Friday, September 28, 2007

NBN Project: Speeding Up the System?


Nagkakagulo na naman ang gobyerno para dyan sa ZTE Broadband deal or yung National Broadband Network (NBN) project. Heto kasi yung pagpapagawa ng internal network para sa ating government offices. Very ambitious ang project na ito kaya naman marami ang tumutuligsa dito.

Na-pick up na rin ito ng media at ganun din nasa imbestigasyon na ito ng senado. Nagkaroon na naman kasi ng kung anong anomalya dito as usual. Sa hype na nagaganap sa NBN project na ito ay talaga namang nakagawa na ito ng gulo. Ano nga ba ang meron dito sa broadband deal na ito at talagang tinututukan ito ng media, masa at senado? Ano ba ang mangyayari kapag naayos na ang deal na ito? Bakit ba big deal ang sa gobyerno ang pagkakaroon ng broadband internet?

  • Makakapag download na sila ng mp3's at magiging updated na sa mga episodes ng Heroes, Prison Break, Lost, Desperate Housewives at Zaido sa pamamagitan ng Limewire at Torrent.
  • Instead na sa telepono dadaanin ang usapin tungkol sa dayaan sa susunod na eleksyon ay dadaanin na lang ito sa chat sa YM, AOL Messenger, Skype at kung ano pang IM softwares.
  • Pwede na ring makausap ang mga government officials sa mga conferences at sa mga chatroom gaya ng Metro Manila Barkada o sa chatrooms ng MIRC.
  • Pwedeng daanin ng gobyerno ang pakikipag-deal sa black market gamit ang Ebay.
  • Instead na National ID ang gagamitin para sa identities ng mga citizens ng bansa ay gagamitin na lang ang Friendster, Multiply, Myspace at Facebook para sa ating pagkakilanlan.
  • Makakapaglaro na sila ng mga online games na walang interruptions at mabilis ang connection.
  • Magiging updated na rin sila sa mga nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo at sa mga tsismis sa Kim-Gerald loveteam.
  • Mabababasa na ng marami ang blog ng mga may katungkulan sa gobyerno.
  • Mapapasok ng virus ang mga computer ng gobyerno dahil marami sa kanila ang mae-engganyo sa mga pornsites.
  • Marami ng government workers ang mag-o-overtime dahil mawiwili sila sa mabilis na internet.
  • Mas lalong hindi na magtatrabaho ang mga politiko at mga government employees.
  • Mauuto sila ng mga SPAM sa e-mail.
  • Actually, kaya inaayos nila ang gusot ng project na ito para mahanting na nila si Boy Bastos.
Iba talaga ang power ng internet para sa ating mga politiko. No wonder kaya pala gustong gusto nilang ma-implement ang project na ito sa gobyerno. Kailangan nga ba talaga ng ating gobyerno ng broadband internet? Kung bibigyan nila ako ng 200 bakit hindi?!

Wednesday, September 26, 2007

Lured by a Beauty

Galing ang pic sa multiply page ni KC tapos dinagdagan ko na lang ng ibang kalandian. Feeling highschool lang.

"Masaya na akong tinutunghayan ang isang bituin sa langit dahil kapag ako'y lumapit mapapaso lang ako."
- Billycoy


Nitong Linggo ng gabi, napababad na naman ang mga mata ko sa TV. Halos masunog na nga ang mga eyes ko dahil hindi na yata ako pumipikit habang nanonood. Hindi ko na nga rin mapigilan ang laway ko sa patuloy na pagtulo habang nakatunganga sa harap ng telebisyon. Lumulutang na nga rin ako at di ko namamalayang hinahatak na ako papalapit sa TV. Paanong hindi ako mahahalina ng TV that night, docu kaya ng last days sa Paris ng aking supercrush to the ultimate level na si alluring luscious classy hearthrob na si KC Concepcion.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatutok sa TV talaga. Tuwing matatapos ang mga TV ad at babalik na sa programa ako'y mahu-hook muli sa TV, mapapabuntung-hininga, kumislap-kislap ang aking mga mata, mapapangiti na aabot sa bunbunan, magliliparan ang mga paru-paro, langaw, lamok at kuto at tutubo ang mga bulaklak ng calachuchi sa paligid. Ganun pala ang feeling ng in love, nagkakaroon ng maraming special effects.

Sa sobrang ganda kasi ng anak ng Megastar, hindi ko na mapigilang mahibang. Gusto kong maulul sa kinauupuan, umalulong na parang coyote at mangagat ng mga jologs para magkaroon na sila ng rabies. Ano ba kasi ang meron sa ganda niya at kay dami na tuloy ang mga lalaking nagkandarapa at nababaliw sa kanya? Dumadami na tuloy ang aking karibal at mas lalong bumababa tuloy ang aking probability rate na magkatuluyan kami.

Ngayon, nabigyan ko na rin ng linaw kung bakit hindi pa ako nagkaka-girlfriend until now. Si KC lang pala talaga ang napupusuan ko. Nabihag na ng kanyang kagandahan ang aking damdamin. Siguro we are destined to be together kaya wala pang ibang ipinagkakaloob sa akin. Siya lang pala ang babaeng hinihintay ko habang buhay. Bakit hindi ko alam yun?

Sayang nga lang dahil balita ko sila na raw ni Direk Lino Cayetano. Bigo ako. Ok lang yun, willing naman akong maghintay para kay KC. Kung hindi man ngayon, siguro in the future. Pero open din naman ako sa option na kahit maging kabit na lang ako.

Kung dumating man ang panahon na meron na akong ibiging iba, huwag mo na akong hintayin KC.

Monday, September 24, 2007

Soaps that Stink


Bago na ang panahon ngayon kaya naman lahat na lang ay nag-e-evolve na. Dati ang kahayupan at mga living things lang ang mga nag-a-undergo ng evolution pero ngayon pati mga soap dramas naapektuhan na rin.

Originally, ang demographics ng mga soap dramas ay ang mga female audiences na usually ay mga housewives. Noon kasi ang mga radio dramas ay sponsored ng mga soap manufacturers kaya naman nakilala nga itong mga soap opera. Habang tumagal ang panahon ay nabago na rin ang styles ng mga soap operas, kung noon ay tuwing siesta time lang ang mga ito ngayon ay namamayagpag na rin ito sa primetime block. Kaya nga humina na ang viewers ng PBA dahil dumami na rin ang mga ander de saya at nag-out.

Lumawak na rin kasi ang varieties ng mga soap dramas kaya naging broad din ang target market nito. Mga teenagers nga ay may angkop na ring mga soap dramas na rin para sa kanila at palagay ko nga pati mga toddlers at pre-schoolers ay gagawan na rin, baka yung Dora at Blues Clues ang unang gawan.

Ano nga ba mga evolutions ng mga Pinoy soap opera ngayon?

Sampalan
Kung noon ang sampalan sa mga soap operas ay nagiging cause lang ng iyakan pero ngayon ay iba na. Ang mga tinatamaan ngayon ng mga sampal ay tumitilapon na at humahambalos na sila sa pader.

Patayan
Mas maraming characters ang mga bagong soaps kaya mas maraming pwedeng patayin. Lalo yung mga sa first episodes lalabas dahil matataas ang mga talent fee nila at mga 'premyado'.

Airing
Noon ay umaabot ng ilang taon at halos isang dekada ang mga telenovela na gaya ng Mara Clara na umabot ng 7 years sa TV. Ngayon kapag na-realize na ng audiences na walang kwenta pala ang sinusubaybayan nila, mamadaliin na ng producers na tapusin ang palabas at papalitan ng mas basurang telenovela kahit isang buwan palang itong ineere.

Tauhan
Dati ang mga characters lang ay ang mga malditang bruhang laiterang kontrabando... este kontrabida at isang nakakaawang batang api na anak ng mayaman pala. Ngayon, pati ang isang karimarimarim, kasukla-suklam, kalait-lait at pagkapangit-pangit na alien ay nagiging bida na rin.

Actors
Mas marami ngayon ang puro pa-cute lang ang ginagawa sa mga teleserye at konti lang talaga ang marunong umarte. Kung nandun nga lang ako sa set nila ay i-che-chainsaw ko na lang sila at matira yung mga mas deserving na mabigyan ng magandang role. May matira pa nga kaya sa kanila?

Script
Kung noon ang mga script ay very stereotype at basura, ngayon ay ganun pa rin. Wala pa rin pinagbago ang mga kwento ng mga soaps, mga basura pa din. Bagay lang talaga silang maging soap, kasi laging sinasabon sa lait at sa istorya.

Off limits na talaga ako sa local TV kapag primetime na. Ayoko kasing ma-pollute ng drama at kabobohan ang utak. Minsan nga mas mabuti pang manood ng advertisements may kabuluhan pa. Kakanta na lang at sasayaw ako ng shigi-shigi-wa-wakere-ooma baka ma-enjoy ko pa. Napupunta pa ako sa Time Space Warp pagkatapos ng sing and dance number na iyon.

Time Space Warp ngayon din!

Hindi ko pino-promote ang Zaido, mas gusto ko pa rin ang original na Shaider kasi andun si Annie Putingpanty.

Thursday, September 20, 2007

So Sick

Kahapon ay sumabay ang aking katawan sa uso. In na in kasi kaya syempre hindi ako pwedeng magpahuli. Pwede ba naman hindi ako lagnatin iyon pa man din ang usong-uso ngayon. Ang hirap nga lang talagang magkasakit kasi pati panglasa ko apektado kaya hindi ko malasahan yung caviar at vodka na favorite ko.

Hindi rin tuloy ako nakapag-post sa sked ko. Nilunod kasi ng uhog ang utak ko at pati mga laman-loob ko ay nagkadikit-dikit na rin dahil sa tindi ng sipon ko. Kaya ang sakit ng ulo ko at nagdidikit na yata ang mga walls ng esophagus ko. Bakit nga ba ako nagkalagnat?

Theory # 1: Depression

Malaki kasi epekto ng takbo ng ating pag-iisip at damdamin sa ating health. Lalo't kung pessimistic or depressed madaling kapitan ng sakit. Nitong kamakailan kasi naging depressed ako kaya siguro nagkasakit ako. Paanong di ako made-depress, pinalayas na si Marimar sa Villa SantibaƱez at pinaglalayo na silang dalawa ni Sergio. Mas lalo akong na-depress nung paglipat ko sa kabilang istasyon at nakita ko ang pagmumukha ni Kokey. Labis-labis talaga akong nalungkot sa mga pangyayaring iyon kaya siguro nagkasakit ako.

Theory # 2: Superstition

Napakarami din kasing bumati sa akin the past days. So sa palagay ko nausog nila ako. Marami ang nagsabi sa aking lumalaki daw ako—nagiging macho—at ang gwapo ko raw lalo. Sa dami ng mga papuri ay di ko ito nakayanan kaya nag-overheat ang aking system at tumuloy sa fever at sipon. Of course, thankful pa rin ako sa mga pumuri sa aking kagwapuhan pero sa susunod siguro dapat ko ng padilaan ang talampakan ko para effective na di ako mausog.

Ang usog kasi ay overflow of compliments kaya nangyayari ito. So kung akong gwapo na at alam ko na iyon ay nauusog pa, ano pa kaya dun sa mga hindi 'blessed' kapag nabati? Baka ikamatay pa nila iyon.

Theory # 3: Virginity

Mas mahina raw ang immune system ng mga virgins. May mga studies kasi na ang frequent sex ay nakakatulong na ma-reduce ang risk ng sipon. Kaya naman siguro madalas akong sipunin dahil mahina nga ang aking immune system dahil sa kakulangan sa sex. Kailangan ko na palang ma-devirginated as soon as possible at gawing regular yun.

Mabuti na lang gumaling na kagad ako at hindi na ito nagtagal pa. Sa panahon ng krisis kasi bawal magkasakit lalo't kailangan pang magbenta ng katawan. Salamat sa Neozep at Bioflu at magaling na ako. Nagpapasalamat din ako sa mga taong nag-straw ng aking mga uhog sa aking ulo.

Monday, September 17, 2007

Destroying the 'Block'

  1. Nakatulala sa isang tabi
  2. Hindi mapakali
  3. Ang nakaraan minuni-muni

Siguro nakaranas na kayo ng mga ganyang pagkakataon. Hindi yung pag-e-emo ang binabanggit ko. Heto yung mga instances na nabablangko ang isipan lalo't sa mga panahong kailangang may gawin. Tinatawag natin itong mental/creative/writers' block. Lahat naman nakakaranas ng mga ganitong pagkakataon unless hindi kayo kasama sa species ng homosapien.

Ano ba ang dahilan ng mental block? Usually, psychological ang reasons ang factors nito. Gaya ng depression or anxiety na talaga namang humahadlang sa pag-flow ng maayos ng utak. Hindi ko lang alam kung bakit ang mga emo ay nakakapagsulat pa rin kasi napaka-depressed ng buhay nila—or trip lang nila maging depressed. Kasama rin ang sex sa dahilan ng pagkakaroon ng mental block dahil sarap lang naman ng orgasm ang naman ang papasok sa utak kapag naabot na ang rurok—pero pansamantala lang.

Marami pa rin namang paraan para labanan ang mental/creative/writers' block or kung di man kahit i-prevent lang ito or limitahan ang madalas na pangyayaring ito.
  • Relax lang. Kapag tensiyonado or preoccupied ang utak mas madalas nangyayari ang mental blocks. Kaya breathe in, breathe out, wax in, wax out. Ganun lang, pwede ring mag-take ng yoga lessons. Pwede ring lumaklak ng anesthesia para maging manhid at maging relax ang buong katawan.
  • Healthy lifestyle. Regular na exercise at proper nutrition syempre para laging healthy ang pag-iisip. Healthy ang pakikipagsex dahil exercise na rin ito. Nutritional din ang sex, pero syempre depende naman yun sa gagawa ng act.
  • Explore the world. Tandaan na may outside world pa. Lumabas kahit paminsan-minsan at gawin ang ilang bagay na di pa nagagawa. Kumain ng gulong, maghilod gamit ng steel wool, kayurin ang kahoy gamit ang kuko at abutin ang noo gamit ang dila.
  • Back to Basics. Madalas dahil sa sobrang advance ng ating pag-uutak ay nao-overlook natin ang maraming bagay kaya mainam ang masimula muli sa basic. Pwede ring pakinggan ang recent album ni Christina Aguilera na Back to Basic.
  • Gather updates. Sa mga latest na mga happenings dun din kadalasang nakakakuha ng idea kaya be sure na updated parati. Kunin ang cable ng DSL at i-plug sa ulo para laging makakuha ng latest updates.
  • Shaken up. Minsan kailangan lang na 'maalog' ang utak para maka-recover sa pagkakaroon ng mental block. Ihampas ang ulo sa concrete wall or i-umpog ang ulo sa monitor at for sure na babalik ang kamulatan.
  • When all else fails. Kung wala na talagang paraan, kumuha na lang ng kutsilyo or razor blade at maglaslas na lang. Pero ganito na lang, tanggapin na lang na wala talagang laman ang utak. Acceptance is the only key.
Malaking pasakit talaga ang mental block sa marami. Lalo't kapag nasa trabaho na, hindi lahat ng pagkakataon ay may inspirasyon na mapagkukunan. Imagine shooting bullets with an empty shell.

Pero, hindi lang naman creativity ang pwedeng "paputukin", hindi ba?

Thursday, September 13, 2007

More than a Caffeine Fix


Ang kape na yata ang pinakamahiwagang inumin na nagawa ng tao sunod sa beer or kung ano pang liquors. Bukod yata sa nakakapagpagising ito—ngunit meron ding sa iba ito ay nakakapagpatulog—ay meron pa itong nagagawa sa tao. Ang coffee ay drugs din na tumatawag ng kung sinu-sinong espiritu na sumasapi sa umiinom nito.

Patok na rin ang mga coffee shops ngayon sa kung saan-saan. Naiinis na nga ako dahil sa kadalasang mga nakikita ko sa mga coffee shops lalo na sa sikat na Starbucks ay dun pa nagsusulputan ang mga TH (Trying Hard). Hindi ko alam kung anong klaseng magic or alchemy ang ginagawa ng mga barista sa mga frap at hot cups ng mga nilalang na ito.

Tuwing nagha-hangout kasi kami ng mga friendsters ko sa nasabing coffee shop, napupuna kong may kakaibang nangyayari sa ibang tambay dun. Sa pag-inom nila ng kanilang frap or kahit yung baso ng tubig lang ng Starbucks ay may biglang lumalabas na usok sa paligid nila na sinasamahan pa ng disco lights kulang na lang ay sumigaw sila ng Darna, Captain Barbell at Shaider. Paghawi ng mga lights at usok ay nagbagong anyo na ang mga TH na ito, pero mga sugpo at hipon ang mga mukha nila. Nagbago lang ang kanilang pananalita. Regal Shockers! Biglaang naging spokening-dollars-with-twangs-and-nasal na sila. Lintek! Gusto kong hugutin ang kanilang dila at gawing dental floss sa mga ngipin nila.

Acceptable pa sana kung normal at maayos ang usapan nila, kaso halatang hindi. Obvious na mga kakarimarim na mga TH sila. Nakalunok yata ng megaphone at ipinangangalandakan pa nila ang kanilang mga english na usapan. They are obviously thinking longer than with a casual conversation. Kasi kung normal na pag-uusap lang, spontaneous yun at bastusan na ang usapan—or ganun lang talaga kami mag-usap ng mga barkada ko, bastusan. Sa susunod nga magdadala na ako ng AK-47 para ratratin yung mga TH na mga tumatambay sa mga coffee shops.

Paano ba malalaman ang mga TH's at mga social climbers sa mga coffee shops?

  • Umoorder ng kanin or may dalang kanin at isinasabaw ang kape nila doon.
  • May dalang sachet ng kape at humihingi or naglalagay na lang ng hot water sa mga munting baso.
  • Hindi alam kung paano bigkasin ang macchiato.
  • Puro service water lang ang nasa lamesa nila.
  • Nakabuhol na ang mga dila nila sa ngipin.
  • Nagbabasa ng tagalog romance novel sa loob ng coffee shop.
  • Nagdidikdik ng coffee beans at hinihithit.
Kaya hindi na ako umiinom ng kape or ng crapuccino—lalo na sa mga coffee shops—kasi natakot ako baka sapian din ako ng 'english' TH spirit. Tsaa na lang ang iniinom ko kasi nagre-release ito ng alpha waves na nakakaganda sa mood ng tao. Kung di siguro ako magtsatsaa baka isungalngal ko ang signage ng coffee shop sa bunganga nila.

Wednesday, September 12, 2007

Home Shopping

Kahapon ay may dumating na package mula sa Hongkong. Akala ko ipinadala ito nila Jet Li at Jackie Chan, nagkamali pala ako. Padala pala ito ng aking aunt na nagtatrabaho doon. Sobrang laki ng box, nakaangat na nga yung front wheels ng freight service na nagdala sa aming package. Inakala nga naming elepante o blue whale ang laman ng kahon.

Kumuha na ng cutter ang mga pinsan ko at sundot pa lang ay biglang nagsabugan ang mga nilalaman. Nagtalsikan sa lahat ng sulok ng bahay namin ang lahat ng mga damit na nilalaman nito kasama na ang hanger at mga pinagsasabitan ng mga damit. Naging instant wagwagan o ukay-ukay ang bahay namin. Tumalsik na nga rin yung mga tindera mula sa kahon ngunit sa kasamaang palad ay tumama sila sa aming industrial ceiling fan kaya hindi na sila nabuhay pa.

Napakarami talagang mga damit sa bahay namin ngayon. Samu't saring mga damit, pantalon, bra, panty, sabon, sweat pants, brief, at kung anu-ano pa. Sayang nga dahil walang mga tech gadgets o kahit sex toys man lang lalo na sana yung blow-up doll. Well, sa dami ba namang ipinadala ay napa-shopping na rin ako kagad sa sarili naming bahay. At dahil din amoy hongkong ang mga gamit ay nagpagulong-gulong na rin ako dun para kumapit sa aking balat ang amoy ng Hongkong.

Nagsususukat na kagad ako ng mga damit at pantalon na pwede kong idagdag sa aking wardrobe. Syempre habang naghahalungkat sa bulubundukin ng mga tela at damit hindi mawawalang may makitang kakaiba sa mga ipinadala.

Aakalain ba naman naming makakakita kami ng isang damit na medyo glossy ang dating. Rubber or leatherette yata yun na may animal print at talaga namang mainit kapag isinuot. Damit na perfect pang-sholbam. Sinubukan ko ngang isuot at instantly naging sholbam nga ako. Nasa bungad pa lang ako ng pintuan namin ay biglang nagsulputan ang mga matrona at mga badingger z habang iwinawagayway nila ang mga pera nila, isang daan at singkwenta. Syempre dahil mataas nga ang rate ko ay di ko sila pinatulan at tinanggal ko na kagad ang damit.

Sunod namang natagpuan namin ay yung mga panty na may bulsa. Yung mga bulsa pa man din ay naka-locate dun sa harapan mismo ng panty. Hindi nga namin alam kung ano purpose ng mga bulsa na yun dahil may zipper pa talaga. Naisip nga namin baka yun ang mga gamit ng mga babaeng shoplifters ng pakwan at 1-whole illustration board at dun nila nilalagay. Pero sa palagay ko ang tunay na silbi ng mga pockets na yun ay lalagyanan ng condom. Ganun pala ang mga babae sa Hongkong, laging prepared.

Marami-rami din akong nakuhang mga damit. Mapupuno na naman ang aking wardrobe kaya sa palagay ko kailangan ko ng magpatayo ng bagong mansyon para lang sa aking mga damit. Pero yung sholbam shirt ay iniisip ko pa kung kukunin ko ba o hindi. Pwede ko rin kasing gamitin yun kapag tumambay ako sa Quezon Circle or Timog Ave.

Monday, September 10, 2007

What Makes People Happy?

Nangingiti o najejebs?

Sinong tao ba ang ayaw sumaya? Halos lahat naman yata ng nilalang na nakakapag-isip ay kaligayahan lang ang goal sa buhay—bukod sa ligayang natatamo sa kama. Kung anu-ano na ngang mga kalokohan natin sa buhay para lang maranasan ang isang masayang buhay. Pero anu-ano nga ba ang nakakapagpasaya sa mga tao?
  • Mga kaibigang laging nandyan para pag-usapan ang mga walang kakwenta-kwentang mga nangyayari sa mundo at buhay ng may buhay.
  • Makapagtapos ng college at maging kasapi sa mga unemployed.
  • Ang mga taong nakakainis dahil merong taong pwedeng laitin at pag-usapan.
  • Ang mga pagkaing bawal na patuloy pa rin naman nating kinakain kahit na maraming masamang epekto ito sa ating katawan.
  • Mga inumang walang humpay yung tipong isusumpa mo na ang alak paggising dahil sa tindi ng hangover pero kapag lumipas naman na ay hayan inom na ulit.
  • Manalo ng jackpot prize sa lotto at ilibre ang buong baranggay hanggang sa maubos ulit ang napanalunan.
  • Makapagpa-picture sa sobrang sikat na celebrity, minsan kahit sa mga standees na kagaya ng kay Piyulu Pascual sa Max's Restaurant or sa Jollibee mascot statue.
  • Lumabas sa mga news program ang mukha kapag nakiki-usisa sa mga reporter kapag nasa location ang nire-report niya.
  • Matanggal sa puwesto ang mga nangungurakot at mga nangungulangot lang.
  • Mapalaganap ang World Peace na nais ng mga beauty contestants.
  • Sumayaw sa saliw ng awiting "Umbrella"
  • Maranasan ang first kiss sa juwawhoopers or sa taong crush na crush.
  • Makasama sa kama si Maria Ozawa (kung lalaki o tibo) o Brad Pitt (kung babae o badingger z) sa kama.
  • Makapanood ng porn movie sa IMAX 3D. Imagine everything big.
  • Magkaroon ng orgasm—lalo na kung multiple.
  • Hindi na makita ang pagmumukha nila Cristy Fermin, Jobert Sucaldito, Madam Auring at Sam Melbi sa TV at dyaryo maging ang marinig ang boses nila sa radyo.
  • Magbasa at gawin ang mga sinasabi sa mga walang kakwenta-kwentang sulatin kagaya ng blog na ito.
  • Magkaroon na ng girlfriend at ma-devirginize na si Billycoy Dacuycuy.
Marami pang bagay ang pwedeng makapagpasaya sa atin. Kahit mga simpleng bagay o pagkakulang-kulang natin ay pwede ng pagtawanan. Pero kung napupunang humahagalpak na sa sahig at niluluwa na ang mga bituka, liver, gizzard at lamanloob sa tindi ng pagtawa kahit na mag-isa, malamang napapanahon na para kumunsulta na sa pinakamalapit na doctor. Kung malala na talaga, dalhin na lang sa mekaniko baka kailangan na ng tune-up ang utak.

Ano ba ang nakakapagpasaya sa inyo bukod sa popoy at pera?

Friday, September 07, 2007

Apple Bites

Grabe na itong crisis na pinagdadaanan ng buhay ko. Kung sapat lang ang lakas ng aking demigod powers ay gugunawin ko na ang mundo ngayon. Pero dahil currently tine-train ko pa lang ang mga yun ay di ko pa magagawa ang bagay na yun. Gusto ko ng magwala at ihambalos ang fridge sa kanino mang makita ko sa daan.

Eh sino ba namang tao ang hindi maggalaiti sa galit, may new releases na naman ang Apple. Hindi ito yung Washington or yung Fuji na nabibili sa mga groceries at palengke. Yung Apple na pinamumunuan ni Steve Jobs. Nitong kamakailan lang ay nilabas na niya sa market ang pinakahihintay ng maraming phenomenal na iPhone. Unfortunately, sa ibang bansa pa ito naka-release. Darating ang iPhone sa Asia sa first quarter ng 2008 kaya naman ngayon huwag ng kumain ng lunch at itabi na ang mga allowances para sa susunod na taon. Huwag na ring mamasahe, gumising na lang ng maaga at maglakad na lang papasok sa school o opisina kahit pa nakatira sa Ilocos na pumapasok ng Maynila at balikan pa.

Tapos nitong nakaraang araw lang, lumabas na ang new sets of iPod! Syetness talaga! Lalo na yung iPod Touch na kamukha ng iPhone less the calling at camera features lang. Touch screen na rin at meron ding WiFi. Imagine makakapag-bloghop ako sa mga coffee shops na mayroong libreng WiFi habang lumalagok ng tap water ng Starbucks or Seattle's Best. Higit sa lahat mapapakinggan ko na ang mga favorite kong music ng The Killers, Franz Ferdinand atbp. Higit sa lahat, makakapanood na rin ako ng porn kahit saan.


Naging mura na rin ang mga Macbooks at Macs sa atin simula ng maging Intel na rin ang mga processors nila. Kung noon ay nagkakahalaga ito ng tumataginting na 150K sa Macbook lang ay ngayon bumaba na ito sa kalahati ng presyo, 70K+ pesos na lang ito ngayon. Naglalaway na nga ako sa lahat ng Macs at Apple products sa lahat ng Apple Center. Dinidilaan ko na nga lahat ng windows ng mga Apple Center dahil natatakam na nga ako sa kanila.



Kaya ngayon ay todo kayod at kiskis ako sa aking business lalo't mahina ang sholbam economy. Kung dati'y isa lang akong dakilang bugaw sa boogie wonderland, pati ako mapapasabak na rin sa pagsho-sholbam para magkaroon ng extra income. Palagay ko mataas pa naman ang rate ko lalo't katakam-takam ako at virgin pa. Parang alak lang yan, mas lalong matagal sa storage mas nagiging mahal. Ganun din sa sholbam industry, mas matagal ng virgin mas mahal ang presyo... yata.

Kaya ngayon sisimulan ko ng i-bid ang sarili kong katawan. Kung dati ay binebenta ko ito ng por kilo, ngayon ay buo na. Kailangang ko ng isubasta ang aking katawan para makabili na ako ng mga gusto kong Apple products.


Start na ng bidding, starting ako sa price na 50,000 pesos. The highest bidder wins me for a night.

*sholbam (n.) manwhore, callboy, male prostitute. Credits to the Adbertaysers for this term.

Wednesday, September 05, 2007

Guidelines of Fame

Napakadali na lang ang sumikat sa panahon ngayon. Kung anu-anong mga reality shows ang naglalabasan sa TV tapos marami na rin ang nakikilala sa YouTube. Marami ang sumisikat sa TV, movies, radyo, mga print media at maging sa internet, kaya't hayun kung sinu-sino na lang ang naglalabasang mga celebrity ngayon. Paano nga ba malalaman kung sikat na ang isang celebrity?

  • Nagkakaroon na ng maraming fans at supporters (hindi yung jockstrap)
  • Marami rin ang bumabatikos
  • Laman na ng mga tabloids, dyaryo, magazines, billboards at tissue paper
  • Ginagamit na ang pangalan para sa brand ng hotdogs
  • Pinagkakaguluhan ng media ang private life
  • Pati putok at singaw ng celebrity ay pinakikialaman na rin
  • Bago sumakay ng elevator ay nagpapa-spray muna ng disinfectant air freshener
  • Pinapalayas ang may-ari ng building sa elevator
  • Kinakaaway na rin pati mga kapatid
  • Nakikipagbati sa mga kapatid
  • Nagpapakasal sa mayamang Turko
  • Nakikipaghiwalay sa mayamang Turko
  • Nagkakaroon ng juwawhoopers na dating title holder sa isang beauty pageant
  • Nakikipag-away ang manager sa management
  • Lumilipat na ng istasyon
  • Bilyon-bilyon na ang kinikita sa nagawang computer company
  • Naisasama na sa dictionary ang pangalan
  • Kumakandidato sa election kahit wala naman talagang alam dun
  • Pinagkakaguluhan ng paparazzi
  • Sikat na kapag madalas na mahuli ng pulis dahil sa drunk-driving.
  • Dinadala na sa presinto para makuhanan ng mugshots at makukulong for a few minutes/days.
  • Labas-masok na sa mga rehabilitation centers.
  • Wala ng magawa sa buhay at pumupunta sa iba't ibang parte ng mundo para lang mag-ampon ng bata.
  • Meron ng sex video nang hindi nalalaman
  • Kamukha lang pala ang nakalagay sa sex scandal
  • Gumagamit na ng pabangong Jo Malone at nagrereklamong nasasapawan siya ng mga pabangong Axe at Charlie
  • Pinagkakaisahan ng Lynch Mob.
  • Umiiyak sa harap ng TV dahil daw pinepersonal siya ng isang tao
  • Binabara ang iyakin sa TV
  • Nakiki-ride na rin ang gobyerno
  • Wala na talagang magawa sa buhay
  • VIRGIN PA
Ilan lang yan sa mga palatandaan ng pagiging sikat. Kaya kung taglay niyo ang lahat ng mga iyan ay walang dudang sikat na nga kayo. Kaya kung nais niyong alamin ang kasikatan niyo ay sundin lang ang aking guidelines.

Pero para mas lalo pang sumikat ay gayahin lang ang pinaggagawa ng batang ito.



Hindi ko na yata kailangang gawin ang mga yan. Wala naman akong balak maging sikat pa.

Because I already am.

Monday, September 03, 2007

Getting Twisted with a Question

Ok guys, kinakailangan ko ang inyong atensyon. Ipagpalagay na kayo ang doktor at mayroon kayong 2 obligasyon: (1) ang maging tapat sa inyong pasyente at (2) ang irespeto ang “privacy” ng inyong pasyente. Ang dalawang ito ay ang bumubuo sa iyong ULTIMATE responsibility sa pasyente mo: ang mapangalagaan ang kanilang KARAPATAN at KALUSUGAN (buhay). Tandaan, na sa sitwasyong ito, kayo ang doktor at hindi ang ibang tauhan sa senaryong babanggitin ko, ok?

Dalawa ang inyong pasyente: Si ABC at si XYZ. Silang dalawa ay nakatakdang magpakasal. Nagkasundo sila na magpacheck-up sa iisang doktor. At sa pagkakataon na ito, IKAW ang doktor. Nagpakuha sila ng dugo at nagpasuri (test) kung sila ay mayroong AIDS. Si ABC ay mayroong AIDS, at si XYZ naman ay wala. Ano ang inyong gagawin?

A. Sabihin kay XYZ na ang gusto niyang pakasalang si ABC ay mayroong AIDS, kahit labag ito sa kagustuhan ni ABC. Ito ay dahil sa obligasyon mo na isaalang alangan ang KALUSUGAN ni XYZ.

B. Sabihin kay ABC na mayroon siyang AIDS at ipaubaya na lamang sa kaniya ang pagsasabi kay XYZ. Isaalang alang na maaring ipagkait ni ABC ang katotohanan kay XYZ. Ito ay dahil sa obligasyon mo na irespeto ang privacy ni ABC.

C. Or, ___________________________________ (make-up your own answer).

Sa ibang salita, anong uunahan mo, the patient’s right to privacy or the patient’s right to be informed?


Iyan ang katanungan ni Isagani X noong isang linggo. Kahamon-hamon at nakakaisip talaga ang tanong, at dahil nga ninais ko ring maging doktor noon ay sasagutin ko yung tanong.

Binuno ko ang buong linggo para maisipang maigi ang mga kasagutan dyan at muntikan pa nga akong dalhin sa ospital dahil umaagos palabas ng aking ilong ang dugo at sumasama na naman dun ang mga utak ko. Kinailangan ko na naman ngang magkaroon ng brain transplant. Isinuksok nga nila yung bago kong brain through my nostrils dahil ayokong magkaroon ng surgical scars sa aking mukha.

Ang daming teorya kong naisip para sa mga katanungan ni Isagani. Kaya inisip ko muna ang mga pwedeng dahilan kung bakit nagkaroon ng AIDS si ABC.
  • Kung hindi pa contaminated si XYZ, ibig sabihin wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. Posible ba kaya yun? Kung sa akin nga walang naniniwalang USB pa ako, sa kanila pa kayang malapit ng ikasal?
  • Kung sakali mang may nangyayari na sa kanila noon at hindi naman nahawa si XYZ, maaaring nagloloko itong si ABC at may sumalisi kaya nahawaan siya.
  • May kaugnayan kaya ang pangalang ABC kaya siya nagkaroon ng AIDS?
  • Bakit ABC at XYZ ang pangalan nila? Ano ba ang naisip ng magulang nila at bakit ganung mga name ang binigay sa kanila? Tao ba talaga sila?
Heto naman ang mga posible kong gawin bilang kanilang doktor.
  • Kung sakaling totoo ang aking hunch na may third party sa kanilang relasyon, yun na lang ang sasabihin ko kay XYZ. Ganito ang usapan namin malamang:
AKO: Regular ba ang popoy sessions niyo?
XYZ: Opo doc. Bakit po?
AKO: Alam mo bang may third party sa relasyon niyo?
XYZ: Hindi po yan totoo. Paano niyo po nalaman yan?
AKO: May AIDS si ABC.

  • Kung sakaling babae si XYZ ay aagawin ko na lang siya kay ABC. Ganito naman usapan namin:
AKO: Alam mo bang may third party sa relasyon niyo ni XYZ?
ABC: Hindi po yan totoo. Paano niyo po nalaman yan? Sino kalaguyo niya?
AKO: AKO!!!


Iyan lang naman ang mga posible kong gawin kung sakaling ako ang doctor nila. Para sa akin ang gagawin ko yung letter A na sasabihin na lang kay XYZ. Kung pareho lang din silang magkakaroon ng ganung sakit ay ako rin naman mahihirapan kasi nga ako doctor nila. Mabuti sana kung sipon lang ang sakit na yun. Magkakasakit na nga lang sila ako pa ang papahirapan. Hindi kaya madali ang maging doctor—mangduktor madali pa.

Kaya naman panawagan sa lahat, always practice safe popoy with a pokpok. Hindi lahat ng sakit nalilinis sa paligo lang.

Pasado na ba akong maging doctor?