Tuesday, November 20, 2007

Alone in the World

Then tell me, Joe, how come a man as attractive, intelligent, well-spoken,
diffident in the most seductive way, and yet powerful,
is all alone in this world?
Susan Parrish speaking to Joe in Meet Joe Black

Iyan na yata ang pinakaakmang mga salitang nababagay sa akin. Feeling Brad Pitt ba? Hindi ah! Hamak namang wala pa siya sa kalingkingan ng aking kagwapuhan. Pero pareho kasi kami ni Joe Black, gwapo, matalino, marunong magsalita at higit sa lahat seductive. Yun nga lang, mag-isa lang sa mundo at wala pang juwawhoopers. In other words, USB o Untouched Since Birth.

Bakit nga ba mag-isa lang ako sa mundo? Hindi alam ng karamihan, unico hijo ako. Wala akong kinagisnang kapatid. Tanging mga G.I. Joe, unan at sina Mara Clara lang ang nakasabay kong lumaki. Namulat din ako sa pakikiiyak sa Princess Sarah, Dog of Flanders at pakikipaglaban sa mga Saiyans ng Dragon Ball Z. Malungkot sa tingin ng iba, pero masaya na para sa akin. Naging crush ko pa nga si Jolina during her Ang TV days.

Hindi man pinalad na magkaroon ng mga kapatid, masuwerte naman ako at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. May matino, may gago, may ulul, may siraulo, may gunggong, may maayos, may timang. Iba't ibang klase, ganun yata talaga mga tao sa mga mental hospital. Masaya naman ako at may nakilala akong mga ganung tao, madaling utuin at utangan.

Bagamat marami akong friendster, isa naman akong sawimpalad sa popoy at pag-ibig. Isa akong sawi. Mabuti na rin siguro yun at yun marahil ang nilaan sa akin ng destiny. Nauunawaan ko naman yun. Sa tindi ba naman ng aking nakakauhaw na charm at nakakahalinang kagwapuhan, maraming kababaihan, matrona't bading ang magpapatayan para sa akin. Kaya naman, mas pipiliin ko na lamang maging mag-isa kaysa magkagulo pa ang sangkatauhan. Kung magkaka-juwawhoopers man ako, alam kong di siya tatantanan ng iba pang nasasabik sa akin. Pipiliin ko na lang maging USB forever kaysa naman may iba pa akong masaktan.

Kaya naman Jolina, KC Concepcion, Denise Laurel, Toni Gonzaga, Rhian Ramos, Marian Rivera, at Riza Santos...

I AM SORRY, I PREFER TO BE SINGLE FOREVER!

8 comments:

ek manalaysay said...

aaaaw! single for life? mahirap yan... ako... kung may magkamali... go! sunggaban agad! hahahha...

Anonymous said...

waaaaaaaaaaaat.. mag pari ka nalang..hehehehe//dont waste the gift of GOD for you,. experience it. by the way member mo naman ako kesshy.co.cc tnxsssss

Anonymous said...

Mahirap maging single for life lalo na 'pag desperado makatikim ng wild popoy. Baka nga makasalubong ka ng babae na magpapabago ng isip mo. Pwede niya nga paikutin yung isip mo at baka pati yung leeg mo rin.

Pero demigod ka naman eh, baka matiis mo nga.

Anonymous said...

single for life?
hala ka.
paano na ko?
wengk.
haha

Unknown said...

ka.pal.ng.mu.kha.mo.

marian rivera ka dyan. :)

mr_diaz said...

asa ka pa kay jolina...

Anonymous said...

Akin nalang ang mga babae mo, Pareng Billycoy. Hehe.

(nga pala, paupdate ng link ko. rom blogspot to wordpress, same username). matagal na rin ako lumipat ng bahay eh, months ago na.

Billycoy said...

anonymous > kung magpapari ako, magtatayo na lang ako ng sariling relihiyon

dan hellbound > paikutin ang leeg ko? exorcist?!

xienahgirl > don't worry, you're still in my heart. NYAHERR!!!

mr. d > bigo ka rin kay jolens?

rv > iyong-iyo na sila, wala na silang silbi sa akin!