Friday, August 03, 2007

Taste Not to Forget

Napakasarap ng ulam namin kagabi. Naparami nga ulit ang kain ko at nakailang pabalik-balik na rin ako sa hapag-kainan. Kapag ganun ba naman kasarap ang nakaharap sa dining table ay talagang hindi mapipigilang kumain ng marami. Ano ba ang ulam namin? Simple lang naman, Nilagang Baka!

Ano ba ang kakaiba sa nilagang baka na ito at nabusog ako ng husto?

Ang karne ng baka ng ulam namin ay napakasarap at napakalambot. Mistulang chocolate na natutunaw na lang sa bibig sa kalambutan. Malasang-malasa pa ang karne niya, fresh na fresh at hindi galing sa karne ng matandang baka.

Lasap na lasap ko pa nga yung damong kinain ng baka. Parang sa Pangasinan pa nga galing yung baka, kasi parang ganun lasa nung damo. Sa Tondo pa nga kinatay kasi nalasahan ko rin yung itak na ginamit pangkatay dun sa masarap na baka. Nalalasahan ko kasi yung iba't ibang dugo ng baka sa ginamit na itak. Yung nagkatay naman ay taga-Novaliches, malalasap din kasi yung pawis niyang tumagaktak dun sa karne ng baka.

Yung repolyo naman galing Baguio. Malutong at sariwa pa kasi. Saka nalasahan ko yung matabang lupang pinagtaniman nitong repolyo. Hindi nga yata ginamitan ng artificial fertilizers, kasi matitikman dun sa repolyo yung manure na ginamit pampataba sa lupa. Medyo may konting pesticide pero nahugasan naman ng maayos ang tanim.

Ang patatas rin ay napakasarap, malambot at mashy. Galing Bulacan naman yata itong patatas. mataba rin kasi ang lupang pinagtaniman nito. Pero medyo may nalasahan akong kakaiba, parang dumumi yata yung alagang kambing sa pinagtaniman ng mga patatas nito. Pero as well, masarap pa rin naman yung potato.

Hindi ba't napakasarap ng ulam namin. Pasensya na kung maraming natakam sa simpleng ulam namin kagabi. Mamaya porkchop steak ang ulam namin, gusto niyong malaman ang lasa? Ano ang ulam niyo ngayon? Ano ang lasa?

23 comments:

sherma said...

hala! ang dami ko na namang na-miss na post mo... anyways, ginutom ako sa post mo... hindi pa ako kumakain! hmf! hehehe... pero dahil sa mga ilang nalasahan mo tulad ng damo at yung pawis ng nagkatay nung baka... nawala yung gutom ko... hahaha!

Anonymous said...

hay.. gusto ko pa ring kumain kasi nagugutom ako.. kahit nabasa ko ung blog mo, i still wanted to eat.. but the problem is i dont know what to eat.. tsk tsk

Myx said...

Parang... parang... gutom na ako ulit :D

kamusta naman ang kinain na dahon na lasang galing Pangasinan? :D

Jigs said...

Too much Information! Haha!

Sa sobrang sarap, nakakadiri! Hahaha!

dorkzter said...

ayup! ginutom tuloy ako. hahaha nways happy eating

andianka/jadiebrat said...

ay... hindi pala ko nakapagcomment pakabasa ko... epal.

teka.. sigurado ka bang nangiinggit ka? yung sahog ba talaga kinain mo, o yung pinanggalingan ng sahog ang ginagamit nyo pangsahog. naiintindihan mo ba ang isinasahog ko sa tanong ko?

ano kinakain ko? oatmeal... walang lasa. :P

Lalon said...

I liiike this post.. very original.

galeng-galeng! (*clap-clap*) ^_^

yarnhoj said...

hehehehe...ano ba yun? nalasahan pa pati yung very minute detail ng ulam...kakaibang talent huh, in fairness? sana next time naman eh na-determine mo yung family tree ng nagkatay ng baka and kung saan nanggaling yung hayop na naglabas ng manure as a fertilizer dun sa gulay...hehehehe

Anonymous said...

requirement ba sa masarap na nilagang baka ang tender loving care ng nagluto?

Billycoy said...

david edward > nilagang baka na lang!

micaela > hayun nailabas ko na!

andianka > wow on diet ka?

jojitah > syempre, mas masarap ang pagkain kung hinaluan ng pagmamahal

Mike said...

hindi mahilig nanay ko sa baka kaya medyo madalang kami mag-ulam nun sa bahay. pag lumalabas lang kami dun napapa-order na siya. try mong hatakin mga magulang mo sa Barrio Fiesta, aynaknampo. it's worth the splurge.

nilagang baka tas appetizer soup no.5. what a very arresting combination.

Anonymous said...

Yan ang ulam ko kanina. Sarap lang. :D

niknok said...

hehe masarap nga yan...kaso nabo-bore ako sa mga ganyang ulam! hahaha

Loverboy said...

pork chop ulam ko ngayon. ang saraaaap.

Billycoy said...

mike > ayoko ng soup no. 5 wala pa akong mapopopoy kasi!

niknok > sinabawang gulay para makulay ang buhay!

Anonymous said...

waw.

pwede ka nang sumali sa cast ng "heroes".

tapos ang power mo,

SUPER SPECIFIC TASTE BUDS.

lagot ka, ha-huntingin ka na ni sylar.

hehe.

Charmed One said...

ang tagal ko nang hindi nakakakain ng home cooked meal. kawawa naman ako.

Ederic said...

Tamang-tama, gutom na ako. Makaalis na nga't kakain muna. Hehe. :p

Anonymous said...

Masarap din ang ulam namin kanina. Sinigang na hipon. :P

Anonymous said...

Tenola ang aming ulam. Masarap magluto ang aking ina. Naka-5 dagdang nga ako ng kanin eh. Hehehehe.Ganun siya kasarap.

TanniX said...

Damo na galing sa Pangasinan. Parang kakaibang damo yun ah. Yung Sativa grass ata yun.

Napaka-artistic ng pagkakadescribe! Parang isang busilak na panaginip!

Gusto ko ng corned beef. Gusto kong malasahan ang mais na galing pa sa kung saang lupalop ng mundo!

Anonymous said...

waa.. nakakainis ka naman pambihira. peyborit ko ang patatas sa nilagang baka. patatas lang kinakain ko hehe. at sabaw. hmm. malinamnam. buti na lang di ko alam lasa ng pupu ng goat. kaw talaga. tsk.

Billycoy said...

james > ok lang para siya naman magdusa

tannix > kapag brazilian, galing siyempreng brazil, kapag argentina... galing din sa argentina?

maenoodle > yun nga ang nagpapasarap sa patatas