Ang araw ay dapat laging magsimula ng maganda, dahil kapag nagsimula ito ng di maayos ay malamang buong araw na ang topak. Kaya naman mas masarap sa pakiramdam na start a day bright and smiling para magandang aura din maipapakita natin sa iba.
Mistaken
Pagmulat ko ng aking mga mata kaninang umaga, bumaba kagad ako mula sa aming kwarto. Dumiretso sa CR at ginawa ang morning ritual—ang maghilamos ng weewee... este ang magweewee at maghilamos. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin, tiningnan ang kahubdan ng aking sexy body, nagflex ng muscles at nag-unat-unat. Bago ako pumunta sa kusina para i-ready ang aking almusal tiningnan ko muna ang dyaryo namin. Bumagsak bigla ang aming kabahayan at nadaganan ako ng mga debris kaya naman hindi na ako makahinga sa mga nabasa ko.
Kamukhang kamukha daw kasi ng bangkay ang isang nawawalang kaanak na taga-Las Piñas. May tama ng baril ang nasabing bangkay. Naisipan daw muling tawagan ng isang kamag-anak ang selepono ng sinasabing bangkay pero laking gulat daw ng mga kamag-anak nito ng may sumagot dito at nabatid nilang alive and still kicking pa sa lugar ng Masbate. May napuna nga rin daw ang isang kamag-anak nito na ang nunal nito sa kaliwang pisngi ay nalipat sa kanan kaya naman na-realize nga nilang hindi pala talaga nila kamag-anak ang nasabing bangkay.
Kaya naman hindi ko napigilang matawa sa nabasang balita nitong umaga. Kung ganyan ba naman ang sasalubong na headline sa akin tuwing umaga eh di ang saya-saya na ng daigdig ko. Nalaglag na yata ang bituka ko sa sahig, natae na rin yata ako at bumaho ang buong kabahayan sa aking katatawa sa balitang ito. Hay naku, mga balita talaga ngayong panahon na ito.
Ang tanong ko lang, sino ang may kasalanan? Ang bangkay o yung nunal?
Smile
Pagdating sa turismo ay talong-talo tayo ng ating mga kapitbahay na bansa lalo na sa bansang Thailand. Though, kilala ang bansa natin very hospitable at palangiti sa kabila lahat ng mga trahedyang dumadaan at krisis sa ekonomiya. Pero nito ko lang nalaman ay daig pa rin pala tayo ng mga Thai pagdating sa pagngiti at yun pa ang tumutulong sa kanila para lalong umangat ang kanilang turismo.
Siguro panahon na para baguhin na nating mga Pinoy ang ating mga ngiti. Kaya naman panawagan ko sa aking mga kababayan at sa Department of Tourism ay unti-unti na nating pag-aralan at higitan pa ang smile ng mga Thais para umangat pa lalo ang turismo natin. Heto ang isang sample kung paano ngumiti ang mga Thais.
Smile na rin kayo!
22 comments:
Oh wow! Akalain mong nagkamistaken identity pa ang mga bangkay! Talagang merong mga pagkakataon na kapag hindi artista ang kamukha mo eh bangkay naman.
May mga Thai na kamag-anak pala ang sikat na supervillain na si Joker. Medyo makalat nga lang ang sa mga Thais.
buti nga hindi na inabot ng pag-agnas. e paano kung sa tooot! may nunal. tsk!
iniisip ko kung yan din yung balitang napanuod ko sa Tv.. may mga ilang pagkakaiba kasi...
una, hindi pa isinasauli ang bangkay sa halip ay nakaburol pa rin ito dun sa bahay ng kumupkop at ang sabi pa nga kung walang kikilala sa bangkay, siya pa raw ang magpapalibang...
isa pa, sa Romblon at hindi Masbate tulad ng iyong isinulat ang lugar kung nasaan ang nawawala-slash-namatay-slash-nabuhay na kaptid...
ano bang diyaryo yan?
sa TV patrol world ko kasi napanuod eh,,,
ngayon sino ang may kasalanan, ang bumasa o ang nakapanuod?
he he he...
link kita pero koy okie lang?
Lol. Parang diyaryo lang ah!
Sana ganyan ang dyaryo sa Pilipinas no. Para nakakatawa. :p
MASBATE!? Hello!?!?!?!
tannix > di pa siguro nila namamaster ang tamang pagngiti
jojitah > yikes! sino naman kaya titingin dun?
kingdaddyrich > sa bulgar ko nabasa, baka magkaibang insidente yun. nyaherr! sige link lang
utakgago > asan ka ba? nasa pinas naman ang balita na yun ah?
Okey ka BaliwCoy ah. Astig. Rak en Rol Pare.
impernes, wala yung mistaken identity story dun sa kwento ng nanay ko. (hehe parang wala ka sa lolo ko epek)
nung dalaginding pa daw siya ay dumalo siya sa isang libing, at ayun, nagising yung bangkay habang nasa simbahan na. hindi raw kasi inembalsamo at mineykapan. hehe. totoo daw to. :-)
hi there! nice blog link ex??? msg me if ok. have a nice day!
nabaliw ako kakatawa sa balitang yon! seryoso nga? hanggang ngayon natatawa parin ako!!!....kawawang bangkay...sumalangit nawa...
walangya.. kadirdirs to the maximum level naman ung ngiti na un. haha. kadiri talaga.. waaaa.
jael29 > sino ba kasi ang gustong mailibing or maburol ng walang make-up, sa dami ba naman ng tumitingin kailangan laging mukhang maayos
niknok > yap totoo yun, nabasa ko talaga yan sa headline.
eto din nga yung nakita ko bago ko umalis for work sa tv patrol.. pero di ko nakita yung details. narinig ko lang din yung dating nung headline. mamatay matay din ako sa kakatawa...
grabeh tagal ko ding di nakadaan dito.. dami kasi asikaso.
eway, cge biwicoy... smile ka na... talunin mo ang mga thai.. nyahahhah!
pano na lang kung halakhak yun? ewwww.... mas morbid...
grabe!
sa pilipinas lang nangyayari yang ha... pati ba naman bangkay
grabe naman ang mga kamag-anak na yun. in fairness, natanggap nila agad ang pagkawala nung relative nila. kung may sumigaw kaya doon na hindi sya yan! <*iyak*> hindi!!!!!! baka naiwasan yun... =)
but at least, hindi napaglamayan sya ng maayos... God bless the soul...
OMFGWTFK!!!1! That's just bloody fucked up alright, not to mention utter stupidity at its grandest. Makes me question the volume of truth of this old adage, the one how "truth is often stranger than fiction." Yeeeeee. O_O
hehe. totoo ba yun???!!!
buti nalng at weekends at naka blog hop na ule ako. hehe ;)
SMILE.. hehe
oyy musta?!
kung makatawa naman yang mga yan parang di na uulit!
hmmmm
tama
dapat masaya lagi sa umaga
astig ung headline
parang tanga lang
hmmm
ung sa thai
hmmm
kinomersyal kaya tlga nila yun?
Halo Billucoy, napadaan ulit dito. Musta na diyan ?
andianka > ayokong mag-smile kasi pag nakita na akong ngumiti nahahalina na ang lahat sa akin mapa-babae man o lalaki.
zeus > i think kinomersiyal nila yun, di lang kasi tayo sanay sa mga ganung ads.
gwapasila > heto ok lang, lalong gumagwapo each day.
hehe. aus yung clip. natawa ako du ah.
smile.
Post a Comment