Wednesday, August 01, 2007

Struck by a Star

Grabe ang init ng panahon ngayon. Tumatagaktak talaga pawis ko kapag di ako natatapat sa electric fan o aircon. Tumingala ako sa langit "parang ganito ang panahong iyon, mainit at humid". Kasabay ng pagpatak ng aking pawis ang pagbabago ng paligid; nagkakaroon muli ng water effect.

The Arrival

Isang taon ng mahigit noong nagbakasyon kami ng barkada ko sa Bicol. Holy week pa nga nu'ng pumunta kami doon. Grabe ang biyahe at nalamog kami ng mahigit kalahating araw sa loob ng sasakyan, giniling na nga yata ang mga kalamnan namin sa haba ng biyahe. Nang dumating na kami sa aming paroroonan, naligo at diretso tulog kagad kami sa tindi ng hapo at pagod.

Nakatulog naman kagad kami tapos maya-maya ginising na kami, mamamasyal daw muna kami. DALAWANG ORAS pa lang ang tulog namin. Gusto ko ngang mag-super saiyan at ibalibag sa ere with matching helicopter kick at i-german suplex ang gumising sa akin dahil bugnutin ako kapag nabibitin ang tulog. Pero dahil nga BFF kami ng mga kasama ko hindi ko na lang ginawa at nag-stroll na lang kami sa ilalim ng buwan na di nagta-transform to wolf overviewing Mayon volcano by the side.

Convenience Store

Pumasok muna kami sa isang convenience store at bumili ng mga anik-anik na makakain at mga pangangailangan namin. Mukha namang normal ang mga namimili doon, so far wala naman kaming namimiling mga manananggal at wakwak. Hindi rin naman mambabarang ang mga tindero sa loob, parang 7-11 lang din ang convenience store na yun.

Maya-maya meron akong weird na naramdaman. Multo ba yun? Hindi naman yata, pero nagbago bigla pakiramdam ko. Paglingon ko sa kabilang aisle merong tatlong kabataan, wala namang kakaiba sa mga nilalang na ito maliban na lang sa isa dahil badaf siya. Hindi naman sila mga tiyanak o maligno pero nagkakagulo sila. Hindi rin ako natatakot sa kanila, nabigla lang ako sa hawak nila. Hindi iyon kutsilyo o mas lalo namang hindi dildo. May hawak silang cellphone camera at kinukuhanan ako ng picture.

Paparazzi Kids?

Gusto ko man sanang mag-strike-a-pose para sa kanila kaso hindi ko magawa kasi nga bagong gising lang ako at magulo pa ang hitsura ko. Kaya naman todo-iwas ako sa pagkuha nila ng picture sa akin at talagang gumalaw-galaw ako para di sila makakuha ng good shot sa akin. Persistent talaga sila sa pagkuha kahit di naman ako artista.

Nakapila na ako sa counter at babayaran ko na ang aking mga nabili. Hayun pa rin sila sinusundan at kinukunan ako ng picture. Nagtatawanan na ang mga repakuls ko sa loob ng convenience store samantalang ako'y nagiging langgam na sa kahihiyan. Palabas na ang kaibigan ko nang bigla niya akong tinuro at nagsisigaw na "STARSTRUCK YAN! STARSTRUCK YAN!" sabay takbo palabas at naiwan ako sa loob ng store. "Syet! Nakakahiya di ako Starstruck, Star Circle ako!" sa isip-isip ko. Nilapitan ako ng badaf at tinanong ako "Kuya, Starstruck ka?" Umiling na lang ako at nag-teleport palabas ng store.

-------------

Ganun pala ang pakiramdam ng mga artista kapag magulo ang kanilang buhok at kinukuhanan ng picture. Kaya pala umiiwas sila sa media kapag bagong gising. Ang sarap pala ng feeling ng mga artista. Sana may mag-ala paparazzi ulit sa akin, pero huwag naman kapag bagong gising ako.

16 comments:

Lalon said...

hmmm reminiscing? :P

haha ka-level mo na talaga si Paris Hilton, Billycoy. =)

Dapat nag-pose ka ng nakaka-windang na "goofy pose" lolz.

john said...

hehehe... nice blog...! 0_o

Anonymous said...

1. madami bang aswang sa Bicol? diba sa Capiz?

2. di kaya kahawig mo si jennilyn mercado o di kaya si iwa moto?

3. wala na'ko maisip. :P

Billycoy said...

lalon > paanong pose? yung kita na balls ko?

jojitah > jetsetters na rin ang mga aswang ngayon. iwa and jennylyn? lalaki po ako!

Paolo... said...

cool!

sana pala nagtry kang magaudition sa bench model search!ü

Anonymous said...

at anak ng tipaklong! anong akala mo samin aswang? bumalik ka dito at itatapon kita sa mayon. sino naman kayang kabataan ang nagkukuha sayo ng litrato? (anong convenient store at ipasasara ko).. naku nga naman mga bata ngayon. di na marunong pumili. nyahahaha!

punta ka ulit. kukunan kita pic... hahahaha! :P

Jigs said...

Haha! Starstruk yan! Haha! Ibang klase ang kaibigan mo! Ang galing!

At least we you know you're starstruck material! :)

Anonymous said...

napadaan lang.

ayos pala dito hehe. nakakatuwang basahin ang entries mo :D

naks! starstruck material ka naman pala eh. hehe

Jehzeel Laurente said...

billycoy!!! hehehe.. di kita nakita ah.. si heneroso lang nakita ko.. hehehe :P

niknok said...

ganun tlaga mga taga probinsya pag nakakita ng bagong mukha! naka-rugby siguro yung nagtanong sayo kung starstruck ka hehe

Anna said...

pang-artista ka pala! ang galing naman!

magpapa-autograph pa naman ako sa iyo. oi ndi biro yun ah, nakiusap ako kay namre (pinoyBlogero) na kunin ka ng picture at magpa-autograph kaso mukhang ndi niya kinaya ang appeal mo kaya hindi niya nagawa. hehe

Anonymous said...

Haha, may aswang ba sa Bicol?

Mainit nga ngayon. Hindi bumabagyo. Dati pag ganitong buwan e happyng happy ako sa ulan.

Inimport ko yung archives ko sa bagong blog. :D

Talamasca said...

WTF? Nangyari talaga 'to? You're seewww pulling my leg! LOL!

Anonymous said...

sabik na sabik ang mga tao dun sa artista. pati yata si jorel tan, kilala nila. at idol siguro nila si l.a lopez.

Billycoy said...

paolo... > ayokong maging horror reality contest ang bench model search.

andianka > sige tapon mo ako sa mayon, di pa ako nakakakita ng crater ng bulkan

niknok > palagay ko nga nakahithit ng swelas ng tsinelas

sirena > naku, clone ko lang ang nakikita nila. 0.01% lang yun ng kagwapuhan ko.

gean > nung dumating yata ako nagkaroon.

talamasca > yap nangyari talaga ito!

Anonymous said...

aba. artistahin ka pala! hehe.

madalas ako sa bicol nung bata pa ko. nakakatakot lang sa gabi.. ung tunog ng mga tuko. dami nun dun eh. pero ngaun sosyal na bahay nung pinagbabakasyunan namin dun di ko na naririnig ung tuko sa gabi. ang ganda mamasyal sa bicol. kakamis naman.