Sa mga nilalang na taghiyawatin at mga pimpolin dyan bagay sa inyo itong post ko ngayon dahil pwede na kayong yumaman. Basta magbasa na lang kayo kung paano kayo yayaman.
Kilala ang bansa natin bilang Pearl of the Orient, malamang alam niyo na kung bakit at di ko na yun i-eexplain pa dahil alam niyo naman na siguro yun, at kung hindi pa naman ay bahala na kayo, kumuha na lang kayo ng kawali at ipukpuk niyo sa ulo gamit ng inyong sakong. Kung paano iyun hindi ko na rin alam.
Isa ang perlas sa mga precious jewels at marami ang bansa nito. May mga worth 100 pesos meron din naman yung mas mahal pa sa buong buhay niyo at hindi niyo na mababayaran forever and ever and ever dahil sa mahal ng presyo. Kung can't afford naman meron din naman dyang mga bulitas o kaya holen na pwede niyong gawing alahas.
Ang perlas nabubuo yan sa shells. Isa silang irritation sa sensitive inner tissue ng mga shells. Kapag napapasukan sila ng foreign object (gaya ng butil ng buhangin), nagfoform sila ng protective layer dun sa irritation na yun. Habang tumatagal, kumakapal at nagpapatung-patong ang mga layers hanggang sa mabuo ng pearl. Ang perlas ay taghiyawat ng mga shells.
So kung pimpolin kayo, pagkakataon niyo na para yumaman at pagkakitaan niyo ang mga pimples niyo. Hindi yan peste sa mukha ikayayaman niyo yan. Kaya kung gusto niyong yumaman heto gawin niyo:
- Huwag maghilamos ng mukha, hayaang maging madumi ang face at magculture na kayo ng pimples.
- Good thing kung acne-prone ang balat niyo, mas malaki ang kikitain niyo, kaya i-culture na. Kung hindi naman kumain kayo ng isang drum ng mani at nga mga oily foods. (Though hindi pa proven kung may kaugnayan nga ang mga kinakain sa pagkakaroon ng zits, marahil ito ay sa allergic reaction sa kinain.)
- Kapag may tumubo na ang pimple o zit, huwag itong gagalawin o titirisin. Hayaan itong lumaki kasing laki ng golf ball at kung kakayanin niyo pa hanggang bowling ball. Mas mahal kasi ang Pearl of Allah!
- Huwag pa ring maghilamos ng mukha lalo kung hindi pa nahihinog.
- Kapag hinog na, maari niyo ng i-harvest ang nanigas na nana... este perlas sa inyong mukha at maari ng ibenta.
21 comments:
pearl of allah billycoy, not budhha
TY mandaya! edited na po ;)
hahaha! A post I believe a jessica soho report inspired!
Cheers!
Hahaha! Nice one. Just passing by.
sus ko poh! patatawanin nanaman ako nito sa daan! pag ako naitapon sa mental kasalanan mo ito billycoy! hahaha!
craters and zits... di maalis sa utak ko... sabog!
saya naman billycoy!! pwede kana magtayo ng Carrer Training Center.. lol.. irerekomenda kita.. hahahahahahaha
yes tips agen. hahaha. kababuyan tips na naman po ito wujoinks
napapadalas yata ang ganito mong posts, ah... nagiging wholesome ka na, ah! hahaha!
andianka > naku infected ka na nga, di na maiiwasan yan
chino > thanks pero highly recommended na ako ni Eddie Gil
sherma > dati pa naman akong wholesome!
Bwahahaha. Shit I think I peed my pants!!! But ew, gross! Thanks, but no thanks!
haha. adik ka pareng combatron! adeeeeek!!!!
haha!
apir!
naku, makapagbenta nga ng mga produkto mo nang yumaman namn ako
cool... ganun pala un.. very informative :)
That is soooo kadirrrrrrri! Haha gawin daw bang kumikitang kabuhayan ang zit? Hmp napanood mo yung sa Jessica Soho noh? Parang dyan galing yung inspiration mo sa post na to ah....
Disturbing. Na-iimagine ko ang paga-accumulate ng nana sa mukha.. Ugh. Gross talaga. Haha!
Salamat Billycoy! You just ruined my breakfast. LOL. :P
oo naman, sagot yan sa krisis natin sa langis!
super hate ko ang mga taong may pimples.
:)
ewan ko ba.
turn off yun.
bulitas > di mo na kailangang magbenta ng produkto ko kung kaya mong magculture ng perlas sa iyong mukha
l.a. > oo dun nga galing, pero ang patubuin ang perlas sa ating mukha hindi niya naman tinalakay
jhed > lam mo naman 'tong blog ko, masarap kasabay habang kumakain
lateralus > hinding-hindi na tayo maghihirap pa kapag ganitong business ang itinayo
haha.. ewan ko sayo billycoy :P
pero enjoy ako sa mga post mo haha :)
wehehehe
hahaha lolz...yuckkkkk...
yuckkkk....lolz pero verry funny...hahaa made me giggle
Post a Comment