Tapos na naman ang buwan ng Agosto, tapos na ang buwan ng wika. Ibig sabihin ay simula na ng Ber months. Malamang sa unang araw ng pagpasok ng September ay magpapatugtog na ang mga radio stations ng mga Christmas songs. Medyo magsisimula na rin ang christmas shopping sa mga tiangge at pagsiksikan sa Divisoria.
Pero wait chocolate! Malayo pa ang December, meron pang October at November. Siguro mas dapat munang paghandaan Halloween bago ang pasko. Kaya naman nagtatampo ang mga maligno at mga multo kasi mas inuuna pa ang paghahanda sa pagdarating ni Santa Claus. Kaya hayun, dinadalaw kayo sa gabi at ginagapang sa ilalim ng kumot at maghahagikgikan naman kayo... Teka, iba palang maligno ang tinutukoy ko.
Anyway, mas dapat paghandaan ang halloween kaysa sa pasko. Bukod sa mas mauuna ito, mas madugo ang paghahanda dito lalo na sa mga lugar na mayroong trick or treat. Paano nga ba dapat ang gawing paghahanda dito?
- Simula sa pagpasok ng September ay huwag ng maglinis ng bahay. Hayaang pamahayan ng alikabok, mga agiw at ng mga insects ang tahanan. Effective na magmumukhang haunted house bago sumapit ang araw ng halloween.
- Pabayaan na rin ang mga halaman na tumubo in wild directions o palaguin ang mga lumot na tumutubo sa mga pader ng bahay.
- Idisplay sa harapan ng bahay ang mga patay na daga o ng kahit anung kahayupan sa loob ng bahay. Kung may pugot ng ulo ay isabit na rin sa taas ng gate para effective na nakakatakot talaga ang bahay.
- Huwag na ring mag-flush ng toilet, kasama ang masangsang na amoy para sa isang nakakatakot na bahay.
- Mag-breed ng mga tarantula at mga ahas sa loob ng bahay or garden.
- Hayaang humaba ang buhok at huwag ng magsusuklay hanggang sa magmukha na itong overgrown bulbul na ipinatong sa ulo.
- Pabayaan na rin ang mga tartar sa ngipin na kumapal ng todo yung tipong kailangan na ng jackhammer para lang matanggal ito.
- Laging magsuot ng black or magsuot ng goth fashion.
- Laging magdala ng manyikang gawa sa buhok at karayom sa kung saan man magpupunta.
- I-handa na rin ang mga halloween cards na naglalaman ng mga nakakatakot na messages, gaya ng mga salitang "Kukunin ka ni Boogeyman at hahatakin ka sa ilalim ng kama" o "Mare-rape ka ni Madam Auring/Cristy Fermin/Jobert Sucaldito"
- Kung walang panahon para gawin o paghandaan ang mga bagay na yan, lumabas na lang ng bahay na walang saplot sa araw ng halloween. Tiyak na matatakot lahat ng tao kapag ginawa yun.
Para naman sa nag-nominate sa akin, lubos na pasasalamat sa iyo at sisiguraduhin kong makakatikim ka ng masarap na uppercut with helicopter kick at german suplex with ocho-ocho.