Friday, March 23, 2007

Wheel of Fate

Meron ang nag-iisang frustration sa buhay. Higit at natabunan niya pa ang frustration ko sa pagiging virgin at USB (Unloved Since Birth). Nang dahil sa frustration ko sa bagay na ito, maraming aspeto ng aking buhay ang naapektuhan. Matindi ang epekto nito sa akin at talaga namang nakakabagabag ang mga ito. Kaya't kumapit na kayo sa inyong mga silya at lamesa dahil matinding bagyo ang mababasa niyo dito at liparin ang bawat parte ng katawan niyo papunta sa Pasig River at kainin ng mga piranha dun.

Hindi ako marunong magbisikleta. Sa buong 23 taon kong buhay sa ibabaw ng crust at pananatili sa biosphere ng planetang earth, hindi ako natutong magbisikleta sa bike na dalawang gulong lamang. Kaya ko naman yun kung meron pa yung dalawang extrang gulong na maliit, magagawa ko pang magbalanse o hindi kaya pedicab, dahil tatlo ang gulong nun. Pero kapag dalawa lang, kapag ipinilit ko malamang ako'y mapapasubasob at masisira lang ang aking irresistably attractive highly stimulating uber handsome face at baka mawalan pa ako ng seductively arousing sex-appeal.

Nang dahil sa di ko pagkatuto magbike, ang laki ng epekto nito sa akin.

Walang balanse. Sa bike mahalaga ang balance, kapag wala nito, maaaring tumumba sa kahit anong side nito at magiging duguan dahil magagalusan. Kaya naman naging clumsy ako at walang balanse sa maraming bagay. Nauuntog, natatapilok, nakakatabig, nakakaapak at kung anu-ano pang bagay na clumsy talaga. Pero sa aking palagay, malakas na sex appeal itong pagiging clumsy ko, nawawala kasi ang respeto ng tao sa akin.

Hindi ako nakakalayo ng bahay. Dahil nga hindi ako marunong magbisikleta ang pinakamalayong napupuntahan ko lang mula sa bahay, ay ang likod-bahay lang namin. Nandun lang ako nakatunganga sa langit at nag-aabang ng babagsak na babae o kaya pera mula sa mga ulap.

Isa akong powerwalker. Mahilig akong maglakad, mabilis pa. Kahit malayo kaya kong lakarin, huwag lang naman mula Aparri hanggang Albay dahil ayaw ko namang magkapaltos-paltos ang paa ko at matunaw ang swelas ng sapatos ko. Pero dahil sa hilig kong maglakad at hindi natutong magbike, natuto naman akong magstrike-a-pose ala male fashion model. Lahat ng kalsada sa akin nagta-transform to catwalk.

Naging single at virgin. Heto ang malufet na epekto ng di ko pagkatuto sa pagba-bike. Naging USB at extremely delicious virgin ako dahil dito.

Pero napagtanto ko sa aking ultimately pathetic life na ang aking iibigin at magiging ang kaabang-abang kong soulmate ay ang babaeng magtuturo sa akin magbisikleta. Nakatadhana na siguro ito sa aking mga makalyong palad kaya hindi sa aking pinaubaya ang matuto magbike. Darating din yun balang araw... sana now na!

18 comments:

niknok said...

naku hindi ka nag-iisa...may kakilala akong hanggang ngayon di parin alam mag-bike...at nakakafrustrate dahil hindi ko sya maturuan...hahaha

sana makahanap ka nrin ng magtuturo sayong magbisikleta! gudluck!

ek manalaysay said...

tama! hindi ka talaga nag-iisa! ako nga itong physics major na alam ang mga solidong konsepto ng law of inertia, ng balance, ng acceleration at ng gravity eh hindi ko pa din matutunan ang pagbibisikleta! takot din akong masugatan... wala nga akong kasugat-sugat sa braso eh... hahaha... uber kinis pa naman yata ng skin ko! hahahaha!

antonette said...

we each have our own frustrations. it's just that we have to conquer them one by one... for now, maybe they seem to be a lot of them.. however, i believe through time and with our efforts kayang-kaya dba?? hihihi.. smile and god bless!!!

Myx said...

honestly kahit ako hindi marunong magbisikleta.

aba parang ako ay nainspire din haha

http://micamyx.i.ph

Anonymous said...

Wawa ka naman...masaya mabike lalo na kung may truck na rumaragasa sa likod mo. Hahaha. Pero kung mag-aaral kang magbike, humanda kang mapeklatan ang iyong perfect legs. [kung perfect nga legs mo] May sebo de macho naman e. Hahaha :p

Anonymous said...

Hindi ka rin marunong ma-bike????
Wahaaahahahahah kawawawaw ka naman nyahahahahahahaha! Harrrrrrhaaaarrrrrrr bhhhhhhhhhhheeeeeeeelaaaaaaaaat neyhahaha!

Ako din kasi hindi din marunong...wohahaha! kaya di rina ko makalayo ng bahay pero minsan ttry ko din mag-jeep! hehe

wow-USB? Kala ko universal serial bus meaning nun yun pla Unloved since birth....

Billycoy said...

dominique > parang may idea nga ako kung sino yan

yatot > tama, makinis ang ating mga kutis, mas flawless pa tayo kay osang

micaela > very inspiring talaga mga posts ko

bonaks > naku ganun ba? siguro mag-ooverall safety suit ako

LA > Now You Know!!! You learn new things everyday

Jhed said...

Kahit man ako, hindi marunong mag-bike.

Teka, ano ang koneksyon ng hindi pagbibike sa pagiging USB? :P

Anonymous said...

gusto mo turuan kita hahaha!marunong ako kahit mountain bike pa, yung di kataasan kaya ko hehe...

Anonymous said...

ako! nung nag-aaral mag-bike, nahulaan ko na sa ikatlong tumba, siguradong madadaganan na ko ng bisikleta't di makakatalon paalis... ayun... naipit nga. at di na lumaki.

pero marunong magbike! nyahahha!

teka, oo tanong ko din yun:
ANO NGA BA CONNECTION NG D MO PAG-BIKE sa pagka USB mo? at deliciously virgin?

ano daw????

Riker said...

last yr lang ako natuto..sa ccp..yak!! ang pathetic!! hahahahahahahahahahahahahaha.. kaya mo yan billycoy.. papadalhan kita ng instruction manual na si dora the explorer ang narrator.. hahahaha

gingmaganda said...

ako din di marunong magbike e. nag-aral na lang ako mag-roller skates. ehehehe.

at yun pala ibig sabihin ng USB. nyar.

napadaan lang po!

Talamasca said...

Aw. You're so emo. *offers virtual hug*. But that's not so bad, I guess. I mean, there's really more to life than not having the slightest idea on how to ride a bike. At least you can "powerwalk", which I can't do even if the fate of the world depended on it. But I can strut my stuff like you do. But powerwalk? Pfft. Just gimme my freakin' car keys instead!

Unknown said...

loser!


loser!

loser!

loser!


loser!

hahahahaha!

ako din hindi marunong! lola's boy ako dati! precious kid kaya ayaw nila magasgasan! hehe...

Billycoy said...

jhed & andianka > naku, ang laki ng koneksyon hindi niyo lang napapansin, basta ubod ng laki ng koneksyon nun

chino > salamat, pero ayokong maging soulmate si Dora, masyado pa siyang bata para sa akin

talamasca > naku salamat, pero di na rin ako madalas magpowerwalk, mainit kasi, yokong magpawis. pero malakas pa rin ako sa paglalakad.

dotep > belat belat hindi marunong magbike!!! bwahahaha!

Anonymous said...

ako man, hindi marunong mag bisikleta :lol:

Redg said...

Hindi rin ako marunong mag-bike. :| Hanggang dun lang ako sa may training wheels. Kaya hindi din ako palalabas sa bahay. At magaling din ako maglakad. [Yuck, MAGALING?! XD] Okaaaay. Badtrip nga nung fieldtrip namen dati lahat ng mga kaklase ko nagb-bike ako nakaupo lang. LONER. =)))))

sherma said...

hala! bakit ako? marunong magbike pero NBSB ako? huhuhu...