Heto na. http://www.billycoy.com
Wednesday, April 09, 2008
Looking for Me
Posted by Billycoy at 4/09/2008 06:13:00 PM 8 comments
Tuesday, April 01, 2008
Surprise!!!
Matagal niyo na ba akong hinahanap? Well, wait lang kasi may niluluto kasi akong bagong macaroni. Napansin ko kasing matagal na palang nakahain ang macaroning yan sa header ko. Eh baka panay kayo ang lamon dyan, di ko alam na-fu-food poisoning ko na pala kayo. Don't worry, utak niyo lang ang nilalason ko.
Hintayin niyo lang, may surprise akong inihain para sa inyo. Kapag napakuluan ko na ang aking bagong macaroni, ready to eat na kagad.
Wait lang mga repakuls!
Posted by Billycoy at 4/01/2008 09:47:00 AM 12 comments
Thursday, March 13, 2008
High-society Stench
Muli na namang nagsulat ng liham sa akin ang aking best friend na si Em-em, Metro Man. As usual sa mga sulat niya, puro reklamo ulit. Pero this time nagulantang ako sa sulat niya, kasi ang laking pasabog talaga.
My best friend Billycoy,
Hay naku! I'm so pissed na talaga here sa JLA. Heto kasing high-members of JLA borrowed something from me and they are not giving it back ba naman?! They are sooo kainis!
I call them the Speedo Gang, kasi they like wearing those tight hapit spandex. I know they also secretly love calling them Speedo Gang. As if naman Speedo talaga brands ng tights nila. Like they are so kuripot kaya. Though they can buy Speedo, they made pagawa na lang their spandex imitation sa cheap tailor shops.
And dahil I'm so asar with that gang, I'm gonna tell you their baho. The baho that's so sangsang that makes me puke all the time. I don't care if you make this kalat, 'coz that will feel better and maybe they can return my 'something'.
First, hetong si Superman. He's actually the one borrowed from me. Everytime I'm getting it back, he makes tago at the speed of light. So kainis di ba? Eh if you just know my best friend, hirap kaya ako to approach him. Eh he has soooper bad breath din kaya! It's umaalingasaw sa buong galaxy. He loves eating sibuyas, garlic and spicy dishes a lot. Actually, isa siya sa main reason why most people here in JLA are wearing masks. So that they won't die inhaling his sooper bad breath.
Then itong si Wonder Woman na ka-wonder-wonder din ang kalandian. I can't take her B.O. kaya. And one more thing, her underarm hair is sooo nakakasuka kaya. It is so lago and kapal, elephant, giraffes and chimpanzees can make laro nga and live there like in the jungle. And if garapatas and kutos goes in there, no chance they are going out there alive kasi they will be ligaw there forever. If I'm going to look further nga, I will see skeletons and fossils ng dead garapatas sa kanyang kili-kili jungle. Kaya din siya tinawag na Wonder Woman, kasi everybody's wondering why she wears a tube eh she knows she has a thick underarm hair. Big eww talaga!!!
Batman? he shouldn't take his suit off. Coz my gulay! Grabe, I think he can die with his own smell din. Imagine wearing a rubber overall from head to heels. Kaya he's making buro of himself with his own pawis in there. He stinks worse than burong labanos! Eww. Then he makes payabang pa to me that Louis Vuitton made him a batsuit. Eww kaya. Brown and with LV pattern batsuit?! And authentic leather pa, kaya when he wears it, he smells like alipunga.
I can't take Aquaman as well. He is sooo mabaho din kaya. I smell something fishy from him. He smells like a palengke ng isda. Sometime he stinks like Manila Bay and seafoods as well. You know? Like those nabubulok na fishes and seafoods. He doesn't take a bath din kaya kasi daw, he works underwater naman daw. Eww kaya yun. No bath and amoy isda pa. I can't take it anymore.
One more secret about Speedo Gang. They are doing coke. Not the drug cocaine but the coke, Coca-Cola. As in their 'doing' the coke, they are fucking the coke bottle. Eww. Kaya nga people here are always making reklamo why there are always coke bottles in the CR. One time nga, sa CR, since it's a unisex CR, I heard Wonder Woman moaning in the cubicle. Eh orgasmic ang moan niya, I was sobrang shocked. I think she was also surprised na may pumasok sa CR, kaya siguro she made bitaw the coke bottle so it make basag at the bathroom floor. Then she went out, she greeted me as if nothing happened. Kaya I warn you, don't even lay a hand on coke bottles inside the CR.
Sana kasi they soli that thing they borrowed from me so I can shut up and be silent na rin. Para na rin we can achieve world peace na rin.
O siya til next time na lang ulit my best friend. I think I'm gonna throw-up muna. I suka kasi whenever I imagine their kabahuan kasi eh.
Your best friend,
MM
Hindi ko rin kakayanin sigurong makasama ang mga kasamahan ni Em-em. Regaluhan ko na nga lang siya ng gas mask!
Posted by Billycoy at 3/13/2008 11:17:00 AM 14 comments
Wednesday, March 05, 2008
Hindi na kita kailangan, Umalis ka na!
Bakit ba ang kulit mo? Ilang beses ka ng pabalik-balik alam mo namang hindi na kita kailangan pa. I don't need you in my life! Good riddance! Lumayo ka na sa buhay ko, parang awa mo na. Hindi ka ba nahahabag sa akin, maawa ka naman sana. Pinapahirapan mo ako. Hindi na ako natutuwa pang makita kita dito. So please, just go!
Pagod na pagod na ako sa pagpapaalis sa iyo. Pero kahit anong paraan ang gawin ko para mawala ka sa paningin ko, pilit ka pa ring bumabalik. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mong yan? Isinusuka na kita at isa lang pinapangarap ko, ang mawala ka sa buhay ko. Hindi na kasi cute itong pinaggagawa mo. Nakakaasar na. Nakakainis na. Bina-badtrip mo na ako. Akala mo ba nakakatuwa pa ba ito? Hindi na. So please, get the hell out of my life.
Please, tama na! Hindi ko na kaya ito. Kung alam mo lang kung anong hirap para sa aking ang makita ka at tumambad sa aking paningin. Huwag mo naman na akong pagurin, you're just adding the stresses of my life. Ibinuhos ko na ang lahat ng makakaya ko para lang mawala ka, pero nandyan ka pa rin. Pasensya na, pero frankly, hindi ko kayang maatim na makita ka talaga. I am not happy to see you. Sa hitsura mo pa lang ay nandidiri na ako sa iyo. Kung magagawa ko lang sumuka sa harapan mo ay ginawa ko na. Ngunit kailangan kong tiisin ang pagkarimarim ko, kailangan kong pigilan yun. Maawa ka naman na sa akin.
Ano ba kasing problema at pilit ka pa ring bumabalik? Hindi naman na kita kailangan. Umalis ka na lang kasi para madali na lang ang lahat. Pakiusap, huwag ka ng mangulit sa akin.
Bakit ba kasi barado na naman itong inidoro?! Hayan, bumabalik ka na namang tae ko. Aba! Pagod na ako sa kakabuhos ng tubig sa iyo, pero andyan ka pa rin. Tapos syet! Tubol ka pa! Kadiri naman oh! Nasan ba kasi ang pangbomba?!
Posted by Billycoy at 3/05/2008 11:12:00 AM 6 comments
Friday, February 29, 2008
Five Years from Now
Sa mga job interviews, may mga questions na very common at palagiang itinatanong. Dapat yata ang ginagawa ng HR ay nire-record na lang nila ang kanilang mga tanong. At isa nga sa kadalasang tanong ay:
"What will you be 5 years from now?"
Ano na nga ba ako limang taon mula ngayon?!
Ang kulit ko, tinagalog ko lang yung tanong!
Five years from now...
Ay limang taon mula ngayon, at ang limang taon mula ngayon ay five years from now. Therefore, ang five years from now ay limang taon mula ngayon making it equal to a half decade from now.
By that time, 30 years old na ako. Regal shockers!!! Matanda na ako. Pero sabi nga sa cliché "life starts at 30" and "60 is the new 30" kaya naman batang-bata pa rin ako by that time. Saka wala naman sa edad ang youthfulness, nasa personality yan... at nasa hitsura.
Meron na akong Lambourghini at Porsche by that time at lumalangoy na ako sa karagatan ng salapi—yung paper bills hindi yung barya. Napakabilis ba ang 5 years para mangyari yun? Hindi ah, kasi by 28 years old na ako—3 years from now—mananalo kami ng lotto. At yung perang mapapanulanan ko ipangtatayo ko ng business. Tindahan ng mga babae at lalaking mapagpaparausan.
By that time, malamang ay di na rin ako virgin at may juwawhooper na rin ako. Aba kung USB pa rin ako sa ganung panahon, isa lang ang ibig sabihin nun. End of the world na, at ako ang magiging dahilan ng pagkagunaw ng Earth.
Kaya nga nagtayo na ako ng aking online store para after five years bigtime na ako! Though bigtime na rin ako ngayon.
Ayos sa segue, magpa-plugging lang pala ako.
Kayo? Ano kayo five years from now?
Posted by Billycoy at 2/29/2008 03:57:00 PM 10 comments
Wednesday, February 20, 2008
Memory Gap
Bawal ang pork, bawal ang beans...
Iyan ang isang memorable line sa isang TV ad regarding sa memory gap na nararanasan ng mga matatanda. Ako nga rin yata tumatanda na at nagiging makakalimutin na ako. Hindi ko na nga maalala kung sino ako. Teka, sino nga ba ako? Asan ako? Bakit ako nandito?
Hindi ko nga alam kung ano nangyari sa akin kanina, kung nagiging makalimutin na ako o sadyang tanga lang. Kanina kasi, pagkatapos kong kumain ng aking brunch na butter toast, nakaranas ng El Niño ang lalamunan ko. Nakiusap tuloy ang throat ko, kailangan daw siyang madiligan ng C2. Pesteng lalamunan, sa pagka-arte-arte bakit kailangang C2 pa. Pwede namang tubig sa inodoro o kaya tubig sa estero na lang.
Hayun, napilitan akong lumabas at bumili sa store ng C2. At dahil walang ibang tao sa office sa mga oras na iyon at ako ang kiki*, ini-lock ko na ang pinto ng office at ikinulong ang mga ipis na nagpopopoyan doon. Pagkatapos, nu'ng nakabili na ako ng C2, pagbalik ko ng office. REGAL SHOCKERS!!! Naiwanan ko pala ang susi sa loob. My Gulay talaga! Buti na lang in a few minutes dumating na boss ko at nabuksan na rin ang office. Isa lang tawag sa nangyari sa akin, KATANGAHAN. Nakakatanga pala talaga ang pagkain ng Butter Toast. Kaya eat butter toast with warning.
Pero para sa mga bata pa lang at may sakit na ng kalimot, may paraan pa naman para kahit papaano ay ma-minimize ang pagiging makakalimutin.
Get fishy. Hindi kayo magpapatubo ng buntot ng isda sa katawan o maging kasing amoy ng malansang isda kundi kumain ng isdang mayaman sa DHA, isang omega-3 essential fatty acid. Kumain ng mga isdang gaya ng tuna, mackerel, at tilapia dahil mayaman nga sila sa DHA. Ang DHA din ang nakaka-reduce ng risk ng Alzheimer's Disease. Pero kung nasobrahan sa pagkain ng isda at unti-unti ng nagkakakaliskis sa paa. Congratulations! Kayo na ang papalit kay Marian Rivera bilang Dyesebel or kay Malou de Guzman bilang Dugong.
Mental exercises. Bukod sa paghampas ng ulo sa lamesa at pader, pwede ring maglaro ng mga brain puzzles gaya ng crossword puzzle, sudoku or pairing game sa baraha. Kung talagang dakilang gunggong, pumunta sa pinakamalapit na service center at manghingi ng replacement sa utak. Kung hindi na kaya ng warranty, mabuti pang i-dispose na ito kasama ng katawan.
Avoid me. Mapa-lalaki, babae, bakla, tomboy, bata, matanda, may ngipin o wala, nararapat lang na iwasan akong makita in person. Isang sulyap lang sa akin, hindi lang pangalan ang makakalimutan, pati ang nakaraan. Daig pa sa amnesia ang dulot ng isang tingin sa akin.
Pero tandaan, malaki ang pagkakaiba ng pagiging makakalimutin at katangahan... iba pa rin ang mukhang tanga. Kung sakaling nagsama-sama ang mga ganyang katangian sa isang tao, hindi na dapat sila binubuhay pa ng matagal. Tama ba?
*kiki - keykeeper
Posted by Billycoy at 2/20/2008 01:47:00 PM 6 comments
Thursday, February 14, 2008
Love Now Comes in a Pill
Indications: Short-term treatment for lovelessness, low self-esteem, virginity and libido. It also cures loss of appetite with sex and longing for Billycoy Dacuycuy.
Dosage: Adults: Female: Maximum of 100mg per day. Male: Maximum of 50 mg per day.
Contraindications: Being a virgin since birth and high levels of libido.
Precautions/Warnings: Symptoms/History of cardiovascular and respiratory problems. Central nervous disturbances include loss of concentration with current activity and may be diverted with daydreaming, lucid imagination and hyperactivity of wet dreams. Prolonged treatment with horniness, sexual addiction and more than often erection/wetting may be necessary.
Adverse reactions: Occasional: Uncontrollable masturbation, raping of mirror, self-love, narcissism, multiple orgasms and watching of porn often. Rare: Loss of interest with a sexual partner, swelling of palms or fingers because of friction, stained floors or clothings because of lovejuices and drug dependency when horny. Isolated cases: Lovejuice drought, massive wetting or emissions, aggravated psychological symptoms of a sex maniac.
Note: Please review product information before prescribing.
Heto ang handog ko para sa mga kapareho kong mga Untouched Since Birth (USB), loveless, virgin at mga brokenhearted ngayong araw ng mga puso. Kaya pumunta sa malapit na hardware at bilhin ang gamot na ito. NOW NA!
Posted by Billycoy at 2/14/2008 02:23:00 PM 5 comments
Wednesday, February 06, 2008
The Volcano of my Butt
My Dearest Tummy,
Ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi na kita kayang ma-comprehend. Minsan okay ka, kadalasan naman hindi. Hindi ko na kayang tiisin hetong pinaggagawa mo sa aking napakalinamnam na katawan. Nagiging sagabal ka na sa aking normal life. Nagiging abnormal na ako dahil sa iyo. Kailan nga ba ako naging normal?
Hindi ko labis na maunawaan kung ano ang nagaganap sa iyo. Meron ka bang IBS (Irritable Bowel Syndrome) o malakas lang talaga ang topak mo? Aba! Ilang beses mo na kaya akong pinapahirapan. Minsan iuupo na kita sa aking throne, wala kang inilalabas. Pero kapag heto na at nakabihis at ready ng umalis, saka ka pa nagpaparamdam. Hindi ko rin malaman kung bakit kapag malamig ay heto at naghuhurumentado ka. Isa kang volcano sa aking puwet na may sumpong. Imbis na lava ang inululuwal mo sa iyong bunganga, ay isang mabahong taeng mala-frosty ng Wendy's ang iyong inilalabas. Minsan nga red at may bahid pa ng green.
Ano ba kasi ang problema mo? Pinapakain mo ba ako? Huwag ka namang ganyan. Epekto ba ito ng lenten season? O baka naman apektado ka rin sa election ng USA. Hindi naman kaya sa pagkakatanggal ni JDV bilang House soeaker.Hindi ko talaga mawari kung bakit ka ganyan sa akin ngayon. Mga nakaraang araw naman maayos ka at masaya tayong nagsasama.
Aba! Nakakailang balik na kaya ako sa banyo ngayon. Alam mo namang ayaw kong gumamit ng public CR. Pero hayan ka pa rin, kinukulit at pinepeste ang isang dapat ay napakagandang araw. Manahimik ka na lang pwede ba. Kung wala kang magagawang mabuti just shaddap!
Oh ano? Wag kang tatahimi-tahimik dyan. SUMAGOT KA! Magpaliwanag ka sa akin kung bakit ka ganyan?
Ay sige, wag ka na lang pala sumagot. Baka magpanic ako kapag nakarinig ako ng bitukang nagsasalita. Creepy!
Ang nagmamay-ari sa iyo,
Billycoy Dacuycuy
XOXO
Posted by Billycoy at 2/06/2008 05:08:00 PM 6 comments
Monday, January 28, 2008
The Fastest Way to My Heart
Matatapos na naman pala ang January kaya heto at February na naman. Meaning, nalalapit na ulit ang araw ng mga puso. At kapag malapit na ang araw ng mga puso, kailangan ko na ng date. At kapag wala akong date, magdurusa na naman ako. At kapag nagdusa ako, emo na ako. At kapag emo na ako... mas lalo akong gagwapo. SYET!
Sapagkat nalalapit na nga ang valentines day, fully booked na naman ang mga motels. Kaya dapat magpa-reserve na ngayon pa lang ang mga mag-juwawhoopers dyan kung ayaw nilang mag-end up sa talahiban at damuhan ng Luneta at mga bakanteng lote sa tabi-tabi. Yun ay kung sobrang horny lang naman na sila at tinatamad na silang pumila sa mga 3-hours shorttime rooms ng mga kilalang motels.
Bukod sa popoy, may iba pa namang paraan para maipawiwatig ang pagmamahal sa mga minamahal.
"The fastest way to a man's heart is through his stomach."
Ewan ko kung sino ang nagpauso ng cliché na yan pero against ako dyan. Paano kaya mangyayaring mas mabilis yun, kailangan munang dumaan sa puwet, sa aking intestines, stomach at esophagus bago makarating sa aking puso. Hindi kaya magandang pakiramdam sa katawan ang may kumakalikot sa pwet at bituka. Kung taeng hindi mailabas ay asiwa na sa pakiramdam, yun pang may dudukot sa puso na padadaanin sa pwet at bituka pa kaya—unless lalagyan ng anaesthesia. Saka isa pa, wala kayang daanan papuntang puso through digestive system. Duh!?
Para makuha naman ang puso ko, may mas madaling paraan. Heto ang mga tips para makuha ang aking puso:
- Chocolates or any other sumptuous cuisine. Siyempre madali akong mauto at maakit sa ganitong paraan, lalo na kung libre!
- Stripping my clothes off. Hindi na talaga ako makakapalag kapag ginawa sa akin ito. Laking tuwa ko pa siguro.
- Knives and surgical equipments. Wala akong fetish sa mga kutsilyo o kung anuman. Iyan kasi ang gagamitin sa pagkuha ng aking puso.
- Procedure: Ihiga ako sa lamesa o sa kahit anong levelled surface. Gumamit ng marker upang markahan ang pwesto ng aking puso. Kumuha ng isang basong tubig at inumin bago simulan ang operasyon. Kunin ang mga surgical knives at simulan ng bulatlatin ang aking hubad na katawan. Kapag nabuksan na ang aking dibdib unti-unting abutin ang aking puso at hugutin ito. Mag-ingat lang kasi may nagtatagong anaconda sa aking katawan.
- Bopis. Pakuluan hanggang sa lumambot ang aking puso. Ipagiling o tadtarin ng pino ang puso. Maaari ding sabayan ng paggiling ng puwet at beywang habang ginagawa ito. Ilagay sa isang kaserola at ihalo ang mga sangkap ng bopis.
- Serve while hot. Kapag nakain na ang aking puso, sureball na kanilang-kanila na ang aking puso at wala ng makakaagaw pa.
Napakasimple lang ng paraan para makuha ang puso ko di ba? Hindi na nga lang ako buhay kapag nakuha na ang puso ko. Sino pa ba ang mabubuhay kapag nahugot na ang puso at gawin na itong bopis?!
Note: Huwag niyo munang gawin ito sa akin, gusto ko pang mabuhay ng mahaba... at makatikim ng popoy.
Posted by Billycoy at 1/28/2008 05:03:00 PM 8 comments
Wednesday, January 23, 2008
No, Not Yet!
-sabi ng isa sa aking ka-opisina tungkol sa pagkamatay ni Heath Ledger
Kagaya ni Rico Yan na pumanaw sa napakamurang edad. Siyempre akong naturally born gwapo, kanasa-nasa at katakam-takam na sex appeal infected sa sinabi niya. Hindi yata ako makakapayag doon lalo't napakabata ko pa at higit sa lahat... VIRGIN PA AKO! Hindi pa ako handang mamatay at iwanan ang mundong ibabaw. Marami pa akong hindi nagagawa sa aking buhay.
- Hindi pa ako nakakatikim ng sex.
- Hindi pa ako nahahalikan ng torrid.
- Hindi pa ako marunong mag-bike.
- Hindi pa ako marunong mag-drive.
- Hindi ko pa nasasayaw yung Crank That ni Soulja Boy.
- Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.
- Hindi ko pa nasasakop ang mundo.
- Presidente pa rin si PGMA.
- Wala pang solo single yung "My Brother" ni Renaldo Lapuz.
- HINDI PA AKO NAKAKATIKIM NG SEX.
Sayang naman ang aking kagwapuhan kung papanaw din ako ng maaga, kaya hindi ako papayag. Susuhulan ko si kamatayan para hindi niya kagad kunin ang aking kaluluwa. Kailangan man lang ma-devirginate muna ako bago mangyari yun.
Payag ba kayong mamatay ng maaga ang isang napakagwapong katulad ko?
Posted by Billycoy at 1/23/2008 05:56:00 PM 10 comments
Monday, January 14, 2008
Why It's Hard to be a Girl
Hopia, Mani, Popcorn, Bote, Dyaryo, Garapata, Shake Body Body Dancers, A Rico Mambo Yeah! Huwag muna kayong magluksa, magsuot ng costume ni Combatron at gumawa ng tribute para sa akin. Hindi pa po ako patay, I am so alive, alert, awake, and enthusiastic at adeek pa rin! Limited na kasi ang paraan ko ng pagpopost ngayon. Alam niyo naman kaming mga bigtime, laging busy.
Kung noon ay nabanggit ko kung bakit masarap maging lalake. Ngayon naman ipapalamon ko sa sikmura ng mga utak ng marami kung bakit napakahirap maging babae. Kung inaakala ng mgamale species ay madali maging babae, mag-hulus dili kayo, magpatiwakal at ipakain niyo na ang mga sarili niyo sa mga pating. Hindi easy ang pagiging babae.
- Mas masakit ang mga klase ng sapatos na isinusuot gaya ng mga stilletos at iba pang high-heeled shoes
- Laging dumadalaw ang "Red Monster" monthly, period!
- Hindi lang sa puson, sakit ng ulo din ang dulot ng "Red Monster".
- Dalawang piraso pa ang undies. Hindi kagaya sa aming lalaki na brip lang ok na at di na kailangan pang takpan ang mga utong.
- Mas kailangan ng maraming espasyo para sa wardrobe kumpara sa mga lalaki
- Hindi parating nakakatuwa kapag mayroong sumisipang maliit na bata sa mga lamanloob at bituka sa tiyan nila.
- Sobrang sakit ang pagluwal ng bata
- Matagal ang magpatuyo ng mahabang buhok.
- Masakit ang magtype sa typewriter or computer kapag mahaba ang kuko
- Hindi madali sa ego ng kababaihan na i-fake ang kanilang orgasm.
- Time consuming para sa kanila ang palagiang paglagay ng makeup para ma-enhance ang beauty nila.
- Hindi rin easy ang itago nila ang Visible Panty Line (VPL).
- Nabibingi rin sila sa kanilang mga sariling tili.
- Nahihirapan silang mag-weewee sa maduming toilet bowl.
- Hindi nadadaan sa pitik o taktak lang pag natapos gumamit ng toilet. Kailangan laging may feminine wash na kasama.
- Nahihirapan silang maka-getover sa kagwapuhan ni Billycoy Dacuycuy.
Ilan pa lang ang mga yan kaya mahirap ang maging babae. Kaya nga marapat-dapat lamang na respetuhin at galangin ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Kaya all hands down ako sa female species hindi dahil nalilibugan ako, kung hindi dahil kaya nilang tiisin ang mga ganyan katinding pagsubok sa kanilang buhay.
Ngayon, sabihin niyong madali ang maging babae. Ang sinumang lalake dyan na magsabing easy lang ang maging babae ay dadatnan ng regla makatapos ang isang buwan na sabihin nila iyon.
Ano pa ba ang ibang dahilan kung bakit mahirap maging babae?
Posted by Billycoy at 1/14/2008 03:24:00 PM 14 comments
Tuesday, January 08, 2008
The Sunny Side Up Challenge
Meron na namang iringan dito sa aming community. Ang laking gulo nga at umabot pa sa korte kaya naman kinukuyog na rin ng media ang issue nila. Inakala ko nga noong pasko at bagong taon ay mayroong let there be peace on earth and let it begin with me kaso wala. Bangayan pa rin sila ng bangayan. Walang awat ang parinigan nitong dalawang kampo.
Nagkaroon kasi ng paligsahan sa aming baranggay ng pahusayan sa pagluto ng sunny-side up na itlog. Natirang finalist ang magkapatid na sina Abel Bistro Santos at Cecilia Bonita Nagoya laban kay Greg Marciano Allego. Perfect kasi ang pula ng kanilang mga itlog, mamasa-masa pa... I mean, malasado at hindi basag or luto masyado. Pagkatapos, ang isa sa mga judges, si Avi Garcia-Berto, nagsalita na
nagkaroon daw ng bayaran sa nasabihang contest.
Hindi naman tahasang binanggit ni Avi kung sino ang nagbayad sa nasabing sunny-side-up egg cooking contest ngunit ang kampo nina Abel at Cecilia ay itinuro si Greg. Syempre, itong si Greg, na-offend sa accusation nitong sinabi ng nasa kampo nina Abel at Cecilia. Nagwala at sinumpang hindi na siya magluluto ng sunny side up na itlog kahit kailan. Nagsampa na rin siya ng kaso laban kina Abel at Cecilia kasama ng mga nasa panig nito. Kinasuhan niya ito ng libel.
Nang natanggap naman ng magkapatid na Abel at Cecilia ang kanilang subpoena, nagwala rin sila. Hinagis nila ang kanilang mga manok ng kanilang poultry farm sa mabilis na ikot na elesi ng kanilang Standard electric fan saka sila naglabas ng press statement. Iginiit na lang na totoo ang sinabi ng nasabi ng isa sa kanilang kapanalig.
Kaya hayun sila, hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin. Kung anu-anong mga parinigan ang mga ginagawa nila at pagkuha ng sentimiyento ng kanilang mga kapitbahay.
Ako? Wala na akong pakialam sa mga itlog nila. Masaya na ako sa itlog ko. Anumang luto ng itlog ko, nakadapa, tihaya, basag man o scrambled sure akong masarap yun.
SIGURADO AKONG MASARAP ANG ITLOG KO, NATIKMAN KO NA!
Posted by Billycoy at 1/08/2008 04:44:00 PM 4 comments
Labels: Kabaliw-Balita
Friday, January 04, 2008
Top 5ive
Matagal na akong naimibitahan ni Badoodles sa Project Lafftrip Laffapalooza. At dahil January na at malapit na naman ang Lovapalooza sa February kaya naisipan kong maki-join sa kaguluhang ito. Matagal din kasi akong nangilatis ng iba't ibang blogs para iboto para dito. Saka may prizes kayang selepono, digital camera at 15,000 pesos, kaya kailangang sumali dito.
Kaya ko ring magpa-contest ng ganito, kaso sakim ako at di namamahagi ng aking kayamanan; shellfish ika nga. Mas gusto ko ang nakakatanggap kaysa ako ang gumastos—sino bang hindi? Kung meron man akong kayang ipamigay ay Pangkabuhayan Showcase lang. Kaya kong gumawa ng bata na pwedeng gawing negosyo pagdating ng Pasko.
Number 1. BatJay. Isa sa tinitingalaan kong humor blogger/writer. Kaya nga yata madalas akong magka-stiff neck kapag binabasa ko blog niya. Nakapag-publish na nga rin siya ng kanyang libro, Kwentong Tambay. Isa sa mga bibliya ng mga gago kasunod kay Bob Ong. Bagamat gago rin ako, hindi ko pa nababasa ang libro niya.
Number 2. Mr. D. Kung nangangamoy lang ang mga blogs ay malamang na iduwal mo na ang longganisang mabantot at itlog na nabubulok na kinain mo kaninang umaga. Kulay pa lang ng blog ay tae na. Kaya rin yata ni Mr. D na hulaan ang inyong kapalaran sa pagtingin lang ng mga tae niyo. Favorite ko talaga yang si Mr. D, nakakatae sa salawal ang mga panulat niya.
Number 3. Xienah. Move over KC Concepcion at Inday. Siya ang "IT" girl ng blogosphere ngayon. Nagkakandarapa nga ang maraming lalaki sa kanya kaya hayun nagkakakandapasa at sugatan ang mga humahabol sa kanya. Pero alam naman nating isa lang ang laman ng puso niya at yun ay si... a... ay si Mr. E. Pero kahit may Mr. E na siya, hindi naman ibig sabihin nun na di na natin siya pwedeng mahalin. Hindi pa naman sila kasal.
Number 4. Billycoy. Although aminadong emotista ako kaysa humorista, isasama ko na rin ang sarili ko sa listahan. Aba sayang din ang tropeo, pwede ko ring ipamukpok yun sa bakanteng ulo ng mga politiko. Actually, ready na nga ang speech ko kapag nanalo ako. Pero di pa rin ako assuming, kaya nga pang-number 4 lang ako. Trip ko lang gumawa ng speech, bakit ba?
Number 5. Green Pinoy. Hindi ako madalas sa site niya, pero nakakatawa lahat ng post niya. At dahil nakakatawa ang blog niya nilagay ko sa huli, dahil kapag maraming naka-discover sa kanya, lalo pang aapaw ang nomination niya. Kawawa naman ako.
Ang totoo niyan, nambobola lang ako sa mga binoto ko—pwera yung sa akin. Gumawa lang ako ng nominations para makasali nga dun sa pa-raffle ni Badoodles. Kaya sa mga nominees na naniwala sa akin, sorry, inuuto ko lang kayo.
Posted by Billycoy at 1/04/2008 12:41:00 PM 4 comments
Labels: Eyspeysyal Post, Repapeeps
Wednesday, January 02, 2008
New Year's Resolution
Manigong Bagong Taon sa Lahat!!!
Late na ba? Hindi pa, kahit sa February o sa November naman ako bumati ng "Happy New Year" pwede ko namang gawin yun. Walang pakialamanan, yun ang trip kong gawin. Pero dahil ngayon ay 2008, tapos na ang 2007—syempre. Maraming pagbabago at maraming nais baguhin. Kaya sisimulan ko ang taon at first time ko sigurong gagawin ito, ang gumawa ng New Year's Resolution.
Hindi na ako magiging mahalay, malibog na lang.
Ako magiging wholesome? Asa kayo dude!
Lagi na akong magsasabi ng totoo.
Kailan ba ako nagsinungaling? Sa sobrang pagsasabi ko nga ng totoo lumalabas lalo ang kahalayan at kababuyan ng pag-iisip ko.
Hinding-hindi na ako manonood ng porn.
Manonood na lang ako ng liveshow. Mas exciting ang mga live!
Hindi ko na titirahin sina Madam Auring, Cristy Fermin, Mahal at Jobert Sucaldito.
Mga naggagandahang babae na lang.
Lie-low muna sa pagiging gwapo.
Para naman umangat ang level ng mga pangit... kahit papaano.
Ipu-pursue ko na ang aking singing career.
Para umulan at mabawasan ang init na dulot ng global warming.
Mas dadalasan ko na ang aking happy time sa banyo o kwarto.
Paraan ito para makaiwas sa prostate cancer.
Hindi na ako magbabasa ng FHM.
Hustler at Penthouse magazines na lang ang babasahin ko.
Hindi na ako magyayabang.
Hindi naman talaga ako mayabang eversince. Ano ba magagawa ko kung inborn na ang aking kagwapuhan at natural akong nuknukan ng sex appeal?!
Magfo-focus na ako sa aking career.
Kakalimutan ko muna ang paghahanap ng aking soulmate at future juwawhoopers. Sila na lang ang kusang lalapit dahil sa tindi ng aking charisma at mouthwatering sex appeal.
Hindi ko tutuparin ang mga nasa New Year's Resolution ko.
Ano ako timang?
Ay oo nga, timang nga ako!
Posted by Billycoy at 1/02/2008 10:55:00 AM 11 comments