Monday, March 26, 2007

Attending the Sunday's Concert

Ang mga Pinoy, lumaki sa mga noontime variety show. Tanungin man ang sinumang Pinoy na nagkalat sa kalsada, bata o matanda, lalaki o babae, may ngipin o wala, regular o irregular, single o married, normal o timang, may TV o wala, alam nila ang noontime variety show. Kultura na nga natin yan at bawat isa may kanya-kanyang paboritong variety show, GMA, ABS-CBN, IBC-13 at iba pang free TV stations.

Monday to Saturday, naghahari ang Eat Bulaga at Wowowee – pero more on game show itong Wowowee. Pero kapag Linggo na ang noontime variety shows, nagtatransform na akala mo bilog ang buwan at may lalabas na usok sa paligid at nagiging Koko Crunch… este Concert TV ang mga ito. ABS-CBN merong ASAP (Ako’y Sex Addict Po) at GMA merong SOP (Sex Orgy Please). Hindi ko nga maintindihan kung paano nagging concert TV ang mga variety shows na ito samantalang mga lalaki at mga babaeng nagngangawaan na tila mga buntis at nagle-labor ng natural at hindi C-section.

Hindi ako nanonood ng mga “Concert TV” na ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

  1. Lahat ng mga performers dito puro Birit Kings and Queens. Lahat na lang ngumangawa at tumitili. Kahit nga mga RnB, Soul, Rock artists nila bumibirit. Kaya siguro dumadami mga palengkera at bungangera sa panahon ngayon.
  2. Pinapakanta at pinagli-lipsync ang mga matinee idols at love teams. Isinama pa si Richard Gomez – buti wala siya ngayon. Malapit na pati mga palaka, bayawak, butiki, bubuli, dinosaur at iba pang mga uri ng reptiles at amphibians kakanta na rin.
  3. Pinapasayaw ang mga bakal ang buto at mga di nalalangisan ang mga joints sa katawan.
  4. May album na si Dennis Trillo. Ewan ko kung matino o mas hibang pa sa mga pasyente ng asylum ng Makati Med ang mga producers nito. Alam kong kasali siya – o may banda siya dati – pero sa pagkakaalam ko drummer siya at hindi vocalist. Hindi ko na lilibakin si Dennis Trillo dahil kapwa ko Taurean at ilang araw lang ang pagitan ng birthday namin.
  5. Ang mga champions at mga nanalo sa mga singing contest na lalaki ay naka-bra’t panty sa ilalim ng mga suits at damit nila. Malamang din na kapag inalis na nila ang mga pantalon nila naka-palda with peticott pa.
  6. At higit sa lahat, lingo-linggo na lang may birthday. Mapatapat lang sa week or malapit sa araw ng lingo ipagdidiwang na nila ito, with matching cakes, phone patch at video greetings ng mga kaibigan at mga pinaplastikang tao. Kahit yata kapatid ng kaibigan ng pinsan ng tiyuhin ng bayaw ng fans niya sinasama sa mga greetings.
Nang dahil sa mga iyan hindi na ako nanonood at mas pinipili kong makinig ng makalumang tugtugin na pinapakinggan ng mga peyrents ko sa Star FM kapag linggo. Unless ganito ang gagawin nila sa opening jingle ng SOP:

“Sex Orgy, Sex Orgy, Sex Orgyy…
Sex Or-gy, dito sa GMA! (2x)”

Nakakainis na talaga. Pero ilang months na lang birthday ko na, saan kaya mas magandang i-celebrate ito, SOP o ASAP?

-----------------------------------
Maiba muna, Philippine Blog Awards 2007 na sa Sabado. Hindi po ako pinalad na maging finalist. Sayang nga lang yung mga inalay kong mga dugo ng birhen sa altar ng dakilang Juday dahil hindi niya naman binigyang pansin ang aking hiling. Pero dahil naihanda ko na ang kasuotan ng alipin ko kaya kailangan niyang umattend. Isa pa sayang ang mga premyong iPod at cellphone. Kaya nga ipinadala ko na sa kanang kamay ko ang gatling gun para siguradong kami ang mag-uuwi nun dahil kung hindi, masaker ang mangyayari sa awards night!

E-mail niyo ko dito crost22@gmail.com

15 comments:

ek manalaysay said...

sa ASAP mas magandang magcelebrate! bwehehehe... kapamilya ako eh! kainis si dennis trillo may album na?! yuck! ngork ngork ngork!

Riker said...

billycoy.. halatang tigang ka sa psot mo..hahahahahahahaha


ako buraot na buraot na sa asap at sop...pero dhl si mama nanonood...wala akong magawa kndi manuod dn... lol

Anonymous said...

salamat sa cable nakaliligtas ako sa mga shows na yan! nyahahaha!

kelan ba birthday mo at magpprepare kami ng video footage at sino gusto mo contact namin para sa phone patch? :)

L.A said...

Sa SOP ka na lang mas-masaya kasi ORGY dun haha!

Nga pala yung invites sa PBA '07 alam ko e-tickets din and wala pa yata silang nilalabas na mga tickets, siguro parang last Blog Parteeh din yung gagawin nila...I'll let you know kung may alam na ko...Alam ko kasi may nag-eemail na yata nung etickets eh...But am not sure pa ha

Talamasca said...

I've got one word for these people: WANNABEASTS. Gawd if only words could kill! :-D

Jhed said...

Hindi ko na pinagkakaabalahang panoorin ang mga ganitong palabas. Manonood na lang ako ng porn. LOL.

dorkzter said...

yoko din ng mga concert shows. n22log nlang ako twing sundays.. naks happi birthday

Anonymous said...

nakakatawa, apir!:)

Anonymous said...

I only watch SOP because of Kyla. She sings. Period.


Hahahahaahahahaha.

ikay the dancer said...

wala akong TV. lol.

Donya Quixote said...

hahaaha

pakinggan mo ang "production number" ng itchyworms. masaya. ;)

... said...

am back...well, kung ako tatanungin...sa SOP, kasi mas sikat mga tao dun...isa pa, mas malalaki ang cake...hehehe

Anonymous said...

tae talaga mga trapo.

marco inc. said...

i'd watch either. Kasi ang hahaba ng commercial breaks! Pagshow na switch sa kabila...!

Anonymous said...

kung akong tatanungin... sa ASAP na lang! mas masaya lang! :P
at natawa ako dito ng sobra! akalain mo sa dami ng naisip mo tungkol sa mga sunday conert na yan!!! sa huli naisip mo pala kung sa aling show ka magcecelebrate ng birthday! haha!
asteeg ka! ;)