Wednesday, August 22, 2007

Music 101: Back to Basics


Music is a universal language. Dumarami na rin ang mga music-lovers ngayon kaya naman mabentang mabenta ang mga mp3 players at iPod, pati nga mga selepono ay may mp3 playback features na rin bukod sa camera at yabang features nito. Kung ako nga hindi nakakapagsimula ng araw at trabaho na walang pinapakinggang music sa aking computer.

Pero siyempre ang pagpapatugtug dapat tiyempo rin sa mood or ginagawa sa pagkakataong yun. Hindi masarap makinig sa music kung hindi akma sa emotions, kaya dapat laging terno ang tugtug, parang fashion lang, pinoy breakfast meals at ulam-sawsawan combinations.

In celebration
Dapat ang mga tugtugin dito ay yung masasaya. Piliin ang mga kantang nakakaindak or kung hindi man yung kayang sabayan ang lyrics. Kadalasan mga electronica at mga mainstream music ang tinutugtug. Basta make sure na naririnig din ng marami ang music hindi yung naka-earplug lang dahil magmumukha lang timang kung solo lang na nagsasasayaw at nagse-celebrate mag-isa.

During travel
Kapag mahaba ang mga biyahe dapat may katerno ring magandang music. Maganda sa pagbabiyahe ang mga fast track na music, gaya ng mga rock or anything na mabilis para di maramdaman ang haba ng biyahe. Pwede rin yung mga hiphop na bumabayo ang bass kung ifo-flaunt ang quality speakers ng sasakyan. Huwag lang magpatugtug ng remix na nabibili sa bangketa baka mapagkamalang motorbike na may speaker at glowing lights ang inyong kotse.

When pumping irons
Dapat kapag nasa workout or any exercise yung mga thumping at hard rock sounds ang pinapakinggan. Para yung rhythm ng breathing ay sumunod din sa tugtug. Saka ang sagwa naman yata kung sa gym pa mapapakinggan yung mga kanta nila Celine Dion, Mariah Carey, Regine Velasquez at Sarah Geronimo. Unless nagpa-practice ng song interpretation habang nagbubuhat ng mga metal plates.

As a sleep inducer
Bukod sa pagbabasa at gatas, mainam din ang pagkinig sa music. Lalo na yung mga instrumental. Pero dapat ang music na pakikinggan ay hindi yung may lyrics or yung alam kantahin. Kasi ang tendency nu'n ay magkakakanta lang imbis na matulog. Mapapatay kayo ng kasambahayan at baka masakerin pa kayo ng baranggay pag nagngangawa kayo para makatulog.

Sensual nights
During steamy nights dapat may sensual music din para mas gaganahan. Pwede ang mga jazz or something romantic instrumentals or mala-"Careless Whisper". Pero walang masama kung maging thrill seeker, pwedeng patugtugin ang "Toxic" or "I'm a Slave" ni Britney Spears kung mag-striptease ang juwawhoopers para sa guys ay pwede naman ang "Quit Playing Games with my Heart" ng Backstreet Boys.

Killing session
Kung likas namang serial killer magandang patugtugin yung mga BGM ng mga slasher/horror movies. Gaya na lang nung BGM sa movie ng "Jaws". Mga heavy metal music ay angkop rin. Mas mafi-feel ang pag-stab kapag ganyan ang mga tugtug. Sabayan lang ang galit ng musika sure na hindi magsu-survive ang biktima—unless mga kanta ng Spice Girls ang pinapatugtug.

Emo-wrist slashing sessions
Syempre emo songs din bagay dito. Ang dami ng emo-rock bands ngayon kaya sabayan lang ang mga yun. Pero mas better kung pakikinggan ang mga violin instrumentals dito. Sabayan lang at imagine lang na nagba-violin sa wrist gamit ang razor blades or kahit anumang matalas na bagay surebet na successful ang pagpapakamatay.


Kaya naman mahalaga ang music sa ating mga buhay. Hindi lang nito napapalabas ang emosyong taglay natin kundi napapakita rin nito ang mga nais nating iparating. Pero sana lang may magregalo sa akin ng iPod Video 60gigs para naman mas lumigaya ako. Puno na rin kasi mga hard disk ko sa dami ng mga mp3—wala pong porn dun.

11 comments:

Anonymous said...

masarap talaga makinig ng music....


gudlaksa tenga mo pag binigyan ka na ng iPOD na may 60G b yun hahahaha

Doubting Thomas said...

syete. bawal kasi mag stream ng kahit na anong media dito sa office kaya hindi ako makapakinig. tempt na tempt na talaga ako makinig. hehehe. kaso na PM na ako ng boss ko, tinatanong bakit ang taas daw ng register ng bandwidth sa pc ko. hehe.

yung selefaun ko naman sira yung may pwetan (yung saksakan ng headset) kaya hindi rin ako makapakinig dun.

kakanta nalang ako. :P

ek manalaysay said...

ako may itunes dito sa office... buti na lang at mac ang gamit naming desktop so itunes is not a problem... kapag bumibyahe naman asa n lng sa mga jeeps... wala din akong ipod! huhuhuhuhu... pero ok lang... nakakabingi daw ito... tsaka daw ang sobrang sex nakakabingi din!

niknok said...

da best talaga ang instrumentals pampatulog!

Anonymous said...

ako rin engeng iPod...

kahit selepono na lang...

ha ha ha

link na lang kita...

okies lang ba iho?

Anonymous said...

ang sarap ng ipod no. hindi naman sya nakakabingi kasi pwede mo namang iset kung gaano kalakas ang volume.
instrumental masarap talaga na pampatulog at pangrelax..

Anonymous said...

kmusta naman un? right now, i have 765 songs in my Microsoft Zune. Not included pa ung movies... it really helps pag matutulog na ko sa gabi, since i think i have a sleeping problem. imagine, hirap akong makatulog and once nakatulog naman ko parang ayokng bumangon.. tsktsk..
OO nga pala, advantage ng Zune sa Ipod is mas malaki ung screen nya and meron din cyang radio.. :)
Disadvantage lang, di pedeng gawing external HD ung zune, 30 GB kasi ung size nya..

Billycoy said...

doubting thomas > baka bumaha na naman!

yatot > hindi yan totoo, kaya kong patunayan yan.... oops!

kingdaddyrich > sige lang... buy mo ko ipod kasi king ka na at rich pa

david edward > akin na lang zune mo! sayang naman konti pa lang ang songs mo!

sherma said...

as sleep inducer... guilty of that... lahat naman pala, expect dun sa, ano nga ulit yun? <*nagbasa*> hmmm.. sensual nights... pero pinakaguilty ako sa sleep inducer...

Jigs said...

pareho pala tayong nakikinig ng music during killing sessions!

Anonymous said...

hahaha ako may iPod video. bleh. hahaha!

uhm.. can't live w.out music! gusto ko dumadagungdong ung bass e. hahah!