Monday, January 28, 2008

The Fastest Way to My Heart

Matatapos na naman pala ang January kaya heto at February na naman. Meaning, nalalapit na ulit ang araw ng mga puso. At kapag malapit na ang araw ng mga puso, kailangan ko na ng date. At kapag wala akong date, magdurusa na naman ako. At kapag nagdusa ako, emo na ako. At kapag emo na ako... mas lalo akong gagwapo. SYET!

Sapagkat nalalapit na nga ang valentines day, fully booked na naman ang mga motels. Kaya dapat magpa-reserve na ngayon pa lang ang mga mag-juwawhoopers dyan kung ayaw nilang mag-end up sa talahiban at damuhan ng Luneta at mga bakanteng lote sa tabi-tabi. Yun ay kung sobrang horny lang naman na sila at tinatamad na silang pumila sa mga 3-hours shorttime rooms ng mga kilalang motels.

Bukod sa popoy, may iba pa namang paraan para maipawiwatig ang pagmamahal sa mga minamahal.

"The fastest way to a man's heart is through his stomach."

Ewan ko kung sino ang nagpauso ng cliché na yan pero against ako dyan. Paano kaya mangyayaring mas mabilis yun, kailangan munang dumaan sa puwet, sa aking intestines, stomach at esophagus bago makarating sa aking puso. Hindi kaya magandang pakiramdam sa katawan ang may kumakalikot sa pwet at bituka. Kung taeng hindi mailabas ay asiwa na sa pakiramdam, yun pang may dudukot sa puso na padadaanin sa pwet at bituka pa kaya—unless lalagyan ng anaesthesia. Saka isa pa, wala kayang daanan papuntang puso through digestive system. Duh!?

Para makuha naman ang puso ko, may mas madaling paraan. Heto ang mga tips para makuha ang aking puso:

  1. Chocolates or any other sumptuous cuisine. Siyempre madali akong mauto at maakit sa ganitong paraan, lalo na kung libre!
  2. Stripping my clothes off. Hindi na talaga ako makakapalag kapag ginawa sa akin ito. Laking tuwa ko pa siguro.
  3. Knives and surgical equipments. Wala akong fetish sa mga kutsilyo o kung anuman. Iyan kasi ang gagamitin sa pagkuha ng aking puso.
  4. Procedure: Ihiga ako sa lamesa o sa kahit anong levelled surface. Gumamit ng marker upang markahan ang pwesto ng aking puso. Kumuha ng isang basong tubig at inumin bago simulan ang operasyon. Kunin ang mga surgical knives at simulan ng bulatlatin ang aking hubad na katawan. Kapag nabuksan na ang aking dibdib unti-unting abutin ang aking puso at hugutin ito. Mag-ingat lang kasi may nagtatagong anaconda sa aking katawan.
  5. Bopis. Pakuluan hanggang sa lumambot ang aking puso. Ipagiling o tadtarin ng pino ang puso. Maaari ding sabayan ng paggiling ng puwet at beywang habang ginagawa ito. Ilagay sa isang kaserola at ihalo ang mga sangkap ng bopis.
  6. Serve while hot. Kapag nakain na ang aking puso, sureball na kanilang-kanila na ang aking puso at wala ng makakaagaw pa.

Napakasimple lang ng paraan para makuha ang puso ko di ba? Hindi na nga lang ako buhay kapag nakuha na ang puso ko. Sino pa ba ang mabubuhay kapag nahugot na ang puso at gawin na itong bopis?!

Note: Huwag niyo munang gawin ito sa akin, gusto ko pang mabuhay ng mahaba... at makatikim ng popoy.

8 comments:

XienahGirL said...

tsk tsk
kayang kaya ko gawin yan
kaso nga lang
parang deads ka na nun ah?

kailangan pa kita ng buhay
paano ko kukunin
ang kayamanan mo
kung patay ka na?
:)

♥ J U L I A ♥ said...

popoy?
galing ba yun sa okoy-okoy?

bulitas said...

ampf. anuba! madaming mapopoy jan sa makati!

Holy Kamote said...

"...kailangan munang dumaan sa puwet, sa aking intestines, stomach at esophagus bago makarating sa aking puso...."

huwaat? pwet ang entrance point sa'yo?

yakness! harharhar.

yatot said...

wait.. ano bang gamit ang gagamitin upang makapunta sa puso mo kung dadaan sa pwet...? curious lang... hehheehe

RV said...

Sayo ko lang naririnig ang "popoy". LOL.

Pwede na tong pantapat sa "sinaktan mo ang puso ko" ni Michael V dati. Hehe.

linglingbells said...

elow! mukhang madali lang naman pala makuha ang puso mo.. no sweat kumbaga! hahaha! at saka mukhang masarap ang bopis na may sangkap na puso ng tao! yummy!

utakGAGO said...

GRABE ah. bopis na puso? eww.

ano ba tong blog na to, puro POPOY na lang. puro na lang UBERVIRGIN at kung anu-ano pa ang ipinagduduldulan sa sarileeeeee!

langya.

aww di ka na laging updated. jeez.