ng mga Pinoy youths gusto na yatang maging artista. Merong tinatawag na star potential o x-factor ang sinumang artista, pero dito sa 'Pinas iba ang x-factor ng mga sikat. Kaya kung gusto mong maging artista, be sure na you have these traits or gawin ang mga ito:

Good Looks
Hindi importante sa mga artistang pinoy ngayon ang talent. Kailangan meron kang killer looks. Pamatay na katawan. Kahit hindi ka na umarte basta meron ka nito, pagtitilian ka na ng mga stufeed fans. Example ng mga ito, Wendell Ramos, Jennylyn Mercado, Diether Ocampo, Kristine Hermosa. Ngayon kung wala ka nito, read the next one.

Be Very Ugly, as in Pangit talaga
Kung halimbawang dumating ka sa isang party at nagtinginan lahat sa iyo pagkatapos ay pinagtawanan ka nila, perfect, pwede ka na ring maging artista. Sila yung kumikita dahil sa mga hitsura nila. Ngayon kung halimbawang mukha ka namang halimaw, pasado ka bilang mga kontrabida sa mga cheap action movies. Pero mas sikat ka kung yung una ang meron ka. Good example nito, Long Mejia, Allan K., Pokwang, Diego.

The Natural Vovo
Sila yung mga artistang kapag nagsalita ng english ay puro mali sa grammar at pronunciation. Mga tatanga-tanga. Ang mga kagaya nito ay sina Melanie Marquez, Keanna Reeves, Ethel Booba. Ngayon, kung matalino ka, tanggalin mo na lang ang utak sa ulo mo, baka sakali may pag-asa kang sumikat.

Mark my words
Usually, nanggagaling sa mga natural vovos ito. Mga one-liners na tatatak sa utak ng mga fans. Famous dito si Melanie Marquez "Don't judge my brother because he is not a book." Pero meron ding sumikat ang tagline dahil sa script ng tv commercials at movies. Sumikat si Alice Dixson siya sa line niyang "I can feel it, sha." Ganun din ang linyang "You're nothing but a second rate, yadayadayada" kay Cherrie Gil.

The Bratinella/Prima Donna Syndrome
Maraming sumisikat na may attitude problems. Mga bitchy at talagang pasaway. Sila yung mga laging late sa mga shooting at taping. Laging nakikipag-away at nakakaaway sa inside and out ng showbiz. Nakakaaway ang mga directors at mga managers nila. Yung mga wala pang gaanong karir ay malaki na ang ulo. Gaya nila Iwa Moto, Hero Angeles at Ethel Booba.

Doubtful Loveteams
Mga pinagtatambal ng dahil lang sa pelikula. Sasabihing sila na raw, pero kapag natapos na ang mga movie or tv show ay tapos na rin sila. Ginagawan lang ng issue para kumita ang movie or tv show nila. Mga naggagamitan lang ng kanilang mga pangalan para mapromote ang isa't isa.

Unconfirmed Lovers
Mga lovers na di mo malaman kung sila na ba talaga o hindi. Sikat sa linyang "We're just friends." Katumbas ang mga katagang iyan sa Hollywood na "We're dating" or "We're going out." Pero minsan di talaga totoo, para sumikat lang din.

Word Wars
Kung sakaling bungangera, palengkera, eskandaloso o talagang pinaglihi ka lang sa megaphone, bagay ka dito. Makipag-away ka in front of the cameras and the national TV. Mas maganda kung kapareho mo ang kaaway mo, mas malakas, di lang ang boses niyo, pati kasikatan niyo. Pati mga ratings ng mga talkshows lalakas din, yan ang magiging metro mo kung gaano kalakas ang decibels ng boses mo.

Multi-Purpose Star
Gusto mo talagang sumikat? Kumanta, umarte at sumayaw. Lalo sa mga guesting kailangan mo yang mga yan. Hindi tayo katulad sa Hollywood na iba ang music artist sa mga actors, sa atin kailangang lahat ng talento meron ka. Tingnan niyo na lang si Manny Pacquiao, may pelikula, may album at sandamakmak na endorsements. Pero boxer siya. Effective rin sa mga out of town shows yan.

Deny to Death
Kausapin mo managers or mga kakilala mo sa media na magkalat ng kakaibang tsismacaroons, pagkatapos magpa-interview sa mga talk shows at todo-denials ang gawin mo. Just make sure na kaya mong i-defend ang sarili mo sa mga tanong, if the audience and found it doubtful, good luck sa bad reputation.

The Tupperwares
Learn the trick of the trade. Kung sinasabi ng mga artista na kung sino sila sa TV ganun din sa totoo; WYSIWYG, beware! Kapag nasa showbiz ka, alam mong mga artista kayo, marunong kayong umarte, kaya huwag masyadong magtiwala sa kapwa-artista. Baka magsisi ka sa huli. Kaya matutong umarte rin sa harap nila.

On Cover
Hindi sa mga magazines, kundi sa mga tabloids. Kapag nagawa mo ito sikat ka na naman. Lalo kung palaos ka na, sisigaw muli ang pangalan mo. Tingnan mo na lang makontrobersyal na si Auring, may asim pa raw at buntis at the age of 60... the hell! Masangkot ka sa mga gulo, away o patayan. Kung gusto mo pumatay ka ng tao, sure sikat ka nun, o kaya magnakaw sa kaban ng bayan, tingnan mo na lang ang mga politiko kung gaano sila kasikat.

On Streams
Si Paris Hilton, mas lalo pang sumikat noong lumabas ang sex scandal video niya. Meron na rin sa atin niyan, puro denials nga lang sila. Lalo sa panahong mabilis ang spreading ng infos, dahil sa internet, cellphones, at kung anupaman. Mabilis kang sisikat kapag meron kang mga scandal videos and pix. Heto mga ways, huwag mong burahin ang mga scandals sa cellphone niyo, pagkatapos kunwari papaayos niyo, or kung ok lang, make wagayway your cellphone in the streets at pa-snatch niyo. Kung pa-demure naman kayo, makiusap kayo sa mga gumagawa ng pirated CD's na kung pwede ilagay ang pic niyo sa cover ng CD's nila, kahit di naman kayo ang nandun.

Take Off those Clothes
Gusto mo talagang sumikat at palubog na ang araw sa karir mo, huwag ka na lang magsuot ng damit. If you are old enough at handa ka ng sabihing "Gusto ko namang gumawa ng daring", then do bold and sexy films. Gayahin mo ang Baywalk Bodies, magpose ng hubad sa Baywalk. Do the cover of sexy magazines din, at for sure dadami projects mo. Basta hindi ka lang kamukha nila Auring, Mahal at ni Diego, baka mawalan pa ng trabaho ang mga nasa publications, mahabag ka naman.

Marami pang paraan para maging sikat. Ganyan sa Pinoy showbiz, kakaiba. Hindi katulad sa ibang bansa. Guts lang naman ang kailangan sa pagpasok ng showbiz, in other words, pakapalan lang yan ng mukha. Pero kung gusto mo pa talaga ng exposures, heto pa ibang paraan:

1. Manood ng pinoy movies, sa opening night, tapos kung merong nag-iinterview kung maganda ang movie, chance mo na, agawin mo na ang mic.

2. Kung may krimen at may newsteam sa lugar niyo, pumunta ka sa lugar at magpahaging ka sa kamera at kumaway-kaway, or kung talagang malakas ang loob mo, magpainterview ka at sabihin mong kakilala mo yung pinag-uusapan.

3. Pumunta sa photo studio at magpakuha, tapos pakiusapan mo yung mga empleyado dun na kung pwedeng ipaskil ang pic mo sa labas nila.

4. Gumawa ng kakaiba; kumain ng bubog, tumulay ng alambre, magbalat ng buko gamit ng bunganga.

5. Magmascot sa TV commercial tapos sabihin sa mga kasama mo "Uy, lumabas na ako sa commercial... ako yan oh, si Jollibee!"

2 comments:

Anonymous said...

hahaha. how'd u know all this cguro u tried it na :)

Billycoy said...

Actually na try ko na... yung magmascot ang nata-try ko pa lang