Likas sa mga pinoy ang maging mahilig sa pagkanta. Nasa dugo na nga natin ang pagiging mahilig sa sex... este sa singing. Kaya nga patok na patok sa atin ang mga singing contest gaya ng Tanghalan ng Kampeon, American/Philippine Idol, Pinoy Dream Academy at Pinoy Pop Superstaar!!! Pero hindi lahat ng kumakanta ay blessed, marami din dyan ay sinumpa at tinalikuran ng mga awit at kanta, at karamihan din ay namamatay dahil sa mga awitin. Makarinig ka ba naman ng mga sintunado at mga pumipiyok ay malamang maposess kayo ng mga Spartan at bigla na lang mansibat sa mga mang-aawit.
Kung hindi niyo alam, naging glee club member ako during my puberty period, 13 years old, 1st year highschool. Tenor pa nga ako noon, pero saglit lang stint ko noon, kasi itinatakwil ako lahat ng mga awitin, isinusuka na ako at kulang na lang isumpa at gawin akong palaka. Sayang, hindi ko tuloy napaghusay ang aking singing prowess. Dahil kung sakali, laging babagyo at babaha na kasingtaas ng Enterprise building sa Makati tuwing linggo dahil makikita akong kumakanta sa SOP (Sex Orgy Please) o di kaya sa ASAP (Ako'y Sex Addict Po).
Maraming bagay ang dapat tandaan sa pagkanta upang maperfect at mapuri naman kayo ni Simon Cowell at hindi yung binging kaibigan niyo.
Range of Voice. Nagva-vary yan, depende kasi kung anong genre ang nababagay sa kanta o kumakanta. Kung kumakanta at hindi maintindihan ang mga letra o lyrics ng awitin at tipong nginunguya niyo na ang kanta, masuwerte kayo dahil isa na kayong diva. Kapantay niyo na sina Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston at Regine Velasquez. Ayon sa Rule #1256 of singing, ang mga mataas na kanta/boses hindi na naiintindihan ang lyrics.
Huwag uminom ng malamig na tubig. Instead, uminom ng kumukulong tubig dahil tutunawin niya kung ano mang nakabara at pati lalamunan niyo. Mabuti ang clear throat para talaga namang maabot niyo ang mga tamang tono. Mabuti rin kung samahan niyo na ng chlorox para mas malinis at germ free.
Kumanta sa tubig. Sina Regine at Sarah ginawa ito at magandang gawin rin ito. Nakakatulong kasi ito para sa proper breathing at exercise sa diaphragm kapag kumakanta. Mas maigi ito kung ilulubog na rin ang ulo. Maghanap ng kasama para siya ang magtulak ng ulo niyo sa ilalim ng tubig at i-make sure niyang hindi na humihinga ang nakalublub.
May kantang pamatay at nakamamatay. Heto yung mga kantang pang-suicide at pwedeng gamitin sa mga giyera dahil nagiging warsong din ito. Kaya kung nais ng magpakamatay o gumawa ng gulo, kantahin lang ang "My Way" at "High" at samahan pa ng nakakainis na boses ng kurikong at lagyan pa ng kakaibang kurbada ang boses. Sureball ang gulo sa mga kantang iyan.
Kaya kung sasali kayo sa mga singing contest at kahit sa videoke dyan sa kanto, tandaan lang ang mga bagay na yan. Maghanda na rin ng barong tagalog or any formal dress at ipaghanda na rin ang mga janitor ng mga mop dahil magiging madugo ang kompetisyon.
Wednesday, March 21, 2007
Sing and Die
Posted by Billycoy at 3/21/2007 09:47:00 AM
Labels: Karir, Now You Know
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
hahaha... hindi din naman ganun kagandahan ang boses ko... pero gusto ko pa ding kumanta! gusto ko ngang maging rockista someday eh... kahit sa mga pangarap lang!
kawindang ang mga range of voices... ano yung Rule #1256... at ano pa yung rule nos. 1-1255? hehehe! naalala ko tuloy yung alien na kumanta sa fifth element ba iyon... ung puro ipit na hahahahahaha... Ü
ako ay mahilig kumanta pero hindi ko sure kung love rin ba ako ng mga kanta pero member ako ng choir namin nung elementary... from grade four to grade six! tambayan namin nung high school ay mga booth na may videoke...
bakit di mo nilagay na dapat kumanta sila ng "my way?" doon nila malalaman kung singer ba talaga sila o hindi... pag hindi sya namatay after singing the song, singer sya... pag na-dedo, wala syang career... at wala na tayong magagawa pa doon... =)
ahehe, naging ksali din kao sa choir but only for two years, but i miss singing though..
hahahaha...naku..matry nga kayang uminon ng kumukulong tubig with zonrox..haha...makaimik pa kaya ako nun?! ayos ang mga payo mu YA-KU..haha
kipay
Beterano ka pala sa singing competitions eh!
I've been a vocalist in my band for 4 years now - I just realized I've never joined a singing competition yet.
ano?
wala akong masabi.
haha.
marunong ako kumanta pero di magaling.
alam mo naman na mas gusto ko magaling sumayaw diba? kaya magdance lessons ka na.
sana magaling din akong kumanta...
nag-alto din ako for quite sometime in my highschool days. at masugod na fan ng videoke machine. hmmm...
ang advice? dapat ang nilagay mo (ano na nga yung pangtunaw ng bara sa lababo? yun dapat inumin...) Liquid sosa ba yun? hahaha!
Hahaha ang cute ng picture!!! At ang nakamamatay na venue: videoke bar.
di ka nag-iisa.
may kasama ka.ako din. pero yung ibang katulad natin binaril na pagkatapos kumanta ng my way diyan sa videoke bar sa kanto na may gro sa entrance pa lang.
Well, sa laha ata ng pinoy occassions / holidays / get-together, di nawawala ang videoke. hehe :D
Di rin naman ako magaling kumanta, kaya wala din akong maipapayo. ^_^
Post a Comment